Chapter 1
Xhante Cerys Pov
4th year Anniversary na namin ni Lionel ngayon at excited na ako dahil matagal ko ng pinag isipan ang bagay na ito. Handa na akong isuko sa kanya ang perlas ng kanluran ko. Matagal-tagal ko na din itong pinag isipan. Naging mabuting boyfriend sakin si Lionel, and he respects my decision about s*x. Hindi pa talaga ako handa na isuko ang bataan sa kanya. Si Lionel ang lahat lahat sa akin, my 1st love, my 1st boyfriend at gusto kong sya din ang makauna sakin. Sigurado naman ako na sya na ang lalaking mapapangasawa ko. Pasado na sya sa family ko, kaya naman kasal nalang talaga ang kulang samin.
Nag tatrabaho ako sa opisina ni Dad bilang secretary nya. Si Kuya Kayden naman ay may sarili ng companyang pinapatakbo.
"Dad, pwede bang mag out ako ng maaga today? Balak ko kasing i-surprise si Lionel, anniversary kasi namin today." Nakangiting tanong ko dito habang abala ito sa pag babasa sa papel na hawak nya.
"Sige anak, no problem. Kailan nyo ba balak na mag pakasal ni Lionel?" Tanong nito kaya naman napalunok ako ng sarili kong laway.
"Proposal nalang po ni Lionel ang hinihintay ko dad." Nakangiting sagot ko dito.
-
After kong lumabas ng office ni dad ay napa-isip ako. 4 years na kami ni Lionel at nasa tamang edad naman na kaming pareho. Pero bakit hindi pa din ito nag po-propose sakin? Naunahan pa kami ng mga kaibigan namin na mga 1-2 years relationship lang ay kinasal na. Okey naman ang relasyon namin ni Lionel, wala akong nakikitang dahilan para hindi nya ako pakasalan. Siguro ay nag hihintay lang ito ng magandang pag kakataon.
Pagkaalis ko ng opisina ay nag message ako kay Lionel. Tiyak kong matutuwa ito sa surprised ko. Pag tungtong ng 7pm ay dumiretso na condo nya. Matagal akong nag babad sa banyo para maalis lahat ng mga dumi sa katawan ko. Ito ang unang beses na gagawin ko to kaya naman dapat ko itong pag handaan.
Dahil alam ko naman ang password ng condo nito ay pumasok na ako. Mamayang 8 pa ang dating nito kaya naman makakapag ready pa ako.
Pag pasok ko sa loob ay napakunot ang noo ko dahil sa mga nag kalat na petals ng red roses. Napatabon ako ng bibig dahil sa kilig, may naka ready pang candle light dinner. Marahil ay pina set up na nito ang dinner date namin ngayong gabi. Kahit kelan talaga hindi ako binigo nito sa mga surprises nya. Pinag patuloy ko ang pag lalakad ko, napakunot ang noo ko ng makarating ng living area. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko dahil sa mga gamit ng babae na nag kalat sa sahig.
Nag babadya ng tumulo ang luha ko pero pilit ko itong pinipigilan. Nanginginig na din ang katawan ko, halo halong emosyon yung nararamdaman ko. Sinundan ko ang mga nag kalat na gamit hanggang marating ko ang nakaawang na pinto ng kwarto ni Lionel. Dahan dahan ko itong binuksan at doon na nga lumantad sakin ang pag tataksil sa akin ng boyfriend ko.
"Mga hayøp kayo!!!" Sigaw ko at agad na sinugod si Lionel at ang secretary nitong si Priscilla. Dahil sa pag sigaw ko ay nagising silang dalawa. Agad kong pinag hahampas si Lionel na mga kapwa nakahubad ang mga ito.
"Babe!" Gulat na tawag nito sakin.
"Hayøp ka, napaka baboy nyong dalawa!" Sigaw ko dito at walang tigil na pinag hahampas si Lionel.
"Ikaw na babae ka, napaka landi mo! Noon pa man ay wala na akong tiwala sayo! Ahas ka, malandi ka!!" Sigaw ko dito at agad itong sinugod sa higaan. Sinabunutan ko ito at pinag hahampas hanggang sa umawat na si Lionel.
"Kasalanan ko ba kung patulan ako ni Lionel? Ni hindi mo nga maibigay ang pangangailangan nya! Maganda, mayaman at sexy ka nga, pero wala kang pakinabang sa kanya!" Sigaw ni Priscilla sakin. Dahil sa sinabi nito ay mas lalong akong nakaramdam ako dito ng galit. Muli ko itong sinugod at pinag sasabunutan, but this time ay tinulak ako ni Lionel na syang ikinadurog lalo ng puso ko.
"Tama na Cerys!" Sigaw nito sakin kaya napanganga ako.
"Wow Lionel, so mas pinipili mo talaga ang babaeng yan over me? Mag sama kayong dalawa sa impyerno!" Sigaw ko dito at nag walk out na. Sa pag labas ko ng pinto ay sya namang pag agos ng luha ko.
Hindi ko lubos maisip na magagawa sakin ni Lionel ang bagay na ito. Talagang sa araw pa mismo ng anniversary namin. Kelan nya pa ako iniiputan sa ulo? Buong akala ko pa naman ay mahal na mahal nya ako. Akala ko kaya nyang hintayin ang araw na isuko ko sa kanya ang bataan ko pero shuta, tumitikim na pala sya ng iba kapag nakatalikod na ako.
Pag labas ko ng condo nya ay narinig ko pa ang pag tawag nito sa pangalan ko. Hindi ko na ito nilingon at dumiretso na ako ng elevator. Sinayang nya ang apat na taon na relasyon namin. Sana ay nag pakatotoo nalang sya sa sarili nya. Sana hindi na kami umabot sa ganito. Sobrang sakit, yung feeling na parang may winawasak sa kaloob looban ng puso mo. Ito ang unang beses na nasaktan ako ng ganito. Akala ko ay napaka swerte ko an kay Lionel pero may tinatagong ka demonyohan pala sya. Mabuti nalang at natuklasan ko ang pang loloko nya sakin. Tuwang tuwa siguro si Priscilla sa tuwing nakikita nya ako noon na walang ka alam alam sa ginagawa nilang dalawa ng Lionel na yun. Pwes kanyang kanya na ang manloloko na yun, mag sama silang dalawa!
Azriel's Pov
Dumaan muna ako ng flower shop bago dumiretso ng mansion. Gusto ko i-surprise si grandma dahil nakuha ko na ang matagal na nitong pinapangarap na Mall. Nag karoon kasi ng bidding, at ako ang na nanalo. Matagal ng gustong bilhin ni Lola kay Mr Ocampo ang Haven Mall ngunit ayaw nito dahil ito nalang daw ang naiwang alaala sa kanya ng yumao nyang asawa. Kaya naman ng mabalitaan ko na pinapa auction ito ay sumali na ako. Tiyak na matutuwa si Lola kapag nalaman nya ang balitang ito.
Pag dating ko ng mansion ay Todo ngiti ako habang inaamoy yung sunflower. Favorite ito ni Lola dahil ito daw ang palaging binibigay noon sa kanya ni Lolo.
"Nasan ang Lola? Tanong ko kay Auntie Silvia na mayordoma ng mansion.
"Nasa opisina nya po." Nakangiting Saad nito kaya naman pa takbo kong tinungo ang opisina nito. Pag dating ko sa tapat ng pinto at agad akong kumatok, pag bukas ko ng pinto ay wala ito kaya naman tuluyan na akong pumasok. Dumiretso ako sa table nito at napakunot ang noo ko dahil sa mga papel na nakakalat sa desk nya. Mga health examine result ito kaya naman hindi ko na napigilan na basahin ito. Napailing ako ng malaman ang result nito.
"M-may cancer si Lola? Paano nangyare yun? Ni hindi ko manlang napansin na may malalang sakit na ito? Bakit hindi nya sinasabi sakin, balak nya ba talaga ilihim ang lahat ng ito sakin?"
After kong ma basa ang mga result ay narinig ko ang boses nito sa labas kaya naman umakto ako na parang walang na kita.
"Grandma!" Salubong na saad ko dito. Mukang nagulat ito ng makita ako, marahil ay hindi nya inaasahan na papasok ako sa opisina nya.
"Ikaw pala Apo, at talagang may pa flowers pa." Saad nito kaya naman niyakap ko muna ito bago ko ibigay sa kanya ang bouquet.
"May kailangan ka ba sakin, bakit napakalambing mo ngayon?" Tanong nito sakin. Hinila ako nito papuntang table nya, napansin nito ang mga lab result nya na nakakalat sa table kaya naman agad nya itong itinabi.
"Kanina ka pa ba dito?" Nakakunot noo na tanong nito.
"Hindi po, kadarating ko lang din. Sinabi lang ni Aunt Silvia na nandito daw po kayo sa opisina nyo. Baka naman po pinapagod mo naman ang sarili mo nyan. Hayaan nyo na po sakin ang mga gawaing yan. By the way Grandma, I have a surprise for you." Nakangiting saad ko dito.
"Ano yun? May girlfriend kana ba? Yun ba ang surprise mo sakin?" Excited na tanong nito kaya nakasimangot ako.
"Grandma naman eh, hindi po yun!" Inis na sagot ko dito.
"Hays, akala ko pa naman ay may kasintahan kana. Sige ano ba yun, siguraduhin mo lang na matutuwa ako sa surprise mo na yan." Saad nito kaya ngumiti ako at kinuha ko ang kontrata ng Haven Mall na ngayon ay naka pangalan na sa kanya.
Pag abot ko ng papel kay Lola ay napalundad ito sa tuwa.
"Wahhh! Totoo ba ito apo, satin na ang Haven Mall?" Di makapaniwalang saad nito.
"Opo Lola, simula palang po yan. Kaya kahit na ano pong gusto nyo ay gagawin ko. Gusto ko pong bumawi sa lahat ng mga ginawa nyo para sakin." Nakangiting saad ko dito kaya niyakap ako nito.
"Talaga ba apo? Talaga bang gagawin mo ang lahat ng gusto ko?" Tanong nito at humarap ito sakin na naka evil smile. Napabuntong hininga ako, may taning na ang buhay ni Grandma at ang tanging magagawa ko nalang dito ay ang pasayahin sya sa mga natitirang araw nya dito sa mundo.
"Opo Mahal kong Lola, kahit ano pa po yan, gagawin ko para sayo." Nakangiting Saad ko dito sabay halik sa kanyang noo.
"Gusto kong i-date mo ang anak ni Mr Guevara. Okey lang ba yun sayo apo?" Nakangiting tanong nito. Tumango ako bilang sagot.
"Yes! Thank you naman apo at pumayag kana!" Saad nito at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam na ramdam ko kung gaano ito ka saya. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko hanggang sa huli.