The Unlikely Savior

1682 Words
NAGTATAGIS ang bagang ni Troy habang pinagmamasdan si Lucille kasama ang lalaking nagpapa-cute dito kanina. Alam naman ni Troy na dapat niya nang pabayaan si Lucille dahil una, obvious na ayaw na siya nitong makausap. Pangalawa ay tama naman ang sinabi ng dalaga na hindi naman siya dapat makialam sa buhay nito. Pero kahit utusan pa ni Troy ang sarili na pabayaan na lamang si Lucille ay hindi pa rin niya magawa. Aminado naman si Troy na naiinis lang siya kay Lucille dahil type niya ito pero si Thrace ang unang nakilala at natipuhan nito. Parang gusto niya tuloy makipagtagisan kay Thrace dahil lagi na lamang nitong gusto ang babaeng natitipuhan niya. Ang nakakainsulto pa ay palagi na lamang pinupuri ni Lucille si Thrace samantalang ilang beses na nga siya nitong nakakasalubong sa convenience store sa labas ng ospital ay parang hindi man lang siya naalala ng babae. Seriously, it hurts his pride. Pero bakit ganoon? Bakit habang nagkakaroon siya ng pagkakataong makausap si Lucille at makasama sa hindi sinasadyang pagkakataon ay gusto niyang protektahan ito. He wanted to protect her from Thrace and even from that dumbass sitting beside her right now. Hindi maintindihan ni Troy ang nararamdaman pero hindi niya rin iyon matiis. Kaya nga frustrated siya ngayon dahil gustuhin niya mang sugurin ang lalaking katabi ni Lucille ngayon ay hindi niya magawa. Alam niyang hindi magugustuhan ng dalaga kung papakialaman niya kaya wala siyang choice kundi ipinagkasya na lamang ni Troy ang sarili na pagmasdan ito nang patago. Hindi rin naman siya napapansin ni Lucille dahil focused ito sa kausap nitong lalaki. He clenched his fist when the guy poured a drink for Lucille. Lumapit pa itong bahagya sa dalaga habang nagpapasimpleng akbayan ito. Siguro ay hindi na rin napapansin ni Lucille ang ginagawa ng lalaki dahil halatang lasing na ito kung pagbabasehan niya ang kilos at hitsura nito. Siguro ay hindi ito sanay uminom kaya kahit kaunti pa lamang ay nalalasing na ito. Kung si Troy lang ang masusunod ay baka kanina niya pa sinuntok ang lalaking iyon dahil sa ginagawa nito. Pero ayaw niya namang gumawa nang padalus dalos na hakbang lalo pa at ikakagalit rin naman iyon ni Lucille. Troy knows that he'd gone overboard about how he treated Lucille but like he felt very protective of her. Patuloy pa rin ang pagmamasid ni Troy sa dalawa pero hindi na siya makapagpigil nang palapit na nang palapit ang lalaki kay Lucille. Itinataboy naman ito ni Lucille pero hindi pa rin paawat ang lalaki. Malalaki ang hakbang na pumunta si Troy sa kinaroroonan ng dalaga. Lalo lang kumulo ang dugo niya nang makalapit ay marinig niya na ang sinabi ng lalaki. "Tara na, sumama ka na. We can go to a really nice place," anang lalaki. Naniningkit ang mga matang itinaboy ni Lucille ito. "Umalissshh kang mag-isshhha mo." Hindi makapaniwalang napabuga ng hangin ang lalaki. "Sumama ka sa akin dito tapos ngayon, aarte ka? You may look prim and proper but don't be a coy. I know there's a wild side in you." Malagkit na napatingin ito sa legs ni Lucille na nakahantad dahil sa suot nitong palda. "Puwede ba?! Shumama ako shayo dahil kailangan ko ng makakausshaaap. Akala ko, matino ka." Nakakaasar na natawa ang lalaki. "Being good is boring. Being bad is fun." Akmang hahawakan ng lalaki ang legs ni Lucille pero bago pa man nito nagawa iyon ay agad na pinigilan niya ang kamay nito. "Subukan mong ituloy at puputulin ko ang kamay mo," aniya. Masamang tiningnan niya ang lalaki. Nagtagis ang bagang nito at marahas na binawi ang kamay nito. Agad rin namang tuayo ang lalaki at sinukat siya ng tingin. "Sino ka ba?!" Saglit siya nitong pinakatitigan at pagkamaya-aya ay mapang-asar na natawa ito. "Ikaw ang kausap niya kanina di ba? Boyfriend ka ba niya?" "Hindi ah!" Agad na napatayo rin si Lucille sa kinatatayuan kahit pa ay sobrang namumungay na ang mga mata nito sa kalasingan. She was even literally swaying from side to side. Kailangan pa niyang hawakan ito sa braso para alalayan ito pero tinabig lang siya nito. "Hindi ko gugushtuhing maging boyfriend 'yan." "'Yun naman pala eh. Akala mo kung sino ka makaasta," sarkastikong sabi ng lalaki. "Kaya kung ako sa'yo, Pare, huwag ka nang makialam at hayaan mo akong mailabas ang magandang Miss na ito." Akmang aabutin ng lalaki ang kamay ni Lucille pero hinarang niya ulit iyon. Sa totoo lang ay gusto niyang masuka sa pagiging bastos nito. Naturingang mukhang matino ang hitsura ng lalaki pero manyak pala. "It's best if you leave her alone," mariing wika niya habang masamang tinitingnan ito. Bago pa man ito makasagot ay hinawakan niya na ang kamay ni Lucille. "Let's go, Lucille." "Hindi ako sshashama shaaa'yo." Sinubukan ni Lucille na magpumiglas pero dahil lasing na ito ay wala na rin naman itong panabla sa lakas niya. Kahit pa ayaw nito ay pipilitin ni Troy na suama sa kanya ang dalaga dahil hindi niya maaatim na iwanan lamang ito doon. Nag-aalala siya dahil baka mapahamak lang ito. Pero bago pa man umalis ay muli niyang nilingon ang lalaki. "At puwede ba, bago ka gumawa ng kalokohan, tanggalin mo ang wedding ring mo." Sinulyapan niya ang kamay ng lalaki. "Ano na lang ang sasabihin ng asawa mo kung mukha kang nanlilimos para lang may mabiktimang babae." "Anong sabi mo?!" Bago pa man siya makatalikod ay agad na siyang sinuntok ng lalaki. Nabitawan niya ang kamay ni Lucille na ngayon ay napasinghap dahil sa pagsuntok sa kanya. Ramdam ni Troy ang hapdi ng paglapat ng kamao nito sa kanyang mukha pero hindi niya papatulan ito. Ayaw niyang masangkot pa sa mas malaking gulo lalo pa at abogado siya. Isa pa, mas mahalaga kay Troy na mailayo doon si Lucille. Pasalamat na lang siya dahil ay nakakitang bouncer sa kanila na agad na inawat ang lalaki. Nagsusumigaw pa ito ng kung anu ano tungkol sa kanya pero hindi niya na ito pinatulan. Marahas na pinahid niya ang dugo sa gilid ng kanyang mga labi at muling hinawakan si Lucille papalabas ng club. Hanggang ngayon ay ayaw pa rin nitong sumama. Sa totoo lang ay umahon na rin ang galit niya sa dalaga dahil nagpupumiglas pa ito samantalang gusto niya na nga itong tulungan. Anong gusto nito?! Hayaan niya lamang ito doon samantalang hindi nga nito kayang ipagtanggol ang sarili dahil lasing na ito?! Kung bakit kasi hindi ito nakinig sa kanya? "Bitawan mo ako! Ayokong shumama shaa'yo!" pagpupumiglas nito. Nang sa wakas ay nakalabas na sila ng club ay saka lamang binitawan ni Troy si Lucille. "At anong gusto mo?! Iwanan kita sa manyak na 'yun?!" "Kaya kong ipagtanggol ang sharili ko kaya pabyaaan mo ako!" anito. Nagsimula itong maglakad pero dahil sigurado siyang nahihilo na ito sa sobrang kalasingan ay ilang beses na itong nadapa. "Jesus!" sigaw niya. Parang biglang sumakit ang ulo ni Troy sa konsumisyon sa dalaga. Agad na dinaluhan ito ni Troy para tulungang makatayo. "Hindi ako si Jesushhh! Lusshhiiil ang pangalan ko!" Tinabig lang ng dalaga ang kamay niya at sinubukan nitong makatayo sa sarili kahit pa ilang beses ulit itong nadapa. Kahit bumangon ang galit niya rito sa kinikilos nito ay hindi pa rin maiwasan ni Troy na mapahanga sa dalaga. She can handle herself well, yet, she still has little quirks that Troy finds cute. Pero kahit gusto niya mang mapangiti ay mas nangibabaw pa rin kay Troy ang pag-aalala. The thought of what could happen to her in the hands of that man made him shiver. "Kaya? Ni hindi mo nga kayang maglakad nang straight!" Inihagod niya ang kamay sa kanyang buhok sa sobrang frustration. "Hindi ka kasi nakinig sa akin. Sabi ko namang walang mabuting maidudulot ang lalaking iyon. Kung hindi pa ako dumating ay baka kung napano ka na." "Shiino ba ang may shabi na tulungan mo ako, ha?!" kumukumpas kumpas pa ang kamay na sumbat nito. "Pero gusto ko---" "Gusshhto mo lang talaga akong buwisitin," sansala nito. "Puwede ba?! Huwag ka nang magpapanggap na mabuti dahil wala akong nakikitang mabuti sa ishang tulad mong shinishiraan ang kapatid sha ibang tao. Ni hindi ko nga maintindihan kung bakit mo iyon ginagawa." Saglit na natigilan ito saka pagak na natawa. "Actually, tingin ko alam ko na. Inggit ka lang kay Thrace dahil nahihigitan ka niya." "You're a poor judge of character." Pagak itong natawa. "Totoo naman, ah? Mabait shhii Thrace, masshhayahin, maginoo, well-mannered." She even smiled and sighed dreamily with the thought of Thrace. Naniningkit pa ang mga mata nito habang ginagawa nito iyon. Lalo lang siyang nairita. "Malayong malayo shhaa shha'yo. Kaya kung puwede, huwag mo na akong papakialaman sa mga gushhto ko dahil si Thrace ang crush ko. He's the perfect boyfriend material. And oh, don't waste your efforts on me because I will never ever fall for shhamwan as shallow as you. No one will ever love you," anito. Gustong intindihin ni Troy si Lucille dahil baka nasabi lang nito ang mga bagay na iyon dahil bukod sa galit ito sa kanya ay lango pa ito sa alak. Pero sa totoo lang ay parang ay pumiga sa puso ni Troy nang marinig niya iyon. Her words hit home. Totoo naman, hindi kagandahan ang ugali niya at mababaw siyang tao kaya sinisiraan niya si Thrace sa iba. Parang lalong bumigat ang kalooban niya dahil mukha nga naan siyang pathetic sa ginagawa niya. Tama nga naman si Lucille. Sino ba naman ang magmamahal nang ganoon? Naisip tuloy ni Troy na baka ganoon din ang nararamdaman ni Ruby noon sa kanya. Na kahit hindi man sinadya ni Ruby ang nangyari sa pagitan nito at ni Thrace, sa huli ay minahal pa rin nito si Thrace dahil siguro nakita nito na mas mabuti si Thrace kumpara sa kanya. Aminado naman siyang hindi siya naging mabuti at matapat na boyfriend kay Ruby noon. Kaya tuloy ay lalong naramdaman ni Troy ang kahungkagan sa puso niya ngayon at labis siyang nalulungkot. Pero kahit ganoon ang nararamdaman ni Troy ay wala nang pakialam si Lucille sa kanya. Tinalikuran siya ng dalaga at nagsimulang maglakad palayo sa kanya... nang pasuray-suray.Pero kahit sinaktan man ni Lucille ang damdamin niya, hindi pa rin maiwasan niTroy na mag-alala para dito lalo pa nang bigla na lang itong mawalan nang malaydahil sa kalasingan. Agad na dinaluhan niya ang dalaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD