Azriel's Pov Nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila Cerys. Nasa likuran na din namin si Lance na kung saan ay pinabili ko ng mga regala para sa parents ni Cerys. Tinanong ng guard kung sino kami at kung anong pakay namin kaya naman sumagot si Lola dito at agad na nag pakilala. Itinawag ng guard sa loob kung sino kami at agad din naman kami nitong pinapasok. Sino bang hindi makakakilala kay Lola. Tiyak kong gulat na gulat ngayon ang ama ni Cerys. Pag dating namin sa tapat ng mansion nila ay nandun na Ang mag asawang Herrera. Hinihintay Ang aming pag dating. Nang pag buksan kami ng pinto ng sasakyan ng isa sa mga guard ay nauna na akong bumaba upang alalayan si Lola. Sabay kami nitong humarap sa parents ni Cerys. "Mrs Javier, ikinagagalak po namin ang inyong pag dating." Nakangit

