Kabanata 1
PIGIL na pigil ni Neela ang kanyang mga luha habang nakatingin sa namumulang mga mata ng kanyang among babae. She's been with this wonderful family for ten years. Mabait ang mga ito sa kanya kaya naman ngayong nalaman niyang magma-migrate na ang mga ito sa New Zealand ay naghahalo ang saya at lungkot sa kanyang puso.
Mrs. Lastimosa sniffed. "Huwag kang mag-alala, Neela. May nahanap na kaming lilipatan mo." Hinawakan nito ang kanyang kamay saka iyon marahang piniga. "Hindi namin hahayaang mawalan ka ng trabaho. Mas malaki rin ang sasahurin mo sa bago mong papasukan."
Basag siyang ngumiti. "Salamat po, Ma'am." She wiped the tears on the corner of her eyes. "Masaya po ako para sa inyo. Sadyang nalulungkot lang po ako kasi napamahal na po kayo sa akin."
"Oh, you sweet thing." Hinaplos nito ang kanyang pisngi. "Ikaw rin, Neela. Para ka na rin naming anak kaya masakit din sa amin na kailangan ka naming iwan."
"Naiintindihan ko po, Ma'am."
Alam naman niyang matagal nang nagpaplano ang mag-asawang mag-migrate dahil karamihan sa mga kaanak ng mga ito ay nasa New Zealand na. Natagalan lamang ang pagproseso ng mga ito ng papeles dahil buong pamilya mismo ang lilipat ng ibang bansa.
The family is expected to leave the country next week. Kaya ngayong araw ay ihahatid na siya ng mag-asawa sa bago niyang magiging amo.
Neela packed her stuff with tears in her eyes. Halos lahat ng gamit niya ay bigay ng mag-asawa. Tuwing kaarawan niya o kaya ay mayroong okasyon ay nireregaluhan siya ng mga ito ng mga bagong damit o ibang bagay na magagamit niya.
Palibhasa ay alam ng mag-asawa na dumidiretso sa probinsya ang lahat ng sinasahod niya kaya hindi niya magawang gastusan ang sarili.
"Ate Neela, sasama ka nalang, please?" pangungulit ng alaga niyang si Victor. Ang pitong taong gulang na bunsong anak ng mag-asawa.
Hinaplos niya ang pisngi ni Victor saka siya basag na ngumiti. "Hindi pwede, Victor. Huwag kang mag-alala. Hindi ba binilihan ka na ng cellphone? Kapag may oras ako ay tatawagan kita palagi."
Nalulungkot na yumakap sa kanya ang kanyang alaga. Ang ate naman nitong si Avi ay nagkulong na sa kwarto nang hindi makita ang pag-alis niya. Kagabi pa ito iyak nang iyak nang sabihin ng mga magulang na hindi pwedeng sumama si Neela sa New Zealand.
It is so hard for her to bid goodbye to the Lastimosas. Minahal siya ng mga ito na parang kapamilya at ganoon din siya. Para tuloy nababasag ang puso niya habang isinasakay ni Mr. Lastimosa ang bag niya sa trunk ng kotse nito. Nakayakap naman si Victor sa kanyang baywang. Tila ayaw siyang paalisin.
Neela sniffed. "Mag-aaral kayong mabuti ni ate Avi, ha? Mahal ko kayo."
Victor cried. Naaninag naman ni Neela ang katorse anyos na si Avi na nakasilip sa pinto. Nangingilid ang mga luha nito na tila hindi kayang magpaalam sa kanya.
Neela flashed a broken smile before she offered her hand. Avi walked towards her and hugged her. Nag-iyakan sila ng mga alaga niya kaya hindi na rin napigilan ng mag-asawang Lastimosa ang maluha.
Oh, she loves this family so much but she wishes them nothing but a better life.
Mabigat ang dibdib na sumakay ng kotse si Neela. Panay ang singhot nila ng amo niyang babae dahil kahit nasa byahe na patungo sa bago niyang papasukan ay hindi matigil ang kanilang mga luha.
Halatang naaawa rin sa kanya si Mr. Lastimosa kaya lang ay wala rin naman itong magagawa. Neela has no proper documents. Kahit gustuhin ng mga ito na bitbitin siya ay hindi pwede.
The car pulled up in front of a large scandinavian home inside one of the most expensive subdivisions in the metro. Halos triple ang laki ng tahanan kumpara sa bahay ng mga Lastimosa. Medyo kinabahan tuloy si Neela. The Lastimosas are new money people who came from humble beginnings. Paano kaya nakilala ng mga ito ang bago niyang amo?
"Dito ang bahay ni Sir Santiago Carbonel, Neela. Siya ang nakabili ng kumpanya namin," balita ni Mr. Lastimosa habang inaayos nito ang pagkakaparada ng sasakyan.
Santiago Carbonel? Mukhang matanda na ang kanyang magiging bagong amo, ah? Pangalan pa lamang ay halatang masungit na! Napalunok tuloy siya.
She went out of the car. Kinuha naman ni Mr. Lastimosa ang kanyang bag saka sila nagtungo sa gate. Pinindot nito ang doorbell. They waited for someone to open the gate for them. Hindi naman nagtagal ay isang may edad nang katulong ang lumabas upang papasukin sila sa loob.
"Nasa opisina lamang si Sir Santi. Ipapaalam kong naririto na kayo," anang katulong matapos silang dalhin sa isa sa mga sala.
Halos malula si Neela sa laki ng lugar. Nalilito rin siya dahil dalawang sofa set ang nasa loob. Iba pa iyong nasa porch na malapit sa infinity pool.
"Ang ganda talaga ng bahay ng mga Carbonel, honey," bulalas ni Mrs. Lastimosa.
"Oo nga, honey. Kung sabay, pinakamayaman ang pamilya nila sa bansa. Hindi na nakapagtataka."
Tumikhim si Neela. "Sir? Ano hong negosyo ng bago kong amo?"
"Marami, Neela. 'Yong kumpanya ko, imi-merge lang naman niya iyon sa existing company niya na sinimulan niya last year. Isa siya sa may-ari ng Carbonel Brewery Corp. at biggest share holder ng Carbonel Refinery Corp."
Bahagyang umawang ang mga labi ni Neela. "S-Sikat ho iyon, 'di ba?"
"Oo, Neela. He's a very busy man kaya baka ang maging pinakatrabaho mo lang ay ang asikasuhin ang mga anak niya."
Kumunot ang noo ni Neela. "Asikasuhin po? Ilang taon na ho ba ang mga anak niya?"
"Ang alam ko ay mas bata kay Victor ang dalawang bata. Kamamatay lamang ng asawa ni Mr. Carbonel noong isang taon kaya-"
Natigil ang sinasabi ni Mr. Carbonel nang marinig nila ang yapak ng katulong. The old lady looked at Mr. and Mrs. Lastimosa with a cold expression, making Neela feel uneasy with the maid's facade. Tila istrikta ito kaya kinakabahan lalo si Neela.
"Maaari na ho ninyong iwanan si Miss Aurello. Si Sir Santi na ang bahalang kumausap sa kanya."
Dumagundong ang dibdib ni Neela nang tuluyang tumindig ang mag-asawang Lastimosa. Niyakap pa siya ni Mrs. Lastimosa bago nagpaalam ang mga ito.
Neela held her bag a bit tighter as she tried to keep her eye-contact with the maid. She tried to smile at her but the old lady just pointed her bag.
"Iwan mo muna iyan diyan at sumama ka sa akin. Gusto kang makausap ni Sir Santi bago kita ihatid sa tutulugan mong kwarto," malamig nitong sabi.
Kinakabahang inilagay ni Neela sa sofa ang bag niya saka siya sumunod sa matandang babae. Nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya habang nangangatog naman ang mga tuhod niya dala ng matinding kaba.
The old lady brought her inside a large study room filled with lots of books and has floor to ceiling glass windows. May malaking painting ng waterfall sa pader na malapit sa malapad na desk, ngunit ang pinakanakakuha ng atensyon ni Neela ay ang lalakeng nakatayo sa harap ng glass window at nakatanaw sa labas.
Neela swallowed the pool of saliva in her mouth as she studied the man. He's probably six foot and a few inches tall. Postura at hulma pa lamang ng katawan ay alam na niyang hindi ito basta-basta. His white polo fits hits body very well, defining his sexy back. Ang manggas ay maayos na nakatiklop hanggang sa baba ng magkabila nitong siko.
