AWKWARD.
Iyon ang mararamdaman sa pagitan nila ni Trevor sa nakalipas na ilang araw pagkatapos niyang umamin rito ang tunay na damdamin. Wala itong naging solidong reaksyon sa pag-amin niya. He simply did not say anything about it. Mahirap namang hulahan kung ano ang tumatakbo sa isip nito. Minsan nga ay pakiramdam niya na napipilitan na lang itong tapusin ang dalawang linggo na bakasyon nila. Oo at inaaya pa rin naman siya nitong mamasyal ngunit hindi sila nagkikibuan.
Katulad ngayon, inaya siya nitong mangisda sa dagat. Here they are, on a fishing boat, in the middle of the big and large ocean. Para silang mga estranghero sa isa't-isa na napilitan lang na magkasama dahil kailangan.
Bakit ka ba kasi umamin ng gano'n-gano'n lang, Berry? Nagtimpi ka man lang sana! O, eh, ano ka ngayon? Back to zero? Iyon ang pulit-ulit na naririnig niyang sita nang isang maliit na boses sa kanyang isipan sa tatlong araw na nakaraan.
Gustong murahin ni Berry ang sarili, pero para ano pa? Alangan namang bawiin niya ang pag-amin dito? Ayos na sa kanya ang gan'to. At least, she won't have to deny or hid her true feelings about him anymore. Bawas sa bigat ng dibdib kumbaga.
"Berlin..."
Muntik na siyang mapatalon sa gulat nang marinig ang boses nito. Hinawakan niya nang mahigpit ang pamingwit saka ito nilingon.
"Bakit?"
"Why?"
Kumunot ang noo niya sa tanong nito. "Why what?"
Sinabayan nito ang pangungunot ng noo niya. "Were you serious?"
“Saan?”
“Sa sinabi mo.”
Ang g**o na naman ng kumag na ito, eh! "Alin doon? Be specific, Trevor. I beleive---"
"About your confession."
Ay, naku po! Hindi niya napaghandaan iyon! Bakit ba nito tinatanong?
"Bakit?" tanong niya upang ikubli ang nerbiyos.
"Ano'ng bakit? I'm asking you," demanding na sabi nito.
Heto na naman siya sa pagsusungit! Nakakainis! "Bakit mo nga tinatanong?"
"Gusto kong malaman," parang nawawalan nang pasensyang giit nito.
"Bakit nga?"
"Berlin." He seriously looked at her. Based on his facial expression, he is genuinely annoyed.
Napabuntong-hininga naman siya. "Oo na, sige na! Seryoso ako na gusto na kita, okay? Eh, ano naman ngayon sa'yo? Wala naman, 'diba? Hindi naman ako nagde-demand na gustuhin mo rin ako dahil nga hindi mo pa kaya. I know you are still a brokenhearted man, but hey, I can't control my heart if it chooses you, right? It's not as if---"
"Okay na," putol nito sa kanya.
"Ha?" awang ang mga labing tingala niya rito. "Ano'ng okay na?"
"Okay na. Nasagot mo na."
Ay, peste! Marahas na ibinaling niya sa dagat ang atensyon. Buwisit na lalaki! Sa dami nang sinabi niya ay iyon lang ang kaya nitong sabihin? Buwisit talaga!
She was trying hard to ignore his burning gaze on the side of her face by concentrating too much on her fishing kit. Bakit nakatitig na naman ito ngayon sa kanya?
Bigla niya itong nilingon at sinalubong ang mga mata nito. "Why are you staring?"
Trevor raised a brow, a slight amusement sparked in his eyes. "Nothing. Ituloy mo lang ang pamimingwit. Wala ka pang nakukuhang isda kahit na isa."
Naningkit ang mga mata niya. "Inaasar mo ba ako?"
"No."
"Then don't stare!"
Itinaas ni Trevor ang dalawang kamay sa ere tanda nang pagsuko. "Ang init nang ulo mo," sabi nito bago siya iniwan at lumipat sa kabilang parte ng bangka.
