Her Most Hated Person At The Moment

2415 Words
LUMAGABOG ang dibdib ni Lucille sa kaba nang magtama ang mga mata nila ni Troy. Matiim itong nakamasid sa kanya na para bang hinihigop nito ang kanyang kaluluwa. He had really intense honey colored eyes yet they were beautiful. At sa tuwing titingnan siya nito ay para bang tingin niya ay may gusto itong sabihin sa kanya. O baka naman ganoon lang ang tingin ni Lucille dahil napaka-expressive ng mga mata nito? Para bang ay mahikang bumalot sa kanila na hindi niya maintindihan kung saan galing. Ah! Wala siyang pakialam doon dahil hindi niya naman makontra ang atraksyong iyon. All that she can focus right now is the handsome man infront of her and the fast thumping of her heart. Para ngang tumigil ang oras noong mga sandaling iyon. Parang wala na siyang narinig na ingay mula sa paligid at parang sila lamang ang tanging mga taong natira sa mundo. Siguro kung mananatili sila sa ganoong posisyon ay wala nang magiging pakialam si Lucille kahit pa sumakit ang kanyang likod. Somehow, the way he looked at her made her felt so good. Para bang kung makatitig ito sa kanya ay siya na ang pinakamaganda sa mga mata nito. Okay na sana eh kaya lang ay bigla itong nagsalita. "Magtititigan na lang ba tayo?" anito. "Akala ko ba ay may iba kang ginagawa sa buhay?" Salamat na lang sa kaantipatikuhan nito at nagising si Lucille sa katotohanan. Nakalimutan niyang kung gaano ito kagwapo ay siya namang sama ng ugali nito. Tila napasong bumitiw siya sa dibdib nito. Pero kahit binigyan ni Lucille ng distansya ang kanilang mga sarili ay hindi pa rin nakaligtas sa kanya ang pasimpleng pag-aalalay ni Troy sa kanyang likod hanggang sa maibalik niya ang balanse. Kung hindi lang unang ininis ng binata si Lucille ay baka naantig pa siya sa ginawa nito. "Yeah, right. I have better things to do than talk to you," iritadong sagot niya. Narinig ni Lucille ang pagngisi sa kanya ni Troy pero tinalikuran niya na ito. Dahil pahirapan ang paglabas at medyo malayo pa sa kinaroroonan ni Lucille ang pinto ay sa bar na lang siya dumiretso. Wala na rin kasing point na umalis siya dahil nakasalubong niya rin naman ang iniiwasan niya. "One Valkyrie cocktail," order niya. Ginaya niya na lang ang inorder ni Alice kanina. Kailangan na lang aliwin ni Lucille ang sarili habang hinihintay sina Alice kaysa hayaan niya ang sariling ma-bad trip na naman kay Troy. Pero sa paglingon ni Lucille ay nagtaka siya kung bakit naroon pa ang kinaiinisan niya sa isang bar stool na malapit sa kanya. Ngumiti pa si Troy nang kumunot ang noo ni Lucille. Talagang natutuwa itong inisin siya. Kung hindi lang talaga mainit ang dugo nito sa kanya ay baka katulad na rin siya ng mga babae na nasa dulo ng bar counter na hindi mapuknat ang ngiti kakatingin kay Troy. Why! The bastard is so handsome when he smiles. Bukod sa napakagandang mga ngipin nito ay talagang parang nakakagaan ng pakiramdam ang ngiti nito. It's like his smile takes away all the arrogant edges on his face making him more charming. Kung pati sana ugali nito ay charming, okay na sana. Kaso hindi. Alam ni Lucille na ang ngiting iyon ay pang-iinis lang nito sa kanya. "So, kasama pala sa 'makabuluhang' ginagawa mo ang pag-inom." Gumuhit pa ito ng quotation marks sa ere. "At ano namang pakialam mo?" taas-kilay na wika niya. "At bakit mo ba ako kinakausap?" Nangingiting nagkibit-balikat ito. "Wala lang. Curious lang ako." "Saan?" "Kung bakit nandito ka sa club. Mukhang hindi ka naman bagay rito." "At ikaw, bagay?!" sarkastikong sgaot niya. Obvious namang wala sa balak ni Troy na pumunta doon dahil naka-suit pa nga ito. And besides, he doesn't seem like the type to enjoy. Mukha itong masungit at walang konsepto ng good time. Kung ngumiti man ito ngayon ay para lang asarin siya na mukhang ini-enjoy nito. "Hindi rin. Napilitan lang talaga akong pumunta dahil birthday ng colleague ko. It would be rude if I said no." "Rude?" Pagak siyang natawa. "Alam mo pala ang salitang iyon, ano? Hindi halata." Napaarko ang kilay ni Troy at napangisi. "It's your fault that I'm rude." "Kasalanan ko pa?!" hindi makapaniwalang wika ni Lucille. Nag-init ang bubunan niya. Ito na nga ang masungit, siya pa ang sinisisi nito?! "For the record, humingi na ako ng tawad sa pagsampal sa'yo. It was just a total misunderstanding. Problema mo na iyon dahil hindi mo tinanggap ang apology ko at sa halip ay binubuwisit mo pa ako." "Hindi naman iyon ang dahilan." Dapat ay wala nang follow up question si Lucille dahil dapat ay wala na rin siyang pakialam kay Troy. Pero kahit anong gawin niya ay naiintriga talaga siya kung bakit naiinis ito lagi pag nakikita siya. "Eh ano?" "Because I like you but you like my brother, instead. You make me want to compete with him." Hindi mapigilang matawa ni Lucille sa sinagot ni Troy. Nagpapatawa ba ito?! Matapos itong asarin siya ay sasabihin nitong gusto siya ng binata?! Kaya lang ay nabitin rin sa ere ang pagtawa ni Lucille nang muling tumingin siya kay Troy ay seryosong seryoso ang mukha nito. Kung totoo ang sinabi nito, hindi kaya naiinis ito sa kanya ay dahil nagseselos ito kay Thrace? Pero bakit ganoon? Bakit imbes na kuwestiyunin niya ang sinabi nito ay may nakapa siyang munting  kasiyahan sa kanyang dibdib? Bakit parang masarap iyon sa kanyang pakiramdam? Kung siguro ibang babae ang sinabihan ni Troy na type nito ay walang dudang matutuwa rin. Wala kasing maitulak-kabigin sa lalaki. Ay meron pala, pang-asar pala ito sa buhay ni Lucille. Dahil doon ay mas pinili niya na lang na huwag paniwalaan ang sinabi nito. Napaismid siya. "As if!" Naiiling na natawa lamang sa kanya si Troy. Sa pagkadismaya ni Lucille ay hindi man lang nito pinagtanggol ang sarili. Ganunpaman ay hinayaan lang ni Lucille ito. "Bakit ba ang sungit mo sa akin?" Hindi makapaniwalang napalingon si Lucille kay Troy. "Ako pa ba?!" "Oo. Sinalo na nga kita kanina, hindi ka pa nagpasalamat." Dapat naman talagang magpasalamat si Lucille dito kaya lang ay inunahan na siya ni Troy ng kasungitan. "Magpapasalamat lang ako kung bukal sa loob mo ang pagtulong mo. Pero imbes na tulungan mo pa ako ay inasar mo pa ako." Inikot niya ang kanyang mga mata. Napansin niya pa ang pagkislap ng mga mata ni Troy na tila naaaliw itong tingnan siya. "Kasalanan mo rin naman. You show up when I least expect you to be and somehow, you do the opposite of what I expect you to do." Hindi naiintindihan ni Lucille ang mga sinasabi ni Troy. Bakit ganoon ito makaakto? "May expectations ka na agad, hindi naman tayo." Napataas ang kilay niya. Inaasahan ni Lucille na sasagutin na naman siya ni Troy pero sa gulat niya ay ngumiti ito nang pagkaganda-ganda. And darn, he looked really gorgeous with that beautiful smile of his. Parang gusto niya tuloy mapasinghap. Hindi rin alam ni Lucille kung bakit sa kabila ng pang-iinis nito sa kanya ay nakakalusot pa rin sa kanya ang kaguwapuhan nito. Lumagabog pa ang dibdib niya sa kaba nang biglang tumayo si Troy mula sa kinauupuan at lumapit ang mukha sa kanya. Napaigtad pa siya dahil sa sobrang paglapit ng mukha nito sa kanya. Pero wrong move ang ginawa ni Lucille dahil muntik na siyang mahulog sa bar stool. Buti na lang ay maagap siyang nasalo ni Troy... na naman. Ang hindi lang nakabuti sa sitwasyon na iyon ay mas lalo pang napalapit ang mga mukha nila sa isa't isa. They were so close that she can almost smell his breath fanning her face. Dahil doon ay lalo lang niyang natitigan ang guwapong mukha nito at ang magagandang mga mata nitong tila inaakit siya. Pero bago pa man siya malunod sa titig ng binata ay tumikhim na si Lucille at marahang itinulak ito papalayo sa kanya. Inalalayan siya nitong makaupo ulit nang maayos bago muling dumistansya sa kanya. Ngayon, sa bar stool sa tabi niya mismo ito naupo. Hindi na muling nagsalita pa si Troy pero napansin ni Lucille na nakangiti pa rin ito at hindi niya rin talagang maiwasang aminin sa sarili na cute ang kumag. Pero nuncang sabihin ito ng dalaga kay Troy lalo pa at alam naman niyang magyayabang lang ito tungkol doon. Kaya imbes na kausapin ni Lucille si Troy ay tahimik na lang siyang suimsim ng inorder na inumin at nagpanggap na invisible ang katabi niya. Pero nahihirapan din si Lucille na gawin iyon lalo pa at ramdam na ramdam niya ang paraan ng pagtitig ni Troy sa kanya. Partida pa iyon, hindi niya pa ito tinititigan nang diretso sa mata pero lalo nang kinakabahan si Lucille. She's just aware of his presence and the intense magnetism he's exuding. Nahigit pa ni Lucille ang hininga nang umusog ito nang kaunti para bigyan ng distansya ang lalaking kakalapit pa lamang sa bar. His arms brushed against hers, making her even more aware of his presence. At ang bango pa niya, hindi niya maiwasang maisaloob nang masamyo niya ang amoy nito. Hindi niya mapigilan ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso at hindi niya rin naman mapapanindigan na huwag itong pansinin kaya idinaan niya na lamang sa taray ang lahat. Napapansin niyang iyon lang naman talaga ang nagagawa niya, ang tarayan ito kapag napapansin niya ang sariling pinupuri ang kagwapuhan nito. Hindi kasi iyon maaari! Si Thrace ang una niyang naging crush. Di hamak na ideal man ang tipo ni Thrace. "Puwede ba?! Huwag mo akong tititigan," taas-kilay na wika niya nang harapin niya ito. "Eh bakit ba? Ang cute mo kapag nagsusungit." Akma nitong hahawakan ang kanyang pisngi pero agad na umilag si Lucille at naiiritang tinabig ang kamay nito. Lalo lamang natawa si Troy dahil sa ginawa niya. "Saka umaasa ka palang maging tayo," panunudyo nito sa kanya. She snorted. "Feeler! Ang sinasabi ko lang naman ay wala kang karapatang pakialaman ako kung saan ko gustong pumunta o kung anong gusto kong gawin." "Actually, I do. Hindi ba't makikipag-date ka dapat kay Thrace pero nandito ka pa rin sa club at naghahanap ng ka-date." Napairap si Lucille. Akma na sana siyang sasagot nang mapansin niya ang isang lalaki sa dulo ng bar na napatingin sa kanya. The guy was tall, dark-haired, lanky and sleekly muscular. Kumaway pa ito nang magtama ang kanilang mga mata. Hindi iyon pinansin ni Lucille at muli na lang tumingin kay Troy na ngayon ay pangisi-ngisi na para bang sinasabi nitong tama ang iniisip nitong pakay niya doon sa club. "Yeah, right. As if naman ay pakialam ka sa kapatid mo." Hayagan namang pinapakita ni Troy na hindi nito gusto si Thrace kaya hindi niya mahinuha kung ano pang pakialam nito sa kanya. "Tama ka." Nagkibit-balikat ito. "But just like I said, you don't look like that kind of girl. Huwag mo namang patunayan sa akin na desperada ka talaga dahil sa hindi natuloy na date. Naikuyom ni Lucille ang palad niya sa inis. Nagsisimula na naman ito. Iyon na nga ba ang iniiwasan niya kanina pa. Alam niyang mag-aasaran lang sila kapag nagkasama sila. "FYI, matutuloy pa rin ang date namin ni Thrace kapag bumalik siya." Sinigurado naman iyon ni Thrace sa kanya. Talagang kailangan lang nitong manatili sa Davao hanggang bukas para sa mga kailangan nitong gawin doon. Pero dahil nagkaroon na si Thrace ng kaunting panahon ay nagtetext na rin ito sa kanya para kamustahin siya. "At dahil hindi pa siya bumabalik, naghahanap ka muna ng iba? Nakita ko kayo ng mga kasama mo na nagpapa-cute sa mga kasama ko," akusa nito. Pagak na natawa si Lucille. "Nagpapa-cute?! Ano ako?! Katorse anyos?!" sarkastikong wika niya. "They were my sister's type, not mine. And again, ano bang pakialam mo?" Inaasahan ni Lucille na sasagot na naman si Troy ng pabalang sa kanya pero sa pagkamangha niya ay iba ang narinig niya rito. "Dahil nag-aalala akong mapahamak ka. Gaya ng sabi ko, hindi ikaw ang tipo ng babaeng maghahabol sa mga lalaking obvious na sasaktan ka lang." Noong una ay akala niya pinagtitripan na naman siya ni Troy pero napansin niya nga ang pag-aaalala nito sa mukha nito. Lalo lang tuloy nalito si Lucille sa ipinapakitang ugali nito sa kanya. Niloloko ba siya nito?! Nag-aalala daw ito sa kanya pero inaasar rin lang naman siya? At saka lang niya nahinuha na ito pala ang tinutukoy nito kanina pa. Hindi makapaniwalang napabuga siya ng hangin. "At sa tingin mo talaga ay sasaktan ako ni Thrace?" "Hindi lahat ng mukhang matino, mabait. Minsan, kung sino pa ang ngingiti-ngiti lang ay iyon pa ang may tinatagong baho," makahulugang wika nito. Hindi naman dapat makialam si Lucille sa kung anong isyu ni Troy kay Thrace pero hindi niya maiwasang mainis sa mga sinasabi ni Troy. Anong karapatan nitong siraan ang kapatid nito sa kanya? Kung ay masamang ugali man si Thrace ay siya dapat ang huhusga doon. "At ikaw, anong tingin mo sa sarili mo, mabait?" Pagak siyang natawa. "Wala akong pakialam kung anong tingin mo kay Thrace. Ang kinaiinis ko lang rito ay ang linis ng tingin mo sa sarili mo samantalang kanina mo pa ako iniinsulto." Hindi na naiwasan ni Lucille ang pagtaas ng tono niya. Nag-iinit na kasi ang dugo niya sa lahat ng sinasabi nito pati sa pagtingin nito sa kanya bilang desperada. "Lucille---" Bigla siyang tumayo sa kinauupuan at tiningnan nang masama si Troy. "Puwede ba, huwag mo na akong kausapin dahil kung may lalaki mang mapanganib dito ay ikaw iyon," aniya saka nilayasan ito. Mariing naikuyom niya ang palad habang naglalakad palayo rito. Talagang sinasagad kasi nito ang pasensya niya. Ang hindi niya lang maintindihan kung bakit siya pinapakialaman nito?! Dire-diretso lang ang lakad ni Lucille para makalayo kay Troy nang bigla na lang lalaking may humarang sa daraanan niya. Natigilan siya nang mamukhaan ito. "Need company?" tanong ng lalaking kumaway sa kanya kanina mula sa dulo ng bar counter. Nagdadalawang isip pa si Lucille pero mukhang nabasa ng lalaki ang iniisip niya. "Promise, wala akong gagawing masama. Kuwentuhan lang. Pansin ko kasing kailangan mo ng makakausap." Sa paraan ng pagtingin ng lalaki sa kanya ay parang may ideya na itong hindi sila nagkaintindihan ng kausap niya kanina na si Troy nga. Isang beses pang napatingin si Lucille sa lalaki. Mukhang mabait naman ang mukha nito at isa pa, ayaw niya rin namang makausap si Troy na noong paglingon niya ay sumunod sa kanya. Mas mabuti pa sigurong makipag-usap na lang siya sa hindi niya kakilala kaysa sa lalaking iniinsulto lamang siya. Isa pa, hindi rin mahanap agad ni Lucille sina Alice. Kaya bago pa siya maabutan ni Troy ay sumama na siya sa lalaking lumapit sa kanya. Tutal, gusto niya ring patunayan kay Troy na ito lang ang lalaking masama ang pakikitungo sa kanya. "Sure," sagot niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD