HINDI mapakali si Neela habang nakaupo sa shotgun seat ng sasakyan ni Santi. Talagang nagmatigas ito noong sabihing ihahatid siya nito pauwi. Not that she's complaining or anything. Ang totoo ay kinikilig pa nga siya kaya halos hindi siya makakibo kahit na ramdam niya ang maya't mayang pagsulyap ni Santi sa kanya. Neela cleared her throat. "D-D'yan sa may pangatlong bahay lang," aniya saka alanganing sinulyapan si Santi. Their gaze met, and it stayed for more than a couple seconds before Neela decided to look away. Namula ang pisngi niya kaya iniyuko niya ang kanyang ulo, nais itago kay Santi ang naging reaksyon niya. "That one?" seryoso ngunit tila may munting himig ng lambing nitong tanong sa baritonong boses. Neela gently nodded. "Y-Yes." Santi parked his car outside. Nauna itong l

