Napalunok ako ng marinig ang Mama niya. Nakakailan na ako kay Weiland ngayong araw! This is a long day for us! Simula sa school na pinagalitan siya—hanggang sa pagsampal sakanya ni Mr. Vegas! I mean, it's so cruel that I don't know how to react! Siguro kasi ay sanay ako na si Weiland ang nang-aapi, at hindi siya ang mukhang kawawa. Ewan! Bastos naman siya! Bakit hindi niya na sinagad at sinagot sila Mr. Vegas na h'wag idamay ang pangarap niya? Ngumuso ako at ipinatong ang siko sa kama niya. Tiningala ko ang lalaki. Malungkot ang mata nito pero pinapakita niya pa rin ang nakakalokong ngisi. Pinaglalaruan niya ang kamay. He is acting like it's okay. Kahit hindi naman talaga. "Alam mo kung bakit ayoko suwayin si Mr. Vegas tungkol sa pagkakaroon ng relasyon sa'yo?" Tumaas ang kilay niya a

