Waited in Vain

654 Words
SOBRANG EXCITED si Lucille sa date nila ni Thrace. Maaga pa siyang umuwi para makadaan pa sa salon at magpaganda. Wala na siyang natanggap na tawag o kahit anong mensahe mula kay Thrace ngayong araw pero nagtiwala si Lucille dahil mukha namang may isang salita ito. Kaya alas sais pa lang ay handa na siya. Isinuot niya pa ang bestidang binili pa lang niya kanina. Hindi pa kasi niya nakukuha ang ibang mga gamit sa bahay ng Mama niya. Ilang beses na nagpabalik-balik si Lucille sa salamin para i-tsek ang sarili. Inaliw niya na rin ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng pelikula sa kanyang cellphone pero matatapos na ang pinapanood niya ay wala pa rin ito. Ayaw niya namang tumawag dahil ayaw niyang magkaroon ito ng masamang impression sa kanya. Baka mamaya ay sabihin ni Thrace na praning siya at ma-turn off pa ang lalaki sa kanya. So, she waited patiently. Baka na-trapik lang o may emergency. Hanggang sa nakatulog na si Lucille at lahat ay wala pa ring Thrace na kumatok sa bahay niya. She felt really disappointed. Kung kailan naman handa na si Lucille na makipag-date ay saka naman siya inindyan! Pambihira! Akala niya pa naman ay perfect candidate na ito para maging boyfriend niya. Kinaumagahan ay nakasimangot ang mukhang nag-jogging si Lucille sa loob ng subdivision. Mainit pa rin talaga ang ulo ni Lucille dahil sa pang-iindyan ni Thrace. Akala pa man niya ay mabuti itong tao pero paasa rin pala. Lalo lang dumilim ang kanyang mukha nang makita niya sa playground sa loob ng subdivision si Thrace at kasama ang anak nitong si Tilly na naglalaro sa slide. Sinusundan si Tilly ng yaya habang si Thrace ay may kausap na lalaking naka- suit at nakaupo sa bench. Kung ganoon ay doon lang din ito sa subdivision nakatira?! Akala pa man din ni Lucille ay kung anong nangyari na rito kahapon dahil hindi nakasipot si Thrace pero naroon lang naman pala ito at mukhang okay naman. Dahil naiinis pa rin ay kailangan niyang tanungin ito kung anong nangyari kagabi. Nakalimutan ba siya nito o ano ba? Hindi lang kasi tama para kay Lucille na pinapaasa nang ganoon. Kahit sino naman siguro ay magagalit. Malalaki ang hakbang na naglakad siya papunta kay Thrace kaya lang ay natiligan din ang dalaga nang marinig ang pag-uusap nito at ng lalaking naka-suit. "Hindi ka ba talaga makakapasok? Medyo alanganin ang lagay ni Atty. Sales. Sumugod ang ina ng biktima sa opisina kagabi dahil inalok pa ni Atty. Sales na bayaran na lang ang naging danyos ng anak ni Mr. Lim. Alam mo naman kung gaano ka-bratinella ang anak niyon. I tried to call you yesterday but you weren't picking up." "Pasensya ka na, Martin. Ako kasi ang bantay kay Tilly kagabi. Nag-file nga ako ng leave. Alam mo namang mahirap mag-alaga ng bata." Napabuntong-hininga si Thrace. "Bakit ba naman kasi ginawa iyon ni Atty. Sales? Vice President siya ng kompanya pero ganoon pa ang ginawa niya." Nagpatuloy ang pag-uusap ng dalawa. Ayon sa narinig niya sa pag-uusap ng dalawa ay abogado si Thrace. Parang mayroong problema sa isang kaso pero hindi ito makakapasok dahil nakapag-file ito ng leave para bantayan si Tilly. "Mag-asawa ka na kasi para may katulong ka na sa pagbabantay kay Tilly. Or maybe you should atleast date," anang lalaking tinawag na Martin. Aalis na sana si Lucille dahil mukhang bad timing ang planong paglapit niya kay Thrace kaya lang ay nakakailang hakbang pa lamang siya palayo ay muling napahinto siya nang marinig ang sagot ng lalaki. "I don't have time for that and I can't really find a woman worth dating," sagot nito. Lalong nag-init ang ulo ni Lucille. Kaya ba hindi siya sinipot nito sa date nila? Kung ganoon ay tingin nito'y hindi siya worth it?! Talaga naman! Matapos nitong paasahin siya ay sasabihin nito ang mga iyon?! Bago pa man magbago ang isip niya ay malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Hindi puwedeng hindi siya makaganti rito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD