Happy To See You

2084 Words
"LUCILLE," pukaw ni Troy sa kanya. "Ha?" Masyado naman yata siyang naka-focus sa magkahugpong mga kamay nila kaya hindi na niya narinig ang sinabi ni Troy. Hindi niya rin napansin na nabuksan na nito ang pinto ng kotse. "Sabi ko, saan kita ihahatid?" "Sa ospital." Sinabi niya rito ang address ng ospital. Inalalayan siya ni Troy na makapasok sa kotse. Siniguro na muna nitong okay siya bago ito sumakay sa kotse. Hindi na naiwasang mapangiti ni Lucille dahil napaka-gentleman nito. Naisip tuloy ni Lucille kung ito ang una niyang nakilala at naging maganda ang first meeting nila ay hindi malayong maging crush niya ito. Kung bakit hindi niya ito nakilala sa subdivision noon. Naisip niya tuloy itanong iyon kay Troy. "Nakakatawa lang, ano? Malapit lang pala ang mga bahay natin pero hindi man lang tayo nagkita pa sa subdivision. Bakit kaya ano?" "Busy ako sa trabaho nitong mga nakaraang buwan kaya madalas akong wala sa bahay." "Ah. Ako naman, kakalipat ko lang. Dalawang linggo pa lang. Saka kung makasalubong kita, baka di rin kita mapansin dahil baka nasa ospital rin ang isip ko. Busy din kasi ako." Napangisi ito. "Kung ako, mapapansin kita sigurado." Napalingon siya rito. "Talaga? Bakit naman?" Hindi makapaniwalang napatingin ito sa kanya. "Hello?! Because you're beautiful. It's hard not to look at you." Nginitian siya nito nang pagkaganda-ganda na naghatid ng kiliti sa puso niya. There's just something in the way he looked at her that made her feel like she's the most beautiful girl he'd ever laid eyes on. "You keep doing that," nangingiting wika niya. "Doing what?" "Smiling like you're always happy to see me." "Eh ganoon naman talaga. Sino ba naman ang hindi matutuwa na nakakakita ng maganda?" "Ganoon? So, ibig sabihin pala, madami ka nang nabiktima ng linyang 'yan?" tudyo niya. Hindi naman nakakapagtaka iyon kung sakali dahil guwapo naman ito. No one in the right mind would ignore a gorgeous man like that. Basta ba hindi ito aakto na nakakainis tulad ng una nilang pagkikita. Pero naisip niya, kahit naman inaasar siya ng lalaki, na-realize ni Lucille na okay din naman ito. There's just so much with him beyond the surface. Inaasahan na ni Lucille na magyabang si Troy dahil may karapatan naman talaga ang lalaki. Kaya lang sa pagkamangha niya ay natawa lamang ito sa kanya na para bang kabaliwan ang sinasabi niya. "Seryoso ka ba sa tanong mo?" Nang tumango siya ay lalo lamang itong natawa. Ibinalik nito ang atensyon sa pagmamaneho saka ito nagpatuloy. "Wala akong nabiktimang kahit sino sa sinabi ko. Ikaw pa lang kung sakali." "Try harder," nakangising sagot niya. "Pero hindi nga, wala talaga? I hope you don't mind me asking, pero talagang wala ka nang naging ibang naging girlfriend matapos ni Ruby?" "Meron naman. Hindi lang talaga nagtatagal." "Bakit?" "Ewan. Siguro hindi lang tama." "Hindi tama o hindi pa handa?" Saglit itong natigilan saka napatingin sa kanya. Nakita niya ang pagguhit ng kalituhan sa mga mata nito saka ito matipid na ngumiti. "Actually, hindi ko pa natanong ang sarili ko niyan. Akala ko lang wala nang tamang nangyayari sa buhay ko dahil sinisi ko noon ang sarili ko sa nangyari sa amin ni Ruby. Nagkamali ako at pinagsisihan ko iyon. Kaya siguro naisip ko na hindi na ako deserving sa magagandang bagay sa buhay." "I don't believe in mistakes," aniya. "Siguro madali lang sa'yo dahil mukhang nasa sa'yo na ang lahat. You are pretty, you're a dentist and it seems like you came from a nice family." Napataas ang kilay ni Lucille. Hindi naman kasi por que ganoon ang kalagayan niya sa buhay ay naging madali na sa kanya lahat. Hindi ibig sabihin ay wala siyang pagkakamali o wala siyang bagay na pinagsisihan. Mas pinipili niya lang na itama ang pagkakamali at pagbutihin ang sarili. "Ikaw rin naman, ah. Mukha kang mayaman, guwapo at abogado ka pa," sagot niya. "But I don't really believe in mistakes. I believe in learning from it and bettering yourself. Natural naman sa tao na magkamali pero hindi tama kung hahayaan mong diktahan ng pagkakamaling iyon ang buhay mo. Bata ka pa, marami pang mangyayari sa buhay mo. Marami pang babaeng darating sa buhay mo. Pasasaan ba at makakahanap ka rin ng tama pakatapos ng madaming mali." "Pero hindi ba't ikaw ang nagsabi na hindi naman ako kamahal-mahal?" "Nagkamali ako noon and I'm sorry. You are annoying at times..." Napangisi ito sa kanya. "but you do have a good heart. Siguro ay iba lang ang pinapakita mo sa ibang tao para mapagtakpan ang tunay mong nararamdaman pero mabuti ang puso mo at hinahangad ko na sana makahanap ka ng babaeng para sa'yo. I really do." Nginitian ito ni Lucille na agad naman nitong sinuklian nang lumingon ito sa kanya. Sa hitsura nito ay mukhang naantig ito sa sinabi niya. "That's so nice of you to say that. Thank you." "Sus! Maliit na bagay," nakangising wika niya. "Pahiram nga ako ng cellphone mo." "Bakit?" "Basta." Nagdududang tiningnan siya nito pero sa huli ay binigay rin naman nito ang cellphone sa kanya. Ngiti-ngiting nagpipindot ng kung ano doon si Lucille. Matapos ay tinawag niya ito saka mabilis na kinuhanan ng picture. Gusto niya pa ngang mapapalatak dahil kahit stolen shot ay napakaguwapo pa rin nito. How can someone as gorgeous as him exist?! Kahit siguro natutulog ito ay mukha pa rin itong commercial model! Dahil doon ay may biglang naisip na gawin si Lucille. "Anong ginagawa mo?" tanong nito. "Secret." Nagpatuloy siya sa pagpipindot ng kung ano at kahit pa nangungulit si Troy ay hindi niya ito pinansin. Maya-maya ay mabilis na dumukwang ito para masilip nito ang ginagawa niya. "Ginagawan mo ako ng Tinder?!" gulat na wika nito. "Ang O.A naman ng reaksyon mo!" natatawang wika niya. "Tinutulungan nga kitang mahanap ang tama para sa'yo." "I'm not into dating sites." "Ako rin naman. Pero malay mo, positive ang result sa'yo. Naku! naku! Tiyak madaming magswa-swipe right kapag nakita nila ang profile mo. Ano bang gusto mo?" Hindi pa man natapos si Lucille sa ginagawa ay naglaho na lang bigla ang cellphone ni Troy sa kamay niya. Inagaw na nito iyon ng walang kahirap-hirap. Inalis niya ang kanyang seatbelt. "Ibalik mo na sa akin 'yan!" Sinubukan niyang agawin ang cellphone pero itinataas nito iyon gamit kanang kamay nito samantalang ang kaliwang kamay nito ay nakaharap pa rin sa manibela. "Ayoko. Hindi ko kailangan mag-Tinder." "Ang kill joy mo! Para sasabihin mo lang naman sa akin kung anong type mo." "Kapag sinabi ko, baka kiligin ka," anito. "Arte! Akin na nga kasi!" Sinubukan pa ring agawin iyon ni Lucille samantalang abala rin naman si Troy sa pagmamaneho at sa paglalayo sa kanya ng cellphone. "Ayoko nga!" Lumingon ito sa kanya at na-realize ni Lucille ang ginawa ng binata lalo pa at nahagip rin ng kanyang mga mata ang kalsada sa harap nila. Mababangga na sila sa isang kotse na nakahinto sa kalsada! Napasigaw siya sa gulat. "s**t! Look ahead!" Nataranta naman si Troy sa pagsigaw niya at agad na napatingin sa harap. Napamura pa ito nang makita kung gaano na sila kalapit sa kotseng nakahinto dahil sa red light. Agad nitong inapakan ang break at dahil biglaan iyon at walang suot na seatbelt si Lucille ay napasubsob si Lucille paharap sa kotse. Nanlaki ang mga mata niya dahil baka tumama ang mukha niya sa windshield pero nang tuluyang huminto ang kotse ay hinila naman siya ng puwersa pabalik dahilan upang hindi siya tumama sa windshield. Dahil bigla ang puwersa ay nasaktan ang kanyang leeg. Pakiramdam niya ay naipit ang ugat sa ulo niya nang hindi niya maintindihan. "Aray!!" Agad siyang napahawak sa batok at napangiwi nang maramdaman ang pagguhit ng sakit. Pakiramdam niya ay mababalian siya ng leeg. Mukhang nataranta rin agad ang binata dahil agad nitong kinalas ang seatbelt at bumaling sa kanya. "Okay ka lang ba?" Agad siya nitong sinuri. Napasinghap siya kung gaano kalapit ang mukha ng binata sa kanya na hindi yata nito agad na-realize. Parang may nagrambulang mga daga sa kanyang dibdib noong mga sandaling iyon. They were just too close for comfort and her mind had gone haywire because he's distracting her. She can even smell his sweet breath. Idagdag pa na napakaguwapo nito sa malapitan. Ah! Para bang nawawala ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kaguwapuhan nito! Kaya kahit man gusto niyang magbaling ng tingin ay hindi niya magawa. Parang naka-focus lang ang atensyon niya sa mukha nito hanggang bumaba ang tingin niya sa mga labi nitong ngayon lang niya napansin na kulay rosas pala. May kanipisan ang pang-ibabang labi nito pero maganda iyon sa paningin ni Lucille. It just suits Troy perfectly. Naisip niya