Learning About You

2336 Words
"WHAT DO you think?" Nabigla si Troy sa tanong sa kanya ni Martin. Kakagaling pa lamang nila sa korte para sa hearing ng kasong hinahawakan ng firm nila. Hindi niya napansin na may tinatanong na pala ang kaibigan niya. "Ha?" Nawi-wirduhang tiningnan siya nito. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa ganyan." "Ah, oo. Okay lang ako." Pinilit niyang ngumiti pero base sa tingin sa kanya ni Martin ay hindi pa rin ito naniniwala sa kanya. Ang totoo ay hindi pa rin okay si Troy. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang kalooban niya sa sinabi ni Lucille sa kanya kagabi. Bagaman ay humingi na ng tawad sa kanya ang dalaga kaninang umaga ay labis pa rin ang kalungkutang nadarama niya lalo pa at nanariwa sa kanya ang mga alaalang nakasakit sa kanya. Pero kahit ganoon pa man ay kailangan pa ring magpatuloy ng araw ni Troy. Besides, ang trabaho na rin lang ang outlet niya. "Ano na ngang tinatanong mo?" Napakamot sa ulo si Martin. "Forget it. Maghanda ka na lang sa hearing bukas. Pupuntahan ko pa ang witness para kumbinsihing tumestigo sa murder case ng ex niya." May sinabi pa itong ilang importanteng detalye tungkol sa isa pang kasong hinahawakan nila. "Samahan na kita," aniya. "Huwag na. Kaya ko na 'to. Magpahinga ka na lang. Take a day off or something. Looks like you need it." Bago pa man siya makaprotesta ay tinapik na lang ni Martin ang balikat niya at umalis na. Napailing na lamang si Troy at dumiretso na siya sa opisina niya. Pagpasok niya pa lamang ay nagulat siya nang bumungad sa kanya ang mukha ni Lucille. Matipid na ngumiti ito sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" aniya. "Gusto ko lang sanang makausap ka. Hiningi ko kay Thrace ang address ng opisina mo." Nabanaad niya ang kalungkutan sa mga mata nito. "I don't have---" "Please," sansala nito sa kanya. Pinigilan nito ang braso niya. "I'm really sorry." Nabanaad niya ang pangingilid ng luha ni Lucille at parang piniga ang puso niya nang makita iyon. Lalo lang siyang nalungkot dahil nakita niya itong malungkot. Kaya bago pa man makapag-isip nang matino si Troy ay sumagot na siya. "Fine. I have a few minutes." Napahinga siya nang malalim. "May gusto rin akong sabihin sa'yo." Tumango lang si Lucille at tahimik na sumunod sa kanya nang iginiya niya ito papunta sa isang restaurant sa tapat ng building nila. Sa totoo lang ay naiilang din si Troy sa sitwasyon nila. Napakatahimik ni Lucille hanggang sa makaupo na sila sa restaurant. Huminga nang malalim si Lucille at ipinagsiklop nito ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa. Nahahalata niyang kinakabahan ito pero hinayaan lamang ni Troy ang dalaga hanggang sa makayanan na nitong sabihin ang dapat sabihin. "I am really sorry, Troy. I know I've been rude towards you and I misjudged you," wika ni Lucille. Parang may pumiga sa puso ni Troy nang makita ang sinseridad sa mga mata ng dalaga. Maluha-luha pa nga ito na lalo lamang nakapagpatunaw ng puso niya. Wala naman sigurong sinuman ang puwedeng sumisi sa kanya kung nakaramdam siya noon ng galit kay Lucille dahil bukod sa sinusungitan siya nito ay lagi na lang siya nitong kinukumpara kay Thrace, ang bagay na pinakaayaw niya. Inaamin niyang may kasalanan rin naman siya kung bakit ganoon si Lucille sa kanya kaya gustong ayusin iyon ni Troy. "Apology accepted." Tumikhim pa si Troy saka diretsong tiningnan ang dalaga sa mga mata. "And I'm sorry, too," mapagkumbabang wika niya. Nahuli niya ang ilang beses na pagkurap ni Lucille na parang hindi ito makapaniwala na humingi siya ng tawad rito. "I-it's o-okay," nauutal na wika ito saka ngumiti. Sa pagkakataong iyon ay umabot na sa mga mata nito ang ngiting iyon at pakiramdam ni Troy ay nabunutan siya ng tinik. "Kaya nga gusto ko sanang ikuwento sa'yo ang dahilan kung bakit ganoon ako umakto tungkol kay Thrace." Agad na iwinasiwas ni Lucille ang kamay nito sa ere. "Huwag na. Hindi mo kailangang magpaliwanag sa akin. Kung ano man ang problema niyong magkapatid ay labas na ako doon." "Pero gusto kong ikuwento sa'yo. I just want to set the record straight." Matamang tiningnan ni Troy si Lucille sa mga mata at tahimik na humingi rito ng pagkakataong maipaliwanag niya ang sarili. Hindi naman ugali ni Troy na magkuwento ng buhay niya sa ibang tao pero parang gusto niyang ipagtanggol ang sarili kay Lucille. Ayaw niyang masama ang tingin nito sa kanya dahil sa tuwing masama ang turing ni Lucille sa kanya ay parang dinudurog ang puso ng binata. Hindi bale nang masama ang tingin sa kanya ng lahat, huwag lang si Lucille dahil habang tumatagal ay lalong nagugustuhan niya ang dalaga. Naintindihan naman siguro ni Lucille ang gusto niyang sabihin dahil pagkamaya-maya ay tumango na rin ang dalaga. "Sige." "Thank you," aniya. "Baka gusto mo munang umorder bago ang lahat. Pagkain, coffee...or maybe, a glass of beer. Mahaba-habang kuwentuhan ito," aniya. Napangisi si Lucille. "Beer sounds nice," sagot nito. Nang mga sumunod na sandali ay ikinuwento na ni Troy kay Lucille ang tungkol sa kanilang dalawa ni Thrace. Ang akala niya ay magiging mahirap para sa kanya na ikuwento lahat pero sa buong oras na iyon ay tahimik lang na nakikinig sa kanya si Lucille at kahit anong panghuhusga ay wala siyang narinig na kung ano mula dito. Bagaman parang binubutas ang puso ni Troy dahil sinasariwa niya ang lahat na masasakit na alaala nila ni Thrace at ni Ruby ay kahit papaano'y gumagaan ang pakiramdam niya dahil hindi nararamdaman ni Troy na mag-isa siya ngayon. Hindi man nagsasalita si Lucille ay nararamdaman ni Troy na nauunawaan nito ang pakiramdam niya. She listened intently like everything he said was so important. Noong ikinuwento ni Troy na nahuli niyang pinagtaksilan siya ni Thrace ay nangilid ang kanyang luha. Noon niya naramdaman ang paggagap ni Lucille sa kanyang kamay sa ibabaw ng mesa at marahang pinisil nito iyon. Iyon ang unang pagkakataon sa buhay ni Troy na naramdaman niya ang suporta ng ibang tao sa kanya at sobrang mahalaga iyon para sa kanya. Ngayon niya lang naramdaman na may nakakaunawa sa kanya. Kahit alam niyang mas gusto ni Lucille si Thrace ay iniintindi pa rin siya nito. "Alam kong hindi ako naging mabuting boyfriend kay Ruby at pinagsisisihan ko na iyon ngayon pero ang hindi ko matanggap ay inagaw pa siya sa akin ni Thrace. Sa lahat ng tao, bakit kakambal ko pa?!" naghihimutok na wika niya. Inisang lagok ni Troy ang natitirang beer sa baso niya para makalma ang sarili. Sobrang taas na ng emosyon niya lalo pa ngayong naalala niya ang pagtatraydor ng kapatid sa kanya. Napakahalaga sa kanya ni Thrace. Halos ito na nga ang kalahati ng buhay niya at hindi niya ma-imagine ang buhay na hindi kasama ang kapatid pero dahil sa isang babae ay itinapon lang nito ang lahat. "Eh baka mahal niya talaga si Ruby kaya nagawa niya iyon." "Mahal? Sapat na ba ang pagmamahal na iyon para saktan niya akong kapatid niya?!" Base sa reaksyon ni Lucille ay mukhang hindi nito alam ang sasabihin kaya nagpatuloy siya. "Nasabi na sa akin ni Troy noon na nahirapan din ito sa sitwasyon nila dahil mahal nito ang mahal ko pero mas mahirap iyon sa akin. It was hard accepting that after all of his betrayal, Ruby still loved him." Parang may lumapirot sa puso ni Troy nang maalala kung gaano kahirap sa kanya ang sitwasyon noon. Bagaman nasasaktan siya sa ginawa ni Thrace ay kailangan niyang unawain na ito ang makakapagpasaya kay Ruby. Lingid din sa kaalaman ni Thrace ay nagkausap sila ni Ruby noon. Umamin si Ruby na mula't sapul ay alam nitong si Thrace ang kasiping nito. Noong mga panahong iyon ay nasasaktan si Ruby sa panloloko at pambabalewala na ginawa ni Troy noon kaya siguro ay madali itong nahulog kay Thrace. Ruby admitted that she was vulnerable that time and she appreciated Thrace's efforts to be with her. Eventually, Ruby had fallen in love with Thrace. Nang tumingin si Troy kay Lucille ay mukhang nabigla ito sa sinabi. malungkot na ngumiti siya. "Paano ko magagawang ipagkait kay Ruby ang pagmamahal na ginusto nito? Hindi naman nito kasalanang kay Thrace nito naramdaman iyon. It broke my heart but it was the least that I can do for the woman I love." Mahirap man para sa kanya ay wala siyang magawa. Kaya nga mas pinili niyang tumahimik. Nagpatuloy siya sa pagkukuwento hanggang sa nabanggit niya rin ang tungkol sa pamangking si Tilly na mahal na mahal niya. "Kaya lang ang hindi ko matanggap ay pinabayaan lang ni Thrace ang pamilya niya at ginamit niya pa. Naghirap sila at napadalas na magkasakit si Ruby. Three years ago ay naaksidente pa si Ruby na dahilan ng pagkamatay nito. Matapos noon ay biglang nagkaroon ng malaking pera si Thrace. It was the insurance money he got from Ruby's death," pagpapatuloy niya. Napasinghap si Lucille. "Baka naman nagkakamali ka?" Mapait na natawa si Troy. "Abogado ako at alam ko ang mga bagay tungkol diyan." Hindi lingid sa kaalaman ni Troy ang tungkol sa double indemnity sa insurance. Ibig sabihin, kapag dahil sa aksidente ang ikinamatay ng isang taong insured ay doble ang halagang makukuha ng beneficiary nito. Sa kaso ni Thrace ay ginamit nito iyon para makabangon sa pagkaka-bankrupt nito. "Noon ay lihim na pinaimbestigahan ko ang kaso at natuklasan kong sira ang preno ng sasakyang ginamit ni Ruby. So kung hindi iyon sinadya, ano ang tawag mo doon? Suwerte? Biglang isang araw ay may sampung milyon na si Thrace?" "Hi—hindi ko alam ang sasabihin ko." Napabitaw si Lucille sa kamay niya at gulat pa rin ito sa lahat ng alam. "You don't have to say anything. At hindi ko sinisiraan si Thrace sa'yo kaya ko ito kinukuwento. Ipinapaliwanag ko lang ang panig ko," aniya. Nakakaunawang tumango ito. "And I'm sure Thrace has his own side of the story." "He does." Kaya lang ay kahit minsan ay hindi nagpaliwanag sa kanya si Thrace. Kahit illang beses na harap-harapan niya itong inakusahan ay hindi nito ipinagtanggol ang sarili na naging dahilan ng pagsidhi ng galit ni Troy. Pero kung sakali man na magkaroon ng pagkakataon na kausapin siya ni Thrace ay handa naman si Troy makinig. "Salamat dahil kahit alam kong mahirap para sa'yo ay pinagkatiwalaan mo ako." "Ayaw ko lang na masama ang tingin mo sa akin. Alam ko namang dati na akong masama, hindi na kailangang madagdagan pa iyon." Ngumisi siya para mapagaan kahit papaano ang pag-uusap nila pero sa pagkamangha ni Troy ay hindi tumawa si Lucille. Bagkus ay nakauunawang tiningnan siya ng dalaga. "Hindi ka masama. May pinagdadaanan ka lang," anito. "Sige, sabihin na nating may naging pagkakamali ka rin noon pero hindi ibig sabihin ay wala ka ng karapatang masaktan. Tao ka lang, Troy at natutuwa akong ipinakita mo sa akin ang bahaging iyon ng pagkatao mo." "Salamat, Lucille." Tinapik lang nitong muli ang kamay niya at ngumiti. "Atleast you're not the asshole that I thought you were," biro nito. "Glad we cleared that up," natatawang sagot niya rin. Kumislap ang mga mata nito at naging maganda iyon para sa paningin ni Troy. Pati ang mga ngiti ito ay napakaganda. Pakiramdam tuloy ni Troy ay gumaan ang araw niya dahil sa ngiting iyon. "But really, thank you for listening, it meant a lot," sinserong dagdag niya. "Walang anuman. Naging mahirap man noon, maging hanggang ngayon pero naniniwala akong naghihilom din ang mga sugat sa paglipas ng panahon. And someday, I hope that you will forgive your brother. I wish you happiness, Troy. Napakabuti mo palang tao sa kabila ng pinagdaanan mo." Parang may mainit na bagay na lumukob sa puso ni Troy dahil sa sinabi ni Lucille. Nararamdaman niyang nagmamalasaki ito sa kanya at napakahalaga iyon para kay Troy. Sa unang pagkakataon sa buhay niya ay may nakaunawa sa kanya at may sinserong naghangad ng kaligayahan. "Thank you. It's nice of you to say that," simpleng sagot niya. Noong mga sandaling iyon ay tuluyan nang gumaan ang pakiramdam ni Troy. Nakakatulong din pala na sabihin sa ibang tao ang lahat ng mga bagay na bumabagabag sa kanya dahil parang lalo lang bumibigat ang mga problema kapag mag-isa natin iyong dinadala. And somehow, he felt glad that he shared it with Lucille and she understood him. "Okay rin palang ganito ano? Yung 'di tayo nagbabanghayan. Nakaka-stress din kasi sa akin ang kasungitan mo." Natawa si Troy sa sinabi nito pero hindi niya rin maikakaila na totoo ang sinabi nito. Mabuti nang nagkalinawan sila dahil kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya. "At least may nararamdaman ka para sa akin kahit inis pa iyon. Eh paano, si Thrace ang gusto mo." Parang na-guilty ang mukha ni Lucille na lalo lamang niyang ikinatawa. Iyon ang nagugustuhan niya sa babae, napaka-transparent nitong tao. "O, mukhang na-guilty ka yata?" tudyo niya. "Eh kasi naman, humihirit ka ng ganyan. Bago pa lang kitang kaibigan tapos ganyan ka na." Napakamot ito sa ulo. "Kaibigan?" namamanghang sagot niya. Alam niyang maingat si Lucille sa mga salita nito at ayaw lamang siya nitong pero ewan niya ba, naaliw pa siya sa sinabi nito at hindi niya mapigilang mapangiti. Hindi niya tuloy maiwasang pakatitigan ang dalaga at mamangha sa mga katangian nitong nakakapagpagulo sa damdamin niya. One second, she's comforting him and the next second, she's dismissing him. Yet somehow, he found all of it charming. "I can't believe that you just drew a line. I bet it's because of Thrace." dagdag ni Troy pagkamaya-maya. Tumayo siya mula sa kinauupuan at nag-iwan ng pera sa mesa. Pero bago umalis ay muling binalingan niya si Lucille. "Wow. I felt like you challenged me." natatawang napailing ito. "You shouldn't have done it because I might cross it." Ngumiti siya at kinindatan ito saka umalis sa harap nito. Napangiti na lamang si Troy nang lumingon siya ay nakita ang pamumula ng mga pisngi ni Lucille. Kung dahil man iyon sa beer na ininom nito o dahil nag-blush ito ay walang pakialam si Troy basta nagagandahan siya sa dalaga. Siguro ay kabaliwan ang inaakto niya ngayon pero hindi niya talaga mapigil ang sarili. The more he gets to spend time with her, the more he's drawn to her. At habang pinipigilan ng dalaga namapalapit sila ay mas lalong gusto niyang mapalapit rito. Baliw na kung baliwpero nakakaramdam siya ng kasiyahan kapag kasama niya ang dalaga. Para kasing pinupunan nito ang kahungkagan sa puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD