SA TOTOO lang, kanina ay nagulat si Lucille sa rebelasyon ni Troy tungkol sa buhay nito. Napapansin niyang parang may issue ito sa kapatid pero hindi niya akalaing babae ang dahilan pala ng lahat ng iyon. Habang nagkukuwento ito kanina ay mas lalong bumibigat ang kalooban ni Lucille. She felt Troy's pain.
Akala niya ay masama lang talaga ang ugali ng binata at walang pakialam pero iyon pala ay nagkaganoon lang ito dahil minsan na rin itong nasaktan sa pag-ibig. It must have been hard for him. Kahit nasasaktan ito sa pag-iwan ng babaeng mahal nito ay wala rin naman itong magagawa. Siguro ay palaging binubutas ang puso nito tuwing makikita nito ang kakambal at ang pamilya nito na sana ay kay Troy napunta.
Isa pa ay tiyak niyang hindi rin naging madali rito na kamuhian ang kakambal nito. Dugo at laman nito si Thrace pero ang dalawa pa ang kailangang maging magkaaway. Parang pinipiga ang puso ni Lucille dahil sa pakikisimpatya niya kay Troy. Mali talaga ang pagkakakilala niya rito. Mabait naman pala talaga ito dahil sa kabila ng pagtatraydor nito ni Thrace at Ruby ay nagawa pa rin nitong intindihin iyon dahil nirespeto nito ang desisyon ng babaeng pinakamamahal. Nagawa pa rin nitong maging mabait sa anak ng dalawa na halata namang mahal na mahal ni Troy base sa pagkukuwento nito.
Her heart went out to him. Pero sa kabila ng nalaman niya tungkol din kay Thrace ay ayaw niya ring husgahan ang lalaki dahil naniniwala siyang may panig rin ito sa storya na kailangan rin nitong ipaliwanag. Lihim niya na lang hiniling na sana ay magkaayos ang dalawa dahil parehas na deserving ang mga ito sa kaligayahan kahit pa ano ang nangyari noon. Lalo na si Troy.
Talaga kasing nagbago ang tingin ni Lucille sa binata matapos niyang malaman ang lahat. Lalo siyang humanga rito dahil sa katatagang ipinamalas nito. Hindi niya man inasahan pero napaka-selfless pala nitong tao. Nagkamali siya nang sinabi niyang wala itong puso dahil ang totoo ay napakalaki ng puso nito, iyon nga lang, wasak.
Kaya nga inunawa ni Lucille si Troy dahil alam niyang kailangan iyon ng binata. Para ba kasing dinudurog ang puso niya na makita ang labis na kalungkutan sa mga mata nito. Parang mas gusto niya pang asarin siya nito kaysa sa makita itong ganoon. Kaya nga sinubukan niyang magbiro para man lang gumaan ang sitwasyon. Ang hindi niya akalain ay babalik sa kanya ang biro. Hindi naman kasi akalain ni Lucille na hihirit ito tungkol sa pagkagusto nito sa kanya.
Oo, sinabi na nito iyon sa kanya dati at hindi niya ito pinaniwalaan kahit na seryoso ang mukha nito noon nang sabihin nito sa kanya. She just finds it hard to believe that when all he does is piss her off. Pero ngayon, mahirap yatang hindi paniwalaan iyon lalo pa at napansin niya ang pagguhit ng emosyon sa mga mata ni Troy na para bang nanghihinayang ito. Ayaw niya namang saktan ang binata kaya naging maingat siya sa sagot.
Kaya lang nang muli itong sumagot ay sinundan nito iyon nang napakagandang ngiti na para bang nakapagpalukso ng kanyang puso. She found it amazing how fast his emotions shifted. Kahit siya ay ganoon din. Kung kanina ay parang pinipiga ang puso niya sa mga nalaman, ngayon naman ay sobrang napakabilis ng t***k niyon dahil sa matiim na pagmamasid sa kanya ng binata.
May distansya naman sa pagitan nila dahil magkatapat sila sa mesa pero bakit ganoon? Bakit parang nanunuot sa buong katauhan niya ang mga titig nito? And oh, his eyes were really gorgeous. There was a spark in his eyes that made him looked really sexy. Gusto sanang mag-iwas ng tingin ni Lucille pero hindi niya magawa. Para bang may kung anong puwersang pumipigil sa kanya para tumingin sa ibang direksyon. Kung sabagay, bakit nga ba siya titingin sa ibang direksyon kung nasa harap niya na ang guwapo?
Pero hindi mapakali si Lucille sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Lalo siyang kinakabahan at hindi niya maintindihan kung bakit. Sinubukan na lang ng dalaga na mag-isip ng ibang paksa. Baka sakaling tigilan na nito ang pagtitig sa kanya. Kaya lang kahit halukayin ni Lucille ang isip niya ay wala siyang maapuhap sabihin. She's really distracted by the gorgeous man infront of her. Why! Lalong napapansin niya kung gaano ito kaguwapo ngayong mas tinititigan niya ito.
Bago sa dalaga ang pakiramdam na iyon pero kailangan niyang aminin sa sarili na nagugustuhan niya ang pakiramdam na iyon. Oo na, kinililig siya kahit alam niyang hindi dapat.
Pero kung akala ni Lucille ay iyon na ang pinakanakakakilig na mararamdaman niya ay nagkamali siya.
"...You shouldn't have done it because I might cross it," anito saka kinindatan siya bago umalis sa harap niya.
She's very aware that it was a threat. However, she just can't find the reason to be afraid of him. Lalo pa at naging sexy pa ang dating ng mga mata nito nang huli itong tumitig sa kanya. His eyes were sharp but somehow, it looked inviting. Para bang nangangako ng langit. That realization made her heartbeat accelerate even more and her cheeks heat up again. Hindi niya akalaing may ganoong side na tinatago si Troy lalo pa at mukha itong seryoso palagi.
Napahawak si Lucille sa dibdib at dinama ang pagtibok ng kanyang puso. Bakit ganoon? Bakit parang na-e-excite yata siya?!
Pero bago pa man siya mag-isip ng kung ano ay ipinilig niya ang ulo. Hindi siya dapat makaramdam ng ganoon lalo pa at si Thrace ang gusto niyang maka-date dahil dito niya unang nakita ang mga katangiang hinahanap niya. Ngayon lang siya muling nagkaroon ng crush at si Thrace ang nakikita niyang ideal man para sa kanya.
Tama, hihintayin niya na lamang si Thrace na bumalik para makapag-date sila. Baka na-overwhelm lang siya sa mga nalaman kay Troy kaya nakakaramdam siya ng ganoon. And speaking of Troy, natauhan na siya. Bakit nga pala siya nito iniwan?! Bakit ba kasi natulala siya?!
Dali-daling tumayo si Lucille at sinundan si Troy. Buti ay hindi pa ito nakakakalis kaya madali niya itong naabutan.
"Hoy Troy! Sandali!"
Napahinto ito nang tawagin niya. Mukhang nagulat pa nga ito na sumunod siya.
"O?" anito.
"Anong O? Bakit mo ako iniwan?"
"Aba, hindi por que nagkaayos na tayo ay clingy ka na," tila naaaliw na wika nito.
"Haha, patawa ka," sarkastikong wika niya. Lalo lamang lumuwang ang ngiti ni Troy sa kanya at ikinatutuwa iyon ni Lucille. Kung kanina ay parang pinagsakluban ng langit ang mukha nito, ngayon ay maaliwalas na iyon.
"May trabaho pa ako," sagot nito.
"Ganoon ba? Hindi ba ako puwede magpahatid sa'yo?" Napakamot siya sa ulo. "Coding ang kotse ko kaya nag-commute lang ako papunta dito. Hindi lang talaga ako mapakali na hindi kita makausap kaya sumugod na ako rito." Naging mapanudyo ang ngiti nito sa kanya. "Anong ibig sabihin ng ngiting 'yan?" sita niya.
"Wala." Nagkibit-balikat si Troy. "You care for me, do you?"
"Asa ka! Si Thrace ang crush ko, ano?! Huwag na nga. Magta-taxi na----" Akma na siyang tatalikod nang bigla na lang hinawakan ni Troy ang kamay niya at pinihit siya.
"Ihahatid na kita. Baka mapano ka pa."
Sa gulat ay hindi na naka-react si Lucille nang iginiya siya nito patungo sa parking lot sa harap ng building ng opisina ni Troy Pero hindi lang iyon dahil sa gulat kundi sa pakiramdam na nadama ni Lucille nang magdaiti ang kanilang mga kamay. Para bang may kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan at hindi niya alam kung naramdaman iyon ni Troy. Bibitaw na kasi sana siya nang maramdaman iyon pero lalo lamang hinigpitan ng binata ang pagkakahawak sa kamay niya. Like he didn't want to let her go.
Wala rin naman siyang reklamo kung sakaling ganoon nga ang kaso dahil malambot naman ang kamay nito. It was soft but firm.
At masarap hawakan, dagdag ng isang bahagi ng isip niya.
Well, totoo naman iyon. Isa pa, parang may kapanatagan siyang nadama nang hawakan nito ang kamay niya. Para bang kahit saan siya magpunta ay ligtas siya basta kasama niya ang binata. Hindi ba't kaya nga ay pumayag na rin itong samahan siya dahil ayaw nitong mapahamak siya? Kahit papaano ay parang may mainit na bagay na lumukob sa puso ni Lucille. Hindi lang talaga nito pinapahalata pero likas itong mapagmalasakit sa kapwa.
Ang sarap sigurong maging girlfriend niya, naisip niya.