Cerys's Pov Hindi pa din ako makapaniwala na nakatira ako ngayon sa isang napakagandang penthouse. Nandito ako ngayon sa labas kung saan kitang kita ang buong city. Nag aagaw dilim na kaya naman unti-unti ng kumukutitap ang lungsod. May igaganda din pala ang syudad na Puno ng mga bahay at mga gusali. Yun nga lang sa gabi mo lang ito makikita. Kung titingnan ito parang mga bituin sa kalangitan. "Nandito ka lang pala, kanina pa kitang hinahanap." Saad ni Azriel. Pag tingin ko dito ay may hawak itong 2 glass of red wine. Inabot nya ito sakin kaya naman agad ko itong tinanggap. "Salamat." Nakangiting saad ko dito at muling ibinalik ang paningin sa syudad. "Kahit araw-araw siguro akong tumambay dito, hinding hindi ako mag sasawa." Nakangiting saad ko dito. "Pero hindi naman pwedeng du

