Natulala ako noong sabihin iyon ni Weiland. "Kayang... tanggalin ng halik ko ang iniiyakan mo ngayon," bumaba ang ulo nito at inilapit ang mukha sa'kin. Seryoso ba siya? "Gago ka ba talaga?" Sinubukan kong hilahin ang braso ko, pero ayaw niya bitawan! Sinamaan ko siya ng tingin, habang siya naman ay tuloy lang sa pagngisi. "Weiland, bitawan mo ako!" "Why are you crying here? Alam mo bang susundan kita?" Kumunot ang noo ko. Ang kapal talaga ng balat niya sa mukha para sabihin 'yon! "Bakit ko naman gagawin 'yon? Ano ako, baliw?!" Pilit akong pumapalag sakanya. "Weiland!" "Pahingi ako ng kiss," nang-aasar ito sabay nguso. Napatigil ako sa pagpalag. Feeling ko ay tumaas lahat ng balahibo ko sa katawan. "Talaga bang rapist ka na ngayon?" Natawa siya at naningkit ang kanyang mata.

