Travis Marlakch Markovska

1987 Words
TRAVIS POV~ *Yawn*  Grabe antok na antok na ko pero kailangan ko pang magreview para sa long quiz bukas. Bakit ba naman kasi umulan pa ng pagkalakas-lakas, nakakaanyaya tuloy matulog dahil malamig ang panahon. Hays. Nakakabato naman dito sa bahay. Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hawak ang cellphone ko na kanina ko pa tinitingnan kung may tatawag. Pero mukhang magiintay lang ako sa wala. Hindi pa rin kasi siya tumatawag o nagte-text man lang. Bakit ba kasi hindi nalang ako ang pahalagahan niya? Nandito lang naman ako palagi kapag umiiyak siya at pinapasaya ko siya palagi kapag nagaaway lang naman sila ng boyfriend niyang ugok. Haynako. Kung nagtataka kayo kung sino ang tinutukoy ko ay ‘wag na kayong magtanong muna. Wala kasi ako sa mood pang magkwento eh. Malalaman niyo rin naman yun eventually. *And there's no guarantee That this will be easy.. It's not a miracle you need Believe me.. *   Dali dali kong tiningnan kung sino ang tumatawag (Eh kasi nga po may inaabangan akong tawag di ba?) Hindi ko naman dini-deny sa lahat na may gusto talaga ako sa kanya, matagal na. *Now I'm no angel, I'm just me But I will love you endlessly.. Wings aren't what you need You need me...*   Si Dylan pala. Sinagot ko na ang tawag niya baka kasi hindi na naman ako tantanan eh. "Oh bakit?"-Walang gana kong sagot. (Pre, ano? Pupunta ka ba?)-Medyo mainggay ang background niya, baka nasa bar na naman niya sila ngayon. Halatang-halata eh. Pero ano daw yung sabi niya? "Ha? Hindi kita maintindihan pre."- Inis kong sigaw kasi paniguradong hindi niya yun maririnig kung nasa normal ko lang na tono. (Pre naman! Birthday ko kaya! Hindi mo na nga ako binati kanina, hindi ka pa rin pupunta?)- Pasigaw niya ring sabi. Sabi na eh, nasa party na naman ang isang toh. Pero teka ano daw? Birthday niya pala? Ay takte! Hindi ko man lang naalala. "Sorry Pre, nakalimutan ko lang naman."- Palusot ko nalang. (Grabe ka, nakakasama ka naman ng loob Trav.)- Ang arte naman niya, ano siya? Babae na kailangan i-text ng greetings? Baka gusto niya pang padalahan ko siya ng flowers at gift. "So ano pre? Habol ka dito sa place ko ahh! Masaya dito, hinding-hindi ka magsisisi.."- Pangiinis pa ng loko. "Oo na, papunta na ako."- Sabay baba ko na ng phone. Classmate ko si Dylan sa ilang subjects dahil magka-course lang din kami. Pareho kaming Cardiology student, nasa third year na ko ng cardiology medicine, habang nasa second year pa lang siya. May bachelor's degree na ako ng Medicine. Actually, eto talaga ang gusto kong propesyon, ang maging doktor. Hindi sa ayokong maging abogado dahil ayoko ng arguments kagaya ng Mom at Ate Trixie ko, ayoko rin ng Engineering kagaya ng Dad at Ate Trina ko. Bunso ako sa aming tatlo at unico hijo, ako lang ang naibang linya sa buong pamilya ko, dahil mula sa ninuno namin, kung hindi isang abogado, ay isang arkitekto o inhinyero. Pareho nang tapos sa pagaaral ang mga kapatid ko, ako na lang ang nagaaral sa amin, pero maraming foundation na sinusuportahan ang school na pagmamay-ari namin na nagbibigay ng scholarship sa mga karapat dapat na estudyante na gustong makapagtapos. Isa sa pagmamay-ari namin ang Mason Markovska University. Sa granpa ko sa tuhod yan ipinangalan dahil syempre, siya ang founder. Si dad ang president ng university pero si lolo pa rin ang Director. Hindi nga lang siya madalas na nandoon gawa nga'y siya ay may edad na. Professor doon si mom sa College of Law, matagal na rin siyang nagtuturo doon at siya rin ang university lawyer. Si ate Trixie naman ay may asawa na at nakatira na sila sa London. Si ate Trina naman ay busy sa mga infrastructures na pinapagawa ng Markovska University para sa mga foundation at expansions. Kaya ako ngayon, dito lang palagi sa mansyon kapag walang pasok, gimik o practice ng football. May sariling gym naman ako dito sa bahay kaya kapag gusto kong magpapawis, doon nalang ako. Isa sa mga hilig ko ang mixed martial arts, specialty ko ang Kickboxing. Minsan ka-sparring ko si Dylan o si Bricks na mga barkada ko. Nagka-Cart racing din ako, bata pa ako libangan ko na rin toh, pareho kami ni ate Trina pero ngayong busy na siya, ako nalang madalas ang magisa. British-Russian ang dad ko, Filipino naman ang mom ko, nagkakilala sila sa London noong minsan nagbakasyon doon si mama dahil congratulatory gift daw sa kanya yun nila lolo at lola dahil Bar passer na siya, top notcher pa. Simula daw nung nagkita sila, hindi na daw siya pinakawalan ni dad at pinakasalan na kaagad siya doon bago pa man makauwi dito sa Pilipinas. Abot langit daw ang galit ng lolo sa kanila pero noong nagtagal ay natanggap na rin nila ang pagaasawahan nila.   On the way na ko papunta sa bar ni Dylan. Bakit ba kasi ngayon pa ang birthday niya? Ang malas naman niya dahil maulan. Ilang minuto na rin akong nagda-drive, nasa malapit palang ako sa school, sa stop light. Naka-red light pa kasi kaya nakatigil ako ngayon. Tumitingin-tingin ako sa side mirror ko sa kaliwa at kanan. "Bakit kasi siya diyan nagaantay, tss.."- Bulong ko lang sa sarili ko dahil nahagip ng paningin ko ang isang babaeng nakatayo malapit sa stop light. Nilalamig na siguro siya dahil niyayapos na niya ang sarili niya at halatang may iniintay dahil hindi mapakali ang itsura niya sa pagtingin sa mga sasakyan. Alam ng malamig hindi nagdala ng jacket o sweater man lang, tapos naka-shorts lang. Kung girlfriend ko siguro siya, hindi ko siya pagaantayin ng ganyan, instead susunduin ko na lang siya. *Beep beep* "Ay pulgas!"- Nasabi ko nalang sa gulat. Oo, nagulat ako. Hindi ko napansin na naka-green light na pala, nawala yata ako sa karimlan ko habang iniisip ang katangahan ng mga taong yun. Haynako, makaalis na nga. Dali-dali kong pinatakbo ang sasakyan ko upang makaalis na doon. Hindi naman dahil sa concern ako sa babaeng nakatayong nagiintay dun sa stop light (siguro medyo lang kasi kahit papaano babae pa rin siya) Pero dahil naalala ko na naman si Shanelle. Ang kaisa isang babaeng minamahal ko. Kababata ko siya sa London. Doon kasi ako pinanganak at lumaki hanggang sa umuwi na kami dito sa Pilipinas noon sampung taong gulang palang ako. 13 years na rin kaming nandito kaya magaling na akong magtagalog. Naunang umuwi ang pamilya ni Shanelle dito sa Pilipinas, kaya naman walang alintana kong pinilit sina dad at mom na sa Pilipinas na rin kami tumira. At mabuti naman at dininig nila ako. Simula noong nakarating ako dito sa pilipinas, wala na akong ginawa kung hindi sundan si Shanelle sa lahat ng bagay na gusto niya. Pinasukan ko rin ang mga schools na pinasukan niya noong highschool pero dahil sa gusto niya daw maging isang magaling na Chef, nag-enroll siya sa university na pagmamay-ari namin. Para naman daw hindi ko na kailangang mapilitang mag-enroll sa ibang school dahil alam niyang gusto kong maging doktor, at alam din niyang sa unibersidad na pagmamay-ari namin ay maganda ang quality of education. Matagal ng alam ni Shanelle na may gusto ako sa kanya. Alam niyang matagal ko na siyang minamahal pero palagi niya lang sinasabi sa aking puppylove lang daw ang nararamadaman ko kasi siya lang daw kasi yung babaeng kilala ko halos ang buong pagkatao. Pinapasubukan niya akong makipagkilala sa ibang babae para naman daw lumawak ang kaalaman ko sa mga babae hindi yung puro nalang daw siya. Anong magagawa ko? Sa kanya lang kasi ako talaga interesado. Ni hindi ko nga nagawang makipagusap sa ibang babae unless sina ate yun, si mom o prof ko. Noong una siyang nagkaroon ng boyfriend, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Brokenhearted talaga ako sa kanya pero hindi parin ako sumusuko. Noong naghiwalay sila ng ungas na yun, hindi ko napigilan ang sarili kong gulpihin ang ugok. Nagalit sa aking si Shanelle pero wala akong pakialam, ang importante ay naiganti ko siya. Sinasamahan ko siya araw-araw sa pagiyak niya. Ginagawa ko ang lahat para mapasaya siya at makapag-move on kaagad. Sa tuwing sinasabi ko sa kanyang bakit pa kasi siya naghahanap ng iba eh nandito lang naman akong handang mahalin siya ng habang buhay at paligayahin siya. Pero sa tuwing sinasabi kong mahal ko siya, ang sagot niya lang ay "Salamat Trav". Naknang tokwa! Ano ako? Bata? Hanggang puppylove lang ba talaga ang tingin niya sa nararamdaman ko? Oo nga at mas matanda siya sa akin ng dalawang taon lang naman. Hindi ko alam kung ano pa bang kulang sa akin o talagang bulag lang siya eh. Lahat ng gusto niya sa lalaki, pinipilit kong gayahin para lang na mapansin niya ako pero useless talaga eh. Nakakabatang kapatid lang talaga ang tingin niya sa akin. Ginagawa ko na nga ang lahat-lahat para lang mahalin niya ako pero sa iba pa rin siya nahuhulog. Kung pwede lang basagin ang lahat ng mukhang ng mga lalaking magugustuhan niya, ginawa ko na. Minsan pa nga kapag alam kong may nanliligaw sa kanya, tinatakot ko na yun para lang layuan siya.   Nakarating na rin ako dito sa bar ni Dylan. Wala na rin ang pagkalakas-lakas na ulan kanina, nagpapansin lang siguro. Pagka-park ko ng kotse ko, papasok na sana ako sa loob ng makita ko ang isang pamilyar na babae sa entrance. Nagkaroon tuloy ng pila, hays. Mukhang hinaharang sila kasi halatang menor de edad pa siya, pero yung kasama niyang isang babae ay medyo matured sa kanya. "Kuya maniwala ka twenty years old na talaga ako! Hindi na ko menor de edad noh! Lagpas eighteen na ko!"- Sigaw nung babae na may pagmamakaawa. Mukhang convincing naman siya pagmamakaawa niya kaso kasi kung titingnan mo ung itsura niya, ang bata niya para sa edad niya. Para lang siyang 15 years old. I can feel you, miss. Mukha rin daw kasi akong bata sa edad ko. Minsan pa nga napagkamalan pa akong high school student lang noong nag-a-apply ako ng application for medical course ko. 24 years old na ko pero para lang akong 18 years old. Kaya siguro hindi ako magawang seryosohin ni Shanelle dahil sa itsura ko. Kahit nagpapahaba ako ng konting beard at nagpapalaki na ko ng katawan, parang ganun pa rin ang itsura ko. "Wag kang makulit nene! Baka ako ang mapahamak kapag pinapasok kita eh."- Pananakot ng bouncer sa babae na mukhang hindi naman natitinag sa kanya sabay nagikot pa ng mga braso niya sa harap niya. Mukhang disappointed yung dalawang babae dahil ayaw papasukin yung isa sa kanila. "Dylan!"- Sigaw nung isang babae na kasama nung hindi pinapasok habang kumakaway-kaway. Napatingin naman ako sa direksyon nila at sa direksyon ng tinitingnan nila. Si Dylan nga. So kakikilala niya pala itong mga toh. Mukhang invited nga niya. "Kuya, guess ko sila."-Sabay tapik sa balikat ng bouncer nila at ngumiti. Umaliwalas ang mukha nung babaeng tumawag sa kanya, pero ung babaeng hindi pinapasok kanina tahimik lang. Walang emosyon na para bang walang paki kung sino ung nasa harap nila. "Uy pre, you made it here!"-Sigaw ni Dylan na patungo na sa direksyon ko. Inilapat niya ang kamay niya sa akin para makipagapir. Umapir naman kaagad ako sa kanya at tumungo lang. "Happy Birthday Pre!"-Bati ko sabay akbay ko saglit sa kanya. "Salamat Pre. Tara na sa loob."- Pangaaya niya sa akin. Wala na rin pala doon sa entrance ung dalawang babaeng umeksena pa kanina. "Teka siya nga yun!"  Nasabi ko na lang sa isip ko noong maalala kong yung babaeng hindi pala pinapasok kanina ay yun din pala ung babaeng nakita ko kanina sa may stop light. Oo, siya nga! Ganun na ganun ang suot niya eh, tapos naka-bonnet pa. So hindi pala boyfriend niya ang hinihintay niya kanina kung hindi yung kaibigan niyang babae para pumunta sila dito. Mukhang tumakas lang yata yun ah. Sayang lang pala ang pagda-drama ko kanina habang tinitingnan siya tungkol kay Shanelle. Hays. -------------------------------------------------------------------------- Thanks for reading! Hope you enjoy this story!  Please support this story as it has been already signed here at Dreame! Yey! Hoping for more stories to be signed here too soon. Thank God! Don't forget to vote and follow me! Lovelots! ~Koolkaticles
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD