The Night I Waited For You

1190 Words
"NILALAMIG ka ba?" tanong ni Thrace kay Lucille nang naroon na sila sa kotse para ihatid siya pauwi. Ipinagkiskis niya ang palad para uminit iyon. Ang totoo ay nilalamig siya pero ayaw niya namang magpaabala pa kay Thrace. Paano ba kasi ay bigla na lamang nagbago ang panahon. Noong umalis sila kanina ay maulap lamang pero hindi pa umuulan. Paglabas nila sa The Theatre sa Solaire ay bumuhos na ang malakas na ulan. Idagdag pa ang sobrang lakas ng aircon sa restaurant na pinanggalingan pa lang nila ni Thrace. "Hindi naman." Pero kahit tumanggi siya ay hinubad pa rin ni Thrace ang blazer nito at ibinigay sa kanya. Hininaan rin nito ang aircon sa kotse bago ito nagpatuloy mag-drive. "Salamat," sambit niya. "Sure." Pasimpleng napatingin si Lucille kay Thrace at hindi niya maiwasang purihin ang binata. He had been nothing short of wonderful this evening. He had been very attentive to her when they were inside the theatre upto this moment. Lagi nitong tinatanong kung okay siya at kung may bagay man siyang gustong hingin ay nauna na nitong ibinigay sa kanya. Napakamaginoo nitong tao at wala siyang maitulak-kabigin rito. Mula pa naman noong una silang magkakilala ay maganda na ang pagtrato ni Thrace sa kanya. Bukod pa doon ay nag-enjoy siya sa date nila. Musical plus a romantic dinner in one of the best restaurants in Manila seemed like the thing you can only see in movies but that night, Thrace made it happen. Naisip niya tuloy kung ano kaya ang nangyari sakaling natuloy sila noong first date. For sure ay masaya rin iyon. Hindi nga siya nagkamali ng nagustuhan dahil parang nasa kay Thrace na nga ang lahat. Idagdag pa na masarap din ito kakuwentuhan. Medyo seryosong topic nga lang ang pinag-uusapan nila katulad ng sa trabaho nito o sa pulitika pero okay lang din iyon dahil intelihente itong kausap. Magkamukha man ay may pagkakaiba ito sa kapatid nito. Hindi naman sa sinasabi niyang hindi matalino si Troy kundi may sense of humor ito. Seryoso lang tingnan si Troy pero kapag nakausap ito ay may itinatago itong charm. Samantalang si Thrace, palangiti itong tao pero nakikita niyang seryoso ito sa lahat ng bagay sa buhay. It's not a bad thing, though. Naaliw rin naman siya sa mga trivia nito sa kanya. Iyon na nga ang dahilan kung bakit hindi napansin ni Lucille ang oras. Kung hindi pa nagbigay si Thrace ng I.D nito bago pumasok sa subdivision ay hindi niya malalaman na naroon na sila. Maya-maya nga ay inihinto na nito ang kotse malapit sa bahay niya. "Nandito na tayo," anunsiyo ni Thrace. "Yeah. Thank you for tonight," nakangiting sagot niya. "You're welcome," tugon nito. "Pero sorry pala. Wala akong payong. I actually forget to bring it every time. Di ko rin naman kasi inaasahang uulan." Napakamot ito sa ulo at tila napahiya. "Okay lang. Tatakbuhin ko na lang. Malapit lang naman." "Sigurado ka?" nagdududang wika nito. "Oo naman. Mabilis akong tumakbo," nakangising sagot niya. "Sabi mo, eh." Bumeso sa kanya si Thrace at nagpaalam. Bagaman ay hindi niya inaasahan ang ginawa nito, parang naging natural lang kay Lucille ang bagay na iyon. Wala siyang naramdamang kakaibang kilig pero nakaramdam siya ng parang mainit na bagay na lumukob sa puso niya. He was so gentle that it warmed her heart. "Sige. Alis na ako." Binuksan ni Lucille ang pinto ng kotse at naghanda na siyang tumakbo. Itinaas niya ang dalang bag sa ibabaw ng kanyang ulo para kahit papaano'y maprotektahan siya sa ulan. Pero bago pa man siya makaalis ay bigla na lang may lalaking tumambad sa harap niya at may hawak na payong. Nagulat si Lucille nang makita ito. "Troy," si Thrace na ang sumagot mula sa loob ng kotse. Tiningnan ni Troy si Thrace nang may intensidad. Sa totoo lang, kapag nagpapang-abot ang dalawa ay laging may tensiyon na namamagitan sa mga ito kahit hindi man magsalita ang mga ito. Ganoon rin ang naramdaman ni Lucille kanina nang magpang-abot ang dalawa sa ospital kanina. Kaya nga sobrang pagkakailang ang naramdaman niya dahil kailangan niya pang sagutin ang tanong ni Thrace sa harap ni Troy. Alam niyang wala siyang rason para ma-guilty pero iyon talaga ang naramdaman niya kanina. Kaya lang kasi ay nakonsensya siya dahil kaya nga niya tinawag si Troy ulit ay para ayain sana itong lumabas matapos ang trabaho niya kaso naman ay kay Thrace pa siya sumama. Pero kung sakaling wala si Thrace doon ay itutuloy niya ang pag-aya kay Troy. Hindi naman iyon date. Wala namang malisya iyon sa kanya. Naisip niya lang na pasalamatan din ito dahil sa pag-aalala nito sa kanya kanina. Hindi niya inaasahang babalik ito para siguraduhing okay siya at natunaw ang puso ni Lucille dahil sa ginawa ni Troy. And speaking of Troy, tumingin muli ito sa kanya at nagsalita bago pa man siya makapagtanong. "May binili lang ako sa 7-11 sa labas. Nakita kita kaya isasabay na kita," anito. "Huwag na. Okay lang ako," aniya. "Huwag mo naman sanang ipagkait sa akin na gawin ito." Kinuha na nito ang bag mula sa kanya at pinayungan siya. Dahil wala na ring magawa ay sumabay na siya sa binata. Wala itong sinabi sa kanya at tahimik silang naglakad papunta sa bahay niya. Napatingin na lamang siya sa binata habang naglalakad sila. Hindi rin naman yata nito napapansin iyon dahil mukhang may mas malalim itong iniisip. Pero si Lucille, napapansin niya ang lahat sa binata. Nakita niya pa ngang basa na ang kabilang balikat nito dahil medyo maliit ang payong sa kanila. Nagtaka pa siya dahil mukhang basang basa na iyon na para bang matagal na itong nasa labas. Nakaramdam si Lucille ng pag-aalala pero hindi niya na ito sinita o kinuwestiyon dahil magagalit lamang si Troy sa kanya sakaling gawin niya iyon. Lihim na lang siyang nagpasalamat na kahit pa ito na ang mabasa ay hindi na nito iyon alintana para lamang maihatid siya bahay niya. Parang lumambot ang puso niya dahil naisip pa nitong magmalasakit sa kanya kahit si Thrace ang pinili niyang samahan kanina. "Salamat," sabi niya nang makarating na sila sa bahay niya. "Walang anuman," matipid na sagot nito. Napatitig ang binata sa kanya na para bang may gusto itong sabihin pero sa huli ay hindi nito nagawa iyon. Sa totoo lang ay parang gusto niya itong tanungin kung anong bumabagabag sa isip nito. Gusto niyang makausap ito pero ayaw naman ni Lucille na isipin ni Troy na masyado siyang usyusera. Hindi niya rin maintindihan pero parang gusto niyang humingi ng tawad na sumama siya kay Thrace kahit alam niya namang hindi dapat. "Nandiyan pa ba si Tilly sa'yo?" tanong niya para mabasag ang katahimikan. Mukha kasing wala na itong balak magsalita ulit. "Wala na. hinatid ko na siya kaninang umaga sa mga magulang ko. Nandiyan na rin naman si Thrace kaya susunduin na rin naman iyon ng tatay niya." "Right," "O, pano? Good night." "Good night," wika na lang niya. Tinalikuran na ni Troy si Lucille pero hindi pa rin siya pumapasok ng bahay. Nanatili lamang nakatitig si Lucille sa papalayong pigura ng binata. Bakit ganoon? Bakit parang gusto niya pang makausap ito?! Pero weird din naman kung gagawiniyon ni Lucille lalo pa at mukhang bad mood rin naman si Troy.Napabuntung-hininga na lang siya at ipinagsawalang bahala ang lahat. Itutulogniya na lang iyon. After all, it had been a long day.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD