Azriel's Pov Kanina lang ay nasa kusina si Cerys nasan na kaya ito? May itatanong sana ako dito tungkol sa parents nya kung nakausap nya na ito about sa wedding namin. Pinuntahan ko ito sa balcony dahil dito ito madalas na tumatambay tuwing gabi. Napansin ko naman agad na naliligo ito sa swimming pool dahil gawa din ito sa glass. Napalunok ako dahil naka two piece ito, baka hindi nito naisin na makita ko sya sa ganung ayos kaya naman tumalikod ako. "Cerys" Tawag ko sa pangalan nito. "May kailangan ka ba?" Tanong nito. Narinig ko ang pag ahon nito sa tubig. "Sige na, maari ka ng humarap sakin." Saad nito kaya dahan dahan akong humarap dito. Naka suot na ito ng wardrobe. "Pasensya na, hindi ko alam na nag su-swimming ka pala." Saad ko dito at tiningnan ito mula ulo hanggang paa

