CLEO's POV~ "Good morning po mam.."- Magalang kong sabi pagkasok ko sa faculty room. "Have a seat hija.."- Nakangiting sabi naman sa akin ni Mrs. Tuzon, isa sa mga professors ko sa school. Naupo ako sa kanang seat katapat ng table niya sa faculty room, napatingin ako sa mga nakalagay sa table niya. May flower vase at plastik sa flower, school supplies at flag ng pilipinas. Hindi rin masyadong makabayan itong si mam eh noh? "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa Miss Ackerman.."- Seryoong sabi niya sa akin with matching holding her hand in front of her while at her seat. *Gulp* Shemay! Kinabahan akong bigla ahh. Kanina naman nung sinabihan niya ako sa klase na kung pwede ay puntahan ko siya sa faculty room kapag may time ako, okay lang sa akin. Wala akong ibang maisip na pwedeng dahilan p

