Kabanata 39: My girl

2141 Words

If you want to test your man's loyalty, give him power. Iyan ang isa sa bagay na pinaniniwalaan ko. Kung gusto mo malaman kung mahal ka ba talaga ng lalaking mahal mo, he should have it all. At tignan mo kung lilingunin ka pa ba niya o babalikan. Weiland didn't disappoint me. Ako pa rin hanggang ngayon. Isang taon na ang lumipas simula nang relasyon namin, but he is still coming for me. Ang kinaibahan noon ay hindi na siya nakatira sa'kin. Nag-usap kaming tatlo ng manager niya, at pilit pa siyang tumira sa condo! "What did you do to this boy, Adele?" Natatawang tanong ng manager niya noong nagmamaktol ito dahil pareho na namin siyang pinipilit umalis. Natawa na lang ako sa tanong ng manager. Hindi ko din alam. I just gave him what I have. Walang labis at kulang. Suportado ko ito.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD