“SO this is your idea of a date?” Natatawang inayos ni Trevor ang kanyang suot na proteksyon sa ulo. “You’ll be fine. Kinaya mo nga ang pagsakay sa roller coaster ride. Ito pa ba?” Pinanlakihan niya ito ng mga mata pero nginitian ang safety officer s***h tour guide na abala sa pag-aayos ng kanyang body harness. Bigla na lang kasi nag-aya ng date ang binata. Hindi naman niya alam na extreme sports din pala ang pupuntahan nila. Nagsisisi tuloy siya na sa amusement park ito dinala noon. Pakiramdam niya kasi ay gumaganti ito. “Pero iba ito dahil maglalambitin ako sa ere. This is going to be the death of me,” usal niya saka bahagyang nanginig. She knew she is safe with the roller coaster ride, but the zip line? Nah, paano kung mapigtas ang harness niya? She will be dead for sure. Sa taas ba

