Chapter Three - Mr. Kulog

2520 Words
Palabas na ako ng conference room nang naabutan ko ang mga empleyado na nagkanya-kanyang balik sa kani-kanilang mga ginagawa at nagtatakang nakatingin sa akin dahil nakasunod ako sa mga taong kalalabas din galing sa meeting na iyon. Napahinto si Mrs. Saycon at bumati nang bumungad ang Daddy ko sa elevator na kabubukas lang at naabutan kaming lahat na naghihintay. "Pasensya na sa short notice sa hindi ko pagpunta," pahinging paumanhin ni Daddy nang mabungaran kaming lahat na nakatayo sa harap niya. "Naiintindihan namin kumpadre at hindi talaga minsan maiiwasan ang pabigla-biglang emergency. Mabuti na lang ay magaling ang anak mo sa larangan ng pagnenegosyo at tiyak akong mas lalago pa ang negosyo niyo ‘pag ang anak mo na ang humawak." "Of course, Cameron anak ko siya kaya minana niya sa aming magulang niya ang katangian na ‘yan," pagmamalaki ni Dad. Napatungo na lang ako dahil hindi ako sanay sa papuri nila. Alam kong marami pa akong kakaining bigas para mahigitan ko ang mga magulang ko lalo na ang ama ko na talagang tinaguriang bihasa sa negosyo. " Anyway, mauuna na kami. May next appointment pa kasi kaming pupuntahan ng anak ko," pagpapaalam nito kay Dad at itinuro nito ang lalaki na nakasandal sa elevator at kasama nitong si Mason na nagsasalita pero parang hindi naman nakikinig ang kasama. " Sige, pag-usapan na lang natin sa susunod ang gagawin mong pag-iinvest sa negosyo," tugon ni Dad dito bago tuluyang umalis ang tatlong lalaki. Humarap si Dad sa akin na nakangiti at nilapitan ako. "How's the meeting, anak?" Itinuro niya ang daan papunta sa kanyang opisina kaya naman nakuha ko na kakausapin n’ya ako sa naganap na pagpupulong kanina kaya naglakad na kami papunta roon sa office niya. "It was good, Dad. Well, at first, I thought na magkakaroon ng problema dahil ako yung dumalo at baka ma-question pa ako. Mabuti na lang at professional sila kaya naging maayos naman ang lahat,” sagot ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng opisina ni Dad. Dumiretso si Dad kanyang swivel chair at doon umupo habang ako naman ay sa bakanteng upuan sa harap ng table n’ya. Ipinasalaysay n’ya sa akin ang buong pangyayari sa meeting kanina at sinabi ko naman sa kanya lahat. " It's just the start of your training my princess kaya ihanda mo ang sarili mo sa mga susunod mo pang training. Dahil baka madalas na ikaw na rin ang a-attend ng mga meeting sa susunod pa,” sabi ni Dad na seryosong nakatingin sa akin. " Anyway, I want you to be ready because sooner or later I will introduce you to our employees and our business associate. I know I have told you already that you will be the next CEO of our company since you are most capable and willing to handle it. And I already figured out that your siblings want to have their own name to their chosen field." "I know and I'm ready, Dad." "Thank you anak dahil hindi mo binalewala ang mga pinaghirapan namin ng Mommy mo," "Ginusto ko po ito, Dad. Ayaw ko rin naman na pabayaan lang ang kumpanya natin dahil alam ko na dugo’t pawis niyo ang naging puhunan niyo rito. Napaghandaan ko na rin po ito noon pa man at bilang panganay alam kong may responsibilidad po ako. Ayaw ko naman po na hindi maabot ang kanya kanyang pangarap ng mga kapatid ko lalo na at tiwala ako na magtatagumpay sila someday sa larangan na gusto nila.” " I appreciate it and I'm so proud of you, hija!" malugod na pahayag ni Dad. " Ah...Dad?” as I played my fingers. “Do you personally know about ah...?" nahihiya akong napayuko. " Know about what?" kuryoso niyang pagpapatuloy sa tanong ko. "Nothing Dad,” umiling ako at pagkatapos ay tumayo. “Sige po at baka kanina pa naghihintay sa akin si Mrs. Saycon," as I kiss his cheek at lumabas na sa kanyang opisina. Pasakay na ako ng elevator pababa sa 4th floor dahil doon daw ako magsisimula ang training ko. Nang bumukas ang pinto ay dumiretso akong naglakad patungo sa housekeeping department. Noon pa man ay pinaalam ko na sa mga magulang ko na magsisimula muna ako sa mababang posisyon sa pag-te-training sa kumpanya para mas magamay ko ang pamamalakad nito lalo na at ako rin ang mamahala nito sa susunod. At para magawa ko ‘yun ay kailangan kong pag-aralan ang buong operasyon ng hotel. Nakasalubong ko ang ibang empleyado na nagtataka habang naglalakad ako sa pasilyo papunta sa housekeeping department. "Saan ka pupunta, Miss?” Biglang sunod-sunod na tanong mula sa taong nagsalita sa likod ko na nagpatalon sa akin. Napahawak ako sa aking dibdib dahil sa gulat. "Sorry!" hinging paumanhin ng matangkad na lalaki sa akin at nag-peace sign. “Okay lang.” “Bago ka lang ba rito?" " Oo, ngayon lang ako magsisimula," sagot ko naman sa kanya at sinabayan nito ang bawat hakbang ko. " Saang department ka ba para maihatid kita," pagmamagandang loob pa nito sa akin. "Naku! hindi na. Alam ko naman ang papunta roon,” pagtanggi ko sa kanya sabay iling. "I insist miss at baka maligaw ka pa," pagpupumilit pa nito sa akin. Napabuntong hininga na lang ako sa kakulitan nito. Para matapos na ay tumango na ako sa kanya at ngumiti naman ito sa akin. ‘Yun nga lang pinagtitinginan na kami ng mga tao pero hindi ko na lang pinansin at taas noong naglakad. In time masasanay rin ako sa ganito. " By the way, ako nga pala si Mark at sa Accounting department ako naka-assign,” pagpapakilala n’ya sa akin sabay abot ng kamay. “Ikaw ano ang pangalan mo?" "I'm Aistrielle," pagpapakilala ko naman sa aking sarili at tinanggap ang kamay nito. "Nice name! It suits you," puri n’ya at ngumiti. "Thank you," tipid kong sagot. Nabaling ang atensyon namin nang may narinig kaming komosyon sa dulo ng pasilyo. "Grabe! Ang swerte talaga ng babaeng ‘yon," "Baka naman nililigawan," " Ang bali-balita ay wala raw plano mag girlfriend ‘yan at puro fling lang daw ang gusto. Siguro friend lang." Narinig kong mga salita mula sa mga empleyado. Napakunot ang noo ko at naging kuryoso kaya nagtanong ako kay Mark. "Ganito ba lagi rito?” kuryoso kong tanong na nagpalingon kay Mark sa akin. “Kasi ganyan din ang naabutan kong komosyon sa taas kanina," paliwanag ko pa. "Well, normal na lang sa akin na naririning kong pinag-uusapan nila si Caleb.” Kaya lang hindi ko kilala kung sino si Caleb na tinutukoy niya. Siguro Nakita n’yang naguluhan ako kaya natawa ito ng mahina. "Himalang hindi mo s’ya kilala! Dinaig pa kaya niya ang celebrity dahil lagi siyang sinusundan ng media at mga babae para pag-tsismisan," pagsasalaysay niya pa sa akin tungkol sa lalaking yun. Napakunot noo ako. "Sino ba s’ya? Bakit hindi ko kilala?" kuryoso ko pa ring tanong sa kanya. "Alam mo nakakatuwa ka! First time kong nakadaupang-palad na babae na hindi kilala ang isang Monteverde," dagdag pa nitong sabi sa sobrang mangha. Hindi ko mapigilang mapairap sa kawalan sa exaggeration nito. Biglang sumagi sa isip ko ang mag-amang Monteverde kanina. Napamaang ako. "Actually, katatapos lang din ng meeting n’ya sa itaas. Imposibleng hindi mo s’ya nakita," hindi makapaniwala nitong usal. Napahinto ako at napaharap sa lalaki matapos nitong sabihin ang salitang meeting. Tsk... “Teka lang! Ang tinutukoy mo ba ay si Caleb Dawson Monteverde?” paninigurado ko rito. “Siya nga!” "Ahh!” tumatango ako. “Siya pala yun. Si Mr. Kulog." mahina kong usal na narinig pa rin pala ni Mark kaya natawa ito sa aking sinabi. "Anong Mr. Kulog?" tanong nito na natatawa. "Eh! kasi naman ang suplado n’ya tapos ang sama lagi kong makatingin na parang mananakmal at idagdag mo pang ang bigat ng aura niya tignan. Mabuti na lang at gwapo siya." Pahayag ko na mas lalong nagpa halakhak sa kanya ng sobra. Napakunot noo ako sa lalaki dahil sobrang tawang-tawa ito. Samantalang wala namang nakakatawa sa sinabi ko. Nang napansin nitong pinandilatan ko siya ng mata ay napatigil din ito at nagseryoso. "Bakit ka ba tawa nang tawa?" naiinis kong tanong dito habang nakahalukipkip akong nakatingin sa kanya. "Nakakatuwa ka kasing pakinggan sa mga reklamo mo. Imagine hindi mo s’ya kilala tapos may sariling bansag ka na agad sa kanya," sabi nito nang nakangisi. Pinaikot ko ang aking mata dahil hindi ko masakyan ang trip n’ya. Masyado pang feeling close samantalang kakakilala pa lang naman namin. Buti na lang nasa harap na ako ng pintuan sa housekeeping department. " Nandito na tayo. So, good luck sa first day mo!" sabi n’ya sa akin na hindi pa rin napapalis ang ngiti sa labi nito at sumaludo pa. "Thank you sa paghatid," sagot ko sa kanya at pumasok na sa loob. Nakita ko agad si Mrs. Saycon sa loob na kanina pa yata naghihintay sa akin. "Ms. Aistrielle ito ang magiging una mong training at makakasama mo sina Trish at Ashley dito." Itinuro nito ang dalawang babaeng nakangiti na humarap sa akin. "Hi! I'm Ashley, nice meeting you! Excited akong makasama ka namin dito," pagpapakila sa akin ng cute na babae at sobrang puti pero halatang natural talaga ang pagkaputi na may katangkaran na 5'2. "I'm Trish, bago lang din ako dito sa housekeeping department.” Sunod namang pagpapakila ng isang maganda at matangkad na babae na aabot sa 5'7 ang height. "I'm Aistrielle," tipid kong pagpapakilala sa dalawa. "Sila na ang magtuturo sayo ng mga gagawin Ms. Aistrielle at na briefing ko na rin sila kaya maaasahan mo ang dalawa," sabi ni Mrs. Saycon. "Sige po! salamat!" sagot kong nakangiti sa kanya. Iniwan na n’ya ako sa dalawa at umalis na pabalik sa taas dahil nasa ikapitong palapag ang table niya sa labas ng opisina ni Dad. Magsisimula na tayo!” tumango ako. “Ituturo ko lang ay ang routine sa housekeeping Miss Aistrielle," sabi ni Ashley habang naglalakad na kami papunta sa storage area. " "Sige." Sinimulan niyang inisa-isa sa akin kung ano ang madalas nilang ginagawa at ang mga dapat gawin sa pag-aasists ng mga guest lalo na at may pagkakataon na may mga special request ang mga ito. Matapos ang isang oras na pagtuturo nya sa akin ay nakaramdam na kami ng gutom. Bumalik na kami sa housekeeping office para tawagin na rin si Trish. "Tapos na kayo?" pambungad na tanong ni Trish sa amin nang nakabalik na kami. "May iba pang gagawin kaya lang gutom na mga alaga ko,” sabay hawak nito sa tiyan. “Hindi kasi ako nakapagbreakfast kanina dahil sa pagmamadali," sagot ni Ashley at pagkatapos ay may kinakalkal sa bag nito at nilabas ang wallet. "Ikaw Ms. Aistrielle? Sasabay ka ba sa amin?” tanong ni Trish sa akin na parehong naghihintay ng sagot. " Tatawagan ko lang muna si Dad,” inilabas ko ang phone at nilingon sila. “Saglit lang,” nagtipa ako ng number ni Dad at pagkatapos ay nag-dial. " Hello princess," "Dad may ka lunch meeting ka ba today?" " Yes, princess at kasama ko ang Mommy mo ngayon dahil babalikan namin ang problema sa isang hotel natin,” huminto ito. “Bakit? maglulunch ka na ba? kung gusto mo sasabayan ka namin ng Mommy mo bago kami pumunta roon," sunod-sunod na pahayag ni Dad. "Hindi na po! okay lang po ako. Makikisabay po ako sa mga kasamahan ko rito mag-lunch, “nilingon ko ang dalawa na matamang nakatingin sa akin. “Gutom na po kasi sila kaya sasama na rin po ako." "Mabuti naman kung ganun, Shine. Akala ko pa na kailangan pa kitang paalalahan tungkol diyan,” napailing ako. “You should always eat a proper meal hija," paalala ni Dad dahilan para tumabingi ang ngiti ko. "Yes, Dad. Don't worry dahil kakain po talaga ako ngayon." "Shine?" My mom interrupted sa kabilang linya. Inagaw yata ang cellphone ni Dad para pagsabihan ako. " Yes, Mom!" sagot ko. " Don't skip your meal, okay!" paninigurado pang habilin ni Mommy sa akin. " Opo, Mom. bye! Ingat kayo ni Dad. I love you both!" diretso kong sabi sa kanila para hindi na humaba ang usapan dahil narinig kong mayroon nang nag-aalburutong tiyan. " We love you too! See you later, hija!" sabi nila pareho at naputol na ang linya kaya ibinaba ko na ang cellphone. " Wow! Nakakaingit ka naman Ms. Aistrielle. Ang close mo sa parents mo," sabi ni Ashley at tumunog ulit ang tiyan nito kaya natawa na kami pareho ni Trish. " Tara na at bumaba na tayo para makakain na ang alaga ni Ashley at baka may mag-iibang anyo mamaya ‘pag hindi pa ‘yan nakalamon," sabi ni Trish kaya napatawa ulit ako. " Grabeh ka naman sa akin Trish," reklamo pa ni Ashley habang nakanguso. Tinampal naman ito ni Trish kaya binatukan naman ito ni Ashley. Napangiti ako sa closeness ng dalawa at biglang sumagi sa isip ko ang mga kapatid ko dahil ganyan kami ‘pag nagkukulitan. "Pero maiba tayo, Ms. Aistrielle. Nakakaingit ang relasyon mo sa parents mo," sabi ni Ashley sa akin. "Yes, I agree at sana all sweet sa pamilya, " sabi ni Trish. " Why? diba ganun naman dapat?" tanong ko nang nilingon ko sila pareho. " Nope. Not all families are the same as yours... Because unlike - - yeah." pa suspense na sagot ni Trish habang tinitingnan nito si Ashley. " Tara na!" biglang putol ni Ashley sa sasabihin pa ni Trish. "Okay. Let's go." Pagdating namin sa canteen ay marami ng tao ang kumakain kaya dumiretso na kami sa pila at umorder na rin sila ng pagkain while mineral tubig lang ang binili ko dahil may pinabaon naman si Nanay Dora sa akin. Pagkatapos ay naghanap kami ng bakante na mauupuan at nakita namin si Mark dahil kuma-kaway ito sa amin. "Aistrielle dito na kayo," tawag niya sa pangalan ko. Lumapit na rin kami sa puwesto nito dahil wala ng ibang table na bakante at mauupuan maliban sa table nito. Umupo na kami pareho at nilabas ko ang lunch box na pabaon ni Nanay sa akin. Habang binubuksan ko ang baon ko ay hindi ko namalayang nakatingin pala ang tatlo sa akin. “Ang bango naman!” sabi ni Mark. “Gusto niyo!” alok ko. “Salamat!” walang pag-aatubiling kumuha ng parte ng chicken adobo si Ashley. "Kumusta ang unang araw ng trabaho?" pangangamusta pa ni Mark. " Okay lang naman," tipid kong sagot dahil hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang paghalakhak kanina na parang walang bukas. " Buti nakilala mo sina Ashley at Trish at least may kaibigan ka na sa department n’yo," dagdag n’yang sabi. "Ang daldal mo talaga, Mark. Gutom kami pareho kaya huwag mo kaming kausapin pwede!" saway naman ni Trish kay Mark. Nagkatitigan pa ang dalawa bago ito nagsi-iwasan ng tingin. Napalingon ako kay Ashley at nagkibit-balikat lang ito sa akin bago nagpatuloy sa pagkain. Tahimik na kaming kumakain nang may biglang lumapit sa amin at tinawag ang pangalan ko sa nag mamay-ari ng baritonong boses. "Ms. Fernandez,” tawag sa akin ni Kulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD