Right. This guy looks very familiar for me. Pareho kaming natigilan at tinitigan ang isa't-isa.
He looks familiar... Pero alam mo 'yon? Hindi ko makuha kung sino siya—right. He got the looks. Parang nakita ko na siya dati.
But that's impossible. Kung nakita ko na siya, siguradong maalala ko 'tong Weiland na 'to.
"What? Do you finally realize who am I?"
Napangiwi ako. Sino ba 'to? Bakit kung makapag-salita siya ay parang akala mo, importante masyado?
I smiled to him, "Hindi sir 'eh."
Weiland's forehead knotted.
"Now you had the audacity to call me sir? Right after you slap me?" He's over reacting! Hindi naman ganon kasakit ang sampal ko!
Nginitian ko si Weiland. Mukhang damulag ang isang 'to—kailangan ko siya pakalmahin.
Halos mamula na ang buong mukha nito sa galit. He is paper as white kaya't kitang-kita ang pamumula niya pag nagalit.
Alanganin akong ngumiti at tumayo.
"Hindi ko naman sinasadya, Sir. Malay ko bang lalapit kayo sa'kin ng ganon—"
"Sinasabi mo bang kasalanan ko pa?" Hindi talaga mapinta ang itsura nito.
I think he have some attitude problems huh. Mukhang mahihirapan ako sa isang 'to.
"Hindi nga sa ganon—"
Tinalikuran ako nito at tinignan ang mukha niya sa salamin. He caress his face while uttering some curses.
Hindi ko naman sinasadya na mapalakas. At isa pa, kasalanan din niya! Sino ba kasing may sabi na lumapit siya ng ganon?
Close ba kami?
"Halika dito," dinuro pa ako nito.
Bakit niya ako dinuduro? Pinapakain niya ba ako?
Pero kailangan ko ng trabaho. Anong magagawa ko!
Wait, tatanggapin ko ba talaga 'to?
"Come here!" He shouted on me.
Kumunot ang noo ko at padabog na pumunta sa banda niya. Who is he to shout on me? Hindi ko pa tinatanggap ang trabaho ha!
Huwag niya akong manduhan na parang pinapa-sweldo na niya!
Nasa likod ako nito habang siya naman ay todo himas sa mukha niya.
"Nakikita mo ba 'to?"
Kumunot ang noo ko ng wala namang mapansin sa balat niya. Ngumiti lang ako bilang sagot.
"Answer!" Padabog itong humarap sakin.
Natawa ako. Talaga bang ganito kagaspang ang ugali nito?
"Bakit sir? May nagawa ba akong mali?"
"Hindi mo ba talaga nakikita 'to?" Turo niya ulit sa pisngi.
Umiling ako.
"Bakit ka nakangiti? Namimilosopo ka ba?"
Napanganga ako at umiwas ng tingin. Nakakainis ang ugali nito. Anong problema niya? Bakit nakataas ang tono ng boses niya lagi?
"Look what have you done to my face! You definitely ruin it!" Gigil na sigaw nito.
Kumunot ang noo ko at tinignan ang pisngi nito. Wala namang nasira! Paano kaya pag sinuntok kita? Doon masisira yan!
Natawa ito ng hindi ako sumagot.
"Are you blind? Deaf? Bakit hindi ka sumasagot?" Tulak nito sa'kin.
Napanganga ako sa inasta nito.
"Ha?"
"Sumasagot ka naman pala 'e! Tignan mo ang ginawa mo sa mukha ko!" Aniya at muling nilingon ang sarili sa salamin.
Puta, gwapong-gwapo sa sarili? Wala namang problema sa mukha niya!
Nagulat ako ng ilapit niya sa'kin ang gilid ng mukha niya.
"Just look at it very carefully, may galos 'yan," he assured. Yumuko pa ito ng konti para pumantay ang mukha niya sa'kin.
Gaya ng sabi niya, tinitigan ko ang pisngi nito. He's right. I can commend his eye. Ganitong maliit na pula lang ay napansin niya pa.
Ilang saglit lang ay umayos siya ng tayo at tinignan ako.
"Are you trying to act like blind? Nagpapansin ka ba miss?" Aniya at tinignan ako mula ulo hanggang paa.
Napanganga ako. Ibang klase ng kakapalan ng mukha ang pinagsasasabi niya. Nakakagulat!
"Gusto mo ba ako?"
"Ha?!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. At saan naman 'yon nanggaling? Kupal talaga!
"May camera ba dito? Baka mamaya magkalat ka pa ng fake news!" He chuckled.
Napanganga ako lalo. What is he talking about?
"Excuse me?"
Naka-pameywang na ito sa harap ko. Halatang natatawa sa nangyayari—while me? I feel so cery offended! What is he trying to say?
"Don't try to act, Miss. I know better," iwinagawayway pa nito ang kamay niya. "Hindi ko alam na aabot sa ganitong punto ang fans ko."
Excuse me? Did he just call me his fan? Sino ba 'tong kupal na 'to at napakayabang?
"Teka lang, I am not following. What do you mean?"
Weiland, grab my waist. I was surprised for a moment.
Weiland put a smirk on his face, at swear. Gusto kong burahin ang buong mukha niya.
"You like me huh. Umabot ka pa sa ganitong punto na nag-apply ka pa bilang tutor ko." He tried to sound sexy.
Masasapak ko na 'tong puta na 'to—I prevent myself. Ayoko mawalan ng trabaho—but he is messing around! Hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ang pagtitimpi ko!
Ngumisi siya, "Am I right miss?"
Ngumiti ako pabalik at tinulak siya. Mukha namang nagulat ito—but I acted cool.
"Pasensya na, hindi ko alam ang sinasabi mo."
Tumawa ito, "Did I hurt your feelings? Pasensya ka na. Pero hindi kita type. But I can sign your uniform."
"Huh?"
This guy... is very surprising. Ang dami niyang kakaibang pinapakita sa'kin.
May saltik 'ata siya. Oo. Hindi na 'ata—sigurado akong may saltik siya.
"Sorry to burst your bubbles, pero hindi ko talaga alam 'yang pinasasasabi mo. Nandito ako para mag-trabaho—"
"Oh come on!" Nagulat ako ng hilahin niya ang balikat ko at sinulatan. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.
What the actual fuck... Sinusulatan niya ang damit ko gamit ng marker!
Mabilis kong sinuntok ang mukha nito—diretso sa ilong. Bumagsak naman siya at nagsisisigaw.
"What the fvck is your problem?!"
"You! What the fvck is your problem?! Bakit mo sinulatan ang damit ko?! Talaga bang gago ka? Alam mo bang mahal 'to?" I am so frustrated!
"Mahal?! You nuts!" Napangiwi ito at humawak sa ilong. "I am going to sue you!"
"Sige, sue me! Putang ina mo, hindi naman kita kilala pero ang yabang mo! Kanina ka pa!"
Nanlaki ang mata nito. "Ako? Hindi mo kilala? That's impossible you retard!"
Natawa ako at umupo sa tapat niya.
"Ako? Retard? Gusto mo bang basagin ko 'yang mukha mo—"
"Hindi ka ba natatakot sa pwede mangyari sa'yo, huh?"
Ngumisi ako, "Ang yabang mo nga 'e. Para kang sikat. Sigurado ako, kilala ka ng iba. Do you want to have a scandal?"
Napanganga ito. Natahimik. Ngayon, nawala na talaga ang kayabangan sa mukha niya. Argh. Ang satisfying tignan pag mukha siyang kawawa!
"Sinasabi ko na nga ba...at magkakalat ka lang—"
"Anong iniisip mo? Pagkakalat ko na may relasyon tayo? I will tell everyone that you touched me without my consent." Ngisi ko bago tumayo.
Kinuha ko na ang aking bag. This is a wasted opportunity—pero hindi ko kayang pakisamahan ang ganitong klaseng tao. Ang sahol ng ugali.
Napakayabang!
"You evil witch! Tingin mo maniniwala sila sa'yo? Sino ka ba—"
"Hindi naman sa pagmamayabang pero I have my own reputation in school. Running for valedictorian. Sa tingin mo, bakit ako magsisinungaling?" I smiled on him.
Sumama naman ang itsura nito.
"Isa pa, hindi kita kilala. I am not your fan! Sino ka ba? Now, I have to wash my clothes!" I gritted my teeth in annoyance.
Habang nakanganga naman si Weiland—dumudugo ang ilong.
"Look what we have here..."
Nanlaki ang mata ko ng bumukas ang pintuan at iniluwa noon ang tatay ni Weiland.
"Treat my son," wika nito.
Napalunok ako. Dapat pala ay hindi na'ko masyado naglagay ng maraming linya kanina!
Nahuli pa tuloy ako bago makaalis.
Hindi bale na, sasabihin ko na hinawakan ako ng Weiland na 'yon. Sa itsura pa lang ng tatay niya, mukha namang hindi niya kinukunsinti ang halimaw na 'to.
"Dad, this young girl just punched me on my face!" Sumbong niya sa tatay.
Iyakin naman! Ang laking-laking tao!
"Go get him out," utos ni Mr. Vegas.
"Dad, sue that girl! Where did you even get that freak—" Natigilan si Weiland ng tignan ko ito ng masama. "Kung hindi ka lang babae—"
"Stop it, Wei. Go," paalis ng tatay nito.
Bago pa tuluyang umalis si Weiland ay nagkatinginan kami nito. The man glared on me. Inirapan ko lang siya.
Nakatingin lang sa'kin si Mr. Vegas. Oh no, kakasuhan ba talaga ako nito imbes ang sarili niyang anak?
Hay, how rich family works really sucks! I need to defend myself. Wala akong pangbayad sa piyansa.
"Mr. Vegas, hindi ko po sinasadya—"
"Do you really not know my son?" Paninigurado ng ama nito.
Tumango ako. I really don't know his son. Sino ba 'yon? Ang yabang-yabang
"I'm sorry for what he have done to you—Do you still like to work here?"
Nanlaki ang mga mata ko.
"I mean, my son is really hard to tame. I am okay kahit saktan niyo siya, basta matuto ang isang 'yon." Umupo ito. "I'll raise your salary. How about that?"
My eyes widened. Oh? I still have the opportunity kahit binalian ko ng ilong ang anak niya?
"I'm really sorry for what he did. Kulang talaga iyon sa tamang asal—that's why I hired a lot of tutors to teach him that," tawa pa nito.
Napangiwi ako. That's awful. Manners lang, hindi alam ni Weiland?
"He's a petty actor," he told me. "He's still claiming na kilala siya ng lahat. I am sorry for what happened. Nakakahiya."
Tumango ako. "Okay lang po. Nakaganti naman ako." Ngiti ko na lang.
Ngumisi ito.
"Sana ay tanggapin mo ang trabaho. I am getting tired of finding him a tutor. Maybe he needs a tutor na matapang. Kagaya mo," he acknowledged.
Matapang? Ako?
"Kinakaya niya ang mga tutor niya. That's why I asked for younger but he dated them instead. Seduce. Mukha namang hindi mo gusto ang anak ko..."
Ngumiti ako. "No offense po. Hindi talaga."
Tumango ito. "I hope you consider. Call me when you think about it."
Tumango ako. "Thank you sir—"
The door slammed. Nakita ko si Weiland doon. Masama ang tingin sa'kin habang hawak ang ilong niya.
"Dad! Sue that girl! I think my nose broke!" Weiland beg to his father.
I can't believe him... Talaga bang magka-edad kami ng lalaking ito?