BUMUNTONG-HININGA siya. Hindi niya alam kung pang-ilang hinga na niya iyon ng malalalim. Ang bigat kasi nang nasa dibdib niyang emosyon. Habang binibilot niya ang kapas para gawing cotton balls ay hindi niya maiwasang isipin si Trevor. Limang araw na siyang nakabalik sa trabaho at walang araw na hindi niya ito naiisip.
Mag-isa niya ngayon na naka-duty dito sa Emergency Room dahil kaunti naman ang kanilang pasyente. This is their routine in the hospital. When patients are below twenty, isa lang ang duty na nurse sa ER, isa rin sa OR at isang nursing assistant, ang tig-dalawa naman sa dalawang nurse stations, both the first and second floors. Tig-isa lang din sa Laboratory, Pharmacy at Radiology departments. And of course, mayro'ng isang Physician on duty. The rest ay on call na.
"Mag-isa ka lang?"
Naulinigan niya ang boses ng doktor na kalalabas lang sa doctor's quarter na katabi ng mini-operating room. Nginitian niya ito. "Yes, doc.. Gan'to po ang routine rito sa ospital kapag wala pong masyadong pasyente," paliwanag niya. Bago lang kasi ito sa ospital dahil galing ito nang ibang lugar.
Humila ito ng isang plastik na upuan saka naupo ro'n. Guwapo si Dr. Keiran Anderson. Kung mas maaga niya siguro itong nakilala ay baka ito ang pinagpapantasyahan niya ngayon gaya nang mga kasama niyang nars.
"Multi-tasking?" magaan na untag nito habang pinapanood ang kanyang ginagawa.
She wrapped the last batch of cotton balls. "Yes, doc. Usong-uso po, eh." Isinilid niya ang mga iyon sa plastik saka ito hinarap. "Bakit hindi ho kayo magpahinga habang wala pong pasyente? Baka pagod ho kayo. Seventy-two hours pa man din ho ang duty mo, doc."
Keiran smiled, showing off his white sharp set of teeth. "I'm doing okay, Berry," he said, chuckling. "Huwag mo akong alalahanin dahil sanay na ako sa diretsong trabaho at walang tulog. And besides, it's still early."
She glanced on her wristwatch. It read ten thirty in the evening. Ngunit hindi siya nagbigay ng komento. Nag-ayos na lamang siya nang mga patient charts dahil may mga OPD kanina. Ibibigay niya kasi iyon sa OPD nurse bukas.
"Kumusta na ang pasyente mong inalagaan?"
Napaangat ang ulo niya sa tanong nito. Kunot ang kanyang noo. "Sino po doc.?"
"The one that was a victim of vehicular accident," he stated.
Lalong lumalim ang gatla sa noo niya. Paano nito nalaman iyon?
"Oh..." Mukhang nakuha naman nito ang pagkalito niya. "Dr. Rosete explained to me. Nang mapadaan kasi kami sa hospital organizational chart, ay doon niya ipinakilala ang mga walang empleyado nang hospital."
She set down the pen on the chart to fully look at him. Hindi niya maiwasang mapangiti rito. "Ah, yes doc., I had to take care of Trev---" She stopped and cleared her throat. "Someone. Kaya medyo matagal din po akong nawala rito. Pero medyo maayos naman po ang kalagayan niya. Infact he's doing well now."
Hindi niya ipinahalata na medyo sentimental ang topikong iyon sa kanya. But then Dr. Keiran was not a doctor for no reason. He could clearly read between the lines, because he had let out a knowing smile.
"It's okay to get attached to our patients, Berry. And sometimes, we develop feelings for them," makahulugan nitong saad.
Namula naman ang kanyang mga pisngi dahil tinamaan talaga siya. "Naku, doc. wala naman pong gano'n na nangyari," kaila niya.
Yan, diyan ka magaling, Berry. Ang magkaila! sita nang isang boses sa utak niya.
Doc. Keiran shrugged, still smiling. "But it happens, right?"
"Ahm, may posibilidad naman po. Nangyari na po ba iyon sa inyo?"
Saglit itong nag-isip. "No, not yet. I just have a friend that really fell in love with his patient."
"Really? What happened?" simple niyang tanong, nagbabakasakaling mayro'n siyang mapulot na tip o aral sa usapan nilang ito.
"Interested?" He raised up an eyebrow.
Tipid naman siyang ngumiti. "Gusto ko lang pong malaman kung ano ang nangyari, doc. Tutal naman po ay walang pasyente, kaya i-share mo nalang po para hindi po tayo parehong antukin," palusot niya.
Hinahangaan niya ito dahil hindi ito mahirap o nakakailang na kausap. He is not like other male doctors. He is very comfortable to be with. Kung hindi nakakahiyang sabihin ay gusto niya itong kaibiganin.
"Sure... This is what happened," he started. "So this friend of mine fell in love with his unavailable patient or let say a girl that was mending a broken heart..."
Shit! Unang parte palang ng kuwento ay tagus na agad sa dibdib niya. She focused on him.
"He helped her with her sickness, both physically and emotionally. Then they became friends. And when he thought it was the right time to tell her his feelings for her, the other guy came into the picture again and tried to re-communicate with the girl. The girl went for it, you know, completely forgetting my poor friend. And the ending is they got back together, married each other, and had my friend as their best man," he finished.
Napakurap siya. "Just like that?"
"Yes." He clicked his tongue. "Just like that."
"Walang happy ending?"
Natawa ito. "That's a happy ending. At least for the girl and the guy."
Gosh! Gano'n din ba ang magiging ending nila ni Trevor? Ah, ayaw niyang isipin.
"What happened to your friend then?"
"He found the right woman eventually. He's happily married now too." Ngumiti ito. "It is okay to fall in love and get hurt over and over again. Huwag mo lang kalilimutang mag-move on dahil mayro'n at mayro'ng nakatakda para sa'yo."
Napatitig siya rito. Para kasing may nakikita na siyang halo sa tuktok ng ulo nito. "Kung makapagsalita ka, doc., parang ang dami mo nang karanasan sa pag-ibig, ah," biro niya, upang mawaglit ang negatibong enerhiya na naglalaro sa kanyang utak.
"I dunno. I get that a lot." He snickered. "But no, I still have no experience in loving a person that much."
Sinuri niya ito nang tingin. "Why?" she asked, totally puzzled. "How come?"
Pero tumayo na ito. "Kailangan ko nang mag-rounds," saad nito at ngumiti. "Call the nurse station if a patient comes in, okay?"
Napatango nalang siya saka pinanood ang likod nitong palayo. Napaisip tuloy siya kung may pinagdadaanan din ba ito sa pag-ibig.
Then her mind went back on Trevor. Ano kaya kung tawagan niya ito at kamustahin? Wala silang kibuan noong ihatid siya nito sa kanilang bahay. Seryoso lang ang mukha nito at sa tuwing mapapatingin sa kanya ay kunot ang noo nito. Lagi tuloy siyang umiiwas ng tingin.
Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang bag. Hindi naman siguro kalabisan kung tatawag siya rito. Kagat ang mga labing pinindot niya ang call button sa numero ng binata.
Abot-abot ang kaba sa dibdib niya habang hinihintay na sagutin nito ang tawag niya.
"Berlin?"
Her heart did a summersault upon hearing his voice. Humigpit ang hawak niya sa cellphone. "Ah... Eh... Ano..."
"Ano 'yon, Berlin? Gabi na, ah."
Nakakainis! Bakit ba ang lamig-lamig mo sa akin?
"Ahm, w-wala naman, Trevor. Ano--aksidente lang na napindot ko ang call button. Sige, pasensya na. Good night!" taranta niyang sabi saka tinapos ang tawag.
Napapikit na itinapat niya ang kamay na may hawak ng cellphone sa kanyang dibdib. Anak naman talaga ng butiki, oh! Bakit ko ba siya tinawagan? Berlin! Berlin! Isa ka nang tunay na baliw!
Napamulagat siya nang umalingawngaw ang ringtone niya sa buong kuwarto. Si Trevor ang tumatawag! Taranta na naman ang utak niya!
Sasagutin ba niya?
O hindi?
Pinindot niya ang answer button. "Hello?"
"Why were you calling, Berlin?" tanong nito sa mababang tinig.
Lagot na!
Kinamot niya ang batok. "Sinabi ko naman na sa'yo ang--"
"Was it really the reason?"
Ay, punyeta! Bakit hindi mo nalang tanggapin ang paliwanag ko?
"Oo. Hindi ko talaga sinadya." Nakagat niya ang dulo ng ballpen sa nerbiyos.
Saglit na natahimik ang kabilang linya. She was about to end the call when he spoke again. "Where are you?"
Na-stuck ang dulo ng ballpen sa pagitan ng mga ngipin niya dahil sa tanong nito. Tama ba siya nang pagkakarinig na may bahagyang pag-aalala sa boses nito? O imahinasyon na lang niya 'yon?
"Ha?"
Bumuntong-hininga ito. She could imagine him knitting his forehead. "Nasaan ka?"
Pinakawalan na niya ang ballpen. "Nandito ako ngayon sa ospital. Duty ako ngayon, eh."
"Kumain ka na ba?"
Again, she's frozen by that question!
"Ahm---"
"Forget it," putol nito.
Anak ng pating! Tatanungin siya nito tapos susungitan? Hah!
Magrereklamo sana siya ngunit dumating si Doc. Keiran. "Berry, katukin o tawagan mo ako sa telepono kapag may pasyente. I just need to make calls, okay?"
Bahagya niyang tinakpan ang mouthpiece ng cellphone niya. "Yes, doc."
Tumango si doc. Keiran bago pumasok sa doctor's quarter. Madali niyang itinapat muli ang cellphone sa tainga niya.
"Berry huh?" Trevor said.
"That's my--"
"Nickname," pagtatapos nito sa sasabihin niya.
"Oo. Bakit ba ang hilig mong putulin ang mga dapat kong sasabihin? Kainis ka, ah!" hindi niya napigilang wika.
Pero hindi nito pinansin iyon bagkus ay iba ang sinabi nito. "May duty ka ba bukas?"
"Ha? Wala. Bakit?"
"May pupuntahan tayo."
Tumaas ang kilay niya pero kinikilig siya. "Saan naman?"
"Kaarawan ni Seb bukas at pinapasabi ni Sassa na isama raw kita."
"Eh, bakit parang labag na labag sa loob mo?"
"Ayaw mo?"
Ay! Nakakainis na to the highest level!
"Sinabi ko ba? Ano'ng oras?"
She heard shuffling in the background. "Ten in the morning so I'll pick you up at nine. Is that clear?"
She muttered muffled noises because of the way he talks to her. Bigla kasing parang sweet ito tapos magsu-switch at biglang cold na naman.
"Mas malinaw pa sa mineral water. Formal ba 'yan?"
"Casual. Just be casual."
"Okay."
There was a pause for a moment. "Okay then."
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Sige."
"Good night."
Gusto niyang magtititili sa kilig! Halos maihi na siya sa pagpipigil no'n. "Good night too."
Then the line went off. Hay, irog! Simple ka rin talagang magpakilig! See you tomorrow...