TRAVIS's POV~
*And there's no guarantee
That this will be easy..
It's not a miracle you need
Believe me.. *
Biglang tumunog ang cellphone kong nasa bulsa ng uniform kong suot.
*Now I'm no angel, I'm just me
But I will love you endlessly..
Wings aren't what you need
You need me...*
Pagkadukot ko noon sa kaliwang bulsa ng polo ko, tiningnan ko kaagad kung sino ang tumatawag na yun. Si Shanelle. Bumilis ang t***k ng puso ko na parang gustong lumundag doon sa tuwa. Hindi ko inaasahang tatawagan niya ako ngayon pero gayon pa man, napakasaya ko kasi naalala niya siguro ako.
Ini-swipe ko na ang answer sa screen at itinapat na kaagad yun sa tainga ko.
"He-hello Shan..."- Hindi na natapos ang sinasabi ko narinig ko nalang siyang humahagulgol sa pagiyak sa kabilang linya.
" *sniff* Ta-trav! Hik hik *sniff* "- Halos ngumangawa na siya na parang bata. Mukhang pinaiyak na naman siya ng ulol niyang boyfriend ah. Tss.
"Anong nangyari sayo huh?"- Pasigaw ko ng sabi sa kanya sa phone. Nagalala na ako sa kanya baka kung anong ginawa ng lalaking yun sa kanya. Hindi ko mapigilan ang sarili kong magalit na. Nakakainis at pinapaiyak niya lang si Shanelle.
"Pu-pwede *sniff* mo ba akong *sniff* puntahan dito sa -- sa bahay? *sniff*"- Malungkot niyang sabi sa akin. Mukhang nagaway na naman sila ng lalaking yun, hindi na talaga nadala ang isang toh. Bakit kasi pinapatawad niya pa at binabalikan eh? Nandito naman ako.
"Stay there! I'll be there in a minute.."- Bigla ko nalang nasabi yan sa kanya over the phone. Automatic na kasing "OO" lang palagi ang sagot ko sa lahat ng kailangan o hingin niya sa akin eh. Kahit kailan hindi ko nagawang tumanggi sa kanya, kahit pa ano yun. Handa kong iwan at itigil ang lahat ng ginawa ko para lang sa kanya, kahit saang lupalop pa siya ng mundo, pinupuntahan ko siya para lang masamahan at damayan.
Nanakbo na kagad palabas ng clinic without even looking at her. Syempre yung babaeng bumangga sa akin na wala pa ring malay. Hindi ko na rin nagawang ihabilin siya doon sa mga nurse dahil kailangan na ako ni Shanelle ngayon. Wala na rin akong pakialam pa sa susunod ko pang mga klase basta ang alam ko, kailangan ako ni Shanelle ngayon.
-------------------------------------------------------------------
CLEO's POV~
Dinilat-dilat ko ang mga mata ko na.
Asan ako? Putting-puti kasi ang paligid eh, ang liwanag pa, nakakasilaw masyado.
Bigla akong bumangon sa pagkakahiga ko. As in mabilis na pagbangon ko sa kama. Alam kong g**o-g**o pa ang buhok ko nito.
Nako paktay! Late na ko! Oo alam ko male-late na ako sa klase ko pero --
"Whaaaah!!!"- Napasigaw nalang ako doon ng may maalala ako.
"Miss anong nangyayari sayo?"- Nagulat na tanong sa akin nung nurse nanakbo pang pumunta sa akin.
Medyo natauhan naman ako kung nasaan ako. Nasa clinic pala ako. Pero bakit.. ay oo nga pala!
"Ahm, ba-bakit po pala ako nandito?"- Kunwari ko nalang na tanong sa nurse para may palusot ako sa pagsigaw kong bigla ng walang dahilan. Buti nalang naisipan ko nalang magpanggap.
"Ah yun ba? May nagdala sayo kanina ditong lalaki. Boyfriend mo ba yun miss? Ang gwapo ah, kaso bigla nalang pala umalis, hindi ka man lang inintay magising"- Pagiinarte niyang sabi sa akin, parang kinikilig-kilig pa ang lokang toh ahh. Walang preno magsalita eh.
Napaisip nalang ako kung ano nga bang nangyari sa akin kanina.
Oo nga pala! Tumatakbo ako kanina papunta sa building ko dahil male-late na ko ng biglang --
Bigla ko palang nakabangga yung pader na naglalakad at pahara-hara sa daanan ko! Bwisit na yun!
"Ouch!"- Naramdaman ko nalang ding kumirot ang ilong ko. Hinipo ko yun at may nakapa akong parang bandage doon. Nako, nagdugo nga pala ito kanina noong tumilapon ako.
Napayuko ako at tiningnan ang damit ko, may mga tulo ng dugo. Shocks! Duguan ako.
Nakakadiri, ang daming dugo ng damit ko. Nasa locker ko pa naman pa yung pamalit ko. Kailangan ko ng makapagpalit kaagad dahil baka mahimatay na naman ako sa tuwing makikita ko ang damit kong maraming dugo. Nakakainis naman.
Dahan-dahan akong bumangon para makatayo na sa kama, pero pinigilan ako nung nurse.
"Nako miss, mamaya kana umalis. Baka mahilo ka pa niyan eh."- Lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko para pigilan akong bumangon.
"Okay na ako ate, kaya ko naman na. Saka may klase pa kasi ako eh.."- Pag-insist ko.
"Ganun ba? Baka kasi bumalik yung boyfriend mo tapos madatnan niyang wala ka na pala dito."- Kinikilig-kilig na naman siya. Naknang putik! Ang harot ahh, kung sakaling boyfriend ko man yung ginaganyan-ganyan niya malamang sinabunutan ko na toh ng bongga!
"Nako ate hindi ko boyfriend yun. Sayo nalang kung gusto mo."- Medyo mataray kong sabi sabay tayo na at dampot ng bag kong nasa upuan malapit sa kamang hinigaan ko.
"Talaga?"- Gulat at tuwang sigaw niya sa akin. Karindi ah! Hindi yung boses niya, kundi yung kalandian niya. Kanya na yun, kainin niya pa ng buong buo. Wapakers ako doon. Hinayupak na yun, binangga na nga ako iniwan pa ako dito. Whatever!
Nanakbo na ako palabas ng clinic na yun dahil baka makahabol pa ako. Baka makahabol pa ako sa kung anong klase ko pa eh, sayang din yung lesson kapag na-miss ko..
Nakalabas na ako ng clinic, malaki rin kasi yun at ang layo ng exit. Asar!
Nasa hallway na ako ng hindi pamilya na lugar. Saang building kaya ako? Ay oo nga pala, nasa medical building nga pala ako banda kanina, malamang dito ako nun dinala. Saan pa ba? Sorry, natanga lang. Epekto ata nagpakakabundol at tilapon ko kanina eh.
"Cleo!"- Sigaw ng nasa likuran ko habang naglalakad at hinahanap ang labasan ng building na toh.
"Ay palakanta!"- Napasigaw ako sa gulat ng tumawag sa akin. Wala kasing katao tao sa hallway na yun tapos biglang may tatawag ng pangalan ko. Napatigil ako sa paglalakad ko at hinarap ang tumawag sa akin. Tinanaw ko muna kung sino man yun.
Hindi pa ako nakarating dito sa loob eh. Kahit nagkikita kami ni Kuya Clarance dito sa school, usually sa parking o entrance na kami nagkikita kaya hindi pa ako nakapasok sa building na toh. Halos kasing laki rin toh siguro ng building na nasa amin pero parang nasa ospital ako. Yung designs kasi at itsura ng mga rooms parang nasa ospital ka talaga, tapos putting-puti pa ang paligid.
Si Kuya Clarence pala! Akala ko kung sinong gwapong nilalang eh. Thank God! May mga kasunod na siyang mga estudiyante at unti-unting dumami ang mga tao sa hallway. Mukhang uwian na nila ahh.
"Ku-kuya!"- Medyo pasigaw kong sabi habang patakbo na siya para makalapit kaagad sa akin.
Nakatigil lang ako doon at hinayaang malampasan ng mga taong puro mga nakaputi lang.
"Anong ginagawa mo dito baby?"- Nakangiti niyang bati sa akin nung makalapit na at tumigil na siya sa harapan ko.
Napayuko ako, paano ko ba ipapaliwanag toh? Nakoo!
"Ahmm, ano kasi eh.."- He just gave me a confused look.
"Ahm, may nakabanggaan ako kanina, napalakas ang pagkakabangga ko sa kanya kaya.."- Hindi niya pa ako pinapatapos ng bigla siyang napasigaw.
"Ahhh, ano yan? Bakit duguan ka baby?"- Nagaalalang tanong niya sabay hawak sa braso ko sa kanan ko at tinitingnan ang duguan kong damit.
"Ano nga kasi... May nakabanggaan ako tapos.."
Humarap siya sa akin at ngayon lang yata niya napinsin ang mukha kong may puting bandage, "Okay ka lang ba? Bakit ka may ganyan sa ilong?"- Nagtatakang tanong niya pa, sabay turo ng ilong ko.
"Eh kung pinapatapos mo muna akong magpaliwanag kuya?"- Inis kong sabi sabay binigyan ko siya ng poker face. Daldal talaga nito.
"Hehe, sabi ko nga eh. Ano nga pala ulit yung sinasabi mo kanina?"- Nakangising sabi niya at napakamot ng ulo. So kanina pa pala niya ako hindi pinapakinggan? Magaling!
"Sabi ko, may nakabanggaan nga ako kanina at napalakas ang pagkakabangga ko sa kanya kaya tumilapon ako tapos nagdugo ang ilong ko at nahimatay yata ako, kaya pagkagising ko, nasa clinic na ako ng building niyo."- Tuloy-tuloy ko ng sabi dahil baka sumingit na naman siya at hindi ko matapos ang sinasabi ko at uulitin ko na naman sa kanya. Whew!
"Ahh.."-Yun lang? Sabay ngiti pa sa akin ng isang toh. Kung hindi lang matanda sa aking toh ng apat na taon eh.. "Tara uwi na tayo.."- Inakbayan niya ako at halos makaladkad na niya sa paglalakad.
"Nako hindi! May klase pa ako kuya eh."- Tama, may klase pa pala ako. Muntik ko ng makalinutan ahh..
Tinignan niya ako at mukhang natatawa-tawa pa. "Anong sinasabi mong may klase ka pa? Eh alas otso na kaya ng gabi, di ba hanggang ala sais lang ang klase mo?"- Sabay confused look again sa akin.
"What?"- Gulat kong sabi sa kanya. Nakatingala ako sa kanya habang nakaakbay siya sa akin. Ang tangkad kasi nila ni Kuya Clifford eh. Nakakangawit silang kausap.
He showed me his wrist watch at his left hand and gave me a mischievous smile.
Napadilat nalang ako mata ko sa abot ng aking makakaya para linawin mabuti kung anong oras na talaga doon sa relos niya. 8:12 pm na!
Napatingin nalang din ako sa relos ko para ma-confirm nga kung anong oras na ba talaga.
8:12pm. Shiiiiit! Oo nga noh! Gabi na pala. So absent ako ng tatlo kong subject pala.
So no choice na nga ako kung hindi umuwi.
"Ah kuya, intayin mo nalang ako sa labasan ng school"- Lumabas na ako ng kotse niya, nagpahatid kasi muna ako sa building namin dahil naka-park pa doon ang motor ko, kukuhain ko lang tapos uuwi na kami ni kuya.
Ibinaba pa niya ang bintana ng kotse niya. "Sige bilisan mo ah."- Nakangiting sabi niya sa akin at pinatakbo na ang sasakyan niya.
Dire-diretso na ako sa parking lot ng building namin para makuha ang motor ko.
Kokonti nalang ang naka-park dito, siguro sa mga professors nalang na mga sasakyan ang mga nandito. Ang dilim pa naman din ng paligid dito kahit may ilaw pa. Nakakatakot maglakad mag-isa. Ngayon lang ako nakapaglakad ng mag-isa dito, never pa kasi akong nagpapagabi dito sa school noh, unless may okasyon at maraming estudyante pa rin akong mga kasabay na papunta dito..
*Teet teet*
Pinidot ko ung alarm sa susi ng motor ko at pinuntahan ko na kaagad yun. Nilagay ko na yung helmet ko at sumakay na sa motor. Pinaandar ko na kaagad yun at umalis. Nakakatakot pa kasing mag-stay sa ganoong lugar. Yung parang sa mga mga horror movies na kapag naglalakad yung isang character sa parking lot tapos mamamatay lahat ng ilaw sa paligid at kung anu-ano pa. Basta! Ayoko ng isipin pa yun.
Nang makarating na kami ni kuya sa bahay, sinalubong kaagad kami ng mga maids namin.
"Good evening Mam Cleorisse and Sir Clarence."- Bati ng tatlo naming kasambahay na nasa labas para nga salubungin kami.
"Good evening din."-In unison namin ni kuya.
"Nasa dining room na po silang lahat, iniintay na po kayo nila para kumain."- Sabi ulit nung pinakabata naming maid.
"Sige salamat ate.."- Sabi ko nalang sa maid namin, kasi si kuya dire-diretso sa taas nasa para pumunta sa kwarto niya.
Dali-dali na rin akong umakyat at nagpunta sa kwarto ko. Kailangan ko na kasing makapagpalit eh.
--------------------------------------------
Thanks for reading! Hope you enjoy this story!
Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey!
Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God!
Don't forget to vote and follow me!
Lovelots!
~Koolkaticles