Kabanata 2

1800 Words
"MR. CARBONEL." Santiago grunted after seeing the same reporter again. Talagang yatang hindi siya titigilan ng babae hangga't hindi siya nagbibigay ng interview rito. He walked faster to his car but the woman doubled her steps to catch him. "Mr. Carbonel, ano ang masasabi mo sa balitang may foul play ang-" "It's been two years, lady." He unlocked his car and gave the woman a cold stare. "Get over it." "Hindi ka ba na-" Santiago didn't hear the rest of what the woman was saying. Pumasok na siya sa kanyang sasakyan at kaagad na binuhay ang makina. The woman kept knocking on her window but Santiago acted as though he doesn't see her. Wala siyang panahon para sa reporter na wala namang ibang ginawa kun'di sirain ang imahe niya sa bawat balitang isinusulat nito. He used one hand to steer the wheel while the other to dial his friend Lennon's number. "Santi," bungad nito sa kanya. "You found him?" tanong niya habang papalabas ng basement. "Yeah. Ano ang gagawin?" "Bring him to the old warehouse. I'd like to have a quick talk." Mahinang humalakhak si Lennon. "You had a bad day, hmm?" Santi heaved a sigh. "Quite." "Alright, mate. Destress all you want then." Pinatay ni Santi ang tawag bago niya iniba ang kanyang daan. Tinahak niya ang patungo sa lumang warehouse ng Carbonel Brewery sa may Bulacan. He parked his car outside and then went out to lean on his car. Hindi nagtagal ay natanaw na niya ang paparating na van. Lennon's men went out first to grab the keys for the warehouse. Binuksan ang malalaking pinto at ipinasok ang van bago muling isinarado ang steel doors. The lights went on before Lennon dragged a familiar guy out of the van. Nakatali ang mga kamay ng lalake habang may piring naman ang mga mata. Lennon flashed a smirk. "He's all yours." Inabutan siya ng kaibigan ng leather gloves. Nang maisuot iyon ay lumapit ang tauhan ni Lennon upang ibigay sa kanya ang handgun. The guy startled after hearing Santi c**k the gun. Tila kahit nakapiring ay ramdam nito ang galit na nananalaytay sa katawan ni Santi. "It's been a while, Wayne." Tumalungko si Santi at ihinaplos ang nguso ng baril sa pisngi ng lalake. "You ready to give me the tape, hmm?" Nanginginig sa takot na inilayo ng lalake ang mukha sa baril. "S-Sir Santi, parang awa na ho ninyo. Wala ho talaga akong alam. Sina Romyl ho ang nagtakbo ng-" "Until when are we going to drink in circles, hmm? You guys think you can fool me forever?" Hinawakan niya ang buhok nito saka niya itinutok ang baril sa bandang baba ng lalake. "You know my patience isn't that impressive, Wayne." Lumuluha itong umiling. "Sir, maniwala ka ho sa'kin. Wala talaga akong alam. Nadawit lang ako-" Pumalahaw ang lalake nang paputukan ni Santi ang binti nito. His blood stained the dusty concrete floor but Santi didn't give a damn. "I'm gonna ask you one last time, Wayne. Where the hell did you hide it?" kalmado ngunit nagbabantang tanong ni Santiago. The guy sobbed in both pain and fear. "N-Naibenta h-ho ni J-Jassel ng sampung milyon pero sila lang ni Romyl ang nakakaalam kung sino ang buyer-" "That means you're useless to me now, hmm?" "Huwag, Sir! Sir, parang awa mo na. T-Tutulungan kitang hanapin at bawiin ang tape! Parang awa mo na! Parang awa mo na, Sir parang awa mo na . . ." Humagulgol na ito nang husto kaya lalong nairita si Santi. Dahil naririndi na ay tumindig si Santi saka niya ipinasa ang baril kay Lennon. "Should we give him a chance to miraculously redeem himself?" Lennon asked then chuckled softly. Santi sighed. Hinubad niya ang gloves at ipinasa sa tauhan ni Lennon. "Give him a week. If he wouldn't fulfill his promise, make sure you feed every f*****g bone in his body to your crocs." Tumawa si Lennon. "Looks like my babies won't have chicken next week then." Umismid na lamang si Santi bago na naglakad palabas. Ipinagbukas siya ng mga tauhan ng pinto at hinintay na makasakay ng kanyang kotse. He was about to start his car when his phone rang. Dinukot niya iyon sa bulsa ng kanyang coat at tiningnan kung sino ang tumatawag. Santi breathed in deeply before he answered his daughter's call. "My princess . . ." "Hi, Daddy! Uhm, you comin' home na? Kasi Mommy Neela po is sleepin' on dee fwloor, eh. Endi siya wake up?" Kumunot ang noo ni Santi. "Why? What happened before she slept on the floor?" "Hmm, nikaen kami po ng nuts en den she cambwreathe na, eh. Daddy, come home na en den kiss na mommy Neela parang pwrincess?" "s**t!" wala sa sariling napamura si Santi bago dali-daling binuhay ang makina ng sasakyan. Smyralda gasped. "Daddy, you say bad wowrd!" "I'm sorry, princess." He sighed. "Listen, I'll head home now. Just stay still until I get there." "Hmm, okay daddy! Awavyu!" "Love you, too princess." Pagkababa ng tawag ay mabilis na pinatakbo ni Santi ang kotse para lamang makauwi kaagad. He called for an ambulance on his way home but found out that the medics couldn't come in because his kids wouldn't let them. "Sowy! Daddy lang pede kiss sa Mommy po! Aym sowy! Tino, say sowy din!" dinig ni Santiago na sabi ng anak na si Smyralda sa gate intercom. "Sweetie, hindi kiss ang magpapagaling sa mommy n'yo. Gamot kaya please open na ang door?" dinig niyang pakiusap ng tila head ng medics. "Hmm, no po! Sabi ng mommy, eh si Snow White eh ni-kiss ng pwrince po! Wait lang ang daddy po. Byebye!" "Jesus," he sighed before he went in and unlocked the door. Sumunod naman sa kanya ang medics para maasikaso ang inatake ng allergy na si Neela. Smyralda looked at him. "Daddy, I chold you na, eh kiss lang sa mommy para wake up na, eh!" Tumingin ito sa nakababatang kapatid. "Sabi mo rin, Tino para miwala na si Daddy." Santino looked up while biting his index finger. Hinaplos naman ni Santi ang buhok ng limang taong gulang na anak bago siya bumaling sa panganay niyang anim na taong gulang. "Esme, mommy needs meds for her allergies. My kiss wouldn't wake her up. It just works in fairytales because it's fiction." Humaba ang nguso ng kanyang anak. "Hmm! Daddy, nevewr kiss si Mommy." Santi sighed. Of course he would never do that? Neela is just a hired homemaker. Binabayaran lamang niya ito upang tumayong nanay sa mga anak niya. It doesn't mean they have to be a real deal as well. Idinala na lamang ni Santi ang mga anak sa playroom ng mga ito. Nagbilin din siyang huwag munang lalabas hangga't hindi niya tinatawag. He went downstairs after leaving his kids at the playroom. Sakto namang nagbalik na ang malay ni Neela nang makalapit siya sa mga ito. "Nahihilo ako, Sir Santi," ani Neela. Gumuhit ang iritasyon sa mukha ni Santi. "Why the f**k did you even eat nuts if you're allergic to it?" "Ulit, sir hindi ko gaanong naintindihan." Santi grunted. "Ang sabi ko bakit ka kumain ng nuts kung allergic ka, Neela?" "Hindi ko kasi alam, Sir na allergic pala ako." Groggy pa itong ngumiti at nag-peace sign. "Sorry na, Sir. Hindi na ulit ako kakain ng mani. 'Yong kaya ko lang kasi kainin noon 'yong nilalaga sa palengke o kaya 'yong sinasangag. Kanina lang ako nakatikim no'ng ano nga 'yon? Pinocchio?" Santi quenched his eyes. Sinusubok na naman ang pasensya niya! He sighed. "Pistachio not Pinocchio." Bakit nga ulit isang taon na ito sa kanya kahit na puro sakit ng ulo ang inaabot niya rito? Right. Mabilis nakuha ng dalaga ang loob ng mga anak niya. She helped his kids cope up with their mother's death. Bumalik ang sigla ng mga anak niya kaya kahit palagi na lamang napapainit ni Neela ang ulo niya ay hindi niya ito masisante. He shook his head before he helped her get up. Ngunit dahil nahihilo pa ito ay hirap tumindig nang mag-isa. Wala tuloy siyang nagawa kun'di ang buhatin ito. Neela's eyes widened and her cheeks suddenly turned red as Santi carried her in a bridal way. Nagpasalamat siya sa medical team na tumulong sa kanila. Nang makaalis ang mga ito ay idinala niya ang namumulang parang kamatis na si Neela sa silid nito sa itaas. Santi noticed how Neela tried to sniff his armpit while they were taking the stairs. Napataas tuloy siya ng kilay. Ano bang ginagawa ng babaeng ito? "I don't have body odor, Neela," seryoso niyang sabi. Napatigil ito sa ginagawa at nanlalaki ang mga matang tumingin sa kanya. "P-Po?" "You were smelling my armpit. I said I don't have body odor." "Ay." Nagpigil ito ng ngiti. "Nakita mo pala, Sir. Hindi po. Hindi ko sinasabing may body odor ka. Lagi ka ngang amoy baby, I mean daddy ay--" Napatakip ito ng bibig at lalo pang pinamulahan. "Basta mabango ka, Sir." Santi heaved a heavy sigh while he's giving her a side eye. "When will you stop giving me headaches," he murmured. Pagkarating nila sa pangalawang palapag ay lumabas ng silid ang dalawang bata. Esme saw him carrying Neela. Kaagad umaliwalas ang mukha nito na tila kinilig makitang buhat niya ang pekeng mommy ng mga ito. "Tino! Tino, daddy kewry na mommy!" Esme giggled. "Daddy, kiss din mommy pwlease?" "Esme . . ." "Pwlease, daddy?" pakiusap nito. May pagsalikop pa ng mga kamay na nalalaman. Stressed na stressed na talaga si Santi ngayong araw kaya para lamang tumigil na ang anak niya sa pangungulit at pinatakan niya ng halik ang pisngi ni Neela. Bigla naman itong naestatwa habang namumula ang pisngi. Maya-maya ay nagmamadali itong umalis mula sa pagkakabuhat niya. "Will you wait-" Hindi na naituloy ni Santi ang pagrereklamo sa ikinilos nito dahil hindi niya alam kung maiinis ba siya o maaawa nang maumpog ang ulo nito sa pader dahil sa kamamadaling makapunta sa silid nito. "Mommy!" tawag ni Esme. "W-Wait lang, baby! N-Natatae na ko!" sigaw nito. Nang mapagtanto ang huling nasabi ay nanlalaki ang mga mata itong tumingin kay Santi. "I-Ibig kong sabihin na-naiihi! Oo, n-naiihi lang!" He quenched his eyes on her. Does he look like he give a damn if she really wants to do a business or not? Neela slammed the door shut. Maya-maya ay bigla na lamang silang nagulat ng mga bata nang makarinig ng tili sa loob ng silid ni Neela. Hindi pa roon natapos. Talagang sumigaw pa ito na tila kinikilig. Akala yata ay hindi nila maririnig. "Ahhh, Lord! Kiniss niya ko, Lord! Pwede n'yo na kong kunin, Lord! Humaygad, Lord!" Santi shut his eyes and massaged his temple as he let out a heavy sigh. Maling desisyon yata talagang tinanggap niya ito sa pamamahay niya .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD