PATAWA-TAWA si Troy habang tinitingnan ang papalayong pigura ni Lucille. Hindi naman talaga gusto ni Troy na tawanan ang dalaga kaya lang ay sobrang cute nito sa paningin niya. Kung iba siguro ay maiirita siya kung aakto ng ganoon pero kay Lucille, hindi niya maiwasang maaliw. Ewan niya ba. When he's with her, he feels so light. Kanina pa nito pinapagaan ang loob niya at natutuwa siya doon.
Even her weird actions seemed amusing to him. Kaya nga kahit nasaktan din siya sa pag-untog nito ng noo sa kanya, hindi naman siya nagalit. Madali rin naman kasing nawala ang sakit dahil napalitan iyon ng pag-aalala niya sa dalaga. Nakita niya kung gaano ito nasaktan kanina at may naisip siya.
. Nag-park na muna ni Troy ang kotse at nagpunta sa cafeteria ng ospital. Humingi siya doon ng yelo at ipinalagay niya sa plastic cup.
Alam naman ni Troy na alam ni Lucille ang gagawin sa noo nito at ospital iyon, for sure ay lahat ng kailangan nito ay naroon na. Pero kahit ganoon pa man ay gusto pa ring siguraduhin ni Troy na okay ang dalaga. O baka gusto niya itong makita muli.
Nagtanong muna siya sa infromation kung nasaan ang clinic ni Lucille saka siya dumiretso doon. Naabutan niya itong tinitingnan pa rin sa salamin ang noo.
"Hello."
"He---" Pagtaas nito ng tingin ay nagulat ito nang makita siya. "Troy! Akala ko nakaalis ka na?"
"May nakalimutan ako, eh."
"Ano?" kunut-noong tanong nito. Ibinigay niya na muna ang plastic cup sa dalaga na kahit nagtataka man ay tinanggap pa rin iyon.
"I know you can take care of yourself but still, I got you some ice. Ilagay mo sa noo mo para humupa ang pamamaga. Saka patingnan mo ba rin ang leeg mo."
Hindi agad nakasagot si Lucille pero nakita niya sa reaksyon nitong parang naantig ang dalaga sa ginawa niya. Oo, maliit na bagay lang naman ang ginawa niya pero malaking bagay para kay Troy na na-appreciate iyon ni Lucille.
"Salamat," nakangiting sagot nito.
"I know it's my fault anyway," aniya. Siya itong nagsimula sa pag-agaw ng cellphone kaya muntik na silang mabanagga. He also made her uncomfortable. Napatitig lamang ang dalaga sa kanya na para bang may iniisip ito. Kaya lang ay wala rin naman itong sinabi sa loob ng ilang segundo kaya minabuti niya nang magpaalam. "O, sige. Mauuna na ako." Tumango lamang si Lucille sa kanya pero nakakailang hakbang pa lamang siya ay tinawag na siya nito.
"Troy."
"Yes?"
Kaya lang paglingon ni Troy ay may isa pa silang boses na narinig.
"Lucille."
Magkapanabay na napalingon sila ni Lucille sa bagong dating na si Thrace. Bakas ang gulat sa mukha ni Lucille samantalang pagtataka naman ang nabasa niya sa mukha ni Thrace nang makita siya.
"Thrace. Anong ginagawa mo rito? Kailan ka pa dumating?" si Lucille.
"Just a couple of hours ago. May aasikasuhin lang ako saglit rito saka babalik ako ulit ng Davao kapag naayos ko na ang aasikasuhin ko. Dumiretso na ako dito dahil may ibibigay ako sa'yo."
"Ano?"
Iniabot ni Thrace ang dalawang tickets na kinuha nito mula sa blazer nito.
"Let's watch a musical. Mamayang gabi lang ang bakante kong oras at gusto ko sanang makabawi sa'yo from the last time."
"Ahmmm..."
Bago sumagot si Lucille ay napatingin ito sa kanya. Para bang nagdadalawang isip ito sa isasagot kay Thrace. Gustuhin niya mang pigilan ito ay hindi na iyon magagawa ni Troy dahl sumumpa na siyang hindi ito papakialaman sa gusto nito.
Siguro ay nagtataka rin naman si Thrace sa nangyari kaya ay napatingin din ito sa kanya.
"Do you mind?" tanong pa nito sa kanya.
Gusto niyang mapabuga ng hangin sa tanong ni Thrace. Ano ba ang gusto nitong palabasin sa pagtatanong nito nang ganoon sa kanya? Isa pa, kahit naman sabihin niyang oo, papayag rin naman si Lucille na sumama dito dahil hindi ba ay hinihintay naman ng dalaga ang date nito kay Thrace? After all, she likes Thrace.
Nang maisip iyon ay parang may pumiga sa puso ni Troy pero tulad nga ng sabi niya ay wala siyang magagawa.
"Why would I?" kunwaring walang pakialam na wika niya. Muling napatingin siya kay Lucille at nginitian ito. "It seems like you have some catching up to do. Mauuna na ako," aniya. Tumango lang ito at matipid na ngumiti ero hindi iyon umabot sa mga mata ng dalaga.
Nagtaka tuloy kung bakit parang mukhang malungkot ito. Hindi ba't ito naman ang gusto nito, dati pa? O baka nagkamali lang siya ng tingin. Pero ang hindi niya ipagkakamali ay ang nararamdaman sa puso niya habang naglalakad siya palabas ng ospital. It felt like he had lost again to his brother.