tuloy kung ano kaya ang lasa ng mga labi nito. Would it taste sweet? Alam niyang kabaliwan ang iniisip niya pero curious lang kasi si Lucille. Parang bumigat ang talukap ng kanyang mga mata at gusto niyang ipikit iyon para patunayan kung tama nga ang hinala niya. Kaya lang bago niya pa iyon gawin ay lumusot na sa mga mata niya ang nagtatakang tingin nito. "Anong ginagawa mo?" nawi-weirdohang wika nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Lucille at wala siyang nagawa nagawa kundi pag-untugin ang kanilang mga noo. Kaya lang ay pinagsisihan niya rin iyon agad dahil nasaktan din siya. Hindi niya naisip iyon dahil sa sobrang kinabahan siya. "s**t!" Agad na napahawak siya sa noo sa sakit at dali-daling umayos ng upo. Isang beses pang napamura si Troy sa pagkabigla. "Okay ka lang ba?" natatarantang wika nito. Napansin niya rin na napahaplos ito sa noo pero hindi man lang ito dumaing. "Siyempre hindi!" bulyaw niya. Bukod sa masakit na nga iyon ay nakakahiya pa ang nangyari sa kanila. "Bakit ba kasi inutog mo ang sarili mo?!" "Bakit ba kasi ang lapit lapit mo sa akin?!" "I'm sorry. Nag-alala lang ako sa'yo." Napahimas siya sa nasaktang noo pero nang ma-realize niyang hindi lang naman siya ang nasaktan ay napabaling siya kay Troy. "Ikaw? hindi ka ba nasaktan?" nagtatakang tanong niya. "I'm fine. I have a pretty hard head," sabi pa nito. "Pansin ko nga," sabi niya. "Aray!" daing niya nang maramdaman ulit ang sakit sa noo. Desimuladong napatingin siya sa vanity mirror ng kotse at nagpanic nang makita ang noo. "Ayan na, namumula na. Para akong may kamatis sa noo." Hindi siya mapakali at ilang beses na tiningnan ang sarili sa salamin. "Oh my God! Parang bumubukol na! Para tuloy akong tinubuan ng sungay nito!" Nakakahiya dahil halatang halata ang pamumula. Panigurado ay madaming magtatanong sa kanya kung anong nangyari doon at nakakahiya lamang kung ikuwento niya pa lahat. Humarap siya kay Troy pero sa pagkagulat niya ay nagpipigil itong tumawa. "Huwag kang tumawa! Buwisit ka!" Tiningnan ni Lucille nang masama si Troy. Isinara ni Troy ang bibig sa pagpipigil ng pagtawa pero yumuyugyog ang mga balikat nito. Labis din ang kaaliwan sa mga mata nito. He was tearing up! But even so, he still looked charming. "Troy!" "Hindi nga ako tumatawa." Muli nitong pinilit ang sarili pero nahirapan din itong gawin iyon. Sa huli ay hindi na rin nito napigilang mapahalakhak na naging nakakatawa rin ang tunog para sa kanya. Pati si Lucille tuloy ay hindi na rin mapigilang matawa, Hanggang sa pinaandar na nito muli ang kotse ay tawa pa rin sila ng tawa. Na-realize niya tuloy na hindi naman pala masama iyon. maganda nga iyon dahil atleast nawala ang awkwardness sa nangyari kanina. Noong mga sandaling iyon ay napakagaan ng pakiramdam ni Lucille. She felt comfortable with him. Kung sana ay ganoon na sila noong simula pa lang, eh 'di okay sana. Hindi nagtagal ay huminto na rin ang kotse sa tapat ng ospital. "Kapag may nagtanong sa'yo, sabihin mo na lang, kinagat ka ng bubuyog," nanunudyong sagot nito bago siya bumababa. "Sa noo?! Nang-aasar ka pa!" natatawang sagot niya. Bumababa na siya ng kotse pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay tinawag siyang muli ni Troy. Nakababa na ang bintana ng kotse nito. "Lucille." "Hhmmmm?" "Sorry if I made you uncomfortable," tugon nito. Kahit papaano ay parang may mainit na bagay na lumukob sa puso niya dahil sa sinabi nito. Hindi naman nito kailangang humingi ng tawad pero natutuwa rin siyang ginawa nito iyon. "Okay lang," aniya. "And oh, sorry about that." Napahawak siya sa noo para ipahiwatig ang tinutukoy niya. "Okay lang. It totally happens all the time," natatawang sabi nito. "I know, right?" tugon niya saka binuntunan ng tawa ang sinabi. "Gusto mo pa rin bang malaman ang sagot ko sa tanong mo kung anong gusto ko?" "Oo." "Ikaw." Her heart seemed to fly when Troy flashed a charming smile. Pero hindi niya iyon ipapahalata kay Troy. "Charot!" sabi niya na lang. She stuck her tongue at him which made him burst into laughter. Matapos ay tumalikod na si Lucille at pumasok sa ospital. Alam niya namang tinutudyo lang siya ni Troy kaya sinabi nito iyon pero bakit ganoon? Bakit parang gusto niyang maniwala? Bakit parang nagwawala ang puso niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD