Zaparta's POV "Bwisit ka, Stace." hingal na sumpa ko kay Stace na pinahirap kami sa training namin ngayon. Ngiti ngiti lang sya kasama ang Blue team seniors. "Ano? yan lang ba kaya ninyo?" mayabang na sabi ni Stace. "Mahina." sinamaan ko sya ng tingin. "Ang sakit na ng tiyan ko." sabi ni Math. "Hindi ka makakakain kung hindi mo yan tatapusin." sabi ni Rian. "Hindi naman sa gutom kaya sumasakit yung tiyan ko eh, dahil sa mga pinagagawa ninyo na walang pahinga." sabi ni Math. Madami kaming ginawa ngayon. Una basic exercise, five kilometer run tapos pinagswing nila kami ng tennis rocket na hindi ko alam kung bakit yon ang pinagawa nila samin, isang oras namin na ginawa yon na hindi tumitigil. Kapag tumigil kami, pinapainom nila kami ng ampalaya juice. Pagkatapos non pinagtulak nila kami

