Paths Crossed Again

2222 Words
PARANG inuusig ng konsensya si Lucille dahil sa mga sinabi niya at ginawa niya kay Troy. Nalaman niya na ang pangalan nito kay Thrace. Nadala lang kasi siya ng emosyon kanina. Paano ba naman kasi ay sobrang disappointed talaga si Lucille kagabi. It was the first time she felt that way. Sa loob ng maraming taon ay ang pag-aaral at trabaho lang ang pinagtuunan niya ng pansin. Kinailangan niya pang isantabi ang pag-ibig noon. Pero ngayon, kung kailan naman handa na siyang buksan ang sarili para sa pag-ibig ay saka naman siya iindyanin ng unang lalaking nakakuha ng atensiyon niya.  Kaya masisisi ba siya ni Troy kung ganoon na lang ang reaksyon nya na nang mapagkamalan niya itong bilang si Thrace? Hindi niya rin naman alam na may kakambal pala si Thrace. Pero wala rin namang kasalanan si Troy sa kanya dahil wala naman itong kinalaman sa balak ng kakambal nito. Kaya nga ay kanina pa nag-aabang si Lucille sa may clubhouse ng subdivision at umaasang muling dumaan si Troy. Hindi niya rin naman kasi natanong na kay Thrace kung nasaan ang bahay ni Troy para sana ay personal siyang makahingi ng tawad. She will just take her chances. Naupo na siya sa bench sa gilid ng kalsada at hinintay ang pagdaan ni Troy. Hindi nagtagal ay natanaw na niya si Tilly kasama ang yaya nito at tulad ng inaasahan ay nasa likod ng mga ito si Troy. Agad na tumayo si Lucille mula sa kinauupuan at hinarangan ang daraanan ni Troy. Nagsalubong ang mga kilay nito at dumoble ang gatla sa noo dahil sa ginawa niya. Naiintindihan naman ni Lucille ang reaksyon ni Troy lalo pa at sinampal niya ito kanina. Kahit masama ang tingin ng binata sa kanya ay nakuha niya pang ngitian ito. Siguro kung nakamamatay lang ang sama ng tingin ay baka nakahandusay na ngayon si Lucille. Pero ewan niya ba! Imbes na masindak siya sa lalaki ay lalo lang niyang napansin ang mga mata nitong may karakter. Imbes na maging nakakapanindig-balahibo iyon ay parang kulang na lang ay matunaw na si Lucille sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. He had really intense eyes. Doon niya lang napansin na iba ang kulay ng mga mata nito kaysa kay Thrace. Troy's eyes were the color of honey and his eyes were almond shape. Samantalang hooded naman ang mata ni Thrace at chocolate brown ang kulay. "Excuse me?!" naiiritang wika nito sa kanya. "Hi. Troy." Napataas ang isang sulok ng labi nito at pagak na natawa. "So, alam mo na pala ang pangalan ko. Glad you can already tell me and my brother apart," mapanuyang wika nito. Obvious naman na ayaw ni Troy na napagkakamalan ito bilang kakambal nito. May hula si Lucille na may mas malalim pang dahilan iyon kung pagbabasehan ay ang iritasyon ni Troy. "Ah. Oo. Sinabi sa akin ni Thrace. Naipaliwanag niya na sa akin kung bakit hindi kami natuloy." Ayon kay Thrace ay nagkaroon daw ito ng biglaang meeting at kinailangang makalipad papuntang Davao. Hindi na rin ito nagkaroon ng pagkakataon na tawagan siya at ngayon lamang nagkaroon muli ng oras. Ang sabi nito ay babawi daw ito agad pagbalik. "I'm sorry about how I acted earlier. Hindi ko lang talaga alam na may kakambal si Thrace." "Unfortunately, he has," naiiritang sagot nito. "But it's okay. Just don't go around slapping somebody just beause of desperation over a date." Iwinasiwas nito ang kamay sa harap niya at akmang lalagpasan siya. Kanina ay nagpapasensya pa si Lucille kahit pa bakas sa mukha ni Troy ang iritasyon na kaharap siya nito. Alam niya naman kasing siya ang nagkamali. Pero agad nag-init ang bumbunan niya dahil sa sinabi nito. Anong karapatan nitong tawagin siyang desperada?! "Excuse me?! I am not desperate!" Hindi na maiwasan ni Lucille na magtaas ng tono. Lalo lang kumulo ang dugo niya nang imbes na bawiin ni Troy ang sinabi ay nakakaasar na tinawanan pa siya nito. Nakakainsulto iyon para sa kanya. Oo, desperada na siya kung desperada pero hindi nito alam ang nararamdaman niya. "May makabuluhan naman akong ginagawa sa buhay." "Good to know. Atleast you're not chasing guys all day long. O baka kaya naman nanggagalaiti kang hindi ka sinipot ni Thrace dahil wala ng ibang nag-ayang makipag-date sa'yo?" Ikinuyom niya ang palad sa pagpipigil na gasgasan ang guwapong mukha nito. Naku talaga!!!! "Anong sinabi mo?!" "Hindi ka naman siguro bingi para ulitin ko pa ang sinabi ko." isang beses pang tumaas ang isang sulok ng labi nito. "Just don't go crazy over someone who's not worth it. You don't look like that kind of girl." Nagtagis ang mga bagang ni Lucille at masamang tiningnan niya ang lalaki na nakakaasar pa ring nakangiti sa kanya. Guwapo sana ito eh. At ngayong mas malapit sila sa isa't isa ay napansin niyang mas guwapo pa nga si tingnan si Troy kay Thrace. Oo, kambal ang dalawa pero parang mas may dating sa kanya si Troy. Tindig pa lang nito ay nakakatawag na ng pansin. Idagdag pa ang mga mata nitong parang hinihigop siya kung tinitingnan siya. Napakunot-noo si Lucille nang mapansin niyang sinusuri niya na ang kabuuan ni Troy nang hindi sinasadya. Hindi niya dapat purihin ang lalaking iyon lalo pa at masama ang ugali nito. Oo, mas guwapo ito kay Thrace pero napakaantipatiko nito. Anong karapatan nitong pagsalitaan siya ng ganoon?! Akma na sana niyang sasagutin ito kaya lang ay biglaan na lamang siyang nitong nilayasan. Parang pumitik pa ang ugat sa sentido ni Lucille nang makita niyang may ilang babaeng galing clubhouse na lumapit nang dumaan si Troy. Nginitian ng lalaki ang mga babaeng lumapit na lalo lamang nakapagpainit ng ulo niya. So ganoon? Bait-baitan ito sa iba pero pag siya ang kaharap, iritado?! "Ang plastic ng loko!" Naiinis pa rin si Lucille nang tumalikod siya. Bakit niya ba sinayang ang oras na humingi ng tawad sa lalaking iyon?! Dapat nga ay wala na siyang pakialam doon dahil si Thrace lang naman ang dapat na pagtuunan niyang pansin. Pero habang naglalakad ay muling naisip ni Lucille ang sinabi ni Troy kanina. "Just don't go crazy over someone who's not worth it. You don't look like that kind of girl." Na-curious tuloy siya kung ano kaya ang ibig sabihin nito at kung ano kayang tingin ni Troy sa kanya? Muling lumingon siya para tingnan muli ang lalaki pero sa gulat niya ay nakatingin rin ito sa direksyon niya. Hindi rin maintindihan ni Lucille kung bakit parang lumukso ang puso niya nang magtama ang kanilang mga mata. Siguro ay hindi niya lang inasahang muling lilingon ito sa kanya. Mukhang nabigla rin ito sa pagtingin niya dahil agad din naman itong nag-iwas ng tingin. Ano kayang problema ng lalaking iyon?! Wala na siyang kasalanan dito dahil humingi na rin naman siya ng tawad. Problema na iyon ni Troy dahil nagpakaantipatiko ito at hindi tinanggap ang apology niya. Hindi niya na dapat pinapansin ang lalaking iyon dahil masisira lang ang araw niya. Sinikap na lang ni Lucille na hindi isipin ang kaantipatikuhan ni Troy sa loob ng buong araw. Kinagabihan ay sumama pa siya sa paglabas ng kapatid na si Alice pati si Margot na naging kaibigan na rin ni Alice. Takang taka pa nga ang mga ito dahil napapayag siya ng mga ito na lumabas. Hanggang sa pagdating nila sa isang club sa Taguig at umiindak indak pa siya habang sa upuan at sumisimsim ng margarita ay nakatingin ang dalawa sa kanya na para ba siyang alien. "What?!" aniya sa dalawa. Nagkibit-balikat ang kanyang kapatid. "Ano bang himala ang dapat nating pasalamatan dahil sumama ka sa amin?" si Alice. "Grabe, ang O.A!" natatawang wika niya. "Oy, hindi O.A yun! Talaga namang nakakapagtaka! For the first time ay hinayaan mo ang sarili mong tumingin tingin sa ibang bagay sa paligid mo bukod sa bunganga ng mga tao." Kung sabagay ay naiintindihan naman niya ang mga ito lalo pa at ilang beses na niyang inindyan ang mga ito. Sinasabi niya lang na sasama siya pero sa huli ay tinatamad siya at mas ginugusto niya pang magpahinga. "Gusto ko lang ma-GV ngayon dahil buwisit na buwisit ako kaninang umaga," aniya. "Good vibes ba ang hanap mo, Ate?" Maluwang na napangiti si Alice. "Alam ko na ang sagot diyan, Ate. Lalaki!" Napangisi si Lucille. Hindi na siya nagtaka sa sagot nito dahil very active sa dating si Alice. Kung gaano ito kabilis mabigo sa pag-ibig ay ganito din ito kabilis maghanap ng pamalit. Para sa kapatid ay hindi daw dapat sinasayang ng tao ang oras para magpakalugmok dahil sa break up pero ganoon pa man, hindi rin dapat sukuan ang pag-ibig. Kaya ayun, hobby na yata nito ang makipag-date. Pinapagalitan na nga ito ng Papa niya dahil kung minsan ay ilang araw ng hindi umuuwi. Pero okay lang naman iyon dahil si Alice, tunay na anak ni Crisanto. Kahit ano pang gawin ng anak nito ay matatanggap lang nito, samantalang si Lucille, hanggang ngayon ay kailangan niya pa ring patunayan ang sarili sa ama. "Eh, may nahanap na 'yan, si Thrace. Yung naikuwento ko nga sa'yo," si Margot. Napailing si Lucille. Sinasabi niya na nga ba! Pinagtsimsisan na siya ng dalawang ito! "Eh, hindi naman siya sinipot. Hayaan mo na 'yun. Maghanap tayo ngayon. Yung para ngayong gabi lang." Napapalakpak pa si Alice sa naisip at agad na lumingon sa mga lalaking napapadaan sa couch nila. Nagpalingon-lingon pa si Alice para makahanap ng guwapo at hindi nagtagal ay tumigil ang mata nito sa isang direksyon at maluwang na napangiti. "I think I found one handsome. Ay hindi lang pala isa. A bunch." Napataas-baba pa ang kilay ni Alice. Sinundan nila ni Margot ng tingin ang tinitingnan ni Alice. Medyo malapit lamang sa kanila ang mga ito. "Ooh..la..la," si Margot. They were handsome and young professionals, probably early or mid 20's. Gustuhin niya mang magkaroon ng date ay ayaw niya namang maging cradle snatcher. Titingin na sana sa ibang direksyon si Lucille nang biglang ay mahagip siya ng tingin. May dalawang lalaking kararating lamang. Ang isa ay agad nang tumabi sa apat pang kasamahan nito at ang isa naman ay nanatili lamang nakatayo. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi pa niya makita ang buong mukha. Hindi rin alam ni Lucille kung bakit parang may kung anong pwersang humihila sa kanya para tingnan ito. It's just she felt that she knew him. Parang pamilyar sa kanya ang tindig nito, ang tuwid na likod nito at maging ang maubok na pang-upo nito. It was when he looked at her direction that she knew why she felt that way! Parang lumukso pa ang puso ni Lucille nang magtama ang mga mata nila ni Troy. Oo, sigurado na siyang si Troy iyon dahil bukod sa alam niyang nasa Davao pa si Thrace ay nararamdaman niyang si Troy iyon. There was just something in the way that he looked at her that she knew that it was Troy.  Ganoon din kasi ang ekspresyon ng mga mata nito nang makita niya ito sa subdivision noon. Thrace and Troy had different eyes. Magkaiba rin ang nararamdaman niya kapag nakikita niya ang dalawa. Si Thrace, parang may kakaibang kilig siyang nadarama kapag nakikita niya ito samantalang kapag kay Troy ay parang hindi siya mapakali. Ang intensidad ng pagtitig nito sa kanya ay parang nakakapagpapakaba sa kanya. Para ba kasing tumatagos iyon sa kanyang kaluluwa. Even with the distance between them, he still had an unnerving effect on her. Parang lalong bumibilis ang t***k ng puso niya at hindi niya iyon gusto. Kailangan ni Lucille na makalayo doon dahil ito nga ang dahilan kung bakit niyang magka-Good Vibes pero nandoon naman ito at natitiyak niyang kapag nagkausap na naman sila ay bubuwisitin lang nila ang isa't isa. "Oh My! Mas guwapo ang mga bagong dating na kasama nila!" si Margot. "At hindi ba si Sir Thrace iyon?" "It's his twin brother, Troy." "Oohh! Twin!" si Alice. "Yes. Iyon lang naman ang lalaking nabuwisit sa akin." Tumayo na siya sa kinauupuan. "Kaya bago pa ako ma-bad trip, aaalis..." Kaso bago pa man matapos ni Lucille ang sasabihin ay hinawakan na siya ni Alice sa braso at hinila. "Ayos! Magsasayaw sila! Tabihan natin!" "Ayoko!" aniya. Nagpumiglas si Lucille kaso mahigpit ang pakakahawak ni Alice sa braso niya kaya nadala siya nito sa dance floor. "Sulitin mo na ang paglabas mo! Makikipagkilala lang naman tayo," si Alice. "I'm not interested." Isang beses pa siyang nagpumiglas pero wala talaga siyang laban kay Alice dahil tinulungan na ito ni Margot. Nakahanap lamang ng pagkakataon si Lucille na makawala sa dalawa nang biglang may magugulong grupo ng mga kabataang nagsasayawan na bumangga sa kanila. Dahil doon ay nabitawan ng mga ito ang kamay niya at sinamantala naman iyon ni Lucille para makatakas. Narinig pa ni Lucille na tinawag siya ng kapatid pero hindi na niya pinansin iyon. Kailangan niya nang makalabas doon bago pa sila magkaharap ni Troy. Ano na lang ang sasabihin nitong nasa club siya at nakikipagkilala sa mga lalaki? Baka mamaya ay tawagin na naman siya nitong desperada. Isiniksik ni Lucille ang sarili sa gitna ng mga nagsasayawan para makadaan. Kaya lang ay mali yata siya ng napuntahan dahil may isang lasing na nagwawala na sa pagsasayaw sa dance floor at naitulak siya. Napatili si Lucille sa pagkabigla at hinintay na lamang ang pagbagsak niya sa sahig. Napakamalas niya talaga noong araw na iyon! Pero bago pa man siya matumba ay may maagap na kamay na sumalo sa kanya. Dahil sa pagkabigla ay napakapit rin siya sa dibdib ng lalaking sumalo sa kanya. Nahigit pa ni Lucille ang kanyang hininga nang makita niya ang mukha ng lalaki. It was Troy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD