EPOLOGUE
THE UNTOLD FEELINGS
"Ang buhay ay patuloy lang sa pagdaloy, sa bawat gising ay isang panibagong biyaya ang dumarating, hamon sa buhay na kailangan harapin. Gaano man kahirap ang ating pinagdaanan paniguradong ito'y ating palalagpasan."
Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang noong nakikipag tuksohan pa ko sa crush ko noong elementary. Naalala ko pa kung paano ako umiyak dahil sa panunukso niya, naalala ko rin kung paano siya umiyak at mag-makaawa dahil sa ginawa namin ng kaibigan ko sa kanya. Cute niya umiyak dati. Naalala ko rin kung paano kami maglalaro tuwing hapon yung tipong saming dalawa lang umiikot ang mundo, masaya ako sa tuwing siya yung kalaro ko at the same time naiinis rin dahil sa pinaggagawa niya sakin. At higit sa lahat ang hindi ko malimutan ay kung paano ako nahulog sa kanya. Nagbago lang ang lahat noong pag-tungtong na namin ng high school although magkalapit lang yung room namin. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi na siya yung dati kong kalaro, di na niya ko pinapansin nagkagusto rin siya sa kaibigan no'n at parang ako pa ang naging tulay sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko gusto ko siya pero parang balewala lang, like hindi naman ako nasasaktan kaya okay lang. Pero sa tuwing nanaala ko siya bumabalik ang lahat sa nakaraan, tela ako'y nalulungkot sa tuwing sumasagi siya sa aking isipan.
Hindi ako umamin noon kasi takot ako, at benalewala ko lang yung nararamdaman ko dati kasi kasama ko naman siya palagi sa school. Pero ngayong tuluyan ng nag-iba ang landas na aming tinatahak, hindi ko na alam kung may tsansa pa ba akong masabi ang nilalaman ng puso ko. Kung may pag-asa pa bang pagtatagpuin kami kung sa panahong ito ay hindi na namin nasilayan ang isa't-isa. Nagbabakasali at nag hihintay nalamang ako sa tamang panahon na kami ay pagtatagpuing muli.