Chapter Two

3924 Words
"Tuloy lang ang buhay nating dalawa... Dedmahan pa rin, at hangga't maaari, h'wag ka na lang magpakita sa'kin ulit," sabi ko saka napataas ang kilay. "Huh, you're f*****g unbelievable." Napakunot ang noo ni Dravis, inilayo na n'ya ang kamay sa akin. "I don't even want to see you again, you're a f*****g nightmare!" Napataas ang kilay ko. "Wow ha, ang ganda ko namang nightmare kung gano'n! Tse!" Napahalukipkip ako. "Makaalis na nga. Diyan ka na!" Naiinis na sinukbit ko na lang ang sling bag ko saka inirapan si Dravis. Napabuga na lang siya ng hangin at napailing. Akmang lalabas na sana ako ng kotse pero natigilan ako nang mapansing lalabas din si Dravis. Agad akong natigilan at hinablot ang damit n'ya. "Ano na naman?!" tila iritadong tanong n'ya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Saan ka pupunta, aber?" "I'm gonna buy food there." Tinuro n'ya ang restaurant na pagkikitaan namin ni Patrice. "Teka! Ako muna ang unang papasok doon. Pag pumasok ako, maghintay ka muna ng ilang minutes bago ka pumasok. Baka makita ka pa ni Patrice at isipin na magkasama tayo. Saka dapat tahimik ka lang na papasok, okay?" tanong ko. Napakunot ang noo ni Dravis, tila napipikon na ito sa akin. "What the hell is your problem, you goddamn crazy woman?!" hindi n'ya napigilang magtaas ng boses. Hinablot ko ang leegan ng shirt n'ya saka hinila siya palapit sa akin, pinaningkitan ko pa siya ng mga mata. "Basta sumunod ka na lang kung ayaw mong malintikan sa akin," pananakot ko pa. "Are you seriously trying to scare me? It seems like you know a lot about feroci, so you must have an idea what kind of person I am and--" "Wala akong pake," sabi ko na lang saka napataas ang kilay. Napakuyom ang kamao ni Dravis at napapikit nang mariin, tila pigil na pigil ang sarili na sumabog sa inis. Napangisi na lang ako... Hindi ako makapaniwalang takot ako sa kan'ya noon. Para lang siyang sisiw sa paningin ko ngayon. "Just get out of my car, crazy woman!" naiinis na sabi n'ya. Napairap na lang ako saka binitiwan ang damit n'ya. "Maghintay ka muna bago ka pumasok ha," sabi ko na lang. Agad akong bumaba ng kotse n'ya. Padabog ko pang isinara ang pinto. Napangisi ako nang mapansing halos mapatalon siya sa gulat sa lakas ng pagkakasara ko. Nag-flip hair na lang ako saka tila model na papasok sa restaurant. Well, model naman talaga ako. Umupo na lang ako at naghintay kay Patrice. Ilang saglit pa, dumating na siya dala ang mga gamit ko mula sa bahay ni Xceron. Pasimpleng hinanap ng mga mata ko si Dravis. Nagtagis ang bagang ko nang makitang umo-order pa ang siraulong 'yon. Bakit ba ang tagal n'ya?! Baka makita pa siya ni Patrice! "Is that Dravis?" Napaupo ako nang tuwid sa tanong ni Patrice. Napatingin na lang ako sa kiss mark n'ya sa leeg, ayoko sana i-open 'to kaso wala na 'kong choice. "Patrice, I can see a kiss mark on your neck," pag-iwas ko na lang sa usapan. Nanlaki ang mga mata ni Patrice, namula pa ang pisngi saka napaiwas ng tingin sa akin. Napangiti na lang ako dahil kahit sa super cool n'ya, may cute side pa rin siya. Girl crush talaga siya! Nagkwentuhan na lang kami at nagbonding ni Patrice halos buong araw. Habang tumatagal na nakakasama ko si Patrice, mas lalo kong nakikita kung bakit siya minahal ni Xceron. Noong una, napapaisip ako kung bakit wala akong maramdamang inis sa kan'ya kahit na alam ko sa sarili ko na normal lang makaramdam no'n. Oo, aaminin kong may mga naging pagkakataon na nainggit ako sa kan'ya. Nagawang magbago ni Xceron dahil sa kan'ya na hindi ko nagawa noon... pero masaya na ako para sa kanila ngayon. Masaya na ako na makitang masaya si Xceron. Sapat na sa'kin 'yon. * * * "Why don't you consider being an actress, Denise? Ang daming nag-o-offer sa'yo ngayon," sabi ni Madam Niha, manager ko. Napahawak ako sa baba ko habang nakatitig sa vanity mirror. Kakatapos lang ng photoshoot ko para sa sikat na clothing line. Medyo napagod din ako dahil full schedule ako ngayong araw, nagpahinga rin kasi ako ng ilang days. Inayos ko ang buhok ko, hinayaan ko na lang na naka-messy bun iyon. I stared at my face for a moment. Simula nang maging model ako, tila doon mas lalong na-boost ang confidence ko. Sa tuwing napapatingin ako sa salamin, pakiramdam ko ang ganda ganda ko... Mukha akong inosente at mabait kapag ganitong wala akong heavy makeup. Baby face din ako gaya ng sabi ng karamihan, mala-anghel pa ang mukha at pang-toothpaste commercial ang ngiti. "Hmm... Kaso hindi naman ako magaling um-acting. Sinubukan kong magpractice noon sa Paris, kaso mukha lang akong tanga." Umismid ako. "Pwede naman, ie-enrol kita sa acting workshop. Sayang din 'yon, but it's up to you. Kung saan ka masaya," sabi na lang ni Madam Niha. Iyan talaga ang gusto ko sa kan'ya at sa agency na pinagtatrabahuhan ko ngayon, never nila akong pinilit sa mga projects na hindi ko gusto. "Sige, Madam. Pag-iisipan ko rin, mukhang masaya ang acting," nakangiting sabi ko saka nagthumbs up sa kan'ya. Pagkatapos ng pag-aayos ko, dumiretso na agad ako sa unit para magpahinga. Nagbasa na lang ako ng message galing sa fans ko para mawala nang kaunti ang pagod ko, buong oras tuloy akong nakangiti at kinikilig. Ma'am Denise! You're so beautiful and elegant. Nagrequest kami sa ilang station na kuhanin kang artista! I want to see you act on screen. I love you, Ma'am pretty! Hello po! I bought the product that you endorsed. Nakakagana kasi nandoon ang face mo! You're so pretty and sweet! I love your smile so much! Ate Denise, nakita kita sa mall one time at nagpapicture ako sa'yo. Here's our picture together! Super bait mo and approachable. I love you! Panay ang padyak ko sa hangin at pagulong gulong sa kama habang binabasa ang messages and comments from fans. Marami rin ang appreciation posts from them. Gusto ko lang naman maging model talaga, hindi naman ako nag-expect ng fans, pero sobrang thankful ako na may nakaka-appreciate sa akin gaya nila. Napagod ang kamay ko kaka-type ng reply pero satisfying naman. Hindi ko namalayan na inabot na pala ako ng dilim. Bumangon na ako sa kama saka nagtungo sa kusina, naghahanap ng pwedeng kainin. Hindi ko alam kung bakit biglang pumasok sa isip ko si Dravis Laurent. Napakunot ang noo ko at padabog na sinara ang ref... Bakit bigla ko siyang naisip habang naghahanap ako ng pagkain? Siya ba ang gusto kong kainin? Napailing ako at marahang sinampal ang pisngi ko. Puro kagaguhan na naman ang naiisip ko! Kasalanan talaga ng Dravis na 'yon! Natigilan ako nang tumunog ang phone ko. Nakita kong may message galing kay Cadence. Ano na naman ang trip ng gagong 'to? Cadence: Pst hoy Denise! Punta ka rito sa bar, hahanapan kita ng jowa. Me: Gago ka pala eh, mukha ba akong jowang jowa?! Cadence: Hindi naman, mukha lang walang papatol sayo hehehe. Nagsalubong ang mga kilay ko sa reply ni gago. Minsan gusto ko siyang ilibing ng buhay. Wala talaga siyang alam na gawing matino! Cadence: Charot lang. Punta ka na kasi dito! Daming arte kala mo naman ang ganda niya. Me: Bakit mo ba kasi ako pinapapunta?! Bwisit na 'to! Cadence: Magbo-bonding lang tayo. Nandito rin ibang girls, saka ihahanap nga kasi kita ng jowa! Bobo mo talaga! Me: Tse! Bobo ka rin! Saka hindi ko kailangan ng jowa 'no. I'm strong independent woman kaya! Cadence: Meron dito. Pogi (pero mas pogi ako) mala-w*****d character, tapos sobrang yaman! Me: Okay, papunta na 'ko, hmp! Agad na akong kumilos para magpunta sa bar ni Cadence. Red spaghetti strap bodycon mini dress ang sinuot ko, I paired it with my silver strappy stiletto platform heels. Inayos ko ang buhok ko, naka-messy bun iyon, nag-iwan ako ng kaunting buhok sa magkabilang gilid ng mukha ko. Napangiti na lang ako nang tumingin sa salamin. Ang ganda ko naman! Sumakay na ako ng taxi papuntang bar ni Cad. Wala naman akong interes magkaroon ng jowa o kahit ka-fling man lang. Gusto kong pumasok sa relasyon kapag talagang sigurado na akong naka-move on na ako kay Xceron. Gusto ko lang kaibiganin ang ipapakilala sa akin ni Cadence dahil mayaman daw! Nakarating agad ako sa bar ni Cad. Nakita ko kaagad ang table nila, agad akong tumakbo papunta roon nang makita ko sina Cadence, kasama n'ya ang ibang feroci pati na rin ang girlfriends o asawa nila. "Denise!" pagtawag sa akin ni Nathalie, kumaway pa. Umupo ako sa tabi n'ya. Napatingin ako kay Cadence na nakanagisi lang sa akin, tinaasan ko naman siya ng kilay. Nasaan na ang poging mayaman na ipapakilala n'ya?! "Teh, narinig ko kay Cadence, naghahanap ka raw ng jowa. Sabi ko naman kasi sa'yo, sa kapatid ko na lang!" sabi ni Nathalie saka hinampas ang braso ko. Agad kong tiningnan nang masama si Cad saka pinakyuhan. Hayop na lalaking 'to! "Sorry, sis. Wala talaga akong ipapakilala. Gusto ka lang namin maka-bonding," sabi ni Cad saka tumawa pa. Naiinis na sinipa ko ang paa n'ya mula sa ilalim ng mesa pero natigilan ako nang iba ang nag-react. Napatingin ako sa lalaking nasa tapat ko na ngayon ko lang napansin... Nanlaki ang mga mata ko nang makita siya, seryosong nakatingin lang naman siya sa akin pero nakakunot ang noo. Siguro masakit ang pagkakasipa ko sa binti nito. Tangina, si Dravis Laurent na naman! Natahimik na lang ako nang makita siya at agad na napaiwas ng tingin. Bakit nandito ang gunggong na 'to?! "Nakakapanibago na makita si Dravis na sumasama sa ganito," natatawang sabi ni Ashteroh. Umakbay si Cad kay Dravis. "Hayaan na natin, p're. May pinagdadaanan kasi 'to," sabi pa ni Cad saka tinapik tapik ang balikat ni Dravis. Hindi na lang ako kumibo at kumain na lang ng mga pagkain at chips sa table. Wala akong gana mag-inom. Delikado na. Napuno na lang ng kwentuhan ang table, hanggang sa naglalandian na lang ang mga couple sa paligid ko, 'yung iba nagsayawan na sa dance floor. Napakunot na lang ang noo ko habang ngumangata ng pagkain... Pinapunta pa ba talaga ako rito ni Cadence para mainggit sa mga couple?! Punyeta talaga ang lalaking 'yon. Natigilan ako at napatingin kay Dravis na tahimik lang din. Hindi ko siya nakikitang umiinom o kumakain. Tahimik lang talaga siya buong oras. Hindi ba siya nabo-boring?! Napataas ang kilay ko dahil kami na lang dalawa ang naiwan sa table. Natigilan ako nang tumingin din siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin ko sa kan'ya, ganoon din naman siya sa'kin. Parehas kaming nakatitig lang sa isa't isa at parang walang balak mag-alis ng tingin. Napabuga na lang ako ng hangin. "Gusto mo na bang umalis dito?" naglakas-loob na 'kong magsalita. Hindi nagsalita si Dravis pero tumango na lang ito. Tumayo ako at sinukbit ang sling bag ko. "Halika," pagyayaya ko sa kan'ya. Napakunot ang noo n'ya. "Saan?" "Aalis na, ayaw mo ba?" Hindi siya nagsalita, natahimik saglit pero tumayo na rin at sumunod sa akin. Tahimik na lumabas na lang kami ng bar. Pasimple pa 'kong tumingin sa paligid dahil baka mapansin pa kami nina Cad, buti na lang at busy sila sa mga pinaggagawa nila, 'yung iba mukhang lasing na rin. Lumabas na kami ng bar ni Dravis. "Where's your car?" tanong ko saka nakapamaywang na humarap sa kan'ya. Napakurap si Dravis at itinuro ang itim na BMW nito. Napangiti na lang ako saka muling tumingin sa kan'ya. "Ihatid mo 'ko pauwi," utos ko sa kan'ya. Napakunot ang noo ni Dravis. "I'm not your driver. Saka diba ang usapan natin, hindi na tayo mag-uusap at--" "Sige na, please. Tinatamad na 'ko magtawag ng taxi. Sige na," sabi ko saka tinapik ang BMW n'ya. Napabuga ng hangin si Dravis at nilabas ang susi saka pumindot doon. Napangisi na lang ako at agad na binuksan ang pinto at sumakay sa shotgun seat. Sumakay na lang din si Dravis saka pinaandar ang sasakyan. "Sa Mainhills condo ako ha," sabi ko kay Dravis, tinapik ko pa ang braso n'ya. Mas lalong napakunot ang noo ni Dravis pero hindi na lang nagsalita. Sinandal ko na ang likod ko saka napatingin sa bintana... Gago talaga si Cadence, sinayang lang ang oras ko. Makalipas ang ilang saglit, nakarating na kami sa condominium na tinutuluyan ko. Napangisi ako saka tumingin kay Dravis. "Salamat." "Marunong naman pala magpasalamat," bulong n'ya saka napaismid. Kumunot ang noo ko. Hinampas ko ang braso n'ya ng sling bag ko. "Mabait naman kaya ako 'no! Sa'yo lang hindi dahil ubod mo ng sungit!" asik ko. "Oo na, bumaba ka na lang ng kotse ko," sabi n'ya, nagtagis pa ang bagang. Napataas ang kilay ko. "Gusto mo bang uminom ng juice sa unit ko? Pagpapasalamat na lang sa pagsunod mo sa mga utos ko simula pa noong nakaraan," sabi ko na lang. "No, thanks," agad na sabi n'ya. Nag-init ang dugo ko. Hinablot ko ang kwelyo n'ya saka hinila siya palapit sa akin. "Nagpapakabait na nga ako tapos nag-iinarte ka pa!" Naiinis na inalis ni Dravis ang pagkakahawak ko sa kan'ya. "Iyan ba ang mabait?!" singhal n'ya rin. "Tse! Basta pumayag ka na lang! Ako na nga ang nagmamagandang-loob, e!" Bumaba na ako ng kotse n'ya at padabog na sinara ang pinto. Bumaba na lang din ng kotse si Dravis, kunot na kunot ang noo at nakakuyom pa ang kamao. Umismid na lang ako at sinenyasan siya na sumunod sa akin at pumasok na sa building. Tahimik lang kaming pareho sa elevator hanggang sa makarating sa floor ko. Nagtungo na ako sa unit ko saka iginiya siya papasok sa loob, kahit halatang nag-aalangan, pumasok na lang din siya, pero agad siyang napaatras nang makita ang magulong unit ko. "W-What the heck?" narinig kong bulong n'ya. "H'wag kang judgemental, pwede? Naglilinis ako ng unit, busy lang talaga ako ngayong araw!" depensa ko sa sarili ko. Hindi na nagsalita si Dravis pero panay ang sipa n'ya sa mga kalat na nadadaanan. Napaismid na lang ako at nagtungo sa kusina, sumunod naman siya sa akin. "Sa'yo na lang 'to," sabi ko saka binuksan ang ref. Kinuha ko ang mga powdered apple juice doon mula sa ine-endorse kong product. Hindi ko bet kaya ibibigay ko na lang sa kan'ya. Inabot ko sa kan'ya ang plastic na may lamang sandamakmak na powdered juice. Napakunot ang noo ni Dravis habang nakatingin doon. "This is the juice that you were offering?" tila hindi makapaniwalang tanong n'ya. Tumango ako. "Oo, ayoko n'yan kaya sa'yo na lang. Pakitapon na rin nito." Inabot ko sa kan'ya ang plastic na may lamang balat ng mga chips at instant food. Napakurap si Dravis saka kinuha 'yon. "What the actual f**k?" narinig ko pang bulong n'ya. Napataas ang kilay ko nang tumingin siya sa akin. "Bakit?" tila inosenteng tanong ko. "You are the worst, goddamn crazy woman!" hindi n'ya napigilang magtaas ng boses. "Bakit ba?! Ikaw na nga ang binigyan ko ng juice diyan eh!" asik ko. Nanghihinang napaupo si Dravis sa upuan saka napabuga ng hangin. "This woman is hopeless," bulong n'ya pa. Napaismid na lang ako at kumuha ng apple sa ref at kinagat 'yon. Sinandal ko ang likod sa ref saka tumitig sa kan'ya. "Bakit panay ang pagsama sama mo sa feroci ngayon? Bakit, gusto mo 'kong makita?" nakataas-kilay na tanong ko. "Of course not," agad na depensa n'ya. "I just wanna be distracted," dagdag n'ya, humina ang boses. "Bakit? Ano'ng meron?" curious na tanong ko. "It''s just..." napatitig si Dravis sa sahig, "I can't forget someone." Mapait siyang ngumiti. Napatango ako saka muling kumagat sa apple. "Dapat gumawa tayo ng club, tayong dalawa." Umupo ako sa mesa na malapit sa kan'ya. Tumingin siya sa akin, napakunot ang noo. "What?" "Samahan ng mga hindi maka-move on sa ex," nakangising sabi ko. Bahagyang ngumiti si Dravis habang nakatitig sa akin. "She's not my ex though... but she's my first love." Napailing ako. "Nako, mukhang inosente ka talaga sa mga gan'yang bagay, Mr. Dravis Laurent." I wasn't expecting this. Aaminin ko na akala ko talaga noong una, marami siyang pinaglaruang mga babae sa palad n'ya. Hindi ko rin talaga in-expect na virgin pa siya sa edad na 'yan. Mukhang masyadong masama ang tingin ko sa kan'ya. Natigilan ako sa malalim na pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha 'yon at tiningnan ang text galing sa manager ko. Nag-send siya ng magiging next concept ng photoshoot ko. Napataas na lang ang kilay ko nang mapansing may kasama akong lalaki sa next concept... Magseselos na naman ang fans ko. Napatingin ako kay Dravis na nakatingin lang sa akin. Napahawak ako sa baba ko saka tiningnan siya na tila model na nakaupo... Ang efortless naman ng isang 'to, kahit nakatayo lang yata siya, mukha pa ring model. "Gusto mo ba maging model, Dravis?" tanong ko. Napakunot ang noo n'ya. "Ayoko," mabilis na sagot nito. Napaismid na lang ako saka lumapit sa kan'ya at ipinakita ang concept ng next photoshoot ko. Nagtatakang tumingin na lang siya ro'n. "Pwede ba akong magpractice ng pose sa'yo?" tanong ko. "What?" tanong n'ya pa. "Pwede ba akong magpractice ng pose sa'yo?" pag-ulit ko sa tanong. Umigting na lang ang panga n'ya, tila naiinis na naman sa akin. "Fine, ano ba ang gagawin ko?" pagsuko n'ya. "Umupo ka lang diyan, gagayahin natin 'to." Itinuro ko ang picture. Natigilan siya nang umupo ako sa kandungan n'ya saka yumakap sa batok n'ya. Napahawak ako sa baba ko habang iniisip ang magiging post ko habang si Dravis naman ay nakaupo lang nang tuwid at hindi makagalaw. Tumitig ako nang diretso sa mga mata n'ya saka marahang hinawakan ang buhok n'ya mula sa likod. Napangisi an lang ako dahil panay ang iwas n'ya ng tingin, tila hindi mapakali. "A-Aren't you uncomfortable with this?" bulong n'ya. "Ano ka ba? Three years na 'kong model, sanay na 'ko makipagyapusan sa mga lalaki 'no." Napasinghap siya sa sinabi ko at tila inosenteng bata na tumingin sa'kin. "R-Really?" Pinigil kong mapahagalpak ng tawa sa hitsura n'ya ngayon. Kung nakikita lang 'to nina Cad, baka nagpapagulong gulong na ang mga 'yon kakatawa. "Oo, h'wag ka nang malikot d'yan," sabi ko na lang saka mas inilapit ang sarili ko sa kan'ya. Naramdaman kong pinigil ni Dravis ang paghinga dahil sa ginawa ko, namumula na rin ang tainga nito. Natigilan na lang ako nang biglang may ideyang pumasok sa isip ko. "Dravis..." "W-Why?" tanong n'ya. "Hindi familiar ang katawan mo sa akin," sabi ko na lang saka inilapat ang katawan ko sa kan'ya. "W-What was that mean?" "Kung may nangyari sa atin, dapat kahit papa'no pamilyar sa akin kapag magkalapit tayo nang ganito. Saka hindi rin nananakit ang katawan ko nang panahong 'yon." Napahawak ako sa baba ko... Knowing na ilang years din akong walang s*x life, hindi ba dapat kahit papa'no manibago ang katawan ko kung talagang may nangyari sa aming dalawa ni Dravis ng gabing 'yon? "Are you implying that we didn't do it that night?" tanong ni Dravis. Napasinghap ako nang maalala ang condom na nakita ko sa kama n'ya noon. Sa akin ang condom na 'yon... Ugali kong maglagay ng condom sa wallet ko kahit noong college pa. Bakit ngayon ko lang din pinansin na unused ang condom na nasa silid ni Dravis no'n? Natigilan ako nang unti-unting pumasok sa alaala ko ang nangyari... Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko nang maalalang ako ang nagyaya makipag-one night stand sa kan'ya. Nagtungo kami sa bahay n'ya, naghubad ng damit... pero nakatulog din agad. Napasinghap ako at napatingin kay Dravis. Natigilan din siya, tila pumapasok na rin sa alaaala n'ya ang nangyari. "R-Right... we both fell asleep that night," sabi ni Dravis, tila nalilinawan na rin. Napatili ako dahil sa tuwa saka napayakap sa batok n'ya. "Aahhhh! Yes! OMG!" tuwang tuwa na sabi ko. Napangiti si Dravis at napahawak sa dibdib n'ya. "I'm still a virgin," tila nakahinga siya nang maluwag. Napatitig ako sa kan'ya, hindi maalis ang ngiti sa labi ko. Buti na lang talaga! Napatitig din siya sa akin... Nagkatitigan kaming dalawa. Napakurap na lang ako dahil hindi ko alam kung bakit kami nagtititigan. Hindi rin naman ako nag-iiwas ng tingin, hindi ko alam kung bakit tila may humihila sa akin at hindi maalis ang tingin sa kan'ya. Napakagat ako sa loob ng pisngi ko, lumuwag ang pagkakakapit ko sa kan'ya. Akmang matutumba pa ako mula sa kandungan n'ya pero agad siyang humawak sa baywang ko. Namula naman agad ang tainga n'ya at napabitaw nang mapagtanto ang ginawa n'ya. Tumikhim na lang siya. Napatitig ako sa mga mata n'ya, ganoon din siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, hindi ko alam kung bakit hindi ko maalis ang tingin sa kan'ya. Natigilan na lang ako, tila kusang gumalaw ang mga braso ko para yumakap lalo sa batok n'ya... Natagpuan ko na lang ang sarili na inilapat ang labi ko sa labi n'ya. Halatang natigilan din si Dravis pero hindi naman ako itinulak. Agad ko ring inilayo ang labi ko sa kan'ya. "E-Even the taste of your lips isn't familiar... Wala talagang nangyari sa atin ng gabing 'yon," napapatangong sabi ko. Tanga ka, Denise Audrina! Bakit mo siya hinalikan?! Ang landi mo, self! Nagpanggap na lang akong kalmado kahit naghuhumiyaw na ang kalooban ko. Natigilan ako nang maramdaman ang kamay ni Dravis sa likod ko, ang isang kamay sa batok ko. Hinila n'ya ako palapit sa kan'ya saka siniil ng halik ang labi ko... Mabilis lang iyon, agad n'ya ring inilayo pagkatapos ng isang segundo. "I-I think so too. The taste of your lips isn't familiar to me too," sabi n'ya saka napaiwas ng tingin. Natatawang napailing ako. "What the hell are we doing?" naitanong ko na lang. "Ano tayo? Teenager?" natatawang tanong ko pa. Hindi nagsalita si Dravis at tumingin sa akin. Nagkatitigan na naman ulit kami... This won't do. The s****l tension is too strong. "Lasing ka ba?" tanong ko pa. Umiling siya. "Hindi ako uminom," bulong n'ya. "Ako rin," sagot ko na lang. "Kapag ginawa natin ngayon, siguradong maalala natin bukas," bulong ko pa saka mas lumapit sa kan'ya, naramdaman kong bumigat ang paghinga n'ya at napahawak nang mahigpit sa likod ko. "W-What do you mean?" tanong n'ya, bumaba ang tingin sa labi ko. "You're a virgin, but you know what I mean," bulong ko. Huminga siya nang malalim, tumama ang mainit n'yang hininga sa labi ko. Napakapit ako nang mahigpit sa batok n'ya... Inipit ko ang mga hita ko... Nahihibang na talaga ako. Nahihibang na talaga! Humawak siya sa batok ko at muling humalik sa labi ko. Napapikit na lang ako at tila nalalasing na iginalaw ang mga labi ko... Halatang hindi marunong humalik si Dravis, pero hindi ko alam kung bakit imbis na ma-turn off ako, mas lalo ko pang nagustuhan 'yon. "We're both consenting adults, Dravis... Do you want us to have s*x?" tanong ko nang maghiwalay na ang mga labi namin. Napalunok si Dravis. "I-I shouldn't be doing this." Ngumiti ako saka hinaplos ang buhok n'ya. "You can say no if you don't want this... I understand. Parehas lang tayong nadadala ng init ng katawan ngayon..." Imbis na bumitiw, mas lalo n'ya akong hinila palapit sa kan'ya. Napangisi na lang ako... mukhang iyon na ang sagot n'ya. "I admit, I want this... but I-I'm inexperienced. I-I don't know how to pleasure a woman, I don't know what to do," nauutal na sabi n'ya, tila nape-pressure. "Don't worry... I'll teach you, Mr. Dravis Laurent," nakangising sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD