Night at the Bar II

2662 Words
TRAVIS's POV~   Nakapasok na ako ngayon sa Bar ni Dylan. Kung nagtataka kayo kung anong pangalan ng bar niyang ito, napa-face palm nalang ako nung nalaman ko kung ano lang ang gusto daw niyang ipangalan dito. He just named it "My Bar". Napakatalino talaga ng isang toh, tingin ko, pinaghirapan niyang pagisipan yang magandang ngalan na yan eh. Pawang henyo lang ang nakakaisip. Tss. Maraming tao pa rin din as usual, birthday man niya o hindi. "Hey, boys."- Sabi nung babaeng lumapit sa amin ni Dylan, as usual nilingkisan kaagad si Dylan at hinalikan sa cheeks. Napatingin lang ako sa kanila. "Hey gorgeous.."- Malanding sabi ng ugok dun sa babae niya. Playboy rin kasi ang isang toh eh. Feeling pogi talaga, eh alam naman naming mas gwapo ako sa kanya. "Hmm..*smirk*"- I just smirked. Kasabay namin maglakad yung babaeng Gorgeous yata ung name, ay ewan, yun kasi ang tinawag ng ugok sa kanya eh. Wala kasi talaga akong kaalam-alam sa mga ganyang flirting styles. Matagal na niya ako tinuturuan ng mga diskarte at mga moves niya daw, pero wala akong pakialam. Ni hindi ko magawang tumingin sa ibang babae, makipag-flirt pa kaya? Loyal ako kay Shanelle noh! Umupo kami sa isang pang VIP area, may mga lumapit kaagad sa aming mga babae at umupo sa tabi namin. Naglagay nalang ako ng alak sa baso ko at sinimulang lagukin yun ng straight bago ako magsalita. "Nasaan si Bricks?"- Nilingon ko lang si Dylan na nakasandal sa sofa na inuupuan namin at nakagitna siya sa dalawang babae na nakaupo rin sa kabilaan niya. Mukhang enjoy na enjoy ang ugok ah. "On the way na raw siya eh. Ayaw daw kasi siyang payagan ng girlfriend niya kaya kinu-convince niya pa. Hahaha! Ang lame niya talaga."-Natutuwang sabi sa akin sabay lagok ng alak sa baso niya. Uminom nalang ulit ako at sumandal sa sofa. Hindi pa kasi nai-inlove ang isang toh eh, kaya hindi marunong magpahalaga. Different girls every night, literally girls. Dahil hindi lang iisa ang naiikama niyang babae gabi-gabi. Binibigyan pa nga ako ng loko, ugok talaga. Hindi ko sasayangin ang virginity ko para lang sa isang s**t. Kung makikipag-s*x man ako syempre kay Shanelle lang. Siya lang naman kasi ang gusto kong makasama habang buhay eh. Kahit tinutukso ako palagi nila Dylan at Bricks, ang dalawang best friends ko, na 23 years old na ko pero virgin pa rin, wala akong paki. Sinasabi ko nalang sa kanila na at least malinis ako, wala sakit. Asar na asar din naman yung mga gago. Hindi ko naman kinakahiyang virgin pa ako, hindi pa naman din kasi ako nagkaka-girlfriend, kasi nga si Shanelle lang ang mahal ko. Hindi ko magagawang makipag-s*x sa ibang babae dahil hindi ako naakit sa kanila. Kahit na maraming umaaligid sa akin at mga naghahabol, hindi ko sila pinapansin, sabi nga ni Shanelle, I shouldn't be this cold and rude to other girls, paano daw ako magkaka-girlfriend kung suplado at wala akong paki sa mga babaeng nakapaligid sa akin. Eh sa anong magagawa ko? Wala talaga akong interest sa kanila, kay Shanelle lang talagang lahat ng atenson at pagmamahal ko eh. Ilang beses narin akong sinet-up ng dalawang ugok ng best friends ko, high school palang kami nilasing nila ako pinatabi sa isang maganda at seksing babae sa bakanteng kwarto sa bahay nila Dylan. Pero dahil naihi ako, bumangon ako para magbanyo, paglabas ko ng banyo sa kwarto na yun, nakita ko nalang sa kama yung babae na hubo't h***d at tanging kumot na manipis lang ang pumapalupot sa katawan niya. Nagulat ako at natuod sa may pintuan ng banyo. Inaaya niya akong lumapit sa kama pero tumakbo nalang ako palabas ng kwarto at hinanap ang dalawang ugok. Nakatikim lang naman sila ng gulpi sa akin noong gabing yun. Noong una kaming lumipat dito sa pilipinas noong sampung taong gulang palang ako, mag-best friend na yung dalawang yun, nagkakilala kami sa school noong grade school. Mga kaklase ko kasi sila, nilapitan nila ako at nakipagkilala. Mukhang bago lang daw kasi ako at kung gusto ko raw na sumama sa kanila, dahil nga sa bago nga lang talaga ako sa school na yun, hindi na akong nagdalawang isip na sumama sa dalawang ugok, na hindi ko alam na umpisa na pala yun kalbaryo ko sa buhay habang kasama sila. Grabe ang mga trip ng dalawang yun, syempre bilang kaibigan na rin nila, nakikisakay nalang din ako. Masaya naman din silang kasama, magkakasundo kami sa halos lahat ng bagay lalo na sa mga sports na kinahihiligan ko rin. Sabay-sabay kaming nagpupunta pa noon sa gym, pero dahil may pagkatamad ako minsan, nagpagawa nalang ako ng malaking gym sa bahay para hindi ko na kailangan makipagsabayan sa mga nakakairitang tao sa public gym. Nagkaka-cart racing na rin sila dahil napagalaman nilang mahilig ako doon, pero dahil nga busy na si ate Trina, ako nalang magisa ang gumagawa noon. Nagaral sila nun para may kasama na raw ako. Kung anu-anong sports pa ang kinahihiligan naming tatlo, buti na nga lang at magkakasundo kami sa mga ganoong bagay. Kahit iba-iba kami ng personalidad, magkakasundo din naman kami, silang dalawa lang ang pinagsasabihan ko ng mga problema ko lalo na kung tungkol kay Shanelle, pilit nilang nilalayo ang loob ko kay Shanelle pero hanggang ngayon, wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya. Playboy si Dylan, ayaw ng commitment, once daw kasi na may ganun na sa relasyon, mawawalan ka na daw ng freedom, kaya ayaw niya sa ganun. May pagka-playboy rin si Bricks pero unlike Dylan, nakikipagrelasyon siya sa mga babae at marunong ding magseryoso. Pero mabilis siyang manawa kaya ang ending, papalit-palit lang din siya. Wala akong pakialam sa ginagawa nilang yun, ang ayoko ko lang ay yung sinasali nila ako sa pambababae nila at ang worse ay yung pinipilit nilang kalimutan ko na raw ang nararamdaman ko para kay Shanelle dahil hindi daw talaga ako nun mamahalin. Shanelle and both of them are knew each other. Minsan sumasama si Shanelle sa amin mag-bar kapag problemado ito sa boyfriend niya. Ang ending, lasing na lasing silang tatlo at ako pa ang tagahatid sa kani-kanilang bahay. "Dude!"- Natingin ako sa sumigaw sa amin sa di kalayuan. Si Bricks na pala yun. Kararating niya lang. Tinaasan siya ni Dylan ng kamay ng inaya papalapit sa amin. Lumapit din naman sa aming ang loko at umupo sa pagitan ko at nung babaeng halos makatabi ko sa kasi pinaggigitnaan nila si Dylan. "What took you so long?"- Tanong ni Dylan sabay abot ng baso na may alak kay Bricks. "Traffic dude, traffic!"- Kinuha ung baso at ininom kagad niya ito ng straight. " Lame! If I know."- Nakakalokong sabi ni Dylan sa kanya. "Tss..*smrik*"- Umiling nalang si Bricks at naglagay ulit ng alak sa baso niya. Lumingon siya sa akin habang hawak ang baso niyang may alak. "Kanina ka pa dito?"- Sabay inom sa baso niya. "A couple of minutes.."- Walang kaemosyon-emosyon kong sagot, sabay inom din ng alak. "Shanelle?"- Medyo ngumiti siya sa akin na halatang nagaasar. "As if you care.."- Inilihis ko nalang ang paningin ko sa kanya at tumingin-tingin sa paligid namin. "Hindi ka talaga maaalala nun dahil busy siya sa boyfriend na naman niya. Ang alam ko nga nasa Baguio siya ngayon kasama yung boyfriend niya eh.."- Uminom ulit siya ng alak. "What?"- Bigla kong sabi sa kanya at nilingon ko siya. Ano daw? Nag-out of town si Shanelle ng hindi ko man lang alam? "As if she cares to tell you."- Umiling nalang siya sa akin. "How did you know?"- Takang tanong ko sa kanya. Inilabas niya ang cellphone niya mula sa bulsa niya at may kung anong kinalikot siya roon. "Look! Hindi ka ba nagbubukas ng twitter o f******k mo?" Kinuha ko ang cellphone niya at binasa ang mga tweet posts ni Shanelle. *Scroll scroll scroll* Tweets of Shanelle: "So excited! Off to Baguio with my love.. *scroll* "Driving is so much fun with the one you loved.. ;) *scroll* "Zero visibility sa kapal ng smog! I can really feel that Baguio is near! ;)))" *scroll* "Finally! We're HERE! For a week, I will enjoy the pollution free atmosphere of Baguio! :D" She seems so happy with her new boyfriend now. Pang limang boyfriend na yata niya yan, hindi rin naman kasi nagtatagal ang lahat. Medyo immune na ang puso kapag nakikita ko siya na may kasamang iba. Iniisip ko nalang na hindi lahat yun ay pang matagalan. Pero itong isang toh, they were dating for a year, kahit nagaaway sila madalas, hindi naman sila nagbe-break pa. Subukan lang niyang paiyakin at iwanan si Shanelle, itutupi ko siya sa walo. Ibinalik ko na kay Bricks ang cellphone niya at natahimik nalang ako sa kinakaupuan ko. I feel so helpless and broken again. Pero dapat di ba immune na ko sa ganito? Alam kong hindi naman niyang obligasyong magpaalam sa akin kung saan man siya pupunta o kung ano ang gagawin niya, pero bakit parang hanggang ngayon, I demanded her an attention about this matters. Gusto ko kasing palagi kong alam ang ginagawa at alam kung nasaan siya o saan pupunta. Just in case na rin na may mangyari. "Iinom nalang natin yan dude!"-Sabi ni Brick sabay tapat sa akin ng baso niya para makipag-toast. Nag-toast kami ng baso at sabay na ininom ng straight ang alak namin. "There's so many fishes at the sea. Why you're still looking for a mammal?"- Sigaw ni Dylan out of the blue. Ano daw? Hahaha.. Natuwa naman ako sa banat ng unggoy na yun. "Not cool dude! Not cool.."- Halatang nagpipigil ng tawa si Bricks. Pero na-gets ko ang logic niya dun. Ako naman na papatawa-tawa nalang sa mga naririnig kong banat ng gago. Alam ko kahit hindi nila sabihin, dinadamayan nila ako ngayon. "Why settle for the less, if you can have the best?" Sagot ko nalang din sa kanya out of the blue. Nahahawa na ko sa mga toh. "That's the point pre! Why you’re still settling for Shanelle if you can have a girl that may love you back.."- Paliwanag pa ng ugok na si Dylan. "Hi Dylan!"- Sigaw nung babaeng nasa harapan namin ng hindi kalayuan. Napatingin kaming tatlo sa babae at kinagulat kong yun ung babae kanina na kasama nung babae sa stop light. "Hi Vana!"- Patayo na sana si Dylan pero humarap pa siya sa amin at bumulong. "See? Why would I settle for these hens if I could have this chick?"- Sabay tayo na niya at lapit sa babaeng tumawag sa kanya. Inakbayan niya kaagad ito at umalis na sila sa harapan namin. Umalis na rin ung mga babaeng pumapalibot sa kanya kanina at dalawa nalang kami ni Bricks ngayon dito. Pero teka? Ano daw sabi niya kanina? Hens? Chick? Unggoy talaga ang mag banat at words of wisdom ng ugok na yun. Pero ang isa pang pinagtataka ko ay bakit gets na gets namin ni Bricks ang mag pinagsasasabi niya kahit na pinagtatawanan namin ang mga sinasabi niya? Oo, nakakatawa siyang bumanat pero gets ko yun. Siguro nga ganito talaga magkakalapit ang mga utak namin. Haynako, nahahawa na talaga ako sa mag toh eh! ------------------------------------------------------------------ CLEO's POV~ "Excuse me for a second ah, I'll go to the restroom."-Sabi ni fafa Russell sabay tayo sa kinauupuan niya at alis na. Naiwan na naman ako dito sa kinauupuan ko. Medyo manhid na rin ang pwet ko at ilang oras na rin akong nakaupo lang. Tumayo ako saglit para makapag-unat. Wala akong pakialam kahit nasa bar ako, basta maguunat ako. Itinaas ko ang dalawang kamay ko at nag-igit. "Hmn. ahh.."- Pagkatapos kong magunat, upupo ulit ako sa bar stool at uminom ng juice. "Hi Miss!"- May bumungad sa aking dalawang lalaki ng amoy alak at mukhang mga lasing na. Nako naman! Tiningnan ko nalang sila ng masama na nanlilisik ang mga mata ko at hindi na muling pinansin. Humarap na ako sa table bar at patungang iinom na sana ng juice ko ng biglang -- "Sabi namin, Hi Miss! Bingi ka ba?"- Sigaw nung isa pang lalaking lasing at hinigit ang braso ko dahilan upang matapon sa table ang juice ko. Naknang putik! Nabigla ako sa ginawa nila sa akin kaya naman tiningnan ko sila ng pagkasama-sama. I thought this night would be so perfect until these bastards came. Sinira nila ang mood ko. Magbabayad ang mga ungas na toh sa akin. "Let go of me!"- Sigaw ko sa kanila at pilit na hinihigit ang kamay ko sa pagkakahawak nung lasing na lalaki. "Wag kana magpakipot Miss! Sasamahan ka nga namin eh."- Nakangising sabi ng lasing 1. Yucks! As if naman gusto ko kayong makasama noh! Fafa Russell, where are you na ba? Help me here please bago pa ako hindi makapagpigil at magulpi ang mga ungas na toh eh. Ang lalaki pa naman ng mga lalaking toh, siguro mga six footer din at may mga bato-batong mga muscles. Mukhang myembro ng g**g ang mga hayop na toh ah. Tuloy lang ako sa paghigit ko sa braso ko sa lasing na yun, Nakooo! Dumating ka naman na fafa Russell, baka kasi hindi na ko makapagpigil at uunahan na kitang gulpihin ang mga toh. Save me my hero Russell! "Hmn. Ang bango-bango mo naman miss, sarap mo siguro sa kama noh?"- Sabi ng nasa likuran kong lasing sa akin, sabay amoy at pahaplos-haplos niya sa mahabang buhok ko. Ewww..!!! Grabe, sorry nalang talaga sa mga toh pero narindi na kasi ako sa pambabastos nila sa akin eh. *PAK!* Isang malutong na sampal ang pinalipad ko mula sa akin hanggang sa mukha ng lasing na yun. Kinabigla niya yun at napahawak nalang siya sa pisngi niyang malamang maga na yun ngayon. Napaantras siya sa amin ng bahagya lang. "Matapang ka ahh"- Sigaw ng lalaking lasing 1 na may hawak pa rin sa isang kamay ko. Uh-oh! Eto pa palang isang toh. Bigla niya akong hinila mas papalapit sa kanya na halos mapayapos na ako sa nakakadiri niyang katawan. Yuckness lang ah! Pero dahil sa nabigla ako doon sa ginawa niyang paghigit sa akin ay napakapit nalang din ako sa kanya. Labis ko yun kinabigla, tila nakalog ata ang mga kalamanan ko sa lakas niyang paghila sa akin. "Ano ba!?"-Malakas kong sigaw sa lalaking humigit sa akin dahilan para matigilan ang iilang sa paligid namin at ngayon at nakatingin na sa amin. Bahagya ko siyang tinulak papalayo sa akin pero hindi pa rin niya ako binibitawan bagkus mas lalo pang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Masakit na ang parteng yun, siguradong magkakapasa na ako nito sa kagagawan ng ungas na toh eh. May lumapit na lalaki sa amin at mukha aawatin ang dalawang unggoy, hays. Buti naman. "Mga brad, nasasaktan na yung babae oh."- Mahinahong sabi niya dun sa dalawang ungas na parang nanlilisik na ang mga mata. "Wag kang makialam!"-Sigaw ni lasing 2 na sampal ko at sinapak ang concern citizen na lalaking nakikiawat lang. Ayun, tumba siya at tulog. Kawawang kuya, siya yata napagbalingan ng galit sa akin ng ungas na toh eh. Sorry nalang kuya pero salamat sa pagtatangkang pagtulong sa akin kahit na mukha ka talagang walang kalaban-laban sa dalawang maskuladong mga toh. May mga nagsigawang mga babae nung tumumba ung lalaking nakikiawat. "Sumama ka sa amin!"-Sigaw na utos nga sa akin ng lalaking may hawak sa braso ko sabay kaladkad sa akin palabas ng bar. Hawak na nila akong dalawa sa magkabilang braso ko na halos mabuhat na nila ako sa lakas nilang dalawa. "Ano ba? Bitawan niyo nga ako!"-Sigaw ko ng pagkalakas-lakas. Oh fafa Russell, Where are you? Huhuhu.. Ayokong maging pulutan ng mga ungas na toh! Please lang! Anybody! Help me! "Sabi niya, bitawan niyo daw siya!!!"- Isang malakas na sigaw ang narinig ko at next thing I know, natumba sa yung lalaking unang humawak sa braso ko. Napaupo lang siya sa bandang harapan ko at nakayuko. Gulat na gulat ako kung bakit nag-dive yun bigla sa harap ko. Tumingin kaagad ako kung saan galing ang malakas na sigaw kanina. Hindi ko alam kung matutuwa na ba ako o disappointed pa rin? Hindi kasi si fafa Russell ang nakikita ko ngayong nagligtas sa akin. Hays.    -------------------------------------------- Thanks for reading! Hope you enjoy this story!  Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey! Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God! Don't forget to vote and follow me! Lovelots! ~Koolkaticles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD