Kabanata 3

1923 Words
"MAGANDANG umaga, Sir Santi!" masiglang bati ni Neela sa kanyang amo nang pumasok ito sa kusina. Santi just nodded in a bored way before he pecked kisses on top of his kids' heads. Sanay naman na si Neela sa ganoong pakikitungo ni Santiago sa kanya. Higit isang taon na rin siyang nagtatrabaho rito kaya nakuha na niya ang ugali ng amo kaya kahit magsungit ito maghapon ay hindi na siya naaapektuhan. Hindi lamang pala nakuha. She also learned to develop feelings for him. Paano ay kahit ubod ito ng sungit ay masasabi niyang marami pa rin itong magandang qualities. Santiago is a huge reader. He teaches her things she didn't know. He lets her borrow books in his study room so she can broaden her knowledge. Minsan kung may mali siya ng pagkakabanggit na salita ay itinatama nito. Isang bagay pang nagustuhan niya rito ay masungit ito sa ibang tao ngunit napakalambing at maalagang ama kina Esme at Tino. No matter how busy Santi is, he always makes sure that he's the one taking his kids to school and picking them up. Kapag may affairs sa eskwelahan ay dumadalo rin ito. Kapag nasa bahay naman, oras na maglambing ang dalawang bata ay talagang itinitigil ni Santi ano man ang ginagawa para bigyan ng atensyon ang mga anak. Hindi lamang iyon. Santi cares. There was a time that Neela had a high fever due to UTI. Binantayan siya nito sa ospital kahit na pagod ito sa opisina. Sinungitan man siya ng amo ay mas inintindi ni Neela ang pag-aalala nito para sa kanya. Doon yata nahulog ang loob niya sa kanyang amo, at magmula no'n ay lumalim na nang lumalim ang nararamdaman niya para rito. Neela placed a plate in front of Santi. Siya na rin ang naglagay ng pagkain sa plato nito gaya ng nakasanayan. "Kumain ka na rin," Santi said in a cold way before he held his utensils. "Daddy, sasabi ng teachewr po I will join po sa Littew Miss U-ayted Eyshon," balita ni Esme sa ama habang hawak ang tinidor na may hotdog. Nakangiting pinagmasdan ni Neela ang mag-aama. Her heart melted after seeing Santi push Esme's hair towards the back so the little girl could eat with ease. "Really? When is it so I can free up my schedule, baby," ani Santi sa anak. Tumingin si Esme sa kanya. "Mommy, ano sabi ni Teachewr ulit po sa meshej po?" Nagkatinginan sila ni Santi. "Uh, sa susunod na buwan pa naman, Sir. Wala pang final date pero sabi ng teacher pili na ng bansa para kay Esme nang matingnan kung may kapareho." Marahan lamang na tumango si Santi. Maya-maya ay nagtinidor ito ng hotdog at inilagay sa kanyang plato. Siguro ay napansin nitong tinitipid na naman niya ang ulam niya. "Eat up. I can't keep taking you to the ER," masungit nitong sabi. Nagpigil ng ngisi si Neela. Nakakainis! Kahit wala namang nakakakilig ay parang nagwala na naman ang mga bubuyog sa tiyan niya! Basta talaga si Santiago ang nagpakita ng concern sa kanya ay parang gusto niyang maging kiti-kiti! Sinunod niya ang utos nito. She ate a lot and then helped the kids get ready for school while Santi went to his room to prepare himself for work. "Mommy, sh-sh-" Tino breathed in deeply. "Sh-Shoes?" Neela gasped then clapped her hands. "Ang galing ng Tino namin! Isa pa, baby!" Tino shyly smiled. "Sh-Shoes?" Ewan ba ni Neela pero ang laking bagay talaga para sa kanya kapag nagagawang magsalita ng bunsong anak ni Santiago. Hindi niya alam kung bakit hirap pang magsalita nang tuwid ang mga ito lalo na si Tino na bilang lamang ang mga kayang sabihin ngunit ang sabi ng guro ay maaaring dahil sa maagang pagkamatay ng nanay ng mga ito. Amanda Carbonel's death was suspicious according to the news she had read online. They said Mrs. Carbonel died on a plane crash, along with her two bodyguards, the pilot and the stewardess. Engine failure umano ang naging dahilan ng pagkamatay ng ginang ngunit maraming ispekulasyon na hindi iyon totoo. Na pinatay talaga ang asawa ni Santiago at ayaw lamang iyong aminin ni Santi sa press. May nakapagsabi pang alam ni Santiago ang mangyayari sa asawa kaya nagpaiwan ito at ang mga bata upang hindi madamay. Some people even think that Santi was the reason for his wife's death. Na baka may ginawa umano si Mrs. Carbonel kay Santi kaya ito pinapatay ngunit ayaw iyong paniwalaan ni Neela. Sometimes she still hears Santi in his study room, sounding like he's talking to his late wife when he's drunk. "Anong shoes ang gusto mong isuot ngayon, baby?" tanong niya kay Tino. Itinuro ng paslit ang paborito nitong black shoes. Kinuha naman iyon ni Neela at isinuot sa bata bago niya sinimulang ayusin ang buhok ni Esme. The little girl wanted a braid so Neela did her best to give Esme what she wanted. Tuwang-tuwa naman ito kaya nakayakap pa sa kanya nang pumasok si Santi sa silid. Neela noticed Santi's gloomy expression while watching her and the kids. Tila ba nalulungkot ito sa hindi niya malamang dahilan. Madalas naman ay ganoon. Tuwing masaya ang mga bata kapag kasama siya ay napapansin niyang gumuguhit ang lungkot sa mga mata ni Santiago. Iniisip na lamang niyang naaalala lamang nito ang yumaong asawa. "I have a very important business meeting later. Hindi ko sila masusundo kaya ikaw ang pupunta ng eskwelahan." Santi grabbed Esme and Tino's bags. "Lennon will send someone to drive for you." "Uhm, Sir pwede ho siguro mag-taxi na lang para hindi makaabala-" "It's not safe. How many times do I have to tell you to never take a cab when you're with my kids?" halatang naiirita nitong tanong. Napayuko na lamang si Neela. Oo nga pala. Hindi na naman siya nag-iisip. Mayaman si Santiago. Posibleng may magkainteres sa mga anak nito kaya naiintindihan niya kung bakit ganito ito. "S-Sorry po. Nakalimutan ko po," nahihiya niyang sabi. Santiago sighed. "Darating si Rome mamayang alas nuebe. Ibigay mo sa kanya ang envelope na iniwan ko sa study," bilin nito bago tuluyang lumabas ng silid kasama ang dalawang bata. Esme and Tino waved her goodbye. Bumuntot naman si Neela sa mag-aama. She also waited for them to leave so she can close the gate. Pagkaalis ng mga ito ay nagsimula na siya sa mga pang-araw-araw niyang gawain. Neela was putting the trash in the bin outside the home when she heard a familiar voice. "Neela! Friend!" masiglang tawag ni Bechay. "Uy! Nakabalik ka na pala!" Lumapit sa kaibigan si Neela para makipagkwentuhan. "Kailan ka bumalik?" "Noong nakaraang araw lang. Hindi kita matyempuhan. Bibigyan sana kita ng danggit na galing sa probinsya." Tinapik nito ang kanyang braso. "Kumusta? Nagkalampagan na ba kayo ni Sir Santiago?" Uminit ang pisngi ni Neela. "Uy, hindi ah! Ikaw talaga." Humalakhak ito. "Baka tigang na tigang na 'yang boss mo. Sabi ko naman sa'yo minsan magsuot ka rin ng sexy na damit, eh! Paano mo mararating ang ikapitong langit niyan?" Ngumuso si Neela. Oo, may gusto siya sa kanyang amo pero hindi niya naman ito balak akitin. Hindi naman siya ganoong uri ng babae. Isa pa baka mamaya ay isipin nitong inaakit niya ito para makaahon siya sa kahirapan. Sapat na sa kanyang may lihim siyang pagtingin dito. Imposible rin namang mahulog ang loob nito sa kanya. "Ay, ano ka ba, Bechay okay na ako na araw-araw kong nakikita si Sir Santi." "Asus!" Umismid ito. "Kapag ikaw nakaranas na tumirik ang mga mata, ewan ko na lang kung hindi mo hanap-hanapin!" Lumapit pa ito saka siya tinusok sa tagiliran. "Aminin mo. Ang sarap-sarap ng boss mo. Ma-muscle-muscle, gwapo, saka parang nakakakiliti ng kiffy ang patubong balbas!" Uminit lalo ang mukha ni Neela nang bigla na lamang niyang na-imagine ang mukha ni Santiago sa pagitan ng kanyang mga hita. Diyos ko, ano ba naman itong naiisip niya?! Bakit naman nagiging mahalay na ang utak niya?! She was about to tell something to Bechay when Santiago's car parked in front of the house. Nataranta bigla si Neela lalo nang makita ang madilim na ekspresyon ng amo. Ayaw na ayaw ni Santiago na nakikipagkwentuhan siya sa ibang taga-village! "S-Sir Santi--" "Get the f**k inside," galit nitong sabi. Takot na bumuntot si Neela sa amo. Pagkapasok sa loob ng bahay ay halos mapatalon siya matapos nitong isara ang pinto sa pagalit na paraan. "Sir, hindi ko ho sinasa-" "How many times do I have to tell you to stay inside this house unless I f*****g told you to get out?!" his voice thundered. Nanginginig na hinawakan ni Neela ang sarili niyang kamay. "Sir, hindi naman po matagal. Nagtapon lang po ako ng basura-" "I don't care! Bakit ba palagi mo na lang pinaiiral 'yang katigasan ng ulo mo?! Kung hindi ka lang gusto ng mga anak ko, matagal na kitang sinesante dahil sa-" Natigil ang sinasabi ni Santiago nang makita ang pagpunas ni Neela ng kanyang luha. Hindi naman niya gustong magdrama. Sadyang ayaw na ayaw lang niya kapag ganitong sinisigawan siya ni Santiago. Tumalikod si Santi. He ran his fingers onto his hair as he let out a heavy breath. Ilang segundo rin silang binalot ng katahimikan bago ito nagsalita sa mas malumanay nang tinig. "Don't ever do that again. Wala kang kaibigan sa village na 'to kaya wala kang pagkakatiwalaan kun'di ako." Malamig ang ekspresyon ni Santi nang titigan ang luhaan niyang mga mata. "Don't make your innocence be the reason for this family to be in grave danger, dahil oras na mapahamak ang mga anak ko, sinisiguro ko sa'yong matitikman mo ang galit ko." Neela pursed her lips then nodded. "O-Opo. S-Sorry po." Santi sighed. Maya-maya ay dinukot nito ang panyo sa bulsa at iniabot sa kanya. "Now wipe your tears and get the envelope in my study. I have to bring it to Rome myself." She sniffed before she nodded. "S-Sige po." Pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang panyo saka siya nakayukong naglakad para sundin ang utos nito ngunit bago pa man siya nakalayo ay muli siyang tinawag ni Santi. "Neela." Nilunok ni Neela ang bara sa kanyang lalamunan saka niya nilingon ang amo. "P-Po?" Santiago sighed. "I'm sorry . . ." Neela's heart swelled after seeing how guilt flickered in Santiago's eyes. "I love you, too po," wala sa sarili niyang sabi matapos matitigan ang gwapong amo. Kumunot ang noo ni Santi. "What the f**k did you say?" Napakurap si Neela nang matauhan. "H-Ho? Ay, ay, ay mali ba, Sir? Hindi ba . . . hindi ba I love you ang s-sinasagot? S-Sorry po hindi pa talaga ako gaanong maalam sa Ingles," pagdadahilan niya kahit na pulang-pula na naman ang kanyang mukha dala ng hiya. Santiago grunted. "Napakabilis magbago ng mood mo," he murmured before heaving a sigh. "Just get what I need." Tumango na lamang si Neela saka na nagtungo sa study room para kunin ang envelope. Nang madampot iyon ay hinaplos pa niya saka siya bumuntonghininga. "Sana next time, kailanganin na rin ako ni Sir para lumigaya ulit ang puso niya para kahit magalit siya sa'kin, pwede akong magtampo tapos lalambingin niya ako hindi basta sorry lang," parang siraulo niyang pagkausap sa envelope. Humagikgik pa siya sa kagagahang naisip ngunit maya-maya ay bigla siyang napahinto nang may naalala. Her face turned pale and her heartbeat stopped as she slowly tilted her head to look at the CCTV camera in the corner ceiling. That thing can record sound, right? Malakas na napalunok si Neela habang nakatitig sa camera. Patay . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD