bc

Wildest Dreams

book_age18+
2.7K
FOLLOW
17.7K
READ
escape while being pregnant
second chance
arrogant
badboy
confident
bully
city
enimies to lovers
wife
actor
like
intro-logo
Blurb

Will Weiland choose Adele and child or grab instead his wildest dreams?

WARNING R18+ This story includes vulgar words, mature, and violent content.

Nang maging tutor si Adele ng pasikat na artista na si Weiland ay doon nagsimula ang gulo at init sakanilang dalawa, hanggang sa nagmahalan talaga sila.

Sa lahat ng oras, naka-suporta si Adele para sa pangarap ni Weiland na maging artista. At noong malapit na maabot ni Weiland ang pagiging sikat na aktor, that is where Adele got pregnant.

chap-preview
Free preview
Simula
I didn't expect that my life will not go according to my plan. Tahimik akong nagsusulat sa isang lamesa at inaayos ang papeles nang taong nasa harapan 'ko. I smiled to him, "Pumunta po kayo doon." Turo 'ko sa kabilang banda. Tumango ito at umalis na. Iyon na ang huling taong aasikasuhin 'ko kaya't tumayo na ako para maghanda nang umalis. "Good evening, Ma'am. Ingat po!" Bati sa'kin ng guard noong ako'y paalis na. Nginitian 'ko lang ang guard at tumango. Maga-alas sais na kaya't kailangan 'ko magmadali. I didn't expect that it will turn out this way. My life is very organize. Neat. Pakiramdam 'ko ay walang makakabangga sa'kin dahil kaya 'ko ang sarili noon. I have a high grades, good friends and supportive parents. Hindi man kami mayaman noon ay kaya 'ko itaguyod ang sarili gamit ng talino. Pero may nakaligtaan ako. "Mama!" Wala siya sa plano. I smiled to my daughter Addison Wei. Sinalubong 'ko ang yakap ng anak. I missed my daughter so much! Iba talaga ang may sumasalubong sa'yo pagkatapos ang mahaba at nakakapagod na araw! Napalingon ako sa bahay nang magbukas iyon. Then I saw my mother come out on the room. "Lola! Nandito na si Mama!" Turo pa sa'kin nito. She is very excited. "Oo nga anak. Pumasok na kayong dalawa at malamok," Mama told us. Hinawakan 'ko ang kamay ng aking anak at sabay kaming pumasok sa bahay. Umupo ito sa silya at pinakita ang isang drawing. "Mama, tignan mo." Adi showed me her art. Gustong-gusto ni Adi ang pagd-drawing at magaling siya doon. "Is this me?" Tawa 'ko ng ma-realize na uniform 'ko sa bangko ang nasa papel. Adi laughed while nodding. "Ikaw 'yan Mama. Ang ganda mo kaya pag nakasuot ng uniform mo!" Natawa ako at hinalikan siya, "Aba gumagaling mang-uto ah. Anong gusto ng anak 'ko? Bagong colors? Coloring book?" Umiling si Adi. "Kiss mo lang Ma, okay na." Ang galing talaga ng anak 'ko magsalita. She is so sweet and easy to go with. How she talks reminds me of her father. Ngunit patay na ang kanyang ama. Matagal 'ko ng pinatay sa isip 'ko si Wei. He is living his life very well at halatang kinalimutan na namin ang isa't-isa. "Mama, kain na tayo!" Pag-aya pa nito. Mabuti na lang at namana sa'kin ni Adi ang itsura niya... Their only resemblance is the thick brows. "Uuwi na ako mamaya, Adele. Okay lang ba kayo dito ng anak mo?" Sabi ni Mama habang kumakain kami. "Salamat Mama sa pagbantay..." "Salamat Lola!" Adi second to the motion too. Napangiti na lang ako. Adi looks so well too right now. Hindi na ito kagaya ng dati na hinahanap ang ama. Na naiinggit siya dahil ang kaklase nito ay sinusundo ng kanilang Papa. How she tell me that... minsan ay gusto 'kong sabihin na meron pa siyang Papa. But what if she will be rejected by that selfish moron? I am a fool putting his name on my daughter. Kahit nanganak na ako ng wala siya...Nakakairita. Ayoko ng isipin ang lalaking 'yon. Kahit matagal na, parang walang nagbago. Ganon pa rin ang nararamdaman 'kong galit. Dahil kapitbahay 'ko lang naman si Mama ay hinatid 'ko na ito. While walking, she started to talk about Wei again. "Kailangan mo ng humingi ng tulong pinansyal kay Wei anak..." "Ma, malaki ang sweldo 'ko sa bangko." "Lumalaki na si Addison, anak." "Kaya nagt-trabaho ako ng maigi, Mama." Suminghap ang aking ina. "Pitong taon na si Addison bukas. Talaga bang patatagalin mo pa—" "Madadagdagan pa 'yon, Mama. Wala akong balak ipakilala si Adi." Laban 'ko pa. After all, I raised her alone. Bakit? Dahil hindi ako mahal nang lalaking 'yon. Unfortunately, pag sinabi 'ko sa lalaking 'yon na buntis ako... panigurado na pipiliin niya ang buhay career. Buhay pasarap. Weiland will call me names. Obviously, he loved his career more than me. It's okay. Kahit ganon. Pero ang kalimutan ako habang sumisikat siya... na parang wala lang ako... I am overreacting but... that hurt me. Lalo na nang itanggi niya ako sa lahat. Gusto 'ko na siyang kalimutan. Ngunit pitong taon na ang nakakalipas, masakit pa din... Dahil sakanya, hindi 'ko nakuha ang diploma 'ko sa tamang oras. My life was messed up. My parents are so sad for what happened. I wanted to be a CPA lawyer. But God gave me Adisson instead. Noong una ay hindi 'ko tanggap na magkakaroon ako ng anak. Gusto 'ko din siyang ipalaglag. "Kung ganon, mauuna na ako. Pero tandaan mo Adele, walang sekreto ang hindi nabubunyag." My mother reminded me. I will not let that happened. Weiland should stay where he is. He is already shining and more. I doubt that he will recognize Adisson as his daughter. Ikakasira pa niya iyon ng career niya. My life is fuc.ked up because of that man who love his dreams so much. Binigay 'ko din sakanya lahat ng pagmamahal at suporta at hindi 'ko namalayan na walang natira sa'kin. To the point that I named Adisson Wei because I will use the baby to get back. Maghihiganti ako gamit ang bata. "Mama, nakauwi na si Lola?" Tumango ako. "Ano anak? Maglilinis na ako ah! Tapos maglalaro tayo. Ha? Iligpit mo na ang toys doon sa living room," bungad 'ko sakanya. "Daming utos... okay po Mama!" She giggled and start humming. I was so wicked then. Habang nagbubuntis ako ay purong paghihiganti ang nasa isip 'ko. Hindi ako nag-iisip. But when I heard Addison's first cry, doon ako natauhan. That Addison is too precious. Na masasaktan siya baka pag ginawa 'ko iyon. Pagka-luwal ay tila nabura ang galit 'ko sa lahat at inisip na lang kung paano siya palalakihin. Pagkaluwal 'ko, wala na akong inisip kung hindi siya. "Adi! Mama's ready! Laro na tayo!" This is my favorite part of the day. Ang maka-bonding ang anak 'ko sa gabi bago makatulog. Adi rushed to me then hugged me. "Yehey! Mama, I miss you kaya! Kamusta work mo?" Hindi 'ko hahayaan na may sumira ng plano 'ko para sakanya. At isa sa plano ay hindi sila magkita ng ama. Wei ruined my plans for myself. But I won't let him ruin my plans for Adi. Hinding-hindi ako papayag na pag-fiestahan si Adi dahil isa siyang anak ng batikang aktor. This is a way to protect my daughter and also, he doesn't deserve to know my daughter! Sinira man niya ang lahat sa'kin, hindi 'ko hahayaang gawin niya rin iyon sa anak 'ko. Adi... is a blessing for me. Wei ruined everything, but he gave me something. Adi lit my world and made my heart warm again. So I will protect her at all costs. Hindi 'ko hahayaang maglandas ang dalawa. I didn't expect that way will leave me too... Dahil ang nangyari sa'min noon? "Mama?" Adi called me. Nagising ako sa iniisip. "Anong niiisip mo?" I smiled, "Wala anak..." Hindi 'ko naman pinagsisihan na nagkakilala kami ng hayop na 'yon. Because of him, I had Adi with me. Pero bakit hindi ako ang pinili niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
381.0K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.4K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.5K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.2K
bc

Stubborn Love

read
98.8K
bc

SINFUL HEART (Book 2)- SPG Completed

read
286.6K
bc

Unexpected Romance

read
38.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook