Chapter Two - Meeting

2400 Words
Nang pumasok na ako sa office ni Dad ko ay nakita ko ang assistant n'ya na may kausap sa telepono kaya hinintay ko na lang na matapos ito bago ko kausapin. Nang napansin ako nito ay sumenyas ito sa akin na kausap n’ya ang Daddy ko. " Yes, Sir, ipapakiusap ko na lang po na nagka-emergency kayo," rinig kong sagot ng assistant ni Dad habang nakatagilid ang ulo nito para hindi mahulog ang telepono na nasa kanang balikat dahil may sinusulat ito sa sticky notes. Pagkatapos ay idinikit sa sariling desktop. " Sige po, Sir!" tapos tumingin s’ya sa akin. “Opo nandito na siya,” kasabay nang pagbaba ng telepono nito ay ang pagtunog din ng cellphone ko. "Hello, Dad!” "Shine mayroon sana akong Ipapagawa sayo sa unang araw mo at kasama na rin ito bilang training mo sa kumpanya," bungad nito sa akin mula sa kabilang linya. “What is it, Dad?” kuryoso kong tugon dito. Narinig ko pa ang boses ni Mommy sa background nito. "I need you to be the representative to our company dahil may biglaan akong lakad ngayon at baka matagalan ako." "Yes, Dad! I will! No worries!" "Great!” narinig ko ang pagbuntong hininga nito sa kabilang linya. “Just asked my assistant about the details and don’t worry dahil aalalayan ka ni Mrs. Saycon sa meeting,” sabi ni Dad. "Alright! I will do that, Dad. Thank you!" "Shine!" pagbanggit n’ya ulit sa aking pangalan. "Yes, Dad? " tanong ko at naghintay sa sunod pa nitong sasabihin. "Just be yourself! I know you can do it." "Yes, Dad, and thank you for believing in me," in my pleased response. " Of course, you're my daughter after all," he said proudly as if that seems like enough reason for him to be proud because I'm his daughter. "I got to go now, Shine. Good luck!" pagpapaalam ni Dad. Nang ibinaba ko na ang phone ay nilingon ko ang assistant ni Dad na bahagyang nakangiti sa akin. Hindi talaga ako sanay na ngumingiti s'ya sa akin. " Nakakatuwa ang relasyon niyo bilang mag-ama," puri nito na may kaunting ngiti sa labi pero ramdam kong may laman dahil bakas sa mata nito ang lungkot. "Thank you, Mrs. Saycon," tipid kong tugon. "Magsimula na po tayo sa training mo Ms. Fernandez," bumalik ang aura nito sa pagiging professional. Kaya siguro never pinalitan ni Daddy ang secretary niya dahil sa sobrang dedicated nito. Naalala ko pa na nagkagusto ito sa Daddy ko dahilan sa pagkakaroon nang ‘di pagkakaintindihan ng parents ko noon. Mabuti na lang at bumalik ang professionalism nila at hindi na naging issue pa. Ibinuklat nito ang planner sa harap ko. “You have a meeting around 9:30 am with the engineers and the other investors," sabi nito habang binabasa ang nakasulat sa planner notebook. “Hayaan mo at i-guguide naman kita para hindi ka mahirapan mamaya.” Nakakaunawang sabi nito. Tumango ako sa kanya. "Ito ang agenda ng meeting niyo mamaya. May oras pa naman para mapag-aralan mo habang naghihintay sa meeting, " sabi nito nang iniabot sa akin ang isang folder. "Kapag may tanong ka pa ay tawagin mo lang ako gamit ang intercom,” "Maraming salamat, “tugon ko at dumiretso na ako sa table ni Dad. Hindi na raw nila ako bibigyan ng sarili kong opisina dahil ako naman na raw ang gagamit sa susunod sa office ni Dad. Binuklat ko agad ang folder para pag-aralan. Ito ay tungkol sa renovation ng hotel dahil kailangan na naming mag-upgrade dahil napag-iiwanan na sa trend ang ibang hotel naming lalo na iyong medyo matagal ng napatayo. Malaking project ito dahil papalitan at dadagdagan ang ibang amenities. Since marami na ang mga bagong tayo na hotel kaya kailangang makipag-sabayan. Ginugol ko lamang sa pagbabasa ang mahigit 30 minutos na paghihintay sa gagawing meeting. Saktong patapos na ako sa pagbabasa nang may kumatok na sunod-sunod sa pinto. “Come in!” tugon ko. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang isang empleyado. "Ms. Fernandez pinapatawag na po kayo ni Mrs. Saycon, “sabi nito nang nakayuko. “Dumiretso lang daw po kayo sa conference room sa ika-pitong palapag ng building." Nakatungo pa rin ito. " Sige Salamat. Susunod na ako," Naglakad na ako papuntang conference room at may naabutan akong mga naghihimpilan sa labas ng pintuan na halos lahat babae. "Ang gwapo n’ya talaga," " Papayag akong magpabuntis sa kanya kahit hindi na n’ya ako papanagutan," " Kahit one night stand lang sa akin," " Ako naman gagawin ko lahat para mapasa akin lang s’ya" Sa dami kong narinig sa mga pinagsasabi ng mga babaeng empleyado. ‘Yung panghuli talaga ang nakakuha sa aking atensyon. Napailing na lang ako. Hindi ko lubos maisip na may mga ganong babae pala talaga ang kayang gawin ‘yon. Parang hindi ko maatim na magpakababa para lang makuha ang isang lalaki o tao at para sa akin ay nakakababa ng moral at dignidad. Hindi lang ‘yon baka itakwil din ako ng mga magulang at mga kapatid ko. Huminto sila sa pag-uusap nang nakalapit na ako sa kanila. Tinapunan lang din nila ako na may pagtataka at tinging kuryoso. Well, hindi naman talaga nila ako kilala dahil never naman akong nagpunta sa kumpanya ng parents ko kapag office hours at kahit noon pa man. Dahil pinag-iingat lang kami nila para sa seguridad naming magkakapatid. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa nakita kong may nagbukas ng pinto sa isang conference room at nakangiting naghintay sa akin si Mrs. Saycon kaya pumasok na rin ako sa loob ng conference at inukopa ko ang isa sa pinakadulong upuan na itinuro ng assistant ni Dad. Kahit alam kong nakasunod ang mga mata nila sa bawat kilos ko ay hindi ko na muna pinansin. Paglingon ko sa kaliwang side ay napansin kong may tatlo pang upuan na bakante. "Siya ang representative ni Mr. Fernandez." Pag-imporma ni Mrs. Saycon sa kanila kaya lumingon ito sa akin at ang iba ay napakunot ang noo habang nakipag-kamay naman sa akin ang iba. Kasabay din nun ang pagpasok ng dalawang lalaki na parehong matangkad na may seryosong aura. Ang dalawa ay parehong nakasuot ng black suit at kahit sino ay mapapalingon sa kanila dahil sa klase ng tindig at porma nila na pareho ring walang pakialam sa paligid. Ibabalik ko na sana ang aking tingin kay Mrs. Saycon nang lumingon ang isang lalaki sa akin na may bughaw na kulay ng mata. Biglang nanlaki ang mga mata ko nang naalala ko ang nangyari kanina. Kaya pala s’ya pamilyar dahil siya ang lalaking nakabanggaan ko kanina sa may pasilyo. Napaismid ako ng hindi man lang n’ya ako namukhaan samantalang kani-kanina lang nangyari iyon. “Baka naman hindi niya naalala ang mukha mo,” kontra ng kabilang isip ko. "Dahil nandito na ang lahat kaya umpisahan na natin ang pagpupulong na ito." Pagsisimula ni Mrs. Saycon at tumango naman ang lahat. " Kung nagtataka kayo na wala si Mr. Fernandez ngayon ay dahil mayroon itong pinuntahan na emergency!" imporma nito at bumaling sa akin. “Gayunpaman nandito ang anak niya bilang representative nito para hindi madelay ang meeting at susubukan pa rin naman daw ni Mr. Fernandez na humabol,” nakatingin parin sa akin ang iba at kahit hindi ako komportable sa pinupukol nilang tingin ay hindi ko na lang pinansin. Alam kong kuryoso sila sa pagkatao ko dahil ito ang unang beses na nakita nila ako. Mabuti na lang at tumikhim ang lalaki dahilan para mabaling ang tingin nila rito. Hindi ko mapigilang umangat ang labi ko sa isang ngiti dahil sa bansag ng isip ko sa kanya bilang “Mr. Kulog”. Sa sobrang dilim kasi ng aura nito ay dinaig pa ang langit kapag nagagalit ‘yun nga lang gwapo pa rin siya. Ang unfair diba! Napalingon ulit ang lahat sa akin nang itinuro ako ni Mrs. Saycon at sinenyasan na magpakilala. Tumayo na rin ako at sumunod dito. " Good morning everyone! I'm Aistrielle Shine at pansamantala ako muna ang a-attend dito on behalf of my Dad," pormal kong pahayag sa lahat. Sinuyod ko ang tingin sa mga lalaking nakasama ko sa kwartong ito at nagtagal ito sa isang lalaki na busying-busy sa pagtipa sa kanyang cellphone. "I'm sure this will be the start that you will see me around." Sabi ko ng hindi inaalis ang tingin sa lalaki. Narinig ko ang pagtikhim ng mga tao sa loob ng kwarto kaya bumaling ako sa kanila at napansin ko na napailing ang iba na nakatingin sa akin at ang katabi naman ng lalaki ay may itinatagong ngiti. Napabaling na rin ang tingin nila sa lalaking tinitingnan ko na ngayon ay nakakunot ang noo. “Anyway, sila ang mga engineer na kinontra ni Mr. Fernandez para sa gagawing renovation ng hotel, Ms. Fernandez, “turo ni Mrs. Saycon sa dalawang lalaki.” Si Engr. Beckett at Engr. Monteverde ay sila ang dalawang may-ari sa isang tanyag na Engineering firm sa ating bayan at maging sa ating bansa.” Tinanguan ako ni Mr. Beckett habang ang isa ay wala man lang pakialam. Gigil kong nakagat ang labi ko sa pagka-arogante ng lalaki. Mabuti na lang at ipinakilala pa sa akin ni Mrs. Saycon ang iba pang tao na nasa kwartong iyon kaya nabaling ang atensyon ko sa mga investor. " Let's start now! "dumadagundong ang boses kong sabi. Ibinigay ni Mrs. Saycon ang mga detalyeng nakapaloob na mga babasahin para sa agenda na gagawing renovation ng hotel. " So, gusto niyong palagyan ng tag-ta-tatlong jacuzzi bawat hotel n’yo at magdadag ng mini bar at outdoor restaurant na diretsong konektado sa pool area," biglang sabi ni Mr. Monteverde habang binabasa ang nasa folder. "Yes, knowing na marami ng 5-star hotel na bago ngayon at may mga nagbabalak pang magpatayo ng 7-star hotel ay baka tuluyan na tayong mapag-iiwanan kaya kailangan ding mag-upgrade ng mga amenities. Kahit paunti-unti na renovation ay makakatulong para mas lalong ma-attract ang guest at makapagbigay sila ng magandang reviews para doon palang ay may word-of-mouth na tayo mula mismo sa kanila,” bigla kong sagot sa kanila dahilan para mapalingon sila sa akin. " How old are you hija?" tanong ni Mr. Cameroon Monteverde. Nagulat ako nang nalaman ko kanina na anak nito si kulog dahil mas magaan ang aura nito kaysa sa anak. "21 Sir." nahihiya kong tugon. "You're still young, pero may potential ka sa larangan ng pagnenegosyo kaya alam kung may lugar ka sa business world. I'm sure your parents were so proud of you." "Thank you, Sir," I answered sincerely and nodded. "Okay! since we are the hired engineer of your father. I think we can discuss it with him also," biglang singit ni Mr. Kulog. I smiled a bit while watching him. He has a dark aura that makes him dangerous and intimidating. Lumingon s’ya sa akin at nagkasalubong ang mga mata namin pareho. Uminit ang pisngi ko dahil nahuli niya akong nakatitig sa kanya kaya inilihis ko ang tingin sa folder na hawak ko hindi ko alam kung bakit parang nanginig ang kalamnan ko sa klaseng tingin na ipinupukol nito sa akin. Umiling ako at pumikit saglit. “Okay ka lang ba, Ms. Fernandez?” tanong ni Mrs. Saycon sa akin. Napadilat naman ako dahil sa tanong nito. Ngumiti ako dito at tumango. Napansin kong may idini-distribute itong blue print na may iba’t-ibang desenyo para sa mga bagong amenities na idadagdag sa renovation ng hotel. "Nang ini-offer ng Daddy mo ang project na ‘to sa aming team ay naisipan namin na agad na gumawa ng tatlong drafts na desenyo sa bawat amenities para makapili at masimulan agad at kung may babaguhin man at least kakaunti na lang. Dahil kapag hindi kakayanin ng panahon ay baka magahol kami sa oras lalo pa at meron din kaming ibang project outside the country na mas nauna naming tinanggap kaysa sa inyo," pahayag ng kaibigan ni kulog. Napakunot ang noo ko. Hindi ko alam kung ganun ba sila kagaling para ipilit ni Dad ang team nito. Sigurado naman ako na may mga mas magagaling pang ibang engineer sa bansa maliban sa kanilla. Siguro nakita ni Mrs. Saycon ang hindi ko pag-sang-ayon kaya lumapit ito sa akin. Napamaang ako nang bumulong ito sa akin at napalingon ako kay Mr. Monteverde na may nanunuyang ngiti. Kahit naiirita ako sa pagkahambog ng lalaki ay hindi ko na lang ito pinansin. “Hindi naman siguro sila ang kukunin ni Dad kung hindi sila magaling.” Hindi na lang din ako nang-usisa habang nakikinig sa usapan ng meeting. Nang matapos ay nagtanong sa akin si Mrs. Saycon, if may napili na ba akong design for the renovation. Akma ko sanang kuhanin ang phone para tawagan si Dad nang nagsalita ulit si Mrs. Saycon. “Sabi ng parents mo ay ikaw na raw ang magdesisyon sa pagpili ng desenyo at may tiwala naman daw sila sayo,” mahinang sabi nito sa akin para ako lang ang makakarinig. Bumuntong hininga ako. Parehong maganda ang mga desenyo kaya nahirapan ako sa pagpili at kahit may nagustuhan na ako ay gusto ko rin marinig ang opinion ng mga investor. So, I decided na bumuto kami sa kung anong desenyo ang mas angat at kung alin man doon sa mapili ay iyon na ang desenyong susundin. Nang nakapili na ng desenyo ay pinag-usapan na rin kung saan makakabili ng mga magaganda at may kalidad na mga materyales na hindi tinitipid. "Let's just discuss the details again soon," sabi ng isa pang lalaki. "Meeting is adjourned," pahayag ko. Nagsilabasan na ang iba nang lumapit si Engr. Beckett sa akin at nagpakilala. "Hi! Ms. Fernandez, hindi pa pala ako nakapagpapakila sa pangalan ko mismo,” sabi nito. “I'm Mason Adler,” Iniabot nito ang kamay sa akin. "I'm Aistrielle Shine" pagpapakilala ko naman sa sarili at tinanggap ko ang kamay nito. "Max, let's go," tawag kulog sa kaibigan sa may pagmamadaling tono at aburidong nakatingin sa amin. "Sige. Mauna na kami,” naglakad na ito paalis pero lumingon ulit sa gawi ko.” By the way you did great earlier," sabi ni Mason at uminit ang pisngi ko dahil sa pagpuri nito at tuluyan nang umalis. Hindi ko napansin na nakatitig pala sa akin ang kaibigan nito na parang pasan yata ang problema ng mundo dahil wala man lang itong kangiti-ngiti. "Ang sungit talaga ng lalaking iyon.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD