CHAPTER 48 Steph POV: "Punasan mo nga yang luha mo. Masyado kang nagmamalinis, malandi ka naman." Ito ang sinambit ni Glen nang makita niyang patuloy pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Hindi pa kasi ako tumitigil sa pag-iyak. Para akong natrauma sa pinakita niyang akto kanina. Halatang gusto niya akong saktan at desidido siya na bigyan ako ng leksyon. Nang titigan niya ako nang matalim ay agad ko ngang pinunasan ang aking luha sa mata para hindi na nito maisipan na pagsalitaan pa ako ng masakit. Salitang malandi at makati, ganyan ang tingin nito sa akin dahil lamang sa pagsama ko kay Lance. Marahil ay nagkamali nga ako. Nagkamali ako dahil sinuway ko ang kagustuhan niya at hindi ako nagpaalam. Siguro ay namisinterpret niya lang ito kaya ganyan na lamang siya kung makapag-react. K

