bc

Trouble in Disguise (SERIE FEROCI 9)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
4.0K
READ
one-night stand
HE
bxg
lighthearted
office/work place
enimies to lovers
naive
like
intro-logo
Blurb

Behind his cold and ruthless façade, Dravis Laurent is actually a refreshing type of guy. He's innocent and clueless about emotion and love. Despite being the heartless member of Feroci, he has a lot of soft sides though he is often misunderstood by other people. Dravis is probably the best lover that any woman could ask for... but is he truly the right one? Or is he just another trouble in disguise?

chap-preview
Free preview
Chapter One
Denise Audrina Villamor Hindi ko alam kung anong kasalanan ba ang nagawa ko sa past life ko. Mabait din naman ako, mapagbigay, matulungin, cute, sobrang ganda, sexy... Nasa 'kin na ang lahat, pati katangahan nasa'kin na rin! Napalunok ako at napapikit nang mariin. Bangungot lang yata ito, tama! Imposibleng mangyari 'to sa'kin. Imposible talaga.  Kagabi, nagkausap kami ni Xceron. Naayos na namin ang gusot sa pagitan namin, magmo-move forward na kaming pareho. Maayos na. Nagkaroon na kami ng closure at babalik na kami sa pagiging magkaibigan. Para sa madama ko ang tuluyang pagmo-move on, nag-inom ako at nagpakalasing... May nakita akong lalaki.  Napapikit ako nang mariin at napakagat sa ibabang labi ko nang tuluyan nang nagiging malinaw sa alaala ko ang nangyari.  Sa lahat ng katangahang ginawa ko sa buhay ko, ito na yata ang pinakatanga sa lahat. Parang gusto ko na lang maglaho sa mundo! Marahan kong idinilat ang mga mata ko at napatingin sa lalaking katabi ko ngayon. Napasinghap ako at muling pumikit. Baka namamalikmata lang ako... Tama. Ang daming lalaki sa mundo, imposibleng sa feroci member pa ako magkakamaling makipag-one night stand. Napalunok ako nang marahang gumalaw ang lalaki, napaungol pa ito. Hindi ko maalis ang kamay kong nakayakap sa matigas n'yang abs dahil baka magising siya kapag gumalaw ako. Napalunok ako at pilit na pinakalma ang sarili ko, naghuhumiyaw na ang kalooban ko ngayon! Napabuga ako ng hangin at marahang idinilat ang mga mata ko. Agad kong tiningnan ang kumot na nakabalot sa katawan naming dalawa. Marahan kong sinilip ang loob no'n at napasinghap ako nang muli kong makita na wala kaming damit pareho, as in wala! Hubo't hubad! Napatingin ako sa katabi ko, nakayakap siya sa baywang ko. Sakop na sakop ng matigas n'yang braso ang maliit na baywang ko. Napalunok ako at tumingin sa mukha n'ya, para akong naubusan ng dugo sa mukha habang nakatitig sa gwapong mukha nito... Totoo nga talaga. Hindi nga ako namamalikmata lang.  Bakit si Dravis Laurent pa?! Si Dravis Laurent ang pinaka-ayaw kong miyembro ng feroci. Bukod sa ubod ng sungit nito, tila palagi itong iritado sa'kin kahit wala naman akong ginagawang masama sa kan'ya. Misteryoso din siya para sa'kin. Hindi ko naman close ang lahat ng members ng feroci, pero kay Dravis Laurent lang ako nakaramdam nang ganitong inis.  Naaalala ko pa rin kung paano na-ospital si Xceron noon matapos n'yang bugbugin. Siya rin ang tumatayong punisher ng feroci kaya talagang nakakatakot siya para sakin. Akala ko noon, papatayin n'ya talaga si Xceron.  Huminga ako nang malalim at napatitig dito. Tila batang mahimbing na natutulog ito. Mukhang hindi masungit at nakakatakot kapag tulog... Napailing na lang ako sa mga naiisip ko. Hindi ito ang oras para atupagin ito.  