"PASENSYA ka na talaga, Ma'am," anang yaya ng anak ni Neela. Hindi kasi nito maaalagaan ngayon si Tia dahil malala ang trangkaso nito. May importante pa namang meeting ngayon na kailangang puntahan ni Neela. Even Lennon and Rome are both busy so she had no choice but to bring Tia to the office. She smiled. "Ayos lang po. Magpahinga ka na lang. Ako na ang gagawa ng naiwang gawaing bahay pagkauwi ko." "Ay, naku Ma'am huwag na. Ako na." "Ya, para namang hindi ako nagsimula sa pagiging katulong? Sige na ho, magpahinga na lang kayo. Huwag na kayong makulit." Napangiti ito na tila naantig ang puso sa sinabi niya. "Thank you, Ma'am ha? Sana kapag nakawala ka kay Ma'am Amanda, kunin mo pa rin ako. Kahit mas maliit na ang bayad, ayos lang." Her heart warmed. Maybe because she knew despite eve

