CHAPTER 47 STEPH POV: MASAYANG-MASAYA. Iyan ang masasabi ko ngayon sa buong hapon na kasama ko si Lance. He really helped me to be happy. Inalis niya ang mga problemang iniisip ko. Inalis niya rin ang takot at phobia ko pagdating sa tubig. Wala talaga akong masabi na negatibo dito sa kaibigan kong lalaki. Hindi niya ako nagawang biguin. Kung ano ang ipinangako niya, talagang ginagawa niya. Kanina lang ay halos mamatay na ako sa kakatawa kay Lance nang makita ko siya kung gaano kagaling lumangoy. Hindi ko akalain na marami siyang kalokohan na alam pagdating sa dagat. Halos lahat kasi ng iba't-ibang uri ng langoy ay alam niya at ginagawa niya. "Kita mo ganda? Bukod sa ubod ng gwapo na ako, ang dami ko pang talento," confident na saad nito sa akin. "Oo na, nakita ko nga na talentado kang

