CLEO's POV~ Pagkatapos mag-dinner umakyat na rin ako dito sa kwarto ko para makapag-shower na. Naikwento ko rin sa kanila ang buong detalye ng nangyari sa akin kung bakit ako umuwi ng duguan ang damit at may tapal sa ilong. Ang sakit pa rin nga hanggang ngayon eh. Close naman kaming lahat sa pamilya eh, halos alam nila papu at mamu ang mga ginagawa namin sa buhay-buhay namin. Alam din nila ang tungkol kay fafa Russell. Masama nga kaagad ang aura nila papu at nila kuya kapag nakukwento ko yung sweetness ni fafa Russell sa akin. Wag na wag ko daw siyang ipapakita sa kanila. Mababalatan daw nila yun ng buhay. Wag naman po sana nilang saktan ang pangarap ko Lord. Pagkatapos kong mag-shower, nagpapatuyo muna ako ng buhok ko bago mahiga. Binuksan ko muna ang laptop ko na nakapatong sa st

