Kinabukasan sa school ay nagpunta ako sa faculty para i-abot ang mga papel. The teachers are all busy with the paper works, pero ang umagaw sa atensyon ko ay si Weiland. Anong ginagawa niya sa faculty? May ginawa ba siyang kabalastugan? Tungkol ba sa grade? Kahit naglalakad papunta sa desk ng teacher ko, ang mata ko ay nanatili kay Weiland. As usual, he is wearing the uniform wrong. Wala na nga siyang coat, 'yong long sleeves niya ay naka-rolyo pa hanggang siko. I sighed inside my head. I wonder why girls fall for him. He is obviously a red flag. Iyong tipo nang lalaki sasaktan ka sabay sorry at babawi, pero uulit pa sa kasalanan niya. Nah. He is actually more than a red flag. Gago talaga siya. "Ms. Ferrer?" Tawag sa'kin ng guro. Nagising ako sa iniisip at mabilis na inilapag ang