Napalunok ako at marahang inalis ang pagkakahawak ko sa mapintog na abs nito, nanginginig pa ang kamay ko. Sunod kong inalis ang braso nitong nakayakap sa baywang ko... Tama, aalis na lang ako na parang walang nangyari. Mukha rin namang hindi n'ya maaalala 'to, parehas kaming lasing na lasing kagabi.  Natigilan ako nang maramdamang gumalaw siya. Agad akong napatingin sa mukha n'ya... Nanlaki ang mga mata ko nang marahan nitong idinilat ang mga mata. Napakurap ako at napatitig sa kulay abo nitong mga mata... Ngayon ko lang natitigan nang malapitan ang mga 'yon.  Halatang natigilan din siya habang nakikipaglabanan ng titig sa akin, parehas kaming hindi makagalaw. Hindi ko alam ang gagawin... kaya napatili na lang ako nang sobrang lakas.  "Aahhh!"  Napabangon ako at buong lakas na itinulak si Dravis. Bumagsak naman siya sa kama dahil sa pagkakatulak ko. Natatarantang kinuha ko ang comforter at ibinalot sa hubad kong katawan. Si Dravis naman ay agad na napabangon, pero natigilan nang mapansing nakahubad din siya. Natatarantang kumuha siya ng boxer shorts sa malapit na drawer saka isinuot 'yon.  "Aahhhh! Aahhhh!" Patuloy akong tumitili. Kumuha ako ng isang unan saka ibinato sa kan'ya.  Tama, titili na lang ako. Tutal hindi ko na rin naman alam ang gagawin, e! Napatigil lang ako sa pagtili nang kumuha ng baril si Dravis mula rin sa drawer n'ya at itinutok 'yon sa akin. "Please, just f*****g shut up," tila naiiritang sabi nito. Umiigting pa ang panga sa inis.  Nataranta rin ako, sa pagkataranta ko pa, bumagsak ako sa kama. Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at napahawak sa balakang ko. Masakit ang pagkakatama ng pwet ko sa sahig. Napamura na lang ako at pilit na ibinalot ang comforter sa katawan ko.  Agad namang lumapit sa'kin si Dravis. "I-I'm sorry... Are you alright?" tila nag-aalalang tanong nito.  Napakunot ang noo ko at napatitig sa mukha n'ya, mukha namang nag-alala talaga ito sa pagkabagsak ko mula sa kama.  Binitiwan n'ya ang baril saka inilapag sa sahig. Napasinghap na lang ako nang basta ako nito binuhat saka marahang ibinalik sa kama. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong humawak siya sa legs at sa likod ko. Napatili ako at naiinis na binato na naman siya ng unan.  Napakunot ang noo ni Dravis at humawak sa wrist ko at inagaw ang unan mula sa pagkakahawak ko. Natahimik na lang ako nang seryosong tumingin siya sa akin, tila naiinis na.  "Will you please stop shouting? Let's talk calmly first. Walang mangyayari kung sisigaw ka lang nang sisigaw," nakakunot-noong sabi nito.  Natahimik naman ako sa sinabi n'ya. Napaismid na lang ako at ibinalot ang sarili ko sa comforter saka napaiwas ng tingin sa kan'ya.  "B-Bakit ikaw pa?! Bwisit!" asik ko saka naiinis na napapadyak.  Napabuga ng hangin si Dravis. Napatingin ako sa kan'ya, hinawi n'ya ang buhok saka napahilamos sa mukha... Tila hindi n'ya rin alam ang dapat na gawin sa sitwasyon naming dalawa.  Bumaba ang tingin ko sa katawan n'ya. Humupa nang slight ang galit ko nang mapatingin doon. Napakagat pa ako sa loob ng pisngi ko habang pinapasadahan ng tingin ang matipunong katawan n'ya. May ilang peklat siya ro'n na mas nagpalakas ng dating n'ya. May tattoo rin siya sa braso at dibdib. Napasinghap pa ako nang mapatingin pagitan ng mga hita n'ya. Tila gustong kumawala ng p*********i n'ya sa boxer na suot... Napailing na lang ako at bahagyang sinampal ang sariling pisngi.  Kalma, Denise Audrina. Hindi ka dapat doon nakatingin.  "I honestly don't remember what happened last night," biglang sinabi n'ya.  "H-Hindi ko rin maalala," bulong ko.  Natahimik na lang ulit kami. Naiinis na sinabunutan ko ang sariling buhok saka napayakap sa mga tuhod ko... Pinakiramdaman ko ang sarili ko, medyo nananakit nga ang katawan ko... Kung ganoon, totoo talagang may nangyari sa amin kagabi? "I-I couldn't believe my first time turned out like this," narinig kong bulong ni Dravis.  Napakurap ako... First time? "T-Teka, first time? Alin ang first time mo?" hindi ko napigilang itanong.  Natigilan ako nang mapansing napaiwas ng tingin sa'kin si Dravis. Napatakip pa ako sa bibig ko nang mapansing bahagyang namumula ang tainga n'ya. Kinusot ko ang mga mata ko, sinisiguro kung si Dravis Laurent ba talaga ang nasa harapan ko ngayon.  "H-How dare you take it away from me? T-That's for my future wife!" nauutal na sabi n'ya, tila naiinis pa.  Muli akong napakurap... Ilang saglit pa, tuluyan akong napahagalpak ng tawa. Napahampas pa ako sa hita ko, kulang na lang bumagsak ako sa kama at magpagulong-gulong.  "Nice joke, pare. 8 over 10 ang score ko sa'yo. Maayos ang construction ng joke, pero next time dapat nakangiti ka para halatang joke talaga. Okay?" sabi ko na lang saka nag-thumbs up sa kan'ya.  Seryosong nakatingin lang sa akin si Dravis habang para akong loka-loka na tumatawa rito... Natigilan lang ako nang mapansin na mukhang seryoso talaga siya, walang bahid ng pagbibiro sa mukha nito. "S-Seryoso? First time mo 'yon? Makipag-s*x?" curious na tanong ko pa.  Mas lalong namula si Dravis. "I-I'm f*****g serious... And you took it away from me!" Natawa ako nang mapakla. "Wow ha! Parang kasalanan ko pa. Excuse me lang, pero ako yata ang biktima rito! Lasing ako kagabi!" asik ko.  "Lasing din ako kagabi!" depensa n'ya.  Napahilot ako sa sentido ko. "Pwede ba, Dravis Laurent... Hindi ako virgin gaya mo pero ako dapat ang nanghihinayang dito. Sa lahat ng lalaki sa mundo, ikaw ang pinaka-ayaw kong maka-one night stand!" Napasabunot ako sa buhok ko. "Anak ng tinapa naman! Bakit sa feroci pa?" bulong ko saka napasipa sa hangin.  Napakunot ang noo ni Dravis. "Bakit kung makapagsalita ka, parang ikaw pa ang lugi?" tanong n'ya.  "Talagang ako ang lugi, 'no! Sa ganda kong 'to, katulad mo lang ang makaka-one night stand ko?! Katulad mo na..." Natigilan ako at hinagod siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "S-Sa katulad mo na..." Ano ba 'yan? Bakit kasi ang gwapo n'ya? "Na ano?" tila nabubugnot na tanong n'ya.  "Katulad mo na... basta! Katulad mo! Sobrang sungit mo! Ang suplado, feeling gwapo, pa-cold and mysterious akala mo naman kung sinong gwapo. Tapos feroci member ka pa! Basta naiinis ako sa lahat ng tungkol sa'yo. Bakit kasi ikaw pa?!"  Napabuga ng hangin si Dravis, tila hindi makapaniwala sa mga narinig n'ya mula sa'kin. Ngayon na lang ako nagkaroon ng pagkakataon na ilabas ang sama ng loob ko sa lalaking 'to kaya sasamantalahin ko na.  Natahimik na lang ulit kaming pareho. Napatitig na lang ako sa kama... Hindi ko na rin alam ang sasabihin.  Natigilan lang ako nang marinig na tumunog ang phone ko. Agad akong napatingin sa sahig, nandoon ang sling bag ko. Agad kong kinuha 'yon saka kinuha ang cellphone ko mula roon. Natigilan ako nang makitang nag-text si Patrice.  Hello, Denise. Pwede ba tayong magkita? Ibibigay ko lang sa'yo ang mga gamit na naiwan mo sa bahay ni Xceron.  Napanguso ako nang mabasa ang text n'ya dahil kinikilig ako sa katotohanan na nag-text siya sa akin. Agad akong nagtype ng reply, tila nakalimutan ko nang nasa harapan ko lang si Dravis.  Yes, Mommy! Arf arf! >3 Agad namang nagreply si Patrice ng address at oras na pagkikitaan namin. Pagkatapos ibinalik ko na ang phone sa bag ko saka napatingin kay Dravis na nakatingin lang din sa akin. Napakurap ako saka napayakap sa comforter.  "Ibili mo 'ko ng damit," utos ko sa kan'ya.  Napakurap siya. "Huh?" "Sabi ko, ibili mo 'ko ng damit... Pati na rin ng underwear at bra. Bilis!" utos ko pa.  Napabuga ng hangin si Dravis saka napahawi sa buhok. "This woman is unbelievable," bulong n'ya pa na narinig ko naman.  "Bilis na! Makikipagkita ako sa crush ko kaya dapat maganda ako! Pumili ka ng magandang dress, saka 'yung size ng panty at bra ko ay--" "Bakit kailangan kitang sundin?" nakakunot-noong tanong n'ya.  Tinaasan ko siya ng kilay. "Kung gusto mong pag-usapan natin nang ayos ang nangyari, sundin mo 'ko!" Wala nang nagawa si Dravis. Agad itong naligo at umalis para bumili ng damit para sa'kin. Ako naman ang naligo pagkaalis n'ya. Pagkatapos maligo, lumabas na ako ng bathroom, robe na lang ang sinuot ko at naghintay na dumating siya... Ilang saglit lang, dumating na si Dravis na may dalang paper bag. Agad kong hinablot 'yon mula sa kan'ya para tingnan ang binili n'ya.  Napahawak na lang ako sa baba ko habang sinusuri ng tingin ang baby pink off-shoulder dress na binili n'ya. Okay na 'to.  "Okay na 'to. Sige na, lumabas ka na," sabi ko na lang saka sinenyasan siya na lumabas ng kwarto.  Napakunot ang noo ni Dravis. "Bakit ako lalabas?" "Malamang, kasi magbibihis ako. Bakit? Gusto mo 'kong panoorin magbihis?! Gusto mong makita ang katawan ko?!" nakataas-kilay na tanong ko.  Napabuga ng hangin si Dravis. "Excuse me, Miss, but I have no interest to see your body... Damn, I can't believe you, woman... you didn't even thank me!" tila naiinis na sabi nito.  Napaismid na lang ako... Hindi ko close ang Dravis na 'to, pero sa pagkakakilala ko sa kan'ya, tahimik, walang kibo, palaging kalmado, at walang pakialam sa paligid n'ya. Ngayon ko lang yata nakitang gan'yan si Dravis, napipikon at hindi kalmado.  "Okay, fine! Thank you po, Sir. Sige na, labas na. Shoo!" sabi ko na lang saka itinulak siya palabas ng kwarto.  Walang nagawa si Dravis at lumabas na lang. Agad naman akong nagbihis, nagmadali pa ako dahil baka bigla na lang pumasok ang Dravis na 'yon. Inayos ko na lang ang buhok ko. Hindi na ako naglagay ng makeup dahil wala na rin akong time. Baka ma-late pa ako sa meet up namin ni Patrice. Kinuha ko na ang sling bag ko at lumabas ng kwarto ni Dravis pagkatapos. Naabutan ko si Dravis na nakapamulsa habang nakatingin sa akin... Napaismid na lang ako saka lumapit sa kan'ya. Halos nakatingala ako sa kan'ya dahil ang tangkad n'ya. Nakipagtagisan ako ng tingin sa kan'ya, ganoon din naman siya sa'kin, nakatitig nang diretso sa mga mata ko.  "Ano na?" tila iritadong tanong n'ya.  "Ihatid mo 'ko sa restaurant," utos ko sa kan'ya. Mas lalong napakunot ang noo ni Dravis. "What?" "Sabi ko, ihatid mo 'ko sa restaurant," pag-ulit ko pa.  Natawa nang mapakla si Dravis saka napasuklay sa buhok gamit ang mga daliri, tila hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. "Are you for real?"  Napairap na lang ako at nagpamaywang. "Doon natin sa kotse mo pag-usapan ang sitwasyon natin... Ihatid mo na rin ako." Umigting ang panga ni Dravis. Napabuga siya ng hangin at tumango na lang, tila wala nang nagawa. Napatango na rin ako saka sinukbit ang sling bag ko... Good boy.  Pasimple kong nilibot ng tingin ang malaking bahay n'ya habang papalabas kami. Hindi ko talaga maalala kung paano nangyaring naka-one night stand ko siya, hindi ko rin maalala kung paano ako napadpad dito.  Tahimik na sumakay na lang kami sa kotse n'ya. Napaismid na lang ako dahil ni hindi man lang ako pinagbuksan ng Dravis na 'yon. Hindi na lang ako kumibo at tahimik na napatingin sa bintana nang paandarin na nito ang kotse.  "Saan kita ihahatid?" biglang tanong n'ya.  "Sa Mainhills restau," tipid na sabi ko na lang.  Natahimik na kami pagkatapos no'n. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sa bintana. Ako ang nagsabi na dito kami sa kotse n'ya mag-uusap pero wala naman akong masabi.  Buong biyahe kaming tahimik, hanggang sa makarating kami sa restaurant. Tinigil na ni Dravis ang kotse sa gilid. Agad ko namang sinilip ang restaurant mula sa glass wall. Buti na lang at wala pa si Patrice doon. Humarap ako kay Dravis saka seryosong tumingin sa kan'ya, kumunot lang ang noo n'ya sa akin.  Napatingin ako sa shades na nasa gilid. Agad kong kinuha 'yon saka isinuot sa kan'ya. Halatang nagulat naman siya sa ginawa ko. "W-What the hell are you doing?"  "Baka may makakilala pa sa'yo na kaibigan natin. Ayoko ngang makita nila ako na kasama ka. Baka isipin pa nila na may something sa atin, yuck," bulong ko.  "This woman," tila nanggagalaiting sabi n'ya, umigting pa ang panga sa inis.  Napabuga na lang ako ng hangin at nag-cross arms. Tinaasan ko pa siya ng kilay.  "Sa tingin ko wala na naman tayong dapat pag-usapan, Dravis Laurent. Obvious naman kung ano ang dapat nating gawin sa sitwasyong 'to, diba?" tanong ko.  "What do you mean?" tanong n'ya pa.  "Parehas tayong walang maalala, diba?" tanong ko.  Tumango naman si Dravis.  "Parehas nating hindi ginusto, kasi nga hindi natin maalala, diba?" tanong ko pa.  Tumango ulit si Dravis.  "Ibig sabihin lang n'yan, kalimutan na rin natin ang katotohanan na may nangyari... Kalimutan na lang natin 'tong tagpong 'to. Ano? Okay ka ba ro'n?" tanong ko.  Saglit na natahimik si Dravis, pero tumango rin naman siya 'di kalaunan. "I don't mind." "Let's just forget about it. Tutal wala naman sa atin ang nakaalala ng nangyari... Kalimutan na lang natin para walang ilangan," sabi ko na lang. Tumikhim si Dravis at tumango. "Y-Yeah, I agree with you." Tumango ako saka nilahad ang kamay ko para makipagkamay sa kan'ya. Kahit halatang nag-aalangan, tinanggap na lang n'ya 'yon. Nagdampi ang mga balat namin. Natigilan ako dahil tila may kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang magdikit ang balat namin pero hindi ko na lang pinansin.  "Walang nangyari," sabi ko na lang habang seryosong nakatitig sa kan'ya.  Tumango siya. "Yeah... Nothing happened."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
76.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
106.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook