bc

Neighbor with Benefits

book_age18+
291
FOLLOW
2.6K
READ
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Hi, I’m Sean. Let’s say ako ‘yung tipo ng tao na go with the flow lang. kahit anong mangyari. Walang exciting na kaganapan sa buhay. Gigising, mag aasikaso papuntang work, konting chikahan with friends tapos uuwi na. And repeat. Paulit ulit.

Pero nagbago lahat nang makilala ko ang lalaki sa kabilang unit na si Juan Angelo. Ang taong nagpabaliw sa puso kong nananahimik.

chap-preview
Free preview
First Meet
Officially hired! Sa wakas, after ilang linggong paghahanap ng trabaho, nabigyan na rin ako ng job offer. Okay na ako sa salary. 30,000 is a good offer tapos work from home pa. Hindi ko pa problema ang pagbayad ng condo dahil si Kuya naman ang nagbabayad neto. Tanging sagot ko lang ay ang bills and food. Kakakwento ko lang kay Kuya na nakuha na ako sa work at mukhang masaya naman siya kasi mababayaran ko na utang ko sa kanya. (Well technically, hindi niya rin naman ako sisingilin kasi alam kong katiting lang ng sweldo ko ang sweldo niya) “Sean!” Narinig kong sigaw ng bestfriend kong si Nicole. Nagmadali akong buksan yung pinto dahil for sure, magagalit na naman ang kabilang unit. “Sabi ko naman na huwag kang sumigaw!” Pinapasok ko na kaagad siya sa unit. “Kasi naman ang tagal mong buksan. At saka, nagpapapansin lang ako sa pogi sa kabilang unit.” Sagot niya “Alam kong bago lang kami sa unit na ‘to pero alam kong walang gwapo dito.” “Gaga, tignan mo kasi!” Hinatak niya ako palabas uli. Kahit mas matangkad ako kay Nicole, kayang kaya niya akong tulakin at kaladkarin. Unit 7011 kami, sumilip kami sa kabilang unit, which is 7012, partly nakabukas ‘yung pintuan nila at mukhang may party. Though hindi malakas ‘yung sounds nila, rinig naman ‘yung usapan nila. “Ayan bakla, tignan mo.” Sabi ni Nicole. Nakakahiya kasi alam kong nakikita kami ng mga nasa loob na nakasilip kami. Pero tama siya, tinuro niya sa’kin ‘yung lalaking naka sando na puro tattoo sa kanang braso. Ang laki ng biceps at ng dibdib niya. Batak na batak sa gym. Tapos may kausap siyang babae na maganda pero mas napansin ko ‘yung pag smile niya. Killer smile! Ganito type kong lalaki. Malaki katawan, may tattoo, makapal labi at higit sa lahat, sobrang gwapo! (Aminin, halos lahat naman ganyan ang type.) Isa pa sa napansin ko sa kanya is ang kinis niya! Parang walang pores, walang bahid nang kadumihan at mukhang amoy baby powder. Natulala na lang ako sa kanya kakatitig kasi parang hindi ko akalain na may ganito pala sa kabilang unit. Naalala ko one time, may lumabas sa unit nila na babaeng matanda. Kaya akala ko, walang ganyang kasarap na nakatira sa kabilang unit. “May mga fans ka sa labas!” Narinig kong sigaw ng babae sa loob. Kami ‘yung tinutukoy na “fans” kasi kami ‘yung nakasilip sa labas. Maya maya, mas nagulat ako sa nakita ko. Si Donny Pangilinan! Oh My God! Ang gwapo sa personal! Ang tangkad, artistahin talaga. Nginitian niya kami. Ramdam na ramdam ko ‘yung paghampas ni Nicole sa braso ko since hindi siya makasigaw. “Hello.” Bati ni Donny sa’min. Pero bago siya makalabas ng pinto, hinarangan siya ng isang babae sa loob. “Hi, sorry. This is the first time na nakumpleto kaming friends, and I don’t want to be rude pero pwede later na kayo magpapicture kay Donny?” Infairness naman sa tono ng boses ng babae, hindi ako nainis. “Sorry po.” Sagot na lang namin ni Nicole. “I can drop by later sa unit niyo if you wa…” hindi na natapos ni Donny ‘yung sasabihin niya kasi sinara na ng mga kaibigan niya ‘yung pinto. Dali dali kaming bumalik sa unit ni Nicole at nagsigawan. “Oh My God!” “Ang pogi!” “Ang sarap!” “Nakakatakam!” Puro kabaklaan lang sigaw namin ni Nicole. Hiyawan at kilig na kilig. “Tangina bakla, ang swerte mo! Pwede bang dito na rin ako tumira?” Tanong ni Nicole pagkaupo namin sa sofa. “No.” Mataray kong sagot. Nagtawanan na lang kaming dalawa hanggang sa naisipan naming manuod muna. *********** Bahagya lang namin binuksan ‘yung pinto, sakaling lalabas na ng unit sila Donny. Kunwari, magtatapon kami na basura sa baba since sira ‘yung trash chute sa condo. Lagpas 12AM na at narinig namen ang maingay na usapan sa labas. Lumabas na nga sila. This time, sumilip si Donny sa unit namin tapos nakita niya kaming nakatingin sa kanya. Ngumiti uli siya at sumenyas siya na lumabas kami. This time, hindi na kami naginarte. Lumabas kami, nilabas namin cellphone namin para makiselfie, hindi kami mapakali ni Nicole sa pagkuha ng picture nang biglang may nagsalita sa likod namin. “Kuhanan ko kayo ng picture.” Sabi nung lalaking gwapo. Naka sando pa rin siya at mas visible ngayon ‘yung mukha niya dahil sa ilaw ng hallway. Sobrang gwapo niya. Parang kinakausap niya ako sa mga mata niya at sinasabing “kainin mo ko”. Natulala ako kaya si Nicole na nag abot ng cellphone ko sa kanya. Nahimasmasan ako nang batukan ako ng slight ni Nicole. Nagposing kami with Donny ng ilang shots sabay nagpaalam na siya sa’min. Naglakad sila papuntang elevator. Kumaway pa sa’min si Donny bago siya sumakay at nagflying kiss pa. Super bait at super gwapo at super bango pa. Total package. Parang may hangover kami ni Nicole sa pangyayari kasi wala kaming ibang pinagusapan kung hindi si Donny. Pero deep inside, mas nangibabaw ‘yung lalaki kanina. Sobrang gwapo ni Donny pero hindi ko siya kayang pagnasaan. Feeling ko BFF lang kami tapos siya ‘yung magiging tagabayad kapag kakain kami sa labas. Pero ‘yung lalaki kanina, hindi ko lang siya kakaibiganin. Jojowain ko pa. Titikman 24/7. Ihi lang magiging pahinga namin. Hindi susuko. Hindi aayaw. Sakanya lang ako nang buong buo. After nang mga pangyayari, nagbook na si Nicole ng Angkas para makauwi. Ang sabi niya, babalik na lang siya next week at sabay kaming magcecelebrate ng Christmas. Hinatid ko siya sa baba hanggang makasakay. Nagpaalam na ako kay Nicole saka ako uli pumasok ng building. Binati ko si Kuyang Guard na palagi ko nakakakwentuhan sa baba. “Good Evening Sir Sean. Girlfriend mo boss?” Tanong niya. “Ay hindi po Kuya, kaibigan ko lang po.” Sagot ko. Medyo may pagkachismoso rin kasi ‘tong si Kuya Leo eh. At saka hindi niya siguro alam na bakla ako dahil hindi ko naman nilalabas tunay na anyo ko sa labas maliban na lang kung kasama ko mga friends ko. For some reason, sabi rin nila depende sa built mo. Feel ko kasi maliit lang ako kasi 5’5, medium build tapos conscious sa katawan kaya ayaw konti lang palagi kinakain ko. Minemaintain ko ang 60kilos na timbang. “Ay Sir, di’ba sa unit 7011 po kayo?” Tanong ni Kuya Leo. “Opo.” “Nahulog kasi ‘yung ID ni Sir kanina. Unit 7012, kakilala niyo ba?” Inabot niya sa’kin ‘yung ID at laking gulat ko. ‘Yung lalaki kanina na gwapo!! Akala ko kasama lang siya nila Donny pero dito pala siya nagsstay! Natulala na naman ako sa kagwapuhan niya. ‘Yung ID ko rito sa condo, ang panget ng kuha ko pero sa kanya, parang pang profile picture na ginamitan ng iPhone 14 pro max 1 Terabyte fully paid. Ang HD pa! Or dahil lang din siguro sa mukha niya kaya ang ganda tignan. “Sir?” Natauhan na lang ako nang tawagin uli ako ni Kuya Leo. “Ah… opo… kilala ko po, katabing unit lang.” sagot ko “Sige Sir, salamat. Kanina ko pa kasi tinatawagan pero walang sumasagot eh.” Sabi ni Kuya Leo. Tumango na lang ako at dumiretso sa elevator. Naghihintay ako at saka ko nakita complete name niya. Juan Angelo Tolentino Kahit pangalan ang gwapo. Samantalang ako Sean Ivan Melo. Buti na lang cute ako. Nakasakay na ako hoping na lalabas siya ng elevator pero walang laman. Pinindot ko na ‘yung 7th floor at saka dumiretso sa unit niya. Kumatok ako pero walang sumagot kaya hindi na ako nang istorbo. Pero bago ako makaalis sa tapat ng unit niya, bumukas ‘yung pinto at talaga namang nanlaki mata ko sa nakita ko. Nakatapis lang siya ng tuwalya. At hindi lang basta tapis, kitang kita ko ‘yung V line niya. Sobrang ganda ng katawan. Punong puno pala tattoo niya sa kanang braso tapos may mga tattoo rin sa kaliwa. Sobrang kinis niya pa lalo’t kaharap ko siya. Amoy bagong ligo rin siya. Medyo basa pa katawan niya siguro nagmamadaling buksan ‘yung pinto. Nakangiti siya sa’kin na parang nang aakit. Pero nagbago agad mood niya nung makita ako. Parang nahiya kaya inangat niya ‘yung towel niya kasi talagang pahubad na siya eh. “Yes?” Tanong niya. Tangina, kahit ang boses pa lang feel ko lalabasan na ako. Ang sarap pakinggan. Imagine, habang nakapatong ako sa kanya, bubulungan niya ako ng “Yes” o kaya “Sige pa”. Feel ko mapapajakol ako neto mamaya. “Ah. Eh. Nahulog mo raw sa baba.” Sagot ko sabay abot ng ID niya. Hindi na ako naghintay nang sasabihin niya kasi nahiya ako at ang nipis ng suot kong short. For sure, kitang kita niya na tinigasan ako. Sobrang nakakahiya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
170.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Rain Alcantara :The Boss Thunder

read
8.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook