Chapter 13 - Mall

2000 Words
Lunch time na, nasa library ako ngayon. Nakaubob sa table. Nagreview ako kanina dahil malapit na ang Exam. Hindi ko alam kung ilang minuto akong napaidlip. Nagtaka ako ng makitang wala ng tao sa library. Humikab ako sa antok at tiningnan kung anong oras na. "Sh*t!!!--" Wala sa oras akong napatayo. 1:43pm na, patapos na ang first subject sa second period! Karipas kong tinakbo ang room namin. At pagkarating ko, bubuksan ko pa sana ang pinto ng---"Ms. Samaniego?" Gitla akong napatingin sa likod. "Good morning, Ma'am." Agad kong bati sa Philosophy teacher namin. Hindi ko pinahalatang nagulat ako sa presensya niya, pagtingin ko sa kaniya ng maayos, nakangiti siya sakin. Sana 50's na siya, medyo kulubot na rin ang kaniyang balat at may suot na salamin. "I don't accept Greetings. Go to detention please." Nakangiti niyang saad. Medyo napaawang ang labi ko. How can she say that with a smile on her face? Wala na akong nagawa kaya naglakad na lang ako papunta sa D.O. Tskk. Kiningina kasi, napasarap masyado ang tulog ko, di man lang ako tinawagan o hinanap ni Liam. Mokong na yun. Pagkarating ko sa detention room may guard na nagbabantay. Nang makita niya ako, agad niyang binuksan ang pinto. Papasok na sana ako ng pinigilan niya ako. "Iwan ang mga gamit, lalo na ang cellphone" Sabi ni Manong Guard sakin. Nagbuntong hininga ako at wala ng nagawa kung di sundin ang utos niya. "Bakit ang papasaway ng generasyon ngayon, tsk, tsk, tsk." Natuog lang naman ako kuya eh. Tsss. Pagkapasok ko, kulay puti ang kulay ng pader, malawak ang loob, at walang kagamit gamit. Napatingin ako sa sulok ng kwarto ng may makita akong nakahiga rito. Natatakbulan ng kaniyang braso ang kaniyang mukha. "Sino 'to?" Unti unti ko siyang nilapitan at pinagmasdan. Ang familiar eh. Tinanggal ko ang braso na nakaharang sa kaniyang mukha. Kumunot ang noo ko. Bakit nadetention ang lalaking 'to. "Stared enough?" Napabitaw ako sa braso niya ng magsalita siya. Nagmulat ang kaniyang mga mata at tiningnan ako. Tumayo ako bago umantras papalayo, umupo ako sa isa pang sulok ng silid bago isinandal ang aking ulo sa pader. "Brielle," Tawag niya sakin. Hindi ko ginalaw ang ulo ko pero nilingon ko siya gamit ang aking mga mata. Napasandal siya sa pader habang nakatingin sakin. "I'm sorry about before." Kumunot ang noo ko. Anong nakain ng lalaking 'to? Nagsosorry bigla? Hindi ko na lang siya pinansin at ipinikit ang mga mata ko. Ilang minutong naging naging tahimik ang paligid. Makakatulog na sana ako dahil sa tahimik na atmospera pero nagsalita na naman siya. "Hey," Tawag niya. "Nerd." Tss. "Talk to me." No response. "Nerd." No response. "Old fashion Nerd" No response. "Ugly nerd!" Still no response. Inis kong tiningnan si Caspian. Oo, siya kasama ko sa detention ngayon. Caspian Blaze Suarez. Ang sinasabi nilang Handsome Bad Boy ng school, tskk. "Anong problema mo?" Tanong ko habang tiningnan siya. Tumaas ang sulok ng labi niya bago tumayo at lumapit sakin. Nang tumabi siya sakin, agad akong lumayo. Kunot noo ko siyang tiningan. Tanginang lalaking 'to. Banas na banas, didikit pa. "Talk to me. Ba't ka nadetention?" Tanong niya habang nakasandal ang likod ng ulo sa pader, tiningnan niya ako. Pake mo? Anong problema ng lalaking to? Bumait ata? Pagkakatanda ko, mainit ang ulo nito sakin ahh. "Natulog." Bored na sabi ko. Kununot ang noo niya at halata ang katakahan sa kaniyang mukha. Mukhang hinihintay niya ang susunod kong sasabihin pero nanahimik na lang ako. Nang mapansin niyang wala akong balak magsalita, umimik na naman siya. "Ako nahuling nag-sigarilyo." Pagkukwento niya. Walang nagtanong. Pake ko? Lihim ko siyang inirapan. Hindi ko ga alam kung bakit ang init ng dugo ko rito kay Caspian. Maybe because---parehas sila ni ****. Naaalala ko si **** sa kaniya. "Ohhh." Tiningnan ko siya ng inaruhan niya ako ng isang piraso ng headset. Nakaplug ito sa cellphone niya at mukhang nagpapatugtog. Nakasalpak ang isang piraso ng headset sa kaniyang kaliwang tainga. Kinuha ko na lang. Bago sinalpak sa aking kanang tainga. By the way, pano niya naitago sa guard 'tong cellphone niya? Ang daya ha. Nakuha yung cellphone ko pero hindi yung kaniya, Tskk. Unti unting naging relax ang sistema ko ng mapakinggan ng maayos ang tugtog. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinandal ang ulo ko sa pader. It's calming my nerves. It's relaxing and refreshing. "You're pretty" Napatingin ako kay Caspian ng magsalita siya. Ano daw? Tama ba yung narinig ko? Nabaliw na ata 'to? Yung itsura niya ngayon. Naka-angel sit siya kagaya ko sa sahig, bago nakatitig sakin habang nakaside view. "You know what? Patingnan mo yang mga mata mo." Sambit ko ng may bored na tono. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng marinig ko ng marinig ko siyang tumawa. "Pft." "I'm serious." Taka ko siyang tiningnan. Serious pero katatapos lang tumawa. Nabaliw na talaga 'to. Hindi ko siya pinansin at humarap sa ibang direksyon. "You're hiding your beauty behind those glasses, aren't you?" Pangungulit muli niya. "Wag ka masyado mag-isip. Madi-disappoint ka lang." Bored na saad ko. Nakita niya siguro ang features ko ng masyado siyang lumapit. Nevermind. He'll lose interest eventually. *** Tapos na ang klase. Nasa may gate na ako ng school at astang uuwi na ng may humawak sa braso ko. "Let's go Brielle!" Tiningnan ko si Valkyrie. Oh right, I made a promise na sabay kaming uuwi. Habang naglalakad kami, napakunot ang noo ko ng pumara siya ng Taxi. Ang lapit lapit na ng apartment namin bakit kailangan pang sumakay? Nang tumigil ang taxi sa harap, binuksan ni Valkyrie yung pinto. Astang sasakay siya pero pinigilan ko. "Valkyrie, Maglakad na lang tayo," Tumingin siya sakin ng hindi makapaniwala. "Are you serious? Mall lalakarin natin? No way!" Wait what? Mall?! Astang aangal ako pero nahila na niya ako papasok ng taxi. *** "Brielle, what's your style?" Tanong ni Valkyrie sakin habang hinihila ako sa direksyon ng girl's wear. "Valkyrie, I need to go home. Baka hinahanap ako ni Mama." Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. "Naipagpaalam na kita kay tita, pumayag siya kaya don't worry!" Nakangiti niyang saad. Napaawang ang labi ko. "Pero gabi na---" Pagdadahilan ko ulit. Mga around 6:00pm palang siguro pero ayaw ko talaga magmall ngayon. "Susunduin tayo mamaya ni Kuya." Nakangiti at kalmado niyang sambit. Lihim akong napatampal sa noo. Pinagplanuhan ba niya 'to? Ready na ready ahhh, tskk. Napatingin ako kay Valkyrie ng abutan niya ako ng sandamakmak na damit. Nanlaki ang mga mata ko. Nasa harap ko lang siya kanina---ang dami na niyang nakuha! "Brielle, you need to try this all! Let's see what style suit you the most!" Excited niyang sabi habang tinutulak ako mula sa likod. Dinala niya ako sa changing room. "Waiitt---" *Baam!* Magsasalita pa sana ako pero pinagsaraduhan na niya ako ng pinto. Malalim akong nagbuntong hininga. "She's not listening." Bulong ko. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin bago nagbuntong hininga ulit ng malalim. *** Third Person's POV "Xyvill, bakit may bangas ang mukha mo?" Tanong ng photographer ni Xyvill habang sinasakbit ang camera sa ulo. "I slipped." Maikli niyang palusot habang nagtanghal ng jacket at binibigay sa kaniyang stylist. Nagbuntong hininga ang kaniyang kausap. "Bakit hindi ka naman nag-ingat? Pang main cover ang ishoshoot natin ngayon!" Medyo mataas na boses niyang sambit. Hindi siya sinagot ni Xyvill. Kaya wala na siyang nagawa kung di magbuntong hininga, tinawag niya ang assistant niya. "Cess, nasan na ang female model natin?" Tanong niya. "Yun nga sana sasabihin ko Boss. Tumawag siya kanina, hindi raw siya makakaattend sa photoshoot---" Umunit ang ulo ng Photographer. "Anak ng---Ano na naman ang dahilan?! May bangas na nga ang mukha ni Xyvill tapos hindi pa siya aattend?!" Sigaw niya. Dahil sa kabadtripan. Tinanggal niya ang camera sa kaniyang ulo bago inihagis sa couch. "B-Boss, San ka punta boss?" Kinakabahan na sabi ng kaniyang assistant. "Bibili ng pagkain, pampatanggal ng init ng ulo! Iset niyo na lahat bago ako bumalik!" Seryoso at mainit na ulo niyang sabi. Nang makaalis ang photographer, natahimik ang buong studio at mukhang nakakaramdam ng ka-awkwardan sa paligid dahil nagalit ang kaniyang Director na nagsisilbi ring photographer ng shoot. "Cess, my clothes." Nabasag ang katahimikan ng magsalita si Xyvill. Tila natauhan ang babae at tiningnan siya. "N-nasa dressing room, isuot mo na lang." Nauutal niyang saad. Pinanood niyang magpunta sa dressing room si Xyvill hanggang mawala ito sa mga mata niya. "Ibang klase din yang si Xyvill. Galit na si Boss at lahat, kalmado parin," Bulong ng Stylist ni Xyvill sa assistant ng director. Tiningnan niya ito. "Hindi naman kasi magawang magalit ni Boss sa sakaniya. Sino ba kami? Top model yan, dapat nga thankful pa kaming inaccept niya proposal namin ehh." Bulong din ng assistant. *** "Uhh, no" "No." "No, change." Nakaupo sa isang seating area si Valkyrie habang pinapanood ang iba't ibang style na damit na sinusuot ni Brielle. Halos sinuot na ni Brielle lahat ng damit na ibinigay ni Valkyrie pero hindi parin kontento ang dalaga. "Eto, try mo!" Nakangiti niyang sabi kay Brielle. "Valkyrie, ayoko na. Uwi na tay---" "No way! Wala pa nga tayong isang oras dito." Pagtanggi niya bago ulit tinulak si Brielle sa fitting room. Ilang minuto ang lumipas lumabas si Brielle sa fitting room. Pagkatingin ni Valkyrie sa direksyon niya, halos mapanganga niya dahil sa kinis at puti ng kutis ni Brielle. "Yan, kaya pala parang may kulang ehh! Mas bagay sayo ang puting bistida! Para kang anghel na hulog ng langit ohh!" Pumapalaklak na sabi ni Valkyrie habang nagliliwanag ang mga mata. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Brielle. Bahagya na lang siyang nagulat ng tanggalin ng dalaga ang kaniyang salamin. "Hoy yung salamin ko!" Astang kukuhanin ni Brielle ang salamin niya kay Valkyrie pero itinago ito ng dalagita sa kaniyang likuran at inilingan siya ng ulo. "You can't wear your glasses," Kinunutan siya ni Brielle ng noo. "Ano na namang pakulo 'to?" Brielle. "I will make you the main character tonight!" Inabutan ni Valkyrie ng card ang sales lady sa kaniyang gilid bago pinuntahan ang direksyon ni Brielle. Tinanggal ni Valkyrie ang suot suot ni Brielle na scrunchie sa buhok bago hinila papalabas ang dalagita. "Valkyrie, ibigay mo na sakin salamin ko!" Ungot niya pero hindi siya pinansin nito at nagpatuloy lang sa paghila. "Look ohh, Brielle. Pinagtitinginan ka ng mga tao. Ang ganda mo kasi~" Saad niya bago binigyan ng malawak na ngiti ang kaibigan. Kaagaw agaw ang maputi niyang kutis at ka-wavyhan ng kaniyang buhok na kulay kahel. Nakaramdam ng awkwardness si Brielle dahil sa mga taong napapatingin at napapatulala sa kaniya. Bumabaling ang kanilang ulo sa kaniyang direksyon bago napapaawang ang labi at nanlalaki ang mga mata dahil sa gandang kaniyang taglay. "Now, let's go to hair salon--No, your hair is perfect. How about a nail extension? Hmmmm~" "Aishh!" Tinanggal ni Brielle ang kamay ni Valkyrie sa kaniyang braso bago nagkipagsiksikan sa maraming taong dumadaan. "Brielle? Brielle!" Tawag ni Valkyrie subalit nawala na ang dalagita sa kaniyang paningin. Pagkatapos takasan ni Brielle si Valkyrie tiningnan niya ang kaniyang likuran habang nakalagay ang kaniyang dalawang kamay sa tuhod. "Thank god I escaped." Brielle. Astang maglalakad na siya papaalis ng ng may nakabunggo sa kaniya. "Aishh!/Anak ng!" Napaantras ni Brielle ng makilang natapunan ng ice coffee ang dibdib niya. Kitang kita ang mansta sa kaniyang damit dahil puting puting ito. Tiningnan niya ang middle age na lalaking nakabungguan niya. Medyo mataba ito at may bigote. Inis na nilingon ng lalaki si Brielle na nagpapagpag ng puting suot na bestida. Pero ng makita niya ang mukha ni Brielle, nagbago ang kaniyang ekspresyon at natulala sa angking ganda ng dalaga. Isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi ng may naisip siyang ideya. "Miss, I'm sorry! Nagmantsa ang suot mo! Sumama ka kaya sakin sa set? Bibigyan kita ng panibagong damit. Kakahiya naman maglakad ng ganan sa mall. Dester Zebuano nga pala, directo---photographer. Meron kaming photo session na ginagawa malapit rito." Nakangiting pakilala niya habang ibinibigay ang card niya kay brielle.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD