CLEO's POV~ Hindi ko natawagan si Vana kagabi para sabihin ang sinabi sa akin ng prof ko kahapon about sa contest na yun. Naisipan ko kasing sabihin nalang sa kanya sa personal para mas makapagusap kami ng maayos. Kapa-park ko lang ng motor ko at didiretso na ako sa classroom ko, ite-text ko nalang siya na magkita kami sa garden mamayang free time dahil may imporatante akong sasabihin sa kanya. Pumayag naman kaagad siya at magintayan nalang daw kami. Natapos na ang dalawang subject ko sa umaga at lunch break na. Bumili muna ako ng makakain ko sa canteen bago pumunta sa garden. Nakaupo na ako ngayon sa damuhan at tinext ko na si Vana na nandito na ako. "Sis!!"- Sigaw noong nasa likuran ko. Syempre, si Vana yun. Sino pa ba? Nilingon ko siya sa likuaran ko at kinawayan na lumapit

