Wrong Identity

1096 Words
UMAGA pa lang ay hindi na maganda ang timpla ni Troy dahil sa balita ng kaibigan at kasamahang abogado sa firm na si Martin. Talagang napasugod pa ito sa Horizon Estates para balitaan lamang siya na inuutusan siya ng Vice President ng law firm na si Atty. Sales para i-handle ang reparations ng kasong hinahawakan nito. Nasangkot kasi ang pamangkin ng Presidente ng lawfirm na si Sasha Lim sa p********l sa isang saleslady sa isang mall sa Taguig. Nagreklamo ang pamilya ng saleslady pero gusto ng Presidente ng law firm nila na bayaran na lang ng danyos ang biktima na sa huli ay hindi pumayag. Dahil doon ay nagalit kay Atty. Sales ang presidente ng firm at pinasa kay Troy ang tungkulin para makipag-areglo sa biktima. Bukod sa hindi sila nagkakasundo ni Atty. Sales dahil bossy ito at hindi siya nito gusto, ayaw rin namang kunin ni Troy ang kaso dahil naaawa siya sa pamilya ng biktima lalo pa at na-bash pa ang saleslady sa social media kahit ito na ang nasaktan. Kaya lang ay mukhang wala siyang magagawa dahil nanganganib ang hinihintay niyang promotion kapag tinanggihan niya iyon. Pambihira! Umagang umaga ay malas na siya. Pero mukhang may ikakasama pa yata ang araw ni Troy nang makita niya ang isang babaeng papalapit sa kanya. Bagaman hindi kilala ni Troy ang babae sa pangalan ay namumukhaan niya ito. Why couldn't he? Ito lang naman ang babaeng madalas na nakakasalubong niya sa isang convenience store malapit sa Levi Building. Hindi doon ang opisina nila pero doon ang opisina ng isa niyang kliyente na madalas niyang pinupuntahan. Actually ay doon rin naman ang opisina ng construction firm ni Thrace dahil bawat floor ay iba ibang kompanya ang umuokupa sa building na iyon. Ang hindi lang inaasahan ni Troy ay mukhang doon din nakatira sa subdivision ang babae. Hindi naman iyon malayong mangyari lalo pa at running clothes pa ang suot ng babae. Imposible namang pumasok lang ito doon para mag-jogging lang. Sa totoo lang ay hindi na gaanong tumitingin tingin si Troy sa mga babae dahil alam niya namang walang patutunguhan iyon kahit mag-date pa siya. All the relationships she had after Ruby didn't last long so he doesn't bother anymore. Pero ang babaeng iyon, parang imposibleng hindi niya pagtuunan ng pansin dahil sa kabila ng kasimplehan nito ay namumukod-tangi ang ganda ng babae. The lady has a tall frame and slender body like of a runway model. Her pastel white skin made her rosy lips standout. She radiated an intelligent beauty, the kind that he liked in women. Ganoon din naman ang tingin niya noon kay Ruby. Pero sadyang may kakaiba sa babaeng ito. Para bang may kung anong meron dito na hinihigop ang kanyang atensiyon sa tuwing magkakatinginan sila. Kaya nga ay naku-curious siya dito tuwing magkakasalubong sila. Ilang beses niya na itong gustong kausapin pero sa huli ay nagbabago lang ang isip niya dahil kung magkaroon man sila ng ugnayan sa kalaunan ay baka hindi rin lang iyon magtagal katulad ng relasyon niya sa ibang babae noon. Oo, advanced siya mag-isip. Pero ang mas ipinagtataka ni Troy ay kung bakit tila susugurin siya nito ngayon at parang galit pa ito. Ang ikinabigla pa ni Troy ay agad siyang sinampal ng babae! "What the hell?!" asik niya at agad napahawak sa nasaktang pisngi. Ano bang problema nito?! Hindi niya nga ito kilala pero agad lang siyang sinampal ng babae. Paglingon pa ni Troy ay may nakita siyang ilang taong napatingin sa kanila at nakikiusisa. Nakakahiya! May mga nagbubulung-bulungan pa nga at siguradong hindi maganda ang iniisip ng mga ito. "Kaya ba inindyan mo ako sa date kahapon dahil hindi ako worth it?!" asik nito. "Ha?!" "Nagmamaang-maangan ka pa ngayon?!" Huminga ito nang malalim na animo'y nag-iipon ng lakas ng loob. "Balak ko sanang tanungin ka nang maayos kung bakit di ka nakasipot kagabi pero ang nakakakinis lang ay iniisip mong hindi ako worth it?! Eh bakit pumayag ka pang makipag-date sa akin?" "Ano?! I don't even know your name." The lady scoffed. "Ngayon, magpapanggap kang may amnesia?! Lucille. Lucille Garcia ang pangalan ko! Bulok na ang palusot mo!" Nag-init ang ulo ni Troy. Hindi na nga naging maganda ang simula ng araw niya, nasampal pa siya at pinaparatangan pa siya ng babaeng ito ng kung ano. "Hindi ako nagpapalusot. Why would I date you?!" Mukhang nito nagustuhan ang sinabi niya dahil namula ang mukha nito sa galit. "Excuse me?!" tila hindi makapaniwalang wika ng babae. "Are you really this rude, Thrace? Kahapon ay hindi ka naman ganito!" "What did you just call me?" aniya. But before she can even answer, he waved her hand in dismissal. Kung ganoon ay napagkamalan pala si Troy ng babae na siya si Thrace?! Bakit ba kasi inahit niya pa ang balbas niya kaninang umaga! Ngayon tuloy ay hindi lang siya napagkamalan bilang si Thrace kundi nasuntok pa siya dahil doon. He scoffed. Lalo lang tuloy siyang nainis dahil ang pinakaayaw niya pa naman ay ang mapagkamalan bilang si Thrace. Yes, his brother may look so nice and all that but he definitely has skeletons in his closet. Maaaring hindi naman naging napakabuting tao ni Troy pero hindi rin niya kayang maging masama katulad ng kapatid niya. "Magmamaang-maangan ka rin ba ngayon na hindi ka si Thrace?" nakapamaywang na tanong nito. "Hindi ako nag-maangmaangan. Talagang hindi naman ako si Thrace." "Really? At sino ka? Dopelganger niya o guni guni lang kita?" sarkastikong wika ng babae. Dahil halata namang hindi naniniwala ang babae sa kanya ay ipinakita ni Troy sa babae ang larawan nila ni Thrace noong bata pa sila na naroon sa wallet niya. Bagaman nagkaroon sila ng hidwaan ay hindi magawa ni Troy na itapon ang picture na iyon dahil iyon ang mga panahong hindi nila maibabalik at magiging isang alaala na lang. Akma sanang magpoprotesta ang babae nang mag-ring ang cellphone nito na agad namang sinagot. Masama pa rin ang tingin nito sa kanya habang nakikinig sa kausap. "Thrace?" Saglit na nakinig ang babae sa kausap at ang mga sumunod na sandali ay hindi na mahirap kay Troy unawain na ipinaliwanag na ni Thrace ang tungkol sa kanila lalo pa at narinig niya kaninang ikuwento ng babae na nakita siya nito. At habang nagtatagal ay parang nababanaad niya sa mukha ng babae ang pagkakapahiya. Dapat lang naman itong mahiya matapos nitong gumawa ng eksena. Napaarko ang kilay ni Troy nang muling tiningnan siya nito pagkababang pagkababa ng tawag nito kay Thrace. "Yes? May sasabihin ka?" "Sorry. Naniniwala na akong magkaibang tao kayo. It was just a misunderstanding." "Keep your apology. The damage has already been done." Bago layasan ang babae ay isang beses pang napatingin si Troy sa mga taong nakatingin pa rin sa kanila atnagbubulung-bulungan. Nakakahiya talaga! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD