Night at the Bar

3886 Words
CLEO's POV~ Pambihira! Akalain mo yun? Akala ko nagloloko lang talaga yung mga classmate ko at mga professors ko sa pagsabi sa aking mukha daw akong nene pa. Nireregla na po ako guys, so please, maniwala po kayo sa akin. Sabagay, minsan nga sa mga bar na napapasukan namin ni Vana, hinahanapan pa talaga ako ng I.D para lang maniwala saking nasa legal age na ko. Mabuti na lang dumating na yung crush nitong si Vana at to the rescue sa amin para mapapasok na kami sa loob. Hindi na nga ako nagpa-cute dun sa bouncer kasi mas lalong hindi yun maniniwalang hindi na ako menor de edad. Isipin pa nung tumakas lang ako sa amin dahil parang hindi rin pang party sa ganitong bar ang suot ko. Mukha nga lang talaga akong inutusang bumili ng suka sa kanto at hindi muna babalik dahil makikipag-party muna ako dito. The nerve! Diretso pasok nalang kami ni Vana dito sa loob ng bar. Wow! ang laki pala nito at ang ganda, in fairness. Hindi pang pipitsuging bar na pinagdadalhan sa akin ni sis. Sosyal talaga siyang tingnan at hindi naman ganun ka-wild ang mga taong nandito ngayon, o dahil hindi pa kasi ganoong kalalim ang gabi? May mga nagba-bar kasing medyo ganon ang peg eh. Mga bandang madaling araw para sinasaniban sila ng kung anong malalanding espiritu at bigla-bigla nalang nagiging mga wild! Jusmiyo, hanggang dito pa ba naman? Pagkatapos naming maglakad-lakad at magobserba sa Bar ng crush nito ni sis ay dumiretso na kami sa mga stool bar area at nagorder na siya ng dalawang pang ladies drink. Maraming tao rin pala talaga dito kahit mukhang nabagyo pa bago kami makarating dito. “One margarita and mojito, please?” "So sis, what do you think? Okay ba?"-Pambabasag ni Vana sa katahimikan naming dalawa. Alangang makisabay kami sa yugyog at ingay ng music sa bar noh. Anong laban namin dun? Nagsi-sip siya ng kanyang inumin. "Hmm, okay na okay. Mukha talagang sosyalin!"-Nag-sip din ako sa inumin ko. Parang gugustuhin ko na nga talang pumunta sa mga bar kung ganito naman kaganda at kasosyal ang dating eh. Feeling ko nasa loob ako ng Araneta Coliseum at mukhang concert stage yung nasa harap na puro mga DJs ang nakapwesto. "Oo noh! Anak mayaman eh. hindi nga lang ito ang bar na pagmamayaari niya eh, marami din daw sa Makati at Baguio."- Pabibong sagot ni Vana. Eh? Ano daw? Akala ko yung bar ung tinutukoy niya, yun pala si crush niya. Naknang teteng. Sorry, naka-focus kasi ako sa facilities at area ng bar eh. Mukha kasing maliligaw ako nito kapag magisa akong maglibot-libot. Tiningnan ko siya ng masama at nag-pout "Pambihira naman toh! Akala ko naman itong bar ung tinutukoy mo, yung boylet mo na naman pala yun.." Then I rolled my eyes to her. "Ang slow mo naman! Paki ko ba sa bar na toh? Hindi ko naman ito mahahalikan at mayayakap noh!"- Pasigaw niyang sabi at harap sa bar na pinapatungan ng drinks niya then she also rolled her eyes to me while I'm looking at her and drinking my beverage. "As if naman ding may paki ako sa mga lalaki mo noh? Kadiri ka!"- Pasigaw ko ring sabi sa kanya habang nilalakihan ko pa siya ng mata at nag-make face na parang nandidiri talaga ako. "Ang arte mo, whatever!"- Sigaw niya lang at sabay inom sa drinks niya na hindi man lang ako tiningnan. Pisti! Kung buong gabi kami magsisigawan nito sa paguusap, malamang paos na paos kami nito bukas. Inikot-ikot ko muna ang paningin ko sa mga taong naglalakad, nakaupo at mga nagsasayaw dito, baka kasi nandito na ang Prince Charming kong si fafa Russell eh. Mahirap ng makaligtaan ng paningin at baka may kung sino ng linta at higad ang kumapit kapit dun. "Teka lang sis ah, lalapitan ko lang si Dylan. Nakaupo siya doon oh."- Excited niyang sabi sabay tayo at turo doon sa kinalalagyan ng crush niya. Nako po! Umiral na naman ang pagka-radar sa lalaki ng babaitang ito. "May magagawa pa ba ako?"- Pagmamataray ko sa kanya. Kasi naman, iiwan daw ba niya talaga ako doon? Impakta talaga tong lokaret na toh. Kung pwede lang kadenahan ng hindi makagala-gala eh. "Just stay there okay? Don't go anywhere! I'll be right back!" Sigaw niyang sabi sa akin sa sabay patakbo ng papunta dun sa boylet niya. I just rolled my eyes on her habang papaalis siya. Nakasimangot na lang akong umikot at humarap na ulit sa bar kung saan nakalagay ang mga drinks namin. Nangalungbaba nalang ako at yumuko habang hinahalo halo ang inumin ko. Parang ang boring naman pala talaga sa mga ganito noh? Hindi naman ako KJ, nakikisayaw rin ako kapag sumasayaw si sis sa crowd, pero hindi ako nakikipag-flirt dahil baka kung ano pang mangyari sa akin noh. Kapag nasa ganitong lugar kami ni sis parang ako yung chaperon niya. Opo, taga tingin lang ako madalas sa kanya, nakaupo sa table minsan sa mga stool habang siya ay nasayaw at nakikipagusap sa mga lalaki sa bar. Actually ang always ending, ako ang taga hatid sa kanya sa kanila kapag lasing na siya at hindi na kayang mag-drive pa. Siya ang palaging nagmamaneho kapag pupunta kami sa kung saan at ako naman na ang magmamaneho kapag pauwi na. Buti nalang din at malakas ako kahit hindi halata sa katawan kong fit, dahil ako rin ang taga buhat sa babaeng yun kapag totally blackout na siya sa kalasingan. Kung makapag-bar at inom ang isang yun akala mo palaging may mabigat na problema. Wala naman akong napapansin sa kanyang may pasanin siya sa buhay, maluwag na maluwag sila sa pera at tingin ko naman okay naman ang family relationship nila dahil magkasama sa business ang parents niya at inaalagaan naman siya ng mga nakakatandang kapatid niya. Siguro lang talaga kulang lang siya sa atensyon at pagmamahal ng magulang dahil palaging busy daw yung mga sa negosyo nila. Kaya siguro mahilig maghanap ng boylet ang isang toh baka sakaling mapunan yung pagmamahal na hinahanap niya. Te-teka! Nandito naman ako ah! Mahal ko naman siya na higit pa sa isang matalik na magkaibigan. She is really more like a sister to me! Wala kasi akong kapatid na babae kaya walang matatawag na talagang sister kung hindi siya lang. Buti pa siya dalawa ang mga ate niya na palaging nandyan din para alagaan siya. Likas na yata talaga sa mga Chinese ang pagiging business minded, Half Korean-Chinese at Filipino ang mga magulang niya, Nirvana Quing-soo ang buo niyang pangalan. Mas matanda siya sa akin dahil 21 years old na siya at ako ay 20 years old, next year pa ko mag-21 eh. Laking America si Vana bago pa kami nagkakilala, kalilipat lang daw nila dito sa Pinas para sa business na family niya, as usual. Ilang taon na rin siyang nandito kaya naman magaling na siyang magtagalog, at syempre dahil sa akin mas natututo siyang magsalita ng hindi maarte. I always act rude to her and then we insulted each other pero alam din naman namin na mahal na mahal namin ang isa't isa. Madalas nga akong tagapagtanggol niya noong high school kami dahil binu-bully siya ng mga classmates namin dahil hindi pa siya marunong magtagalog, tinatawag siya ng kung anu-ano at pinagtatawan dahil hindi nga niya maintindihan ang mga sinasabi ng mga ungas naming classmate. Palagi rin naman silang may batok at suntok sa aking sa tiyan nila kapag pinagtitripan nila si Vana eh. Bago pa kami nagkakilala sa parlor at nagkausap, hindi ko alam na magiging kaklase ko pala siya. Hindi kasi namin nabanggit sa usapan namin kung saan kami nagaaral, kaya noong first day of school, laking gulat namin sa isa't isa ng magkasalubong kami sa hallway ng school habang naglalakad at hinahanap ang magiging room namin. At mas kinagulat pa nga namin na magkaklase pa pala kami. Nakakatuwa talagang isipin yung mga panahon na pinagsamahan ng babaitang yun, kahit pa palagi siyang nakakainis at nakakapikon, hindi ko naman magawang magalit sa kanya kasi para ko na rin siyang kapatid, ay hindi, kakambal pala! Kahit magkaibang-magkaiba kami ng mga trip sa buhay nagagawa pa rin naming magkasundo dahil sa tanging dalawang bagay. Ang pagsho-shopping at pagkain naming dalawa. Palagi kaming magkasama kapag magsho-shopping kami o hindi kaya nagpapa-spa o salon. Medyo parehas lang kami ng taste sa damit, yung tipong kapag isa sa amin ang namili ng damit o bagay sa bibilihin, magugustuhan at magugustuhan din yun ng isa sa amin. At syempre, pagdating sa pagkain. Hindi man halata sa mga katawan namin pero malalakas din po kaming kumain nitong ni Vana. Kahit nagkakasundo kami sa mga ganyang bagay sa shopping, magkaiba naman kami ng sense of fashion, dahil mas trip niya yung mga sexy at revealing outfits at malabuwis buhay na mga stilettos niya. Samantalang ako, naghi-heels lang ako kapag sa formal party o may okasyon, at syempre yung style at taas nung sapatos ay depende din kung anong okasyon. Naka-wedge nga lang ako madalas eh. Madalas pants, 3/4 at shorts lang na two  inches above the knee ang sinusuot ko, wala akong mga skirts. Ay meron pala! Yung skirt ng uniform ko, tatlo din yun noh. Hehe. At mga loose shirts o over sized shirts ang madalas kong pang porma. Mahilig din ako sa mga tenbits sa damit, yung mga hanging in the bridge at sleeveless. Mahaba haba na rin pala ang naikwento ko tungkol sa amin ni sis, kaya bukas nalang ulit. Jokes! Speaking of the witch, ang tagal naman nung makabalik. Sabi niya saglit lang pero mukhang na-enjoy na niyang makipagusap sa boylet niya. Sasabunutan ko talaga kapag nalasing kaagad siya eh. "Hi Miss, are you alone?"- Palambing na pagkakasabi sa akin ng lalaking sa bandang kaliwa ko. Hindi ko napansing nakaupo na pala siya doon. Busy kasi ako. Basta busy ako, wag niyo ng itanong! "Do I look two to you?"- Pagmamataray ko, ni hindi ko siya nilingon at nakaganoong pwesto pa rin ako kagaya kanina. Lintik na, kaya ayokong nagpapaiwan eh, hindi talaga maiiwasang may lumapit-lapit sayong mga kutong lupa at makikipag-flirt, Ewww.. Walkout lang talaga na diretsong banyo ang solusyon ko sa mga ganyan para makaiwas na. As if namang gusto kong makipagkilala sa mga dugyuting mga lalaki sa bar noh. Mga tipong katatapos lang sumayaw at pawisang lalapit sayo na hindi man lang marunong magpunas at ngingiti pa ng parang aso na nakakita ng karneng pwedeng lapain tapos.. tapos.. Okay tama na nga, baka isipin niyong napakalaitera ko naman na talaga namang minsang hindi mo maiiwasan magsalita ng hindi maganda sa kapwa mo dahil nga sa yun ang nakikita mo at.. at.. Oo nga, sabi ko ngang titigil na ko.. Hays.. "Sungit natin diyan ahh"- Pangiinis pa nung lalaki. Wow ah! Close tayo teh? Naimbyerna na ako kaya nilingon ko sa siya para makita ang pagmumukha niya ng matandaan ko ng maiwasan ko na sa buong labi ng buhay ko. Pero paglingon kong yun -- "Ra-Russell? I-ikaw pala yan! Sira talaga toh!"- Laking gulat ko ng si fafa Russell na pala yun. Vagern! Syempre hindi ko ipinahalatang nagulat ako noh, pakyeme effect lang. Yan lang nahihiya kong sabi sa kanya, nako baka ma-turn off toh sa katarayan ko at iwan nalang ako dito. s**t! Ulam na, naging bato pa! "Hahaha"- Shemay ang sexy niyang tumawa kahit bahagya lang.. "I really don't know that you have that side hah! I'm impressed dahil hindi ka talaga kagaya ng mga ibang babae diyan na kapag nilapitan mo, makikipag-flirt na sayo.."- Sabay inom niya sa vodkang in-order niya. Ha? Ano raw? Impressed siya sa akin? So hindi pala nakaka-turn off ang pagmamataray sa kanya? Shemay! Sana pala tinaray-tarayan ko na siya noon palang para naman napansin na niya kaagad ako at na-impressed na siya sa akin.. Nako fafa Russell umayos ayos ka diyan sa paglandi-landi mo sa akin, nag-e-enjoy ako! Hahaha. "I really didn't expect you to say those things to me, *smirk* "- s**t! Namumula na ata ako, ang gwapo niya talaga! Everything he do, it's always defines him as sexy!  Hindi na ko makatingin sa kanya, iniwas ko na ang paningin ko sa kanya dahil baka maglaway na ko pagtumitig pa ako sa kanya. Buti nalang madilim dito at colored light lang ang lumiliwanag kaya hindi niya makikitang nagba-blush na ako. "So-sorry, I didn't mean to say those words to you. Akala ko kasi isa ka lang sa mga common guys diyan na naghahanap ng ka-flirt."- Hindi pa rin akong natingin sa kanya, mahirap na teh! Kunwari emotionless lang ako pero Lord, kinikilig na po ako to the Nth power! “No, don't say sorry to me. I think you should always do that things to other guys so that they won't come always near you. It makes me jealous a little.. Hahaha.."- Pabirong sabi niya. s**t again! Biro ba yun? Nako fafa Russell, sa akin, seryoso lahat kaya umayos ka dahil baka mapapak kita diyan sa kinauupuan mo! Those teasing words makes me feel more hot! I know I'm really blushing right now and totally speechless! Oh bibig ko, bumuka ka! Magsalita ka kahit ano! Makisama ka naman! Wag kang tumuod! "Ah.. Hah?" - Oh-uh! Nakapagsalita ako kahit pigil na pigil na ako sa kilig na mas gugustuhin ko pang magpigil ng ihi ko kesa sa ganito. Juice colored! Quotang quota ako sayo nito ahh.. Whoa! Kilig pa more! Kahit takang-taka kong sabi sa kanya yan at maang-maangang tanong, syempre palabas lang yon!! He laughs again a bit that makes him even look more sizzling hot! "Hahaha I'm just teasing Cleo!"- I know right! Sige lang, tease me as long as you want, I'll support you! Hahaha...  "But seriously, I like you even more in that way."- Sabay labas ang kanyang ultimate secret weapon niyang... Killer Smiles sa akin! Oh shocks! I'm dead now! Tell me I'm dead now baby! Freakin' dead to you! "Ah... Hah?"-Medyo pasigaw ko ng tanong. Ano nga raw yun? He likes me naman na kaagad? Ohw Em! You never fail for making me so kilig to the bone marrow! Enebeyen! Kilig na kilig na ako dito na kung pwede lang pumilipit sa kinauupuan ko at magsisigaw ay ginawa ko lord! Ginawa ko na talaga kanina pa! Pero teka, yun lang na naman ang nasabi ko sa lahat ng mga sinabi niya sa akin kanina pa? Shemay! Eh sa anong magagawa ko? Tao lang, babae pa, may kati-kati lang din sa katawan. "By the way, where's your friend…?"- patanong niyang sagot na parang pilit inaalala yung pangalan ni Vana. "Vana?"- Singit ko sa kanya. Hinarap ko na siya dahil medyo kumalma ako sa pambasag niyang tanong. "Yes, her. So where's she?"- Nag-smile na naman siya sabay lean na ng dalawang braso niya sa table bar at nakatitig lang sa akin, pawang iniintay akong sagutin ko siya. Oh please don't be so cruel to me! Stop making me so kilig! Don't blame me if I’ll bite your lips as in right now! Napa-pause ako kasi napatingin ako sa lips niyang naka-smile sa akin at napalunok nalang ako para kumuha ng bwelo. "*Gulp* Ahm..She said, she'll be going to that table.."-Sabay ikot ng chair ko at pointing dun sa sinabi ni Vana kanina na table. Pe-pero teka! Wala ang impakta doon? Oh darn! Where's she? Nagtaka na ako at naiinis at the same time dahil sumibat na naman ang bruhang yun sa panignin ko. Sabi ko na nga ba eh, hindi talaga makakatiis ang isang yun kapag yung type na niya ang usapan eh. Vana! Babanana que-hin talaga kita pagbalik mo loka ka! Azarnezz naman oh! "Oh, I thought --"- Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko at sa mga nagsasayaw pero walang Vana akong na sulyapan. "I thought she'd be in that table.. Urgh! That b***h!"- Inis kong sabi pero alam naririnig niya ako. Bumalik na ako sa pwesto namin kanina at nag-sip ng drinks ko. "And I really don't know you can talk rude like that."-Naka-smile niyang sabi sa akin na parang batang maa-amaze sa naririnig sa akin. Oh man! Am I look terrible at him now? Answer me please guys! Speechless na ko, nahiya na kasi ako sa asal ko. Hindi ko naman din talaga pinapakita sa kanya ang side kong ito. Ayokong ma-turn off siya sa akin. Baka akalain niyang b***h din ako kagaya ng ibang humahabol- habol sa kanya. Nako naman! Wag naman sana niyang isiping maduming babae ako! Juice colored! Help me! Hindi pa ako sawang kiligin eh, wag niyo naman pong bawiin kaagad. Kasalanan mo ito Nirvana eh! Kapag nilayuan na ako ni fafa Russell, kakalbuhin talaga kita sa kakakatihan mo. Vanaz! "Haha, I never thought that I will know you even more tonight. That makes me think that I should start admiring you. Ewan ko ba, kapag sa ibang babae ko naririnig at nakikita ang mga asal na ganyan, naiinis ako. Pero bakit sayo parang tuwang-tuwa ako? Sabi na nga ba at iba ang impact mo sa akin noong una palang eh."- Nakangiti niya lang sabi sa aking sabay point ng nose ko ng index finger niya. Tulaley lang ako sa mga narinig at ginawa niya sa akin. Vagern!!! Okay Cleo! Relax! Relax! Relax! Shete!! I can't people! I really really can't! I'm gonna explode sa kilig! Gusto ko na siyang yakapin at makakagat-kagat kung saan! Hmn, baka iba iniisip niyo ahh, pinapangunahan ko lang. Pero shocks! Sige na nga, isipan niyo na kami ng pinakamasamang maiisip niyo sa aming dalawa, payag na payag ako!! Whaaahh!! Grasya yan noh! Thank you lord! "Hahaha, and I never thought that you would be so flirty to me like that. I thought you doesn’t even notice me."- Pagpapanggap kong sabi nalang sa kanya. Kahit pa patay na patay ako sa kanya, may natitiran pa namang pakipot effect sa akin. Yun mga dedma-dedma effect at kungwari walang effect sayo yung mga sinasabi niyang effect! Oh darn! Why you're so perfect that totally perfect for me. "Of course not!"- Kumunot ang noo niya pero nakangiti pa rin siya sa akin. "Why would you thought that I’ve never noticed such a pretty lady like you?"- Mas lalo siyang lumapit sa aking hindi na maalis ang ngiti niya sa mga labi niya. Shemay! Kung pwede lang wag matapos ang gabing ito, why not? Hindi naman ito ang unang beses na sinabihan niya ako na maganda ako, pero bakit yung impact nun hanggang ngayon kapag sinasabi niya ay parang kagaya pa rin noong una? Vagern! I'm really gonna fall for you, baby! Hindi ko alam na may landi rin palang ganito toh sa katawan. He's really seem so nice to me when we're talking at school at kapag tinuturuan niya ako sa swimming class. Hindi naman siya ganito ka-intimate magsalita sa akin kagaya nalang ngayon kaya nga hindi rin ako ganoong ka-vocal sa kanya. Tinatantsa ko kasi ang ugali niya, at napagaalaman kong ayaw nga niya sa mga bitches or flirts. So bale hindi wala pala talaga siyang intensyon sa mga babaeng umaaligid-aligid sa kanya? Kasi yun ang tingin ko sa lahat ng mga higad na yun sa school eh. Is he really liking me? Oh Lord! After 4 years na pagaantay na mapansin niya ang beauty ko, nagbubunga na rin ang mga tinanim kong EFFORTS! We keep talking and talking some nonsense stuff. Kahit pala walang kakwenta-kwenta ang pinauusapan niyo, parang enjoy na enjoy ka sa pakikinig at pagsagot sa kanya dahil gusto mo ang taong kausap mo. Well, hindi naman lahat nonsense, nakangalap rin ako ng mga impormasyon sa kanya tungkol sa mga plano niya pagka-graduate namin. Well, ako alam naman niya noong una palang na gusto kong magabogasya. May company rin pala sila somewhere sa Europe at here in Philippines. Probably, he would manage most of it eventually.   Habang naguusap-usap lang kami ni fafa Russell, may dumating na asungot na dapat talaga kakalbuhin ko na kung hindi ko lang kaharap tong gwapong nilalang na ito eh. "Uy sis! You seems enjoy na ah."- Bungad niya sa kanang parte ng kinauupuan ko. Nakatayo lang siya roon at nakatingin sa amin. Hinarap ko siya ng nakasimangot. "Yes! I was really enjoyed! Until you came!"- Medyo pasigaw kong sagot sa kanya then I rolled my eyes heavenwards until puti nalang ang makita sa mata na parang balewala lang ang inis nararamdaman ko sa pangiiwan niya sa akin doon. Buti nalang at dumating si fafa Russell para samahan ako dito kung hindi, mukha na akong tuod ngayon at tinutubuan na ng mga ugat. "Sorry na sis! Pero aminin, worth it di ba?"- Pabulong niyang sabi sa mga huling salitang nabanggit niya. Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin, medyo hindi ko gusto yung ginawa niya pero dahil sabi nga niya ay worth it naman ang pangiiwan niya ay patatawarin ko na siya! Hindi ko matiis ang impaktang toh eh. I just rolled my eyes onto her again and she began to smile even bigger that makes her lips stretch until it wrecks and even looking at me in the most irritating way. Argh! Damn this woman! Palagi nalang akong naasar nito ah, wala pa akong pambawi man lang. Tss. May hinigit siyang lalaki sa bandang kanan naman niya at hinila ito papalapit sa amin. "Oh by the way sis, this is my classmate I'm talking to you earlier."- Umabrisyete siya sa braso nung crush niya na para bang nag-e-enjoy pa sa pagyakap ng best friend ko sa kanya. "Dylan, this is my beautiful sis, Cleo."-Sabay hayad ni Vana ng kamay niya sa aking na talagang ini-introduce ako sa Dylan na yun. "Dylan Velasquez"- He smiled at sabay hayad sa akin ng kanyang kamay na parang nakikipagkamay. I looked at him first before I speak. "Cleo! Cleo Ackerman. Happy Birthday!"- Ngumiti nalang din ako sa kanya at syempre nakipag-shake hands ako. Baka isipin nung sumplada ako, which is medyo lang naman. "Thanks!"- Saad niya. Mas ngumiti siya sa akin pero binitawan ko na ang kamay niya. "Velasquez!"- Pasigaw na sabi ni fafa Russell mula sa likuran ko na. Kasi pinaikot ko ung upuan ko para lang makaharap ang impakta kong sistaret. "Manford!"- Sigaw din nito sa kanya sabay apir nilang dalawa. Magkakilala nga pala ang dalawang toh dahil pareho silang member ng basketball team ng school. He looks familiar pero hindi ko nalang pinilit ang sarili ko kung kilala ko ba talaga siya. I watched their plays whenever they’re competed, and maybe that's when I have seen him but didn't really give some care. I asked fafa Russell awhile ago kung close sila ng Dylan na yun. Sabi niya close lang sila dahil team mates sila, pero about in personal life or out of the basketball matters, hindi na raw. Tamang batian at pansinan lang sila sa school kapag nagkikita na hindi sa loob ng gymnasium. Well, this night seems so great. No! It was the best night party ever! Grabe, buong gabi dito sa bar lang ang tanging kasama ko ay si fafa Russell. Feeling ko tuloy may namamagitan na saming dalawa ng special something. Whaah! Kung ano man yun? Akin nalang yun! Pero hindi kulangot o kung ano pa mang pwedeng mamuo sa amin, ah basta! Akin na akin na siya! Konting kembot nalang Cleo, mahuhulog na sa kamandag ng iyong kagandahan at alindog ang fafa Russell Manford na yan! Bwahahaha.. -------------------------------------------- Thanks for reading! Hope you enjoy this story!  Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey! Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God! Don't forget to vote and follow me! Lovelots! ~Koolkaticles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD