THE UNTOLD FEELINGS
Alas otso na pala nang umaga, malalate nanaman ako nitong pumasok. Pagsambit ko sa aking sarili na medyong May pag-alala. Medyo lang naman, sanay narin naman akong malate. Dali-daling naman akong bumangon at pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo ay pumunta na ako sa aking kwarto upang magbihis ng aking uniporme, agad naman akong lumabas dala-dala ang aking bag at selpon, hindi ko na rin na suklay ang aking buhok dahil nakatali naman ito. Hindi na rin ako nakakain ng almusal dahil sa pagmamadali.
Habang papasok nang room ay hindi maiwasang tingnan ako ng aking mga kaklase. Ganda ko kasi ee, noe. Di joke lang. Dahan-dahan akong pumunta sa aking upuan, uupo na sana ako ng magsalita si Mr. Perez. Adviser siya namin at kasalukuyang nagtuturo nang math. Gwapo siya, tas moreno at matangkad sakto lang rin ang pangangatawan. "Late ka nanaman Maria Jazel Sandoval" Saad niya. "Ito namang si sir parang di pa sanay". Mahina kong sabi. "So, kailangan mo ma rin pala sanayin sarili mo na magkaroon ng pulang marka". Luh! di ko inaasahan na nadinig niya pa sinabi ko. Pagkasabi ko sa aking sarili. Biro lang sir. at tumawa naman ako ng pilit. Bumalik naman siya sa kanyang leksyon.
Nandito ako ngayon sa likuran dito kami nakaupo ng bestfriend ko. Siya si Belle San Jose matalino sa math, kaya kapag nag q-quiz kami ay sakanya ako humihingi ng sagot. Maganda rin siya at di gaanong katangkaran. Magtatanong na sana ako nang--- bigla akong tawagin ni sir. "Sandoval, answer question number four on the board". "Hala sir! bakit ako? Hindi ko pa nga na gets masyado". Saad ko na nag rereklamo. "Kasalanan ko bang hindi ka nakikinig? bilisan mo na". Pumunta naman ako sa blackboard na parang nag-aalangan. nandito ako ngayon sa tapat ng blackboard nakatayo habang tinitingnan ang mga numero at simbolo na nakalatag sa blackboard. Ilang minuto pa, ay nag ring na ang bell, hudyat para sa patapos na klase. "yes!" mahina kong sabi habang nakangisi. "Let's continue it tomorrow, Sandoval ikaw parin sasagot niyan bukas. Okay class you may have now a recess." Saad ni Mr. Perez. Akala ko'y makakaiwas na ko di pa rin pala. huhu. Kaya naisipan kong magpatulong sa bestfriend ko at tinulungan niya din naman ako. Pagkatapos nun ay lumabas kami para bibili ng makakain. Papalabas na sana ako nang may tumawag sakin. "Jazel!" sigaw ng lalaking na sa likuran ko. "oh! bakit? ang lapit lapit sumisigaw." saad ko. Siya si Mark Reyes. Matangkad at medyo gwapo matalino siya sa English.
Inamin niya rin na may crush daw siya sakin. Wala naman akong pake noe. Magkaibigan kaming dalawa sa room.
Pero pag nandiyan ang jowa hindi nagpapansinan. "Sama ako, puntang canteen". saad niya. "Okay, sige, basta libre mo ko". pagtataray ko sakanya.
"Sige ba. Basta my free kiss". saad niya na parang nang-aakit. "Ano ka sinuswerte? Para lang to sa jowa ko noe." sabi ko na tila naiinis. Tinawanan lang ako ng bestfriend ko.
Nandito kami ngayon sa canteen at pipila para bibili ng hotdog sandwich.
"Bes, akin na yung pera". sabi ko. Ako ang pumila kasi libre niya daw ako. hihi.
Ibinigay niya naman sakin ang pera. "ikaw Mark, ayaw mo bang bumili?" tanong ko. "Okay lang, makita lang kita busog nako." saad niya ng nakangisi.
"Alam mo, bahala ka sa buhay mo." sabi ko. Pagkatapos naming bumili ay lumabas kami ng canteen para bumalik nasa room nang may lumapit saaking mestisong lalaki. "ah, miss pwede bang magpa-picture?" saad niya habang nakatingin sakin. Magsasalita na sana ako, ng pumunta samin si Mark at nagsalita. "Hindi pwede, bawal. Diba babe sabi ko naman sayo? wag kang mag entertain ng ibang lalaki habang kasama mo ko." saad niya na tila nang-aasar. Umalis naman ang lalaki.
"Alam mo, kakainis ka, tabi ka nga diyan."
sabi ko nanaiinis na sakanya kanina pa. "oyy, sorry na, biro ko lang naman yun ee." hindi ko na lamang siya pinansin hanggang makarating kami ng room.
Hindi niya talaga ako tinantanan, hangga't hindi niya masisigurong hindi na ko galit. "uyy. nagtatampo kapa rin ba?" saad niya na tila nalulungkot ang boses at ekspresyon ng mukha. "bakit jowa ba kita para magtampo ako?" sabi ko sakanya. "So, hindi ka galit?" tanong niya sakin. "ewan" sagot ko. "Sige ka, hahalikan talaga kita pag hindi mo ko sinagot ng maayos".
"Oo na, di ako galit okay? balik kana dun sa upuan mo". saad ko sa kanya. "I love you Jazel" seryoso niyang sabi. Tumahimik na Lamang ako at kumain ng binili kong hotdog sandwich. estee Nilibre pala ng bestfriend ko. Siya naman ay naghihintay ng maisasagot ko sa kanya. "oh? ginagawa mo pa dito?" tanong ko sakanya na medjo sarkastiko.
"hinihintay ang sagot mo sa sinabi ko". saad niya. "Bakit ano ba sinabi mo?" tanong ko sakanya. "Wala kalimutan mo na nalang". sagot niya na tila bakas sa mukha ang pagkalungkot at umalis.
Pagdating nang hapon ay, wala na kaming klasi sa iba naming subjects. Kaya't nabobored ako ngayon sa room. Yung bestfriend ko kasi busy sa kakalaro sa selpon niya, nakaramdam ako ng pagsakit ng aking ulo, kaya pumunta ako sa dulo nang room namin kung saan nakaupo si Mark. Meron kasi doong bakanteng upuan na pwedeng higian.
At dahil nandoon siya, ay sumandal na lamang ako sa kanya. "oh? anong nangyari ? okay kalang ba? masama ba pakiramdam mo? sabihin mo lang, nandito ako para sayo." saad niya na may pag-aalala. "Hindi okay lang, pahiga mo na ko sa likuran mo ha, medjo sumakit kasi ulo ko. Okay lang ba ?" sabi ko sakanya. "Sige, pahinga kalang at babantayan kita. Ano bang nangyari at sumakit yang ulo mo? Nakasandal ako sa likuran niya habang nakapikit ang aking mata. "Hindi ko nga rin alam ee bigla nalang sumakit, baka kulang lang to sa tulog". sagot ko sa kanya.
"ah ganon ba, sabihin mo lang pag may kailangan ka ha." Dito lang ako. Sabi niya na tela nagaalala.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, habang nakasandal parin sa likuran ni Mark. "Ilang oras nakong nakatulog?" tanong ko sakanya na halatang ang boses ay kagigising lang.
"mga thirty minutes siguro, hindi na ba masakit ulo mo?" saad niya. "Hindi na masyado". sagot ko sakanya. "mabuti naman kung ganon".
Andito parin ako sa tabi ni Mark at magkaharap na kami ngayon, habang nag-uusap. "Maayos na ba pakiramdam mo?" tanong niya. tumango nalamang ako bilang pagsagot sakanya. "May kailangan kaba ? gusto mo bilhan kita ng makakain?" sunod-sunod niyang tanong. "Ano ba, wag kanang mag-abala Mark. okay na ko." Sabay ngiti ko sa kanya na pilit. Hindi ko na namalayan na nahawakan na pala ni Mark ang aking kamay at nakita iyon ng girlfriend niya. Kung kaya't nataranta akong kinuha ang aking kamay at umalis, tumayo naman si Mark habang nakatingin sa girlfriend niya. Hindi alam ang gagawin. Susundan niya na sana ang girlfriend niya nang
tila maiihi siya, kaya dali-dali naman itong pumunta ng banyo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano. Pero kinakabahan ako para sa kanya, paano kung maghiwalay sila dahil sakin. Kitang-kita ko ang naging reaksyon ng girlfriend niya. Halata sa mukha niya na tila mangiyak-ngiyak dahil sa selos.
Inabangan ko si Mark sa banyo para humingi ng pasensya dahil sakin mag-aaway sila.
" Mark, sorry". sabi ko na tila nalulungkot ang tono ng boses.
"para saan?" pagtataka niyang tanong.
"Dahil sa nangyari, dahil sakin mag-aaway pa kayong dalawa". sambit ko habang nakatingin sakanya. "Ano kaba, wag mong sisihin ang sarili mo, hindi ikaw ang may kasalanan at saka wag kang mag-alala magkakabati rin kami." ani niya na nakangiti ng bahagya.
tumango na rin lang ako bilang pagsagot, lumabas siya ng room at pinuntahan ang kanyang girlfriend para suyuin.
Heto ako ngayon nakaupo sa dulo ng room at nakatulala ilang beses na pala akong tawagin ng bestfriend ko.
"hoyyy, kanina pa kita tinatawag, bat nakatulala ka diya ? my problema ba? " tanong ni Belle sakin. huminga muna ako ng malalim bago makasagot " wala naman. May kailangan kaba ?" tanong ko sakanya. "Oo ee, samahan mo muna ko maghatid nitong mga notebook natin sa Filipino ngayon daw kasi ito i-che-check." ani niya. "sige tara". tumayo naman ako at tinulungan siyang kunin ang mga notebook sa mesa upang dalhin sa room ng subject teacher namin.
We are G A S student which means we are undecided for what we really like.
Hindi ko rin alam kung anong gusto kong course mag college. Hindi ko parin naman naiisip y u n , dahil sa ngayon ay gusto ko munang mag enjoy at isa pa grade 11 palang naman ako. Kahit na nakaka-stress na ang mga gawain sa school, pero okay lang naman. Palagi naman akong late mag pass ng projects.
pabalik na kami ng room, nang masagasaan ako ng isang lalaki, dahilan para matumba ako. Akala ko ay tuluyan na akong natumba, pagmulat ko ng aking mga mata ay nakita ko ang pagmumukha ni mark. Nasalo niya pala ako, dali-dali naman akong tumayo para makaalis sa kanyang pagkahawak.
"a-amh ... a-ang bilis mo naman hihi." utal kong sabi at tila naiilang.
"kanina pa ko sumusunod sa likuran niyo hindi naman ako gaano kalayo. sasabay na sana ako sa usapan niyo, ng biglang dumaan yung lalaki na sumagasa sayo , kaya buti nalang at nasalo kita." sabay ngisi nito na tila nagustuhan pa ang nangyari. "Sa susunod kasi tingin-tingin din sa dinaraanan". dagdag pa nito. "Kasalanan yun ng lalaki noe, parang tanga, tamang takbo lang siya ni hindi manlang tumitingin kung sino madadaanan niya." Pagrarason ko sa kaniya. "Magpasalamat kanalang sakin". sambit niya. Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya inilapit ko ang aking mukha sa mukha niya at tinignan ko siya sa mata ng deritso at siya naman ay hindi makatingin sa mga mata ko, pag-t-tripan ko nanaman siya. Tawa ko sa sarili . "A-anong g-ginawa m-mo?" tanong niya sakin na nauutal at tila kinakabahan. Benalewala ko ang kanyang sinabi at bubulongan ko na sana siya ng umipal na naman bestfriend ko sa ginawa ko. "hep, hep, hep!" sa room niyo nalang yan ipagpatuloy ang harutan niyo nakakahiya baka maraming makakita". saad ni Belle na natatawa. "Ohh tignan mo si Mark, tela namumula na yung pisngi, halatang kinilig ee". panunukso niya kay mark at tumawa kaya ako ay nakangisi. "ah -- huh? hindi naman aa, allergy lang yan kanina pa yan ee, ngayon mo lang na pansin." Pag-d-deny niya na halatang na gui-guilty. "weh? sure ka ? bakit may allergy ka ba ? at saan kanaman na allergy aber ?" sunod-sunod na tanong ni Belle kay Mark. "ah basta ganun yun." tanging na sambit na lang ni Mark samin. Kaya ngumisi na lang ako, habang si Belle ay hindi kumbinsido sa naging sagot ni Mark kanina. "Bilisan niyo na nga ang paglalakad." Pagsambit niya habang nakakunot ang noo. "Galit ka, galit?!" Tanong ko na medyo ng aasar.
"Baka gusto mong tuluyan nalang kitang halikan". saad ko na pabiro sakanya. Gumagana na naman kaharutan ko. "Sige." seryosong sagot niya sa tanong ko. "Anong sige?" Tanong ko sa kanya ng may pagtataka. "Sige, bilisan mong lumakad papuntang room at dun natin gagawin sinabi mo". Saad niya na tila may binabalak. tumawa nalang ako ng pilit. "HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA HA .... seryoso ka?" Tanong ko sa kanya. "Oo naman, bakit hindi?" ika nga grab the opportunity". Sagot nito saakin nang nakangisi. "G*GO. ikaw na ata pinaka harot sa classroom." sambit ko sakanya.
"ouch! it really hurtz ang magmahal ng ganito kung sino pang pinili siya pang di makuha ng buo." pagkanta at sayaw niya sa harapan ko. Kaya natawa na lamang kami ng kaibigan ko. "napaka ano mo talaga". sambit ko sabay tawa. "Napaka?" tanong niya habang naka - kunot ang noo. "wala, lumakad kanalang ng lumakad hanggang makapunta ka na sa pupuntahan mo." sabi ko nalang sa kanya. Patuloy niya parin akong kinukulit hanggang makarating kami ng room hindi.
Umupo kami sa likuran at dun nag-usap tinanong ko sa kanya kung kamusta na ba sila ng girlfriend niya, kung bati na ba sila. Ang tanging nasagot niya na lamang sa akin ay ---