"Sir Santi, narito na ho ang bagong katulong," anunsyo ng matandang babae.
She saw the man's shoulders went up and down as if he took a deep breath. "You may now leave us, Nana Sheryn," he said in his deep and manly voice before tilting his head to look at Neela with his cold brown eyes.
Muntik na yatang tumalon palabas ng dibdib niya ang puso ni Neela nang matitigan ang mukha ng bago niyang amo. His features are sharp. Even the way he purses his thin lips and the way he looks at her made her tremble.
Yes, she's scared of him but there was something else that caused her knees to feel so weak. Hindi lamang niya mapagtanto kung ano ang isa pang dahilan dahil tila ayaw gumana ng utak niya habang nakikipagtitigan sa lalakeng tantya niya ay nasa higit trenta ang edad.
The guy watched her like a vulture waiting to attack. Naglakad ito patungo sa swivel chair at naupo nang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Naestatwa naman si Neela sa kanyang kinatatayuan. Hindi alam kung ano ang gagawin matapos silang iwanan ng katulong.
She swallowed when she saw the guy tightened his jaw. His brows twitched a bit as if he's getting irritated by something.
"Do I still need to drag your ass or you're gonna take a seat so we can begin?" masungit nitong tanong na nakapagpakabog nang husto sa dibdib ni Neela.
Napaiwas siya ng tingin. Hiyang-hiya rin siyang lumapit sa visitor's chair na nasa harap ng desk nito.
"S-Sorry po."
The guy sighed. "I don't like clumsy, stupid, talkative, nosy, and people with no common sense. If you wanna keep your job, make sure you will never give me any headache."
Kabadong tumangu-tango si Neela. "O-Opo, Sir," sagot na lamang niya kahit medyo nahirapan siyang intindihin ang mga sinabi nito dahil diretsong Ingles.
"Number two, you need to wake up at five to prepare breakfast. Then you have to help Smyralda and Santino get ready for school. They have to be dressed before seven o'clock-"
"S-Sir," takot na pigil ni Neela sa sinasabi ng bagong amo.
Irritation immediately flickered in Santiago's eyes. Maging ang panga nito ay umigting dahil sa ginawa niya.
"What?" inis nitong tanong.
Hiyang-hiya na sinalubong ni Neela ang tingin nito. "H-Hindi ho ako m-magaling mag-Ingles."
Santiago shut his eyes as he drew in a sharp breath. Napayuko na lamang si Neela nang kainin ng hiya. Pakiramdam niya ay anumang oras ay bigla na lamang siya nitong lalamunin nang buhay kaya ihinahanda na niya ang sarili niya.
"Fine," Santi said under his breath. "Kailangan mong magising ng alas singko para ipaghanda kami ng almusal. Ikaw rin ang tutulong sa mga anak kong maghanda para sa pagpasok. Ako lamang ang maghahatid at susundo sa kanila. Kapag may dumating at wala akong ibinilin sa'yo, hinding-hindi ka magbubukas ng pinto at tatawagan mo kaagad ako. Naintindihan mo na ba?"
Neela nervously nodded. "O-Opo. S-Salamat po-"
"Hindi ako palaging mag-a-adjust sa'yo so learn to understand what I am saying before I run out of patience. If only we're not in need of a new maid, hindi kita pagtyatyagaan."
Napalunok na lamang ng sariling laway si Neela. Hindi niya gaanong naintindihan pero dama niya ang punto ng lalake.
"Opo, Sir." She tried to look him in the eye. "Ang paglilinis ho? May toka ho bang lugar?"
"You'll be our only maid starting next week, pero hindi kita tatawaging katulong sa harap ng mga anak ko kaya bago mo pirmahan ang kontrata, siguraduhin mo munang magiging kumportable ka sa itatawag sa'yo nina Santino at Smyralda."
Napakurap siya. "A-Ano ho ba ang . . . itatawag nila sa akin?"
Santiago pushed the contract towards her. The part about her monthly salary was already highlighted as if Santi wanted her to see it immediately.
"Fifty thousand for doing the chores, the other fifty for letting my kids call you mommy." Sumandal ito sa swivel chair habang seryosong nakatitig sa kanya. "Take it or leave it, Miss Aurello . . ."