Chapter 14 - Photoshoot

1993 Words
Brielle's POV "Yan! just like that!" *Click!* *Click!* *Click!* "Perfect!" *Click!* *Click!* Ilang beses akong lumunok bago tiningnan si Xyvill. Nakapulupot ang mga kamay niya sa bewang ko habang titig na titig sakin. Nag-iwas ako ng tingin. "Girl! your expression is ruining the mood, relax!" Lihim akong umirap. Ina mo. Gusto ko lang umuwi, kinaladkad mo ko rito. "Both of you look at the camera!" Sabay kaming napalingon ni Xyvill sa harap. At pagkalingon namin, sunod sunod ang click at flash ng camera. Pano ba ako humatong sa ganitong sitwasyon? ***FLASHBACK*** Hindi ko na nagawang tumanggi sa weird na lalaking nanghihila sakin nang kaladkarin niya ako sa isang studio. Katabi lang nito ang mall kaya hindi na kami ganon nahirapan sa paglalakad. Pagkapasok namin sa loob. Handa na ang mga background at set design. Bukas na rin ang mga lightning equipment. "Cess!" Tawag ng lalaking kasama ko. Biglang may sumulpot na payat at maliit na babae sa gilid. Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa bigla niyang pagsulpot. "Boss, bakit?" Tanong niya. "Bihisan mo siya, siya magiging substitute sa female model natin." What? Loading 2%..... Loading 25%..... Loading 59% Loading 98%..... Loading Complete! Inang---"Umagree na ba ko?" Mabilis kong tanong. Tiningnan ako ng lalaki. "You don't need to. Pagkatapos ng shoot. Ibibigay ko na sayo ng libre ang damit na isusuot mo, bibigyan din kita ng pera as payment. G?" Tanong niya. Hindi na ako nakasagot nang humarap siya dun sa babaeng nasa tabi ko. "Cess, bihisan mo na siya dali." *** "Wow, ate. Ang ganda niyo, kaya siguro kayo napili ni Boss. Biruin mo, ang ilap nun sa tao pero siya pa ang nagkusang kumuha sayo." Nakangiti niyang sabi. Pagdating namin sa loob, may kung anong damit siyang hinalikwat sa dressing room bagos ibinigay saakin. "Eto, isuot mo na lang. Tatawagin ko yung stylist ng Male Model namin para ayusan ka. Babye!" Nabilis na nawala yung babaeng yun sa paningin ko. Malalim akong nagbuntong hininga bago napatingin sa salamin. *** Nakasuot ako ng black strapless dress na hanggang hita ang haba. Halos hapit na hapit sakin, as in kita yung curves. Pinagsuot din nila ako ng bilog na gold bracelet, tapos ginawa nilang straight ang curly kong buhok. May suot rin akong 3 inches na black heels. Dahil black na black ang suot ko, kitang kita ang kaputian ng kutis. "Ang ganda mo girl!" Banggit ng baklang stylist sakin. Nilalagyan niya ako ngayon ng blush on. Hindi na lang ako nagsalita. Sawa na akong pinupuri, maghapon ko na lang naririnig compliment nila. "Sa lahat ng female model na nakapartner ni Xyvill, sayo lang ako nagandahan." Dagdag pa ng bakla. Xyvill? Wow, kapangalan ni Xyvill Sylvester ahh. Inang, bakit pumasok sa isip ko yung mokong na yun. Iniling ko na lang ang aking ulo at nagbuntong hininga. Tatapusin ko na lang ang photoshoot ngayon, sayang ibabayad sakin. ***FLASHBACK ENDS*** Nagbalik ako sa wisyo ng magsalita si Xyvill. "Have we met before?" Tanong niya. Ilang beses akong napalunok pero hindi ko ganon pinahalata. Nagkipagtitigan siya sakin pero umeksena ang photographer sa harap namin. "Xyvill, umupo ka sa sofa, tas ikaw---teka ano pala name mo?" Tanong niya sakin. Ramdam kong napatingin si Xyvill sa direksyon ko. "A-Azalea." Sagot ko. "Xyvill, umupo ka sa sofa. Azalea, punta ka sa likuran niya. Tas ikaw Xyvill ihiga mo ang ulo mo sa backrest tas ikaw naman Azalea irest mo ang arms mo sa pagitan ng ulo ni Xyvill. Gawin niyong 1cm ang layo ng mukha niyo sa isa't isa." Ano raw? Binitawan ni Xyvill ang bewang ko bago hinarap yung photograper. "Isn't it too cringy?" Kaya nga. Tas pang old fashion pa. "Wag ka ng magreklamo. Way na rin 'to para matakpan yang bangas mo." Sabi ng Photographer habang nililinis yung lens ng camera. "Tss." Rinig kong pag'Tss' ni Xyvill pero wala na naman siyang nagawa katulad ko. Pansin ko ngang may cut yung labi ni Xyvill, sinong kayang nakaaway nito? Sinunod namin yung gusto niya. Umupo si Xyvill sa itim na couch bago inihiga ang kaniyang ulo sa backrest. Pumunta ako sa likod niya at itinungo ang aking ulo. Bale naka upside down ang view naming dalawa sa isa't isa. Aba, ang tangos ng ilong ng lalaking 'to ahh. Nag-iwas ako ng tingin ng mapatingin siya sakin. Napatingin ako sa photographer ng tawagin niya ako. "1cm ang layo, Azalea lumapit ka pa." Nagbuntong hininga ako. Walang nagawa kung hindi sumunod. Inihimlay ko ang aking dalawang braso sa pagitan ng ulo ni Xyvill bago lumapit sa kaniya. Ramdam kong nagsasalubong ang mainit na hininga namin ni Xyvill. Inang 'to. Pero infairness, ang bango ng lalaking 'to ahh. "Xyvill, hawakan mo ang likod ng ulo niya." Napatingin ako sa unahan. Bakit kailangan pa? Aangal sana ako ng maramdaman ko ang malaking kamay ni Xyvill sa likod ng ulo ko. Tiningnan ko siya, nakaharang ang ilang hibla ng aking buhok sa kaniyang mukha, tiningnan ko ang kaniyang mga mata, patuloy ito na nakatingin sa akin. *Click!* *Click!* *Click!* *Click!* *Click!* *Click!* "Yann! Just like that!" *Click!* *Click!* "Great job you two!" Bawat hinga ni Xyvill sa leeg ko. Nakakaramdam ako ng kakaibang sensyon sa katawan. Ako lang ba ang init na init dito? Ramdam ko ang pag-init ng mga pisnge ko. *** Pagkatapos ng ilang oras, natapos ang photoshoot. Nagtatanggal ako ngayon ng sapatos. Ang sakit na kasi sa paa. Nakaupo ako ngayon sa sofa na pinagshootan namin kanina. "Azalea," Tininganan ko yung lalaking tumawag sakin. Yung photographer na naghohold ng shoot. Inabutan niya ako ng puting sobre na may makapal na laman. "Thank you for saving our shoot. Eto ang bayad ko." Tiningnan ko yung hawak niya. Bakas dun sa puting sobre ang 1000 pesos na pera. "Bakit ang laki ata?" Tanong ko sa kaniya. Hindi naman ako full-time model, substitute lang nga ehh. "Hindi 'to ganon kalakihan." Kinuha niya ang kamay ko bago inilagay rito ang puting sobra na halos kasing kapal ng manipis na libro. "Way na rin 'to ng pagsosorry ko sayo kasi kinaladkad kita rito sa shoot." May kinuha siyang sa bulsa niya, naglabas siya ng wallet bago may kinuhang card bago ibinigay sakin. Kinuha ko ito. 'R'monte Entertainment' kumunot ang noo ko. "This is the name of our company. If you want to be a model or actress. You can give me a call. Our company will be willing to support you." Nanghihikayat na boses niyang saad. Tinitigan ko lang ang card. "Hindi ko kelangan nito." Ibinalik ko ito sa kaniya, ramdam kong nagulat siya sa padalos dalos kong desisyon. Tumayo na ako habang hawak hawak ang dalawang pares ng itim kong sapatos sa isang kamay. Pagkalabas ko ng studio. Binuksan ko ang pinto, Umuulan sa labas. "Tanginang malas ohh." Bulong ko habang nagbubuntong hininga sa inis. Napatingin ako sa gilid ng mas tumigil na sasakyan sa harapan ko. Kulay Grey na Lamborghini Veneno. Kumunot at noo ko ng nagbukas ang windscreen nito. "Hope in." Nagdalawang isip ako pero wala na naman din akong choice kaya sumakay ako sa sasakyan niya. Sa tabi ng driver's seat ako sumakay. Saglit kaming natahimik. "Where do you live?" Tanong ni Xyvill habang iniikot ang manebela gamit ang isang kamay. "Just drop me on the nearest hotel." Saad ko ng mahinang tono. Hindi naman niya siguro mahahalata ang boses ko, minsan lang naman kami magusap sa school. Hindi siya sumagot. Sabado naman bukas, walang pasok kaya pwede akong magstay-in sa malapit na hotel. Hindi maaring malaman ni Xyvill kung saan ako tunay na nakatira. Baka magdoubt siya. Natahimik ang biyahe namin. Napatuwid ako ng upo ng may maalala ako. "Xyvill, pwede kong mahiram cellphone mo?" Tumingin siya sakin. "I'll just make a quick call." Dagdag ko. Na'kay Valkyrie kasi ang gamit ko, hindi ko nakuha sa kaniya kanina nung nasa dressing room ako. Kinuha niya ang cellphone niya sa beverage holder bago inaro sakin. Nagpunta ako sa contacts. Habang nagtytype ako ng numbers sa dial natigilan ako ng magsalita si Xyvill. "I don't remember introducing myself to you. How did you know my name?" Tanong niya. "Nabanggit sakin ng stylist mo, tsaka paulit ulit na binabanggit nung photographer name mo kanina diba?" Pagdadahilan ko, tumingin ako sa gilid at nagsigh of relief. Great. Nice response, Brielle. Hindi na siya nagsalita kaya kinalikot ko ulit cellphone niya. Nang madial ko ang number ni Mama, inilagay ko ito sa aking tainga. Ilang beses itong nagring bago may sumagot sa kabilang linya. [Hello?] Response ni Mama. "Ma, ako 'to." Panimula ko. [Where the f*cking hell are you, Brie--] Pinutol ko siya. "Kalma Ma, ayos lang ako." Bulong ko. Tinanggal ko ang loudspeaker sa phone bago hininaan ang volume. [Inang yan, Brielle! Nasan ka ba?! Kamuntikan na akong tumawag ng pulis ng maibalita sakin ni Valkyrie na bigla ka na lang nawala!] Sigaw niya sa kabilang linya, kahit malakas ang boses ni Mama sa cellphone alam hindi rinig ni Xyvill ang boses niya dahil sobrang hina na ng volume. "Safe ako Ma, wag ka na magalala." Saad ko sa kaniya. [Sige, basta umuwi ka na.] Utos niya sakin, iniling ko ang ulo ko bago nagsalita. "Hindi pupwede Ma. May unexpected kasi na nangyari, hindi ako pwede umuwi. Magiistay in na lang ako sa isang hotel---" Napatigil ako ng sumigaw siya ng malakas sa kabilang linya. [AZALEA GABRIELLE SAMANIEGO!] Inilayo ko ang cellphone sa aking tainga. Binanggit na buong pangalan ko, galit na nga 'to. Ramdam kong napalingon saglit si Xyvill sa direksyon ko. Damn. [Uuwi ka rin ngayon na!] Ma, hindi mo kasi naiintindihan! Miyembro ng A4 ang kasama ko! "Ma, pero---" *toot!**toot!**toot!* Pinatayan ako ni Mama ng tawag. Sinubukan ko siyang tawagan ulit pero di na niya sinasagot. Ang kulit. Nagiwan si mama ng message sa cellphone. From 0995 218 3197: Nakausap ko si Angelo, kapatid ni Valkyrie. Susunduin ka daw niya, nasan ka? "Xyvill," Tawag ko habang tinetext si Mama. Tumingin ako sa bintana ng sasakyan, malakas pa ang ulan. "Change plans, pakibaba na lang ako rito sa 7/Eleven." Saad ko habang tinuturo yung 7/Eleven na ilang metro lang ang layo. Sinunod ni Xyvill ang request ko, itinabi niya ang kotse niya sa harap ng 7/Eleven, pagkatapos ko maitext kay mama yung location ko, inilagay ko yung cellphone ni Xyvill sa pinagkuhanan niya. Astang bababa na ako pero hindi parin niya inaunlock yung pinto. "Hey, the door." Tiningnan niya ako bago sumandal sa driver's seat. "I won't let you go out. It's still raining outside." Astang magsasalita ako pero binago niya ang topic. "Susunduin ka dito?" Tanong niya. Tumango lang ako. Ilang minuto kaming walang imik hanggang binasag na naman niya ang katahimikan. "Don't get me wrong. I'm not cocern about you. Nautusan lang ako." Bored niyang sabi habang itinataas ang kaniyang mga paa sa manobela. Nagtanong ba ako? Tsk. Ilang minuto ulit kaming walang imik. Nakatingin lang ako sa labas habang si Xyvill, relax na relax lang sa pwesto niya. Napatingin ako sa kaniya nang open-up na naman siya ng conversation. "Why did you reject the offer?" "Anong offer." "R'Monte Entertainment." Maikli niyang sabi. Tumingin ulit ako sa bintana. "I just don't feel like it." Sagot ko. Xyvill's a little weird today. He's talkative. I know what's on his mind. He thinks that I'm crazy because I turned down the richest entertainment industry. "You know what... I'm sure we've met before." Medyo natigilan ako. Dahan dahan ko siyang nilingon, ganon parin ang pwesto niya. Nakataas ang kaniyang mga paa at nakapatong sa manobela. Nakatitig siya sakin ngayon habang nakacross arms ang dalawang braso. "Baka nagkakamali ka lang." Pagsisinungaling ko. Inang yan kasi, kaklase ko siya gamit ang pangalan na Brielle, tapos nakasayawan ko siya sa Masquarade Party sa pangalang Gabrielle, tapos ngayon naging partner ko siya sa modeling sa pangalang Azalea Gabrielle?! Tanginang yan, tadhanang tadhana talaga pagkikita namin ni Xyvill ehh. Magugulat na lang akong bigla siyang sumusulpot na parang kabote. Tinitigan niya ako. Medyo nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD