NAPANGIWI si Lucille nang magmulat siya ng mga mata. Daig niya pa ang paulit-ulit na pinukpok ng martilyo sa sobrang sakit ng ulo niya. Parang mabibiyak na iyon at gusto niya na lamang sanang matulog na muna. Kaya lang ay mukhang imposible niya namang magawa iyon dahil sa patuloy na pagtunog ng cellphone niyang nakaistorbo na sa kanya.
Pikit pa rin ang mga matang kinapa niya ang cellphone sa night stand kung saan niya iyon madalas inilalagay bago matulog. Pero hindi niya mahagilap iyon kaya kinailangan ni Lucille na magmulat ng mga mata.
Nagimbal siya nang tumambad sa kanya ang kalat kalat na gamit sa kuwarto niya. Pati bag niya ay nasa sahig at natapon ang laman niyon doon. Ni hindi niya maalala kung bakit nagkaganoon ang mga gamit niya dahil una, disoriented siya. Pangalawa, hindi niya matiis ang kung anong pumipitik sa sentido niya.
Agad na hinablot ni Lucille ang kanyang cellphone na naroon sa sahig at sinagot ang tawag nang hindi man lang tinitingnan ang caller I.D. Ibinagsak niya ang sarili sa kama at muling pumikit.
"Hello," aniya sa inaantok na boses.
"Hello. Ba't hindi ka sumasagot?" Nahimigan niya ang inis sa boses ng ama.
"Natutulog ako, 'Pa. At gusto ko pa sanang matulog. Mamaya ka na lang tumawag. Sobrang sakit ng ulo ko."
"Magtaka ka kung hindi sumakit ang ulo mo matapos ang pag-inom mo kagabi."
"Ha?" Hindi niya maintindihan ang sinasabi ng ama. Alam niyang sumama siya kina Alice kagabi pero kaunti lang naman ang ininom niya.
"Anong ha? Alam kong kasama ka ni Alice kagabi. Sinabi iyon sa akin ng lalaking naghatid kina Alice kagabi. Pati si Margot ay nandito rin. I am really disappointed in you. How could you let your sister be so drunk? At isa pa, hindi ko inaasahang pati ikaw ay maglalasing rin. Kababae niyong tao! At mga lalaki pang kakakilala niyo pa lang ang naghatid sainyo," ani Crisanto sa kabilang linya. Mukhang may sasabihin pa ito kaya lang ay narinig niya ang boses ng inang si Alma.
"Crisanto, tama na 'yan," anito. Pagkamaya-maya ay ang ina niya na ang nagsalita. "Wag mong pansinin ang Papa mo. Magpahinga ka na muna ngayon at kapag may oras ka, kunin mo na rin ang mga naiwan mong gamit dito sa bahay," dagdag nito saka ibinaba ang tawag.
It took her a few seconds before everything sank in. Parang binuhusan nang malamig na tubig si Lucille nang maalalang naglasing siya kagabi. Kaya pala ganoon na lang ang sakit ng ulo niya dahil hang over iyon.
"s**t!"
Nag-alala siya dahil nadisappoint niya ang ama nang hindi inaasahan! How can she let herself act drunk?! Kung bakit kasi nagpadalus dalos siya sa mga kilos niya dahil lang na-badtrip siya kay Troy?! Ang malala pa ay pinabayaan niya pa si Alice! Speaking of Alice, ngayon lang din naging malinaw sa kanya ang sinabi ng ama. Hinatid ng lalaki si Alice?! Sino? Hindi kaya iyong natipuhan nitong kasama ni Troy kagabi? At siya, sino ang naghatid sa kanya?!
"Hindi kaya...."
Napabalikwas ng bangon si Lucille at agad na napatingin sa kanyang katawan. Suot niya pa naman ang damit na suot niya kagabi at nasa sariling bahay lang din siya. Wala naman siguro siyang ginawang masama. Wala rin siya kasing maalalang iba bukod sa pagsama niya sa lalaking nagpakilalang si Rick para makipagkuwentuhan noong nagkasagutan sila ni Troy. Matapos noon ay wala na siyang maaalala.
Natigilan lamang si Lucille sa pag-iisip nang may marinig siyang tunog na nagmumula sa kusina. Kahit ramdam niya pa rin ang pagpitik ng kung ano sa sentido niya agad siyang magpunta doon. Hindi kaya nag-uwi siya ng lalaki?!
Kinakabahan si Lucille dahil baka may ginawa siyang kapalpakan na hindi niya alam. Kaya ganoon na lamang ang pagkabigla nang dalaga nang makita niya ang lalaking kasama niya sa bahay. It was Troy!
Naguluhan si Lucille kung paano nangyari iyon gayong kaya nga siya sumama kay Rick para malayuan ito. Pinilit niyang inalala ang lahat pero malabo ang memorya niya. She felt frustrated and nervous at the same time. Anong nangyari sa kanilang dalawa ni Troy?!
Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Lucille nang mapansin ni Troy na naroon siya. Napalingon ito sa kanya at bagaman ay nagtama ang kanilang mga mata ay saglit lang iyon dahil isinalin na nito ang iniluto sa plato. Dahil inaalala niya ang mga naganap kagabi, ngayon lang na-realize ni Lucille na nagluluto si Troy.
"Dismayado ka yata," sarkastikong wika nito. "Bago ka mag -isip nang masama, magpapaliwanag na ako. Wala akong ginawang masama sa'yo. Hindi ko lang kayang iwanan kang lasing na lasing lalo na sa kamay ng lalaking manyak na 'yun. How can you get yourself that drunk?!" Tumaas ang tono nito at napansin niya ang iritasyon sa mukha nito nang muling lumingon si Troy sa kanya. Pero agad rin namang nagbago ang reaksyon nito na para bang natauhan ito sa ginagawa. Bigla-bigla na lang nawalan ng emosyon ang mukha nito.
"Sorry. I shouldn't have said that," anito sa mas kalmadong boses. Kalmado...pero parang malungkot. Parang bigla siyang nanibago sa kinikilos ni Troy at hindi niya maintindihan. Pero nang magpatuloy sa pagkuwento si Troy ay parang pelikulang nag-flash sa kanyang isip ang nangyari kagabi. Halo halo ang emosyon niyang nararamdaman ngayon. Regret and shame. And most of all, she feels sorry.
"Ayaw ko namang iwanan kang mag-isa kaya ako na ang naghatid sa'yo samantalang hinatid naman ng kaibigan kong si Martin ang kapatid at kaibigan mo sa bahay daw ng parents mo. As for barging into your house, I don't have a choice. Tinanong ko na lang kay Mang Elly kung nasaan ang bahay mo." Ang Elly na tinutukoy nito ay ang guard sa subdivision nila. "Hinanap ko na lang ang susi mo sa bag dahil bukod sa okupado ang guest room ko dahil nasa bahay pa si Tilly at ang yaya niya, hindi magandang tingnan kung dadalhin kita sa bahay ko." Sinabi na ito na ilang blocks lamang ang layo ng bahay nito sa kanya.
Kung ganoon ay malapit lamang pala ang bahay nito sa bahay niya?
Parang inusig siya ng konsensiya niya. Paano, habang nakatitig siya kay Troy ay naalala niya na ang mga ginawa niya kahapon at hindi maganda ang inasal niya. Lalong parang may pumiga sa puso ni Lucille nang sinasagot sagot niya pa si Troy gayong ito na nga ang nagtanggol sa kanya sa Rick na iyon. Parang sumakit ang ulo niya nang maalala ang pangmamanyak sa kanya ng lalaki. Buti na lang talaga kahit sinungitan niya si Troy ay hindi pa rin siya nito iniwan.
Naantig ang puso niya nang maalalang inalalayan siya ni Troy kahit pinagtatabuyan siya nito nang paulit-ulit. He patiently took care of her even if she was rude. Hinatid pa siya nito sa bahay para makauwi siya ng ligtas at inisip pa siya nito dahil daw hindi magandang tingnan kung dinala siya ng binata sa bahay nito. Ang hula niya pa ay binantayan siya nito magdamag dahil napansin niyang suot pa rin nito ang suot kagabi bagaman ay wala na ang blazer nito at nakalilis na ang manggas ng puting polo nito. Gulo gulo rin ang buhok nito at napansin ni Lucille sa mga mata ng binata na mukha itong puyat.
Kung nakakamatay lang ang konsensya ay baka bumubula na ang bibig niya ngayon. Siguro ay nagkamali lang talaga siyang basa kay Troy at agad na hinusgahan niya na ito dahil sa maling ginawa nito sa kanya.
"Tungkol kagabi...."
"Huwag mo nang alalahanin iyon," sansala nito sa kanya. Nagsalin ito ng tubig sa baso.
Napansin na ni Lucille na iniiwasan nito ang kanyang mga mata. Lalo lamang naguluhan ang dalaga sa sarili niya dahil kung kagabi ay ayaw niyang pinapakialaman siya nito, ngayon naman ay bumibigat ang pakiramdam niyang parang naiilang na ito sa kanya. Hindi rin naman niya masisisi si Troy matapos niya itong pagsalitaan ng masasakit na mga salita.
"Naghanda pala ako ng makakakain mo. Pasensya ka na kung nakialam na rin ako sa kusina mo. Alam ko kasing sasama ang pakiramdam mo sa dami ng sinuka mo kagabi. You need to eat and take medicine." Saka niya napansin sa mesa ang gamot na nakapatong doon. Lalo lang siyang nakonsensya.
"Troy..."
"Mauuna na ako. Kailangan ko pang pumasok sa trabaho," anito saka nagtungo sa sala. Halatang iniiwasan ni Troy si Lucille pero sinundan pa rin ito ng dalaga. Kinuha ni Troy ang blazer nitong nakapatong sa sofa pero bago pa man ito makalabas ng pinto ay nagsalita na siya.
"I'm sorry," aniya. Natigilan si Troy at nilingon siya. "I know I was out of line."
Tumango lang ang binata sa kanya pero napansin niya ang labis na kalungkutan sa mga mata nito. Parang may dumagang pader sa puso ni Lucille noong mga sandaling iyon. Alam niyang sumobra siya sa sinabi kay Troy kagabi at pinagsisisihan niya na iyon ngayon. Napangunahan lang talaga siya ng galit.
"You were really out of line," anito. "Kahit gusto ko sanang ipagtanggol ang sarili ko, parang gusto ko nang paniwalaan ang sinabi mo na walang magmamahal sa akin."
"No, I didn't mean it. Galit lang talaga ako kagabi." Ngumiti ito pero hindi iyon umabot sa mga mata nito.
"Hindi ako mabuting tao, Lucille, pero hindi ako kasing sama ng iniisip mo. I don't know why but I just feel the need to protect you and I'm sorry for that," malungkot na wika nito sakatinalikuran na siya. Parang pinipiga ang puso niya noong mga sandaling iyondahil nasaktan niya ito. She felt really bad.