“HUWAG mong masyadong titigan at baka matunaw.” Hindi pinansin ni Berry ang mapanuksong si Khyryu at ipinagpatuloy lamang ang pagtitig kay Trevor na kasalukuyang nakikipag-meeting sa mga kliyente nito sa loob ng Oreo’s. She even waved and sweetly smiled at him when his eyes trained to her. Natawa siya ng bahagya nang makita ang pagtikhim nito. Narito rin siya dahil bibisitahin niya sana ang binata ngunit hindi niya ito nadatnan sa opisina. Mabuti na lamang at nandoon ang bagong sekretarya nito at sinabi kung nasaan ang binata. Ilang araw niya rin kasing hindi nasilayan ang guwapo nitong mukha pagkatapos ng insidente sa parke. Pagkatapos nilang magka-aminan. Dahil naging busy ito sa mga kasong hinahawakan. Siya naman ay naging abala rin sa trabaho dahil sa paglobo ng maga pasyente. So she