How ironic! Lumipat nga ito pero magkalapit pa rin naman sila. Sunod-sunod na malalalim na hininga ang pinakawalan niya bago kumalma ang mabilis na t***k ng kanyang puso.
Kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Wala na siyang balak pang tapusin ang bakasyong ito, upang mas maaga siyang makapag-move on mula sa kahibangan niyang ito.
Yep, that's probably the best thing to do. Kakausapin na niya mamaya si Trevor tungkol dito.
Naalala niya tuloy sina Bern at Trei. Kumusta na kaya sila? Hindi kaya inaamag na sila sa Vet Clinic? Medyo nalimutan niya ang dalawang tuta. Pakiramdam niya tuloy ay naging iresponsable siyang ina sa mga ito.
Iniangat niya ang pamingwit na hawak at inalapag sa tabi niya. Tiningala niya ang kalangitan at napangiti. Such a beautiful and clear sky. Mabuti na lang din at hindi masyadong masakit ang sinag ng araw. Napapangising humiga siya sa bangka. Matutulog na lang siya tutal at wala namang isdang pumapatol sa bingwit niya.
"Berlin, hindi ka puwedeng matulog dito..." Narinig niyang sita ni Trevor pero nanatili siyang nakapikit.
"Hmmm?" was her only response.
Hindi na niya masyadong naintindihan ang simabi nito dahil tuluyan na siyang hinila nang antok.
DAIG pa niya ang kinuryente sa biglaan niyang pagbangon. Agad na sumalubong sa kanya ang ilaw na nagmumula sa bombilya sa sala. Berry knotted her forehead. Tumayo siya sa sofang kinahihigaan at tinungo ang bintana saka hinawi ang kurtina niyon.
"Gabi na?" gulangtang niyang untag nang makita na madilim na sa labas. Ilang oras ba siyang nakatulog?
Nilingon niya ang sofa at napakagat-labi. Walang duda na si Trevor ang bumuhat sa kanya hanggang sa sofa. Iyon lang kung nagkusa siyang naglakad at nahiga kahit na tulog.
Ano ba itong ginagawa ni Trevor sa kanya? Bakit ba ang sweet nito sa kanya minsan? Binuhat pa siya, eh, samantalang puwede naman siyang gisingin na lang. Hay talaga.
Paano niya ito kakalimutan kung gan'to naman ang ipinapakita sa kanya?
Girl, golden rule... Don't assume! Sawi ang irog mo, sabad ng mahinang boses sa utak niya.
She sighed. Right. Bakit ba niya iyon laging nakakalimutan?
Berry went to the door to find Trevor. She needs to talk to him about her plan on going back. Nakita niya ito sa veranda at nagpapahangin. Sumandal siya sa pinto at pinagmasdan ang likod nito.
Bakit ba kasi ang dali kong nahulog sa iyo? Wala naman sa plano iyon, eh, bulong niya sa isip.
Ngunit nangunot ang noo niya nang mapansin ang hawak nitong isang lata ng beer sa isang kamay habang ang isa naman ay ang cellphone nito. He's looking at its screen. Parang may gusto itong tawagan pero nag-aalangan.
Then he put the cell phone against his ear. Nagdesisyon siyang mamaya na lamang itong kausapin. She was about to turn around when she heard him speak.
"Sarah..."
Natigilan siya. Hindi siya makagalaw sa kinatatayuan sa narinig. He's calling, Sarah, Berlin! Warning bells started to ring in her head. She swallowed and decided to stay since her feet wouldn't move.
"Nasaan ka? Puwede ba tayong magkita?" tanong nito bago lumagok ng iniinum na beer. "Not tonight. Yeah. Okay. I'll see you tomorrow. Yes. Bye."
Something squeezed her heart from the conversation. Naikuyom niya ang mga palad upang pigilan ang sabog nang damdamin. She quickly walked her way to the kitchen when he moved. Baka ano pa ang sabihin nito kapag nahuli siyang nakikinig sa usapan nila ni Sarah.
Dumiretso siya sa sink at naghilamos ng ilang beses. Tears badly wanted to stream down her face. Ilang ulit siyang humugot at bumuga nang malalalim na hininga upang kalmahin ang dibdib. Hindi siya dapat na umiyak. Wala siyang dapat na ika-iyak.
Trevor's not hers.
"Ang tanga mo rin, Berlin!" gigil na sambit niya. "Bakit ba hinayaan mong mahulog ka sa lalaki na 'yan? s**t ka! s**t ka!"
"Gising ka na pala."
Marahas niyang nilingon ang nagsalita. Trevor opened the refrigerator to get another of his beloved beers. Hindi ito nakatingin sa kanya kaya hindi nito pansin ang pinagdadaanan niya.
"I need you to pack your things tonight. Maaga tayong aalis bukas para mas maaga rin tayong makabalik. I have important meetings to attend tomorrow." He popped the can then drank from it.
Bahagya itong lumayo nang hawiin niya ito sa harap ng refrigerator at siya naman ang dumampot ng beer sa loob niyon. Walang sere-seremonyang binuksan iyon at nilagok. Napapikit siya nang sumayad sa lalamunan ang pait na lasa niyon. She did not stop though. Tuloy-tuloy siya hanggang sa maubos ang laman ng lata.
She was in her third can when he stopped her. Kinuha nito ang beer mula sa kanyang kamay nang itutungga niya iyon.
"May problema ka ba?" malalim ang kunot sa noo nitong tanong.
Umismid siya. "Wala. Masama bang samahan ka sa pag-inom?" medyo hilo niyang sagot. Pero syet, kahit siguro mahilo siya ay mananatiling puge ito sa paningin niya.
"This is enough," saway nito nang tangka niyang kuhanin muli ang lata na kalahati pa ang laman.
Iwinagayway niya sa ere ang isang kamay. "Aysus! Huwag ka ngang magkunyaring concerned ka kung bakit ako umiinom, Trevor!" Inabot niya ang beer ngunit muli nitong inilayo. "Akin na 'yan! Isa!"
The knot on his forehead only deepened. Mataman din itong nakatitig sa mukha niya.
"What is wrong with you?" bulyaw na niya nang ayaw pa ring ibigay sa kanya ang beer. Alam niyang mali itong ginagawa niya pero sa kabilang banda ay matapang na inuudyukan siyang gawin iyon.
"Nothing's wrong me with me, Berlin. Ikaw itong mayro'ng problema." Ibinasura nito ang lata pati na rin ng kasalukuyang nitong inumin tapos saka siya hinarap. "What's your problem? Come on, tell me."
She gritted her teeth. How dare he asked her what is her problem? Tumaas ang dugo niya sa ulo.
"Wala!"
He crossed his arms over his chest, looking at her disapprovingly. "So why the sudden change of behavior? Bakit ka nakasigaw?" kalmado nitong untag sa kanya.
Ang unfair! Bakit ang kalmado pa rin nito samantalang siya ay kinakain na nang selos?
"Kasi wala akong problema pero ipinipilit mong mayro'n! Wala akong problema, okay? Wala akong problema kung magkabalikan man kayo ni Sarah! At wala rin akong problema kahit pa bukas ay magpakasal na kayo!"
Trevor just looked her in the eye after her sudden outburst. His face was void of any emotion... Ang tanging mababanaag mo lang ay ang kaseryosohan nito.
She wanted to take back everything that she said. Pero hindi niya kaya. Nahihiya siya. Tinatagan niya ang dibdib at nakipagsukatan ng titig dito. "You need sleep," mayamaya ay saad nito. Nanatiling walang emosyon ang mukha.
"Kagigising ko lang."
"You need more sleep." He stressed out the word more.
Matapang na nilampasan niya ito. "Fine," was all she said before quickly walking away.
I really need to get over him, she thought as she pack her things.