Chapter 2

1618 Words
Cerys Pov Hindi ko ipinaalam sa parents ko ang nangyare ng gabing yun. One week na simula ng mahuli ko sila ni Priscilla at until now ay hindi pa rin ito nag paparamdam sakin. Mas lalo lang akong nakaramdam ng inis kay Lionel dahil mas pinapatunayan nya sakin na wala na talaga akong halaga sa kanya. Nag paalam ako kay dad na may pupuntahan kaya naman dumiretso na ako sa opisina ni Lionel. Pag dating ko doon ay tila gulat na gulat ang mga impleyado nito ng makita ako. Napansin ko din na wala si Priscilla sa upuan nya kaya naman nilabas ko ang phone ko at sinimulan na ang pag video. Pumasok ako ng opisina ni Lionel ng walang pa sabi. Huling huli sa akto ang kababuyang ginagawa nila sa loob ng opisina. Dahil binuksan ko ang pinto ay kitang kita ng ibang empleyado ang ginagawa nilang kahalayan. Dali-dali si Priscilla na ayusin ang damit nito maging si Lionel ay ganun din. "Anong tinitingin-tingin nyo dyan? Sinuswelduhan ko kayo dito para mag trabaho hindi para tumunganga lang!" Sigaw ni Lionel sa mga tauhan nyang nasa likuran ko. Agad na isinirado nito ang pinto ng opisina nya. "Ano bang ginagawa mo dito Cerys, hindi pa ba malinaw sayo na wala na tayo?" Inis na saad nito kaya napataas ang isang kilay ko. "Talaga palang nakapag disisyon kana na tapusin ang relasyon natin. Sana manlang ay kinausap mo ako ng maayos, hindi naman ako mag mamakaawa sayo na ayusin pa natin to. Tanggap ko naman na mas pipiliin mo ang babaeng yan. Sabagay, expert yan pag dating sa kama. Ilang lalaki na ba ang nakatikim sa kanya, Isa dalawa, tatlo, o sampo?" Nakangising Saad ko sabay tingin kay Priscilla. Simula ng maging secretary ito ni Lionel ay napansin ko na may kakaiba sa kanya. Bukod sa palaging sexy ang suot nito ay madalas din itong tumawag at mag text kay Lionel. Hindi ko ito pinapansin noon dahil malaki ang tiwala ko kay Lionel. Hindi ko naman akalain na matutukso sya sa ganyang klase nga babae. Sabagay, sabi nga nila talo ng malandi ang maganda. Kaya naman wala talaga akong laban sa babaeng yan. "Ngayong tapos na tayo, huwag na huwag ka ng mag papakita sakin kahit kelan!" Sigaw ko dito at nag madali ng lumabas ng opisina. Hindi ako gagawa ng kahit na anong ikakasira nya alang-alang sa mga pinag samahan namin. Tatapusin ko to ng tahimik yung relasyon namin. Kakayanin ko to, malalampasan ko din ang lahat ng ito. **AZRIEL'S POV** Sa loob ng isang linggo ay tatlong babae na agad ang pina date sakin ni Lola at ni isa sa kanila ay wala akong natipuhan. Lahat naman sila ay magaganda at mga galing sa mayayamang pamilya. Pero hindi ko talaga maintindihan ang sarili ko kung bakit ni isa sa kanila ay wala akong na gustuhan. Hindi kaya lalaki talaga ang hanap ko at hindi babae? Pero imposible yun, alam ko sa sarili ko na lalaking lalaki ako. Huminga ako ng malalim bago umalis ng opisina ko. Makikipag date na naman ako sa isa sa mga anak ng kaibigan ni Lola. Hindi ako pwedeng humindi dahil pinangako ko kay Lola na gagawin ko lahat ng gusto nya. Ito ang way ko to make her happy. Pag dating ko sa restaurant ay tama lang ang dating ko dahil nauna lang ako ng konte sa ka date ko. "Hi I'm Krisel, nice to meet you Azriel." Nakangiting saad nito sakin kaya naman nakipag kamay at nakipag beso ako dito. Kung titingnan ito ay parang isang mamahaling alahas. She looks so elegant, para itong hindi makabasag pinggan. Kung baga para syang namumuhay sa nakaraang panahon. Kulang nalang dito ay mag bihis ng pang bansang kasuotan. Naging maganda naman ang flow ng pag uusap namin. Maging sa pananalita nito ay napakahinhin din. Napansin kong wala itong arte sa sarili nya. Napaka pino din nitong ngumiti. Marami kaming napag usapan nito tungkol sa mga bagay na gusto at ayaw namin. Para sakin ay okey naman sya, pero hindi lang kasi okey yung hinahanap ko. Hindi ko alam kung ano yung hinahanap ko sa isang babae, pero wala yun kay Krisel. Nag paalam na kami ni Krisel sa isa't isa dahil mag aalas nuebe na ng gabi. Napag isipan kong dumaan muna sa bar na pag mamay-ari ng kaibigan kong si Colosas. - "Bro, long time no see!" Saad nito ng makita ako. Nag fist bump pa kami nito at naupo ako sa harap ng bar counter. Agad ako nitong binigyan ng baso na may yelo at hard drink. "Mabuti naman at naisipan mo akong bisitahin, how's life? Balita ko nakikipag date kana daw ngayon?" Nakangising saad nito sakin. "Saan mo naman nabalitaan yan?" Nakakunot noo na tanong nito sakin. "Kay Lola Olivia, kaya naman alam kong legit ang chismis na yun." Nakangiting saad nito kasunod ang pag salin ng alak sa baso ko. Nag tossed pa kami nito ng baso namin at sabay na inubos ang laman nito. Napapikit ako dahil sa tapang ng lasa nito. Napansin ko naman na parang tubig lang ito kay Colosas. "Oo, pinag bigyan ko na ang hiling ni Lola." Sagot ko dito at muli nitong sinalinan ng alak ang baso ko. Wala akong balak na mag pakalasing ngayong gabi dahil mag dadrive pa ako pa uwi. Nang makalimang shot ako ay nag paalam na ako kay Colosas. Medyo nakakaramdam na din ako ng pag kahilo. Pag dating ko sa sasakyan ko ay hinubad ko na ang suit na suot ko dahil sa init na nararamdaman dahil sa alak. Niluwangan ko din ang necktie ko bago simulan ang pag mamaneho. Malapit na ako sa mansion ng biglang---- ***Boogggsssss***** Agad kong inapakan ang preno pero alam kung huli na dahil sa lakas ng impact ng pag bangga sa kotse ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahil alam kong hindi hayøp ang nabangga ko. Kahit na kinakabahan ay madali akong lumabas ng kotse ko para i-check ito. Nahawak ako sa batok ko ng makitang isang babae ang nasagasaan ko. Nilapitan ko ito para i-check ang sitwasyon nito. Upang malaman ko kung humihinga pa ito ay dahan dahan ko itong inalalayan ang ulo nito pa harap sakin. Napalunok ako ng makita kung gaano ito kaganda. "Sh*t" Mahinang saad ko. Ipang sigundo akong napatitig sa muka nito at sa huli ay pinalagay ko ang hintuturo ko sa tapat ng butang ng ilong nito. Nakahinga naman ako ng malalim ng malamang humihinga pa ito. Binuhat ko na ito at sinakay sa kotse ko. Agad ko itong dinala sa pinaka malapit na hospital. - After itong asikasuhin ng doctor ay inilipat na ito sa sarili nyang ward. Naupo ako sa tapat ng kama nito habang pinag mamasdan ko itong natutulog. Wala itong kahit na anong dalang gamit kaya naman wala akong makuhang information dito. Hindi ko din naman ito pwedeng iwan ng basta nalang dahil obligasyon ko ang asikasuhin sya dahil ako ang naka bunggo sa kanya. **Kinaumagahan** Hindi ako mashadong nakatulog dahil sa pag babantay sa kanya. Maya-maya pa ay nagising na ito. Napakunot ang noo nito ng makita ang sitwasyon nya. Napansin ako nito kaya lumapit na ako dito para mag paliwanag at mag pakilala. "Pat@y na ba ako? Ikaw ba ang naatasang mag sundo sakin?" Tanong nito kaya naman napakunot ang noo ko. Mukang naapektohan ata ang ulo nito dahil sa lakas ng pag kakabangga ko sa kanya. "Sorry for what happened Miss, hindi ko sinasadya na mabangg ka." Paliwanag ko dito. Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko, bagkos ay nilihis nito sa kabila ang ulo nya at sinimulan ang pag sasalita mag isa. "Sayang, hindi pa natuluyan." Mahinang saad nito pero dinig ko yun. "Balak mo ba talagang mag pakamatay?" Nakakunot noo na tanong ko dito. Napakamot ako sa ulo, kung mabilis ang pag mamaneho ko ng mga oras na yun, posibling pinag lalamayan na sya ngayon. At ano ang mangyayare sakin, tiyak na makukulong ako. "Kung may problema ka miss at gusto mong mag pakamat@y huwag ka ng mang damay ng ibang inosente!" Inis na saad ko dito. Tiningnan ako nito at nagulat nalang ako ng biglang tumulo ang kanyang luha. "Dahil lang sa s*x mas pinili nya ang babaeng yun! Mas hamak naman na mas maganda at sexy ako sa Priscilla na yun, pero bakit yun ang pinili nya at hindi ako!" Umiiyak na saad nito. Napahawak ako sa batok ko, mukang sawi sa pag ibig ang babaeng ito kaya nag tangkang mag pakamatay. Maganda pa naman sya, sinasayang nya lang ang buhay nya sa walang kwentang dahilan. Hinayaan ko ito hanggang sa mapahod sa kakaiyak. Nang kumalma na ito ay humarap ito sakin. "Sorry sa nangyare, sobrang lasing na lasing kasi ako kagabi. By the way I'm Cyres, pasensya na talaga sa abala." Nakangiting saad nito. Ito ang unang beses na nakita ko syang nakangiti at mas lalo itong gumanda. "I'm Azriel" Nakangiting pakilala ko dito. Nagulat ako ng iabot nito ang kanang kamay nya kaya naman nakipag shake hands na ako dito. "Gusto mo bang tawagan ko ang family mo para ipaalam ang sitwasyon mo?" Tanong ko dito, agad naman itong umiling. "Huwag na, gusto kong mapag isa. Pasensya na talaga sa mga nangyare Azriel. Huwag kang mag alala, hindi kita idedemanda sa mga nangyare. Pwede mo na akong iwan, sapat na yung dinala mo ko sa hospital." Saad nito kaya naman napabuntong hininga ako. Tumalikod na ito sakin kaya naman lumabas na din ako ng ward nito. Kailangan ko na ding umuwi dahil tiyak kong nag aalala na si Lola sakin. Nag iwan ako ng number ko sa information para Incase na kailangan nila ng guardian ni Cyres ay matatawagan nila ